Maayos ang kanilang pag-uusap kagabi ng apo ni don, ngunit ang kaba ni kallisa ay hindi mapalagay, pasalamat nalang siya ng hindi ito nag-usisa pa sa kanya. Maagang gumigising si Kallisa upang mag bis-bis ng mga halaman. Ito ang nakasanayan niya, uuwi sa Linggo at trabaho naman mula Lunes at sabado. Ang linggo lang ang rest day niya minsan pa ay ayaw niyang umuuwi lalo na nanghihinayang siya sa extra na pasweldo.
Habang nagdidilig si Kallisa ay panay sulyap naman ang binatang si Lucian, dahil nagagandahan talaga ito sa babae. Habang si don naman ay panay sulyap rin sa apo na nakatingin sa dalaga, “Oh! Type niya?” Asik pa ng don sa isip. Nakatitig ang binata ng biglang—“Oh! s**t!” Asik niya at agad bumaling sa ibang direksyon, pano naman kasi ay bigla lang itong yumuko at hulmang-hulma ang pang-upo nito na nakapagpatigas agad sa kanyang sandata, “s**t! Mag ka kamay na naman ako nito.” wika nito sa isip. Ang lolo naman ay naguguluhan sa nakita, bigla bigla lang kasing umalis ang apo. Hindi nalang ito pinansin at umalis nalang din at nag pa-plano na mag bakasyon sa malapit na resort. Gusto niyang makapiling ang mga apo bago paman siya mawala sa mundo.
“Glenda?” tawag niya sa asawa na nag babasa ng dyaryo. Agad itong bumaling sa kanya at kunot-noo pa ito dahil sa na disturbo sa pagbabasa. “Honey, kung mag resort kaya tayo ngayon? habang andito pa ang mga apo natin?” suhestiyon niya sa asawa. Hindi agad umimik ang asawa dahil pinag-isipan muna ito kung maganda ba ang plano ilang sandali pa ay—“Lo! I'm not going.” sambit ng binata na si Lucian.
Agad naman kumunot ang noo ng don dahil sa wika ng apo, “Aba! Lucian apo, hindi ko naman sinabing isama ka namin.” wika ng don at tinignan ng masama ang apo. Lumunok ng laway ang apo ng don bago nag salita, “Im busy la, please tell lolo that I'm not going.” wika nito at sabay talikod. Habang ang don ay tulala dahil sa biglaang pag iba ng exprisyon ng apo. “Nakita mo yon Glenda? Aba sinasagot na ako ng batang yon.” natatawang wika ng don at agad tumabi sa asawa na masama narin ang tingin. “Ano ba kasi ang pumasok sa isip mo at naisipan mong mag resort bigla.” inis na sambit ng donya. Lumungkot naman kaagad ang mukha ng don at sabay tingin sa asawa, “G-gusto ko silang makasama habang buhay pa ako honey…” wika nito at sabay pahid sa luhang tumulo bigla. Tulala naman ang donya dahil sa narinig mula sa asawa, “Ano iyang pinagsasabi mo Rafael?” wika ng donya at pilit tinatagan ang loob. Aware silang pareho na hindi nga magagamot ang sakit ng don dahil nasa stage four na ang cancer nito at limit nalang ang buhay.
“Just in case lang naman honey, hindi ko naman sinasabi na bukas e, wala na ako.” natatawang wika ng don, ngunit hindi ito katawa-tawa sa tainga ng donya. Dahil sa galit ay piningot nito ang tainga at kinaladkad palabas ng sariling silid nila. “Honey! Masakit!—Ouch!” Reklamo ng don at sabay haplos sa tainga kung saan ito piningot ng asawa. Hindi na ito makakapasok ulit dahil pinagsarhan na ito ng pinto.
Habang si Lucian naman ay tahimik lang na pinagmasdan ang don na hinahaplos ang tainga nito, rinig na rinig niya ang pinag-usapan ng mga ito at kahit siya ay gulat dahil sa binanggit ng don. Naka-kuyom ang mga palad ng tinungo niya ang ama at ina na masayang nag uusap sa veranda, “You two, know something about don right?” walang paligoy-ligoy niyang tanong. Kumunot naman ang noo ng ama dahil sa biglaang tanong ng anak at wala man lang pagbati, “Know something? Like what?” balik na tanong ng ama. Mas lalong nag ngitngit ang anyo ni Lucian at pansin ito kaagad ng ama kaya ito na nag nagpakumbaba, “What do you want to know?” tanong nito at binaba ang
tasa na hawak-hawak nito. “Something about his health condition.” wika ng binata at huminga ng malalim, wala siyang rason na pagalitan o pagbintangan ang ama.
Gulat naman ang rumehistro sa mukha ng ama, kaya't pagtataka agad ang nasa mukha ng binata, “You didn't know about his health condition?” taka na sambit ng binata at hindi na maipinta ang kanyang mukha na tinitigan ang ama. “I don't know because everytime the family doctor came here, ay hindi ito nagsasabi tungkol sa lagay ng don.” Wika ng ama at inisip kung ano nga ba ang posibilidad na maging sakit ng ama. Walang imik na umalis si Lucian at bumalik sa silid nito upang tawagan ang personal niya na imbestigador o si kaya'y ang personal nilang doctor. Kung kakailanganin na takutin ito para mag salita ay gagawin niya. Kahit pa ay minsan silang nag-aaway ng don ay hindi niya naman gusto na mawala ito lalo na ay ito lang ang naging malapit sa kanya ng lubos ng mawala ang ina nila, tunay nilang ina.
Habang si don ay nakatulala habang nakatanaw sa kalangitan ng biglang—“Don.” wika ng dalaga na si Kallisa. Nakita niya kasi ang amo at nakatulala ito na nakatingin sa kalangitan. “Iha?” wika ng don at sabay baleng sa kakadating na katulong. Huminga ng malalim si Kallisa bago nagtanong. “Anong problema po? Nakatulala po kayo e.” tanong niya, hindi naman sa nanghimasok siya sa buhay ng ibang tao ngunit malapit na sa kanya ang don, kaya gano'n nalang din ito makapag-alala.
Tumawa ng mahina ang don bago sinagot ang dalaga, “I'm okay iha, I'm just wondering what will happen when I'm gone.” Don randomly said. Agad naman nabaling ng dalaga ang tingin sa don at nakakunot agad ang noo nito. “M-may sakit ka po'ba?” tanong dalaga.
“Matatawag ngang ganon iha, kahit ganon naman talaga ang sakit ko'y hindi na pwedeng magamot.” wika nito sa dalaga habang ang kasunod ay sa isip nalamang sinabi.
Nakaramdam ng lungkot ang dalaga sapagkat, naawa siya sa matanda noon ay ito lamang ang nagpapalakas lagi ng loob niya kahit pa ay hindi niya ito kadugo. “Magiging maayos ka rin don, trust the god.” wika ng dalaga at patagong nagdasal sa panginoon upang dinggin ang kanyang hiling at dasal.
“Salamat sa pag-alala iha,” nakangiting sambit ng don at t-nap ang katabing upuan upang mag kwentuhan muna saglit.
Habang ang binatang si Lucian ay nakatago sa mga halaman at nakatingin sa don at babaeng katulong, “Hindi nakuntento sa sweldo at pineperahan ang don?” wika nito sa isip. “Mga babae nga naman, kapag wala talagang pera ay hahawak sa patalim.” dagdag pa nito at agad umalis sa pinagtaguan at bumalik ulit sa silid upang matawagan ang personal na imbestigador at ang personal nilang doktor.
Habang ang dalawa ay nagtawanan dahil sa mga kwento ng don, nakangiti namang nakatingin si Glenda sa asawa, bagamat ay nag alala ang donya dahil sa kalagayan ng kalusugan ng asawa ay sapat narin sa kanya na nakikita niya itong ngumiti, alam nito kung ano ang nasa pagitan ng asawa at ang dalagang katulong, minsan na itong pinagtalunan nilang dalawa ngunit ang laging sagot ng asawa ay, “Huwag mag alala ay apo lamang ang kanyang isip sa dalaga,” Tumatawa siyang lumapit sa dalawa na agad namang ikinagulat ng dalaga, sanay na ang donya sa laging gulat na ekspresyon ng dalagang si Kallisa, gusto niya ito para sa apo na si Lucian dahil ramdam niyang maalagaan nito ang apo dahil kakaiba ang kakayahan ng dalaga.
“Iha, ano sa tingin mo sa apo kung si Lucian?” biglang tanong nito. Agad naman naiwan ang ngiti ng dalaga sa ere, dahil sa biglang tanong ng donya. “P-po? Si sir Lucian po?” Utal niyang sambit. Tumango lamang ang donya, “D-donya naman e, imposible po ang tinatanong niyo.” depensa agad ng dalaga. Kaya natawa ang donya, “Ang tanong ko lang naman iha, ano ang tingin mo sa apo ko.” natatawang wika nito at hininto nalang ang kanilang pinag-uusapan.
Nagsibalikan na sila sa loob ng mansyon at naabutan nito ang mga taong busy kababa sa mga maleta. Ang mukha naman ng don ay hindi maipinta, “Aalis kayo?” tanong nito at tinignan ang apo na si Lucian dahil ito ang mas malapit. “Pa, magbihis na kayo at aalis na.” wika ng anak nitong si Timothy. Umaliwalas naman kaagad ang mukha ng don at pumalakpak ba dahil sa tuwa. Habang ang asawa nitong ngumiti lamang sa anak. Naglakad na si Kallisa papasok sa kusina upang ihanda ang mga gamot ng mga matandang amo.
Pagpasok niya ay agad siyang sinundan ni Lucian. “Ano ang relasyon mo sa lolo ko?” walang preno na tanong ng binata. Agad namang na ikunot ng dalaga ang kanyang noo dahil sa naging tanong ng binata. “What are you talking about sir Lucian?” Gulo na wika ng dalaga at pinagpatuloy ang paghahanda ng mga gamot. “Don't give me innocent look ms. Villarica.” matigas at malamig nitong wika. Hindi na napigilan ng dalaga ata had niya itong hinarap kahit pa ay na duling ang kanyang mata dahil sa sobrang lapit ng binata sa kanya, “Kung tinatanong mo kung bakit ako malapit sa lolo mo ay, personal ko'na iyon sir at siyempre pwede mo rin tanungin mismo ang lolo mo, excuse me po.” wika ng dalaga at iniwan ang binata na nakanganga, hindi makapaniwala na sinagot siya sa isang katulong. “Don't talk to me like that, I'm also your boss here.” matigas na sambit ng binata bago niya nilagpasan ang babae na naka kunot-noo dahil sa sinabi ng binata.
Badtrip na nakaupo ang binata sa sofa at hinintay ang mga ito, habang ang kapatid ay nakataas ang kilay, dahil biglang naging bad mood ang kapatid, “Kuya, what's the problem?” concern nitong tanong ngunit hindi nabago ang nakataas na kilay. “I'm okay, just don't mind me here.” sambit nito at salubong ang kilay na nakatingin sa selpon at binabasa ang impormasyon tungkol sa babae. Dalawa nalang ito kasama ang kapatid na nag-aaral, walang mga magulang at mag-isang tinaguyod ang kapatid. kunot ang noo ng binata dahil malimit lang ang impormasyon, kaya't agad niya itong sinabihan ang tauhan na kailangan niya Yong mas malalim na impormasyon. Pagkatapos ay napatingin siya sa babae na nakatayo sa di kalayuan at tinignan ito mula ulo hanggang Paa, “Kuya, baka matunaw ang babae.” bulong ng kapatid. Kaya agad niya itong tinignan ng masama at ang kapatid naman ay natatawa na tinakpan ang bibig at pasimpleng tinignan ang katulong na si Kallisa.
Ilang sandali pa ay—“Let's go?” masayang sambit ng Don at tinignan ang dalagang si Kallisa, "Iha, bakit hindi ka'pa nakabihis?” tanong nito sa dalaga. Kumunot naman ang noo ni Kallisa at naalala ang naging tanong ng binata, "Don, hindi po ako sasama, kayo po talaga, mag enjoy po kayo.” wika niya at inilahad ang gamot na hinanda niya kanina. "Okay kalang ba rito na ikaw lang ang mag-isa? Sasama kasi si Charice alam mo naman yon.” bibong wika ng Don. tumango lamang ang dalaga at agad hinatid ang mga ito sa labas ng mansyon. Habang ang binata at tahimik lang at nag-iisip ng kung ano-ano
Hindi naman malayo ang napiling resort kaya mabilis lang silang nakarating, pagkababa ng iba ay hindi bumaba ang binata, “Apo? hindi ka pa'ba bababa?” tanong ng lolo niya. "I'm sorry Lo, emergency came up.” rason nito kahit pa ang totoo ay wala naman talagang emergency. Hindi na umangal ang Don dahil sanay naman ito na hindi talaga ugaling sumasama ang apo sa ganitong mga plano, unless nalang ay may ka business meeting ito.