His motive

1072 Words

“Tagal naman ni Libby,” narinig kong inip na sabi ni Darcy sabay tingin sa relo niya. Magkakalahating oras na rin kaming nandito sa Ramen Nagi sa Greenbelt at hinihintay ang supplier niya. “Tawagan mo na lang,” sabi ko. “Hindi nga sumasagot. Anong petsa na,” at sumimangot pa ito. Lihim akong napangiti dahil ang cute – cute niya. Maya – maya ay nakita kong may kinawayan si Darcy kaya napatingin din ako doon. Babae iyon na papalapit sa lugar namin. Ito na siguro ang supplier na sinasabi niya. “Sorry girl. Super traffic diyan sa Ayala. Hindi ko naman masagot ang calls mo at baka mahuli ako ng mga enforcers,” sabi ng babae at naupo sa mesa namin. “Oo nga. Ang tagal – tagal mo,” sagot ni Darcy at kinuha ang planner sa bag niya. “Boyfriend mo?” sabi ng babae at inginuso ako. “Po

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD