Know your guy

1523 Words
Malakas na tunog ng cellphone ang gumising sa akin. Inaantok pa ako at naiinis na tumingin sa relo. Damn. It’s only six o’ clock in the morning. Alas tres na kami nakauwi kagabi at iilang oras pa lang ang tulog ko. Inis kong kinuha ang cellphone ko at nakita kong si Janine ang tumatawag. May anim na missed calls na rin siya sa akin. “What? Istorbo ka,” sabi ko at muling nahiga. “Dumating na ba si Mon?” tanong niya sa akin. “I don’t know. Kayo ang magkasama ‘di ba?” balik – tanong ko. “Hinatid ‘nya lang ako tapos umalis din agad. May pupuntahan pa daw kasi siya,” dama ko ang disappointment sa boses ni Janine. “I took his number pero tinatawagan ko hindi naman sumasagot,” sabi pa niya. “Baka nagkita sila ni kuya. Umalis din kasi si kuya kagabi at may pupuntahan din daw,” nakapikit na sagot ko. Inaantok pa talaga ako. “I – set mo naman ulit ako ng date. ‘Yung kaming dalawa lang,” sabi niya. Napatirik ang mata ko. Doesn’t she know when to stop? I helped her already. “Inaya ka na nga niya kagabi ‘di ba? ‘Di mo pa sinamantala,” may halong inis na sabi ko. “Biglang ngang umalis. Niyayaya ko sa loob ng unit ko pero tumanggi. May lakad pa daw siya. Wala naman siyang girlfriend ‘di ba?” tanong pa niya. “Oh, please. Patulugin mo muna ako. Puyat na puyat pa ako. Magbubukas pa ako ng shop ko mamaya,” reklamo ko. “Eh, sige na. Tanong lang siya ng tanong tungkol kay Mark. Mukhang pinapabantayan ka ng kuya mo,” sabi pa ni Janine. Doon na nawala ang antok ko. “What do you mean tanong ng tanong tungkol kay Mark?” “Kung loyal daw ba sa iyo si Mark? Ewan ko dun’. Hay nako, ayusin mo na ‘yan si Mark ‘no. Mukhang magkakaproblema ka at parang hindi talaga boto ang kuya mo sa lalaking iyon,” dugtong pa niya. Hindi ako nakakibo. Kaya pala halatang – halata kay kuya na naiinis siya kagabi. Hindi nga niya kinakausap si Mark at hindi na siya nagtagal. Umalis din siya agad. “Darcy, tulungan mo na ako kay papa Mon, ha? I’ll do anything you will ask from me,” pakiusap pa ni Janine. Napahinga na lang ako ng malalim at inis na napakamot ng ulo. “Oo na. Sige na. Matutulog muna ako,” pagtataboy ko sa kanya. Narinig kong napa – yehey si Janine at pinatayan ako ng telepono. “s**t,” mahina kong sabi at napahiga sa kama. Pero hindi na rin ako nakatulog. Halata ko naman kay kuya na talagang ayaw niya kay Mark. Pero bakit ba? Mabait naman si Mark. Hindi pa lang siguro niya nakikilala ng husto ang boyfriend ko. Inis akong bumangon at nagbihis. Pagbaba ko ay tuloy – tuloy ako sa kusina at naabutan ko sa kusina si Mon na nagluluto. “Good morning, Mon.” bati ko sa kanya at naupo ako sa harap ng mesa. “Morning,” tanging sagot niya sa akin at ipinagpatuloy niya ang pagluluto. “Aga mo gumising. May lakad kayo ni kuya?” tanong ko pa. Kailangan kong malaman sa kanya kung pinapabantayan nga ako ng kuya kong magaling. “Umalis na ang kuya mo. May puntahan daw siya sa Makati,” sabi pa niya. Napalabi ako. Bakit parang kakaiba? Ang cold talaga niya. Bakit parang ang sungit? “Uy! Anong nangyari sa inyo ni Janine kagabi? May date kayo ulit?” pangungulit ko. Binitiwan ni Mon ang hawak na sandok at pinatay ang kalan tapos ay humarap sa akin. Seryosong – seryoso ang mukha niya. “Stop playing cupid with me and Janine because I don’t like your friend. Huwag mo siyang paasahin na may pag – asa kami,” may halong inis na sabi niya. “Bakit ba ang sungit mo? Nagtatanong lang naman ako,” naiinis na rin ako sa kanya. I know Mon is really pissed. Kunot na kunot talaga ang noo niya at para siyang manununtok ng tao. “Kung badtrip ka huwag mo naman akong idamay. Aga – aga ganyan ka,” sabi ko pa sa kanya. Nakita kong huminga ng malalim si Mon at umiling. “Just know your f*****g guy,” tanging sabi niya at iniwan na ako. Problema ‘non? Parang tanga. Aga – aga ang sungit – sungit. Saka anong f*****g guy ang pinagsasasabi niya? Si Mark ba ang tinutukoy niya? Pinsan naman niya iyon. Hindi ba niya kilala ang pinsan niya? Inis akong tumayo at tiningnan ang niluluto niya. Para akong natakam. Pork steak. Kahit naiinis ako sa kanya kakainin ko ang niluto niya dahil nagugutom ako. -------------------------------------------///// “Stupid. Stupid! I am f*****g stupid!” inis na sabi ko nang makapasok ako sa kuwarto ko. Pabagsak kong inihiga ang sarili ko sa kama at pumikit ng mariin. Ang tanga ko. Bakit ko ba nasabi iyon kay Darcy? Hanggang ngayon naiinis pa rin kasi ako dahil sa nangyari kagabi. Umuwi na nga lang din ako agad pagkatapos kong ihatid si Janine kahit pa nga kulang na lang ay hilahin niya ako papasok sa condo unit niya. Talagang siya na ang nagpapakita ng motibo sa akin na gusto niyang may mangyari sa amin pero talagang hindi ko siya gusto. Ayokong gawin ang bagay na iyon na napipilitan lang ako. Hindi rin naman ako nakatulog agad kagabi ng makauwi ako kaya alam ko pang madaling – araw na ng umuwi si Darcy kasama si Mark. I saw them together kissing and I wanted to punch my cousin’s face and break all the bones in his body. Niloloko lang niya si Darcy kaya wala siyang karapatan na halikan ito. Napatingin ako sa pinto dahil narinig kong may kumakatok. “Mon. Buksan mo naman ang pinto,” narinig kong si Darcy iyon. Kahit naiinis ako ay hindi ko kayang hindi pansinin si Darcy. Alam kong nagtataka siya sa mga akto ko. Nakangiti siya sa akin ng buksan ko ang pinto. May hawak siyang rice bowl na may pork steak and sauce sa ibabaw. May dala din siyang juice. “Peace offering ko. Alam ko nagagalit ka sa akin kasi ipinipilit kita kay Janine,” nakayukong sabi niya. Napahinga ako ng malalim. She doesn’t have any idea kung bakit ako nagagalit. Ang alam niya ay dahil sa pagse – set up niya ng date namin ni Janine. s**t. Just looking at her face, I wanted to kiss her. I wanted to hug her so tight. I can’t stay mad at her. I love her so much na kaya kong tanggapin lahat ng ginagawa niya. “Sige na. Bati na tayo. Naaawa lang naman ako kay Janine. Imagine, ang tagal – tagal ka ng gusto ‘nung tao. Kulang na lang siya na ang manligaw sa iyo,” sabi pa niya sa akin at nahiga sa kama ko. Umupo lang ako sa couch na naroon at sinimulang kainin ang pagkain na bigay niya. “Seriously, why are you so pissed? Kagabi ka pa ganyan. Wala ka namang mens,” natatawa pang sabi ni Darcy. Natawa rin ako sa sinabi niya. “I just hate it when someone is cheating on their partners,” iyon na lang ang nasabi ko. Kumunot ang noo niya. “Bakit? Did something happen?” Umiling lang ako at ngimiti sa kanya. She doesn’t have any idea of what I am talking about. “May nakita lang ako kagabi sa bar. ‘Yung nagme – make out sa restroom. I saw the guy has a girlfriend inside and iba ang kasama niya sa restroom. Naaawa lang ako ‘dun sa babae,” sabi ko. If only I can say the truth to her. Ayoko naman na sa akin manggaling iyon although malaking advantage iyon on my part. Pero lalaki ako at hindi ko yata kayang makitang nalulungkot si Darcy. “Kaya pala mainit ulo mo kagabi,” tanging nasabi niya. Tumango lang ako. “Sige, para mawala inis mo, samahan mo na lang ako sa Makati mamayang gabi. Meron lang ako ka – meet na supplier. Busy daw kasi si Mark at gabi pa siya makakalabas. Si kuya naman, hindi ko maisasama sa mga ganun. Tamad daw siya. Ikaw na lang if ‘di ka busy?” sabi niya sa akin. I felt my heart skipped because of joy. Is this a date? Makakasama ko si Darcy na lumabas. Kaming dalawa lang. I remained calm para hindi siya makahalata. “Sure. Sige. Wala naman akong ginagawa pa,” tanging sagot. Ngumiti siya at tumayo na tapos ay tinungo ang pinto. “Treat mo ako, ha? Dapat bumawi ka sa akin dahil sinungitan mo ako,” sabi pa niya at lumabas na. Matagal ng nakalabas si Darcy pero parang tanga lang akong nakangiti at nakatingin sa pintong dinaanan niya. Darcy! Kung puwede kong isigaw. Mahal na mahal kita!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD