Broken Hearted

1354 Words
Mon's POV Narinig kong tumunog ang telepono ni Dave habang pababa kami ng eroplano. Kahit hindi ako magtanong, alam kong si Darcy na ang tumawag sa kanya. “Nandiyan na daw siya. Can’t wait to see my baby sister,” masayang – masayang sabi ni Dave. Napangiti rin ako. Kahit pa nga parang sugatan na ang puso ko, masaya pa rin ako dahil makikita kong muli si Darcy. Pagkakuha naming ng maleta ay sumabay na kami sa agos ng maraming tao na naglalajad papunta sa arrival area. Huminto kami sa lugar kung saan sinabi ni Darcy na maghintay kami. Pakiramdam ko ay tumalon ang puso ko ng makita ko siya sa karamihan ng mga taong naroon. Sampung taon. Sampung taon akong nagtiis na hindi siya makita. Miss na miss ko siya. Nakangiti siya at nakangiti sa gawi namin habang naglalakad na papalapit. Parang slow motion ang lahat. Wala akong ibang nakikita sa paligid ko kundi si Darcy lang na naglalakad papalapit sa amin. That face. She is more beautiful now unlike the last that I saw her. Mukha pa siyang neneng – nee noo. But now, she is already a full grown woman. Medium built, curves in the right places. Her long beautiful hair. Her beautiful face. Napapikit na lang ako. Nagkakasala na yata ako dahil kung ano – ano na ang pumapasok sa isip ko na ginagawa namin ni Darcy. Gusto ko siyang salubungin ng yakap at halikan. Pero ng malapit na ito sa amin ay bigla ring nawala ang saya na nararamdaman ko. Sa likuran ni Darcy ay nakasunod ang lalaking kanina lang ay pinag – uusapan namin ni Dave. “Welcome back, kuya. I really missed you,” narinig kong sabi ni Darcy ng makalapit sa amin. Mahigpit itong yumakap sa kapatid. “I missed you too my baby sister,” sagot naman ni Dave. Nakita kong humiwalay si Darcy sa kapatid ay tumingin sa gawi ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong kaligayahan ng yumakap siya sa akin. “I also missed you, Mon. Thanks for taking care of my brother,” sabi niya sa akin. Ngumiti lang ako at napatingin ako sa lalaking kasama niya na nakatingin sa akin. “Don’t you know how to greet a relative, Mon?” narinig kong sabi ni Mark sa akin. Pinilit ko na lang na ngitian siya kahit pa nga gustong – gusto ko na siyang suntukin lalo na ng umakbay ito ka Darcy. “How are you Mark?” iyon na lang ang nasabi ko. “Never been happy,” sagot niya at tumingin pa kay Darcy. “Well, we are all happy to see each other. Pagod kami pareho ni Mon and gusto na namin na makauwi at magpahinga,” narinig kong sabad ni Dave at nagpatiuna ng maglakad. Alam kong hindi niya gusto ang bagong boyfriend ng kapatid pero wala naman itong magagawa dahil nasa edad na ang kapatid nito. Habang biyahe pauwi ay panay lang ang kuwento ni Darcy kung ano ang nangyayari sa kanya. Sa business niya. Sa mga kaibigan niya. Masaya naman akong nakikinig sa mga kuwento niya habang si Mark ay nagmamaneho ng sinasakyan naming at pasingit – singit sa mga sinasabi ni Darcy. Nalaman kong anim na buwan na dawna in a relationship ang dalawa. Nagkakilala sa isang meeting ng mga supplier ng RTW ni Daryc. Kaibigan daw ni Mark ang business contact ni Darcy sa Hongkong. “Ikaw Mon, kamusta ka na? Ang tahi – tahimik mo naman. Parang naninibago ako sa iyo,” narinig kong baling ni Darcy sa akin. “Tahimik ‘yan dahil malungkot siya at naiwan niya doon ang girlfriend niyang si Joanne,” sabad ni Dave na katabi ko sa backseat. Kahit pala nakapikit ito ay nakikinig ito sa usapan namin. “Joanne is only a friend. Wala akong girlfriend,” depensa ko agad. Ayaw akong maisip ni Darcy na may girlfriend ako. Nakita kong ngumiti si Darcy at nanunukso ang mga mata habang nakatingin sa akin. “Hindi ka pa rin talaga nagbabago Mon. Babaero ka pa din,” at napatawa pa ito. “Hanggang ngayon hindi ka makalimutan nung high school friend ko na si Janine. Talagang matindi ang tama noon sa ‘yo. Iyak nga ‘yun ng iyak nung binasted mo,” at napahagikgik pa ito. Natawa din ako ako ng maalala ko ang babaeng sinasabi nito. Si Janine ang high school friend noon ni Darcy na talagang matingin ang tama sa akin. Iyon na nga ang nanliligaw sa akin pero hindi ko pinapansin dahil iisa lang naman ang gusto ko. At iyon ang babaeng nasa harap ko ngayon. “Sa dami ng pinaiyak niyan noong college pa kami, malamang kalahati ng mga babae sa Amerika ay naging mga chicks ‘nyan,” narinig kong sabad ni Mark. Pilit na ngiti lang ang isinagot ko sa sinabing iyon ng pinsan ko. Iyon lang ang tingin ng mga tao sa akin pero sa totoo lang, iisang babae lang ang nagmamay – ari sa puso ko. “Napakaraming naging babae niyan sa Amerika. Lahat na yata ng lahi doon ay naging syota niyan. Ewan ko ba naman kung bakit walang maging matagal na girlfriend. Lahat puro pang isang linggo. Hindi kaya lalaki talaga ang gusto mo?” natatawang sabi ni Dave sa kanya. Umayos na ito ng upo at nakisali na sa usapan namin. “Gago ka Dave. Wala pa lang talaga akong magustuhan,” sagot ko at tumingin sa gawi ni Darcy. Nakita kong nakatingin din siya sa akin at nakangiti. Hindi ko maintindihan ang kilig na nararamdaman ko. Gustong – gusto kong matunaw sa ngiti na iyon. Pakiramdam ko ay para akong teenager na nakikita ang crush ko. “Eh, sino ba talaga ang gusto mo Mon? Tanda mo na ‘no. Kayo ni kuya. Dapat mag – asawa na kayo,” sabi pa ni Darcy. Ikaw. Ikaw ang gusto. I want you to be my wife. I want you to be the mother of my kids. I want you to be with me forever. Pinigil ko ang sarili kong masabi iyon. Ngumiti na lang ako. “Teka nga, bakit ako ang kinukulit ‘nyo? Si Dave, matanda na rin naman ‘to pero ayaw pang mag – asawa. Pareho yata kaming lalaki ang gusto,” nagbiro na lang ako para mawala ang atensiyon ni Darcy sa akin. Baka kasi hindi ako makapagpigil at bigla ko na lang mahalikan. “Naku, siguro nga. Hindi kaya may namumuo ng bromance sa inyong dalawa?” sabi pa ni Darcy. Narinig kong napahalakhak si Mark sa narinig. “Hindi ko ma – imagine na bakla ka, Mon. Parang ang sagwa,” natatawa pang sabi nito. Ngumiti na lang ako at sumakay sa nangyayari. “Mon, gusto mo i – set kita ng date kay Janine? Nabanggit ko kasi sa kanya na uuwi ka na kaya kinikilig na ang gaga,” sabi pa ni Darcy sa akin. Napatingin ako kay Dave at napailing lang ito at muling pumikit. “You know my sister. She loves playing cupid,” sabi nito. “Sige na. Pumayag ka na. Sobrang patay na patay sa iyo ‘yun. Saka ang ganda – ganda ni Janine ngayon. Ang seksi pa. Print ad model ‘yun. Bagay na bagay kayo sigurado,” pagbi – build up pa ni Darcy sa kaibigan. Ngumiwi lang ako at umiling. “Bro, Darcy is telling the truth. That chick Janine? Pamatay ang katawan ‘nun,” sabi pa ni Mark. “Ah, ganoon?! So, tinitingnan mo pala si Janine?” kunwa ay nagseselos si Darcy at kinurot kunwari sa tagiliran si Mark. Alam ko naman na paglalambingan lang ito ng dalawa at pakiramdam ko ay literal na sinasaksak ang puso ko. ‘Tang ina ang sakit! Lalo lang parang piniraso ang puso ko ng makita kong hinawakan ni Mark ang kamay ni Darcy. Ngayon ay magka – holding hands na ang dalawa. Hinalikan pa ni Mark ang kamay ni Darcy. Gusto ko ng tumalon sa palabas ng kotse at magpakamatay na lang. Hindi pa man ako nagtatapat kay Darcy, broken hearted na agad ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD