C-1 OFFER
Ako si kallisa Villarica isang babaeng mag-isang tinaguyod ang kapatid na merong sakit. Dahil wala na kaming mga magulang, iniwan kami at ang malala pa ay nag-iwan sila ng utang sa ibat ibang tao. Dagdagan pa sa kapatid kong naghihingalo sa loob ng hospital na kailangan kaagad ma-operahan, hindi ko naman kayang mawala ang nag-iisa kong kapatid, dahil kami nalang dalawa ang naiwan tapos iiwan ko'pa ang nag-iisa kong kapatid? Wala na akong ibang maisip dahil kung mag tatrabaho lang ako doon sa mga gilid-gilid lang ay hindi ko maipon kaagad ang siyam na raang-libo.
Ang kailang ko ngayon ay Siyam na raang-libo upang pambayad sa operasyon ng kapatid ko. Hindi pa kasama riyan ang reseta ng gamot nito pagkatapos sa operasyon. Naghahapong napa-upo ako sa gilid ng kalsada, tumutulo ang mga luha kasabay ng mga pawis ko sa noo. Hindi ko alam kung saan ko hanapin ang siyam na raang-libo.
Habang umiiyak ako ay may takong akong nakita, nakayuko kasi ako at ang takong lang ang nakita ko, unti-unti akong tumingala upang makita kung kaninong takong iyon. Takong ng Isang babaeng sobrang kapal ng make-up pero maganda rin naman tignan, “Ano pong sainyo?” magaspang kong tanong dulot sa pag-iyak ko kanina lang.
Ngumiti naman ito at hinawakan ako sa balikat. “Anong iniyak-iyak mo riyan iha?” tanong ng babae at humithit pa sa sigarilyong dala nito.
Agad akong napa-tikip sa ilong dahil sa usok, “A-ah eh, kailangan ko'po kasing maka-hanap ng trabaho ate, may alam po'ba kayo?” Walang hiya-hiya kong tanong habang tinakpan parin ang ilong upang hindi malanghap ang usok ng sigarilyo.
“Tamang tama at kailangan ko'pa ng isa, baka gusto mo? Puntahan mo nalang ako diyan mamayang alas singko.” Sambit nito at inilahad ang isang business card at umalis ito.
Tinignan ko naman ito at binasa at napanganga nalang ako sa nakasulat ng card isa itong sikat na clubhouse.
Huwag niyang sabihin na ipapa-sayaw niya ako dito? Ngunit kung aayaw naman ako paano ang kapatid ko na nakaratay sa loob ng hospital at kailangan mabigyan agad ng gamot.
Bahala na basta matulungan niya ako sa mga kailangan ko para kay Kaleigh. Tumayo ako at nagsimulang maglakad patungo sa hospital kung saan si Kaleigh.
Habang papalapit ang oras ay mas lalo akong kinakabahan, “Kaleigh, mag tatrabaho muna si ate ngayon, iwanan nalang muna kita rito ha, si nurse Olivia muna ang bahala sayo.” wika ko sa kapatid ko na nakahiga at nakatutok lang sa libro nitong binabasa. Diyes anyos na ang kapatid ko kaya naiintindihan naman nito kung aalis ako tuwing umaga man o gabi.
Alas kwatro na kaya kailangan ko ng umalis, pagkalabas ko sa ward ay agad akong umalis at tinungo ang lokasyon ng club na nakasulat sa business card. Nilakad ko lang ito dahil apat na kanto lang naman ang layo mula sa hospital, wala rin akong pamasahe kaya kailangan ko talagang maglakad, kahit masakit parin ang paa ko dulot sa paglakad kanina ngunit hindi ko iyon pinansin at patuloy parin sa pag lalakad.
Distansya mula rito sa kinatatayuan ko at ang club na marami ng taong tumatambay sa labas. Ang iba pa ay naghahalikan na, tinakpan ko ang mga mata ko upang hindi makita, minor pa ako at sa susunod na Linggo pa ako mag eighteen pero kahit ganon ay dapat pa'rin akong umiwas sa mga ganyang bagay.
Hindi ako pinapasok ng bouncer kaya sinabihan ko nalang ito na may kailangan sa isang babae at sinabi ko na ako yong binigyan nito ng business card para makilala agad ako. Agad namang pumasok ang isang lalaki upang sabihin siguro sa babae na nakausap ko kanina na nandito na ako.
Hindi naman nagtagal ang paghihintay ko ng nakalabas ito at sobrang sexy ng suot nitong damit, kulang nalang ay maghubad na.
“Miss, ano pala ang magiging trabaho ko rito?” tanong ko agad.
Hindi maipinta ang mukha ng babae dahil sa nakitang suot ko. Isang maong na pantalon at puting tshirt na may mantsa pa sa ibaba agad itong mapapansin dahil malaki ang mantsa.
“Ano yang suot mo?” Nandidiri nitong tanong sakin.
Agad naman napakunot ang noo ko at napatingin sa sariling damit, “Pasensya na wala akong maayos na pamalit ngayon eh.” hinging paumanhin ko, alam ko naman na sobrang dungis akong tignan ngayon.
Bumuntong hininga ang babae at agad hinawakan ang braso ko, “Halika doon tayo sa opisina ko mag-usap.” wika nito at kinaladkad ako papasok sa club.
Nakayuko akong sumunod at pigil ang hininga upang hindi malanghap ang mga usok mula sa sari-saring brand ng sigarilyo.
Pumasok kami sa opisina at pina-upo ako sa silya, “Alam mo ba kung ano ang alok ko sayo?” tanong agad nito at umupo sa sariling silya.
Kumunot naman ang noo ko dahil sa naging tanong nito sakin. “A-ano po'ba?” Kinakabahan kong tanong.
Ngumiti ang babae at tumayo, may kinuha ito sa hunos ng lamesa at nilapag sa aking harapan, isang cheke kaagad na-milog ang mata ko dahil sa nakita, Isang milyon ang nakalagay doon sa papel. "P-po? A-ang laki naman po nito.” wika ko at mas kinakabahan.
“Of course, hindi ako nagbibigay ng maliit na halaga iha,” Sambit nito.
Alam kong hindi libre ang ganitong halaga kaya kailangan kong malaman kung ano ang kapalit. "A-ano po'ba ang kailangan kong gawin?” tanong ko.
Kaagad naman itong ngumiti ng kay-tamis, "Simply lang naman, kailangan mong painitin ang isang customer natin, malaki rin ang halagang binigay niya sayo.” kampanteng sambit nito.
Agad akong napatayo galing sa pagka-upo, “Ha? painitin? Ate hindi po ako ganon. Salamat nalang po.” Sambit ko at agad nilisan ang lugar na iyon.
Anong ibig-sabihin ng babae na painitin ko ang customer. Isa lang naman ang ibig-sabihin non.
Habang si Janice ay kampanteng nakaupo, dahil alam nitong babalik ito mamaya o bukas.
Hindi ko alam ang tamang maramdaman na-iyak nalang ako, hindi ako pwedeng pumunta sa hospital kung namamaga ang mata ko at kailangan ko'pang makahanap ng trabaho. Dahil alas sais palang ng gabi ay may mga bukas pang tindahan, palakad lakad ako at naghanap ng pwedeng pagkakitaan kahit kakarampot lang ay pwede na ngunit para akong pinagkaitan ng panahon at diyos dahil dalawang oras na akong naghahanap ay wala parin.
Habang naglalakad ako ay may nakita akong isang karenderya lumapit ako doon upang magtanong. Kung pwede bang mag-trabaho kahit ngayong gabi lang. Tulad ng nakasanayan ay sinasabi kong kailangan ko ng pera dahil para sa kapatid ko. Mabuti nalang ay mabait ang may-ari at pinayagan akong magtrabaho ngayong gabi dahil kulang sila ng trabahante.
Habang naghuhugas ako ng mga pinggan ay panay naman dada ang mga kasamahan ko kasi raw ganyan ganito e, alam ko naman ang mga gagawin hindi ko nalang iyon pinansin at pinagpatuloy nalang kung ano ang sinimulan.
“Ali! Pautang naman ako ng pagkain.” sambit ng isang lalaki, agad naman napataas ang kilay ko dahil sa sinabi ng lalaki.
“Anong utang? Ni hindi mo nga nabayaran ang utang mo isang Linggo na ang lumipas.” Asik ng amo niya.
Hindi ko nalang pinansin ang mga ito dahil wala naman siyang karapatan na mangialam, ngunit isang malakas na hampas ang narinig ko at taginting ng mga plato at kung ano-ano pang gamit para sa karenderya.
“Sumusobra na'yang bunganga mo! Akala mo naman masarap pagkain niyo!” Sigaw bigla ng lalaki at pinag wawasak ang mga pinggan.
Nakatayo lang sa ako gilid upang hindi masali ngunit bigla lang akong tinulak ng isang kasamahan ko kaya't napa hawak siya sa lalaki, galit ang mga matang napatingin ang lalaki sa kanya.
“S-sorry po ” Sambit ko at inilibot ang paningin upang mahanap kung sino ang tumapak ngunit wala siyang nakita, napasigaw nalang ako ng biglang hinablot ng lalaki ang buhok ko at binalibag sa kung saan.
Hindi maipinta ang mukha ko dahil sa sakit ng balakang. “A-aray.” ani ko'pa dahil sa sakit ng balakang.
“Iha, ayos kalang?” tanong ng amo ko at tinulungan akong tumayo.
“A-ayos lang po.” Sagot ko at pinag-pagan ang puwetan dahil sa dumi na kumapit nito.
May siren kaming narinig kaya agad na tumakbo ang lalaki upang tatakas ngunit awtomatikong sinipa ko ang lalaki sa likod kaya ito ang kung bakit ito nadapa at dinakip ng kapulisan. Kasalukuyan na kinausap ng pulis ang kanilang amo, kaya nasa gilid lang ako at tahimik na hinintay ang amo, wala na silang gagawin dahil sira na ang lahat ng gamit at ang mga pagkain ay nagkakalat na sa sahig.
“Iha, tatlong daan lang sayo ngayon, pasensya kana at kulang ito, alam mo naman ang nangyari.” sambit nito at inilibot pa ang paningin dahil sa mga gamit nitong nagkakalat.
Ngumiti ako at tumayo. “Ayos lang po, naiintindihan ko naman, tulungan ko nalang po kayo rito.” saad ko, dahil hindi naman ako pwedeng umuwi sa hospital na hindi pa naayos ang paninda ng ginang.
Tinulungan ko ang Ali upang makauwi na ito, hindi na kasi kami pwedeng mag display dahil wala namang maibenta dahil nga sa nangyari kanina. Habang naglilinis kami ay biglang tumunog ang selpon ko. Tinignan ko ito at agad kinabahan ng si nurse Olivia ang tumawag,
“H-hello?” sambit ko sa gitna ng kaba.
“Ms. Villarica, ang kapatid mo ay nasa OR kailangan na niyang ma operahan, hindi na pwedeng ma-delay at baka huli na ang lahat.” sambit ni nurse Olivia.
Halos nawalan ako ng pandinig dahil sa narinig mula kay nurse Olivia. “P-po? OR?” tanong ko ulit baka kasi mali ang narinig ko.
“Ang kapatid mo ay kasalukuyang nandito sa OR hindi na pwedeng ma-delay ms.Villarica.” sambit ulit ng nurse.
Gumuho ang aking mga plano at nayanig ang buo kong pagkatao. “P-pano po ang b-bayad…” nasambit ko nalang.
“Hanggang bukas ang palugit ng hospital Ms.villarica.” wika ng nurse.
Nag-uusap pa kami at ilang sandali ay natapos na. Tulala akong nakaupo habang ang Ali ay nakatingin lang sakin na awang-awa ang emosyon.
Mas lalo akong nagulo parang gusto ko nalang sumugal sa alok ni Ms.Janice, ngunit natatakot ako paano kung pangit pala ang lalaki? pano kung matanda? nakakadiri naman yon.
“A-ali... May kilala po kayong ma-aplayan ng trabaho?” tanong ko sa Ali.
Kaagad itong umiling sakin, "Pasensya kana ineng at wala akong alam, bukod sa negosyo ko ay wala na akong ibang kakilala.” sambit nito at tinapos ang ginagawa.
"Ano ba kasi ang problema mo at sobrang pag-alala iyang mukha mo?” tanong ng Ali.
Kaagad tumulo ang luha ko dahil naisip na naman si Kaleigh, "Nasa hospital po ang kapatid ko at ngayon nasa loob ng OR para masimulan ang operasyon, may sakit po siya sa puso kaya kailangan pong ma-operahan dahil baka mahuli na po ang lahat.” mahabang paliwanag ko at agad napahagulgol.
"Sumalig ka sa Panginoong may dangal iha, alam kong gagabayan niya ang iyong kapatid.” sambit ng Ali at agad tinatapik ang balikat ko upang pagaanin ang aking loob.
“Mauuna na po ako Ali, at kailangan ko pang puntahan ang kapatid ko.” paalam ko sa ginang na agad namang tumango ito upang bigyan ako ng pahintulot na umalis.
Nilakad ko nanaman ang daan patungo sa hospital upang kausapin ng maayos ang doktor at baka pwedeng hulog-hulogan ko ang bayad. Ilang sandali lang ay nakarating na ako at hindi pa nakalabas si Kaleigh mula sa OR, nakita ko si nurse Olivia na naglalakad patungo sakin.
“Ms. Villarica, dala mo na'ba ang pera?” tanong nito agad sa kanya.
“H-hindi pa... h-hindi ba talaga pwedeng hulog-hulogan ko ang bayad?” tanong ko sa nurse, agad namang nalungkot ang mukha nito, dahil ilang beses na nitong pinaliwanag sakin na hindi pwedeng hulog-hulogan ang bayad.
"Ms.villarica, napag-usapan na natin ang tungkol diyan, alam mo namang bawal iyan.” malungkot na sambit ng nurse. “Kapag na dala muna ay hanapin mo nalang ako sa emergency room upang matulungan kita.” sambit ng nurse at agad yumuko ng bahagya at nag paalam na umalis.