Taka na naglakad si Kallisa dahil may biglang nag doorbell, wala naman siyang hinintay na delivery o bisita na darating. Nagulat nalang siya ng nabungaran niya ang apo ng don na nakatayo sa harapan niya, “Oh! Sir akala ko ay sumama kayo?” tanong niya rito ngunit wala siyang nakuhang sagot kaya hindi niya nalang ito tinanong ulit at bumalik nalang sa kanyang ginagawa.
Akala ng dalaga ay aalis rin ito ngunit nagulat nalang siya ng bigla itong bumaba galing sa silid nito at dala-dala ang laptop, naka sports short and sleeveless shirt, kita niya ang nagputukan na mga braso ng binata kaya't agad siyang tumalima ng lakad upang hindi siya makita nito ngunit—“Ms. Villarica, pa luto ako ng hapunan.” sambit nito at agad ring umalis, hindi man lang nag sabi na kung ano ba ang gustong kainin. Bumuntong hininga nalang siya at tumalima papunta sa kusina upang ipaghanda ang senyorito.
Linggo na bukas kaya maaari siyang umuwi upang ipasyal niya ang kapatid at siyaka nakuha niya na ang sweldo kaya may panggastos na siya sa kapatid. Pagkatapos niyang magluto ay agad niya itong ihinain at tinawag ang binata. “Sir! Maghapunan na!” sigaw niya mula sa ibaba, Oo nga't hindi niya gusto ang pagtawag lalo na sigawan mo ngunit takot siyang pumunta sa silid nito upang harapang pagsabihan. “Don't scream woman, I'm not deaf and why does that sound like a moan to my ears?” malamig nitong sambit mula sa likuran niya. Agad naman siyang na estatuwa sa kinatayuan dahil sa boses mula sa likuran. At siyaka agad nag pantig ang kanyang tainga ng napagtanto kung ano ang sinabi nito. Anong moan ang sinasabi ng lalaking to?
Hindi niya nalang pinansin ang lalaki at umalis nalang upang doon kakain sa loob ng silid, ayaw niyang makita siyang kumakain, “Saan ka naman pupunta?” tanong ng binata. Agad binaleng ng dalaga ang tingin rito at pinagtaasan ng kilay. “Sa kwarto, bakit po sir?” tanong niya.
Bumuntong hininga ang binata bago nag salita, “Iiwan mo ako rito? Hindi pa ako tapos kumain ah.” pag ma-maldito nito. Agad naman napataas bahagya ang kanyang kilay dahil sa sinabi ng amo, “Ano ang gagawin ko rito sir? Mawalang galang ho, pero kakain rin ako sa kwarto ko.” sambit ng dalaga at maglalakad na sana ngunit—“Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Sabi ko, hindi pa ako nakatapos sa pagkain, bakit mo ako iiwan.” Pilit nito. Napanganga nalang ang dalaga dahil para bang ang bobo ng binata hindi man lang naintindihan ang kanyang sinabi, “Kung hindi mo mamasamain sir ay dito nalang po ako kakain ng may kasama ka.” sumusuko nitong wika at bumalik sa kwarto at kinuha ang pagkain at dinala sa hapag-kainan.
Gulat naman ang binata dahil sa kampanteng asal ng dalaga, siguro nga ay sanay na ito sa mansyon, “Ilang taon kana rito?” biglang tanong ng binata. Ang ayaw ni Kallisa ay ang kausapin siya habang kumakain, pakiramdam niya kasi ay walang respeto ito sa pagkain, bumaling siya sa binata at wala man lang ka emosyon ang mukha niya,
“Mag dadalawang taon na ako rito sir.” sagot niya at binalik ulit sa pagkain ang tingin.
“Mmm…matagal na pala, so matagal mo naring pini-perahan ang lolo ko?” bintang nitong sambit. Tumataginting ang kutsara na hawak ni Kallisa dahil sa pagkabigla sa sinabi ng amo. At hindi makapaniwalang tumingin sa amo, “Pini-perahan ba kamo? Sir?” patanong niyang wika. At hindi alam kung ano ang tamang maramdaman, dahil para bang ginagamit niya ang katandaan ng amo at hinuthutan niya ito.
“Bakit? Hindi ba?” Maang na wika naman ng binata at uminom pa ng tubig. Ang mga mata nilang puno ng galit ay nagsalubong, si Kallisa ay walang balak na i-atras ang pag katitig sa binata ngunit ang binata ay naiilang itong tumingin sa dalaga. Hindi dahil natatakot siya kundi ay kakaiba ang tingin nito kahit pa ang sama ng tingin ay pagdating naman nito sa kanya para siyang ina-akit. “Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan.” buntong hininga na sambit ni Kallisa bago tinapos ang kinain at agad tumayo upang makalayo sa lalaki at baka masabunutan niya pa ito kapag patuloy pa silang magkaharap.
Nakangisi lang ang binata dahil ramdam niyang pikon ang dalaga, “Pero totoo nga?” pangungulit pa nitong sigaw, mabuti nalang ay mahigpit ang hawak ni Kallisa sa pinggan kaya hindi ito nabitawan. Ang naririnig lang ni Kalli ay ang lakas ng t***k ng kanyang puso. ni hindi na siya huminga dahil kung hihinga pa ay baka sa sabog siya. Galit niyang hinugasan ang mga pinggan bago pumasok sa silid at makatulog, badtrip na badtrip siya dahil sa bintang sa kanya ng binata.
Kasalukuyan naman ay pangisi-ngisi si Lucian dahil na pikon niya ang dalaga, hindi niya man lang naisip na sobrang sakit iyon para kay Kallisa lalo na ay hindi ito totoo. Panay ngisi niya ng biglang tumunog ang kanyang selpon, “Hello.” wika niya. Hindi nagsalita ang kabila kaya tinignan niya ang numero at nakitang hindi ito naka rehistro. “Hello? Who's this?” tanong niya at papatayin na sana ng walang sumagot ng biglang—“Miss me?” wika ng isang boses malandi na babae.
“I'm sorry I don't know you.” wika niya at agad pinatay ang tawag at block sa numero, “Tsk!” mga babae nga naman.
Kinabukasan ay nakita ng binata ang dalaga na nag di dilig na naman sa garden, habang nag kape ang binata ay pumasok sa isip niya na kuhanan ng litrato ang dalaga, at ang maganda pa ay bigla itong tumingin sa kanyang puwesto kaya mabilis siyang nagpanggap na nag picture sa paligid. Habang ang dalaga ay nakalukot ang mukha dahil nakita na naman niya ang gong-gong niyang amo. Inis niyang nilapag ang hose at agad pumasok sa silid at magbihis upang makaalis na.
Magaganda na ang kanyang damit, hindi na katulad noon na halos kupas na ang mga sinusuot niyang damit. Isang fit dress at kulay black ang kanyang napili at isang flat sandal rin at nag dala rin siya ng isang denim jacket para kung ginawin ay may isusuot siya. Pagkalabas niya ay agad niyang nakita ang binata at hindi niya ito pinansin, tuloy tuloy lang ang kanyang lakad ng biglang—“Where are you going?” malamig nitong sambit. Napa-irap nalang ang dalaga dahil sa dami ng tanong nito, “Day off ko po ngayon sir, kaya mauuna na'po ako.” wika niya at mag simula na sanang maglakad ng—“Did i give you permit you to go out?” sambit nito habang hindi siya tinitignan. Napabuga nalang siya ng hangin dahil sa inis niyang naramdaman, “Do I still need your permission sir? don and donya always give me a day off every week.” wika niya at hindi na hinintay ang sagot ng binata.
Habang ang binata ay kunot-noo at nakanganga pa dahil sa inasta ng dalaga, hindi niya na ito maintindihan bakit panay sagot ito sakanya. “Lalabas ka na ganyan ang suot mo!?” pasigaw nitong sambit mula sa kusina. Habang ang dalaga ay mabilis na naglakad upang makalabas na dahil pakiramdam niya ay ano mang oras ay susundan siya at kaladkarin papasok ulit. Mabuti nalang ay pagkalabas ay agad nakakita siya ng taxi, plano pa naman niyang nag trysikad nalang para makapag budget ng pamasahe pero heto siya nakasakay ng taxi papunta sa mall kung saan ang usapan nila ng kapatid.
Hindi alam ng dalaga na nasundan pala siya ng binata, habang ang binata ay panay kumbinsi sa sarili na hindi niya sinusundan ang dalaga kahit ay halata na ito dahil kanina pa siya nakabuntot sa taxi kung saan nakasakay ang dalaga. Nakakita siya ng mall sa hindi kalayuan at agad naman nag signal ang taxi upang makaliko at makahinto at makababa ang dalaga. Hindi muna siya lumabas at ng nakapasok na ang dalaga ay s-siyaka palang siya bumaba habang suot ang itim na facemask at itim na glasses kahit pa ay hindi naman maaraw ang loob ng mall.
Tinignan pa siya sa ibang tao dahil panay tago niya lalo na laging nilibot ng dalaga ang tingin dahil pakiramdam nito ay may nakasunod sa kanya. Maghapon niyang sinusundan ang dalaga at hindi alam kung ano nga ba ang dahilan, pauwi na ito ng hindi niya ito nasundan kaya kunot ang noo ng umuwi ang binata dahil na iwala niya ang dalaga. Pagpasok niya sa bahay ay bigla nalang may—“Kumusta ang araw sir? Masaya ba ang pagsunod mo sakin na parang aso?” matigas na wika ng dalaga. Kinunot naman ng binata ang noo upang hindi mahalata, “Ano ka siniswerte? Bakit naman kita susundan?“ kunyare ay galit nitong sambit.
“Ah—so hindi mo talaga ako sinusundan?” tanong ulit ng dalaga. Hindi ito sinagot ng binata at nilagpasan lang ang dalaga upang makainom ng tubig dahil nauuhaw siya kakasunod nito. Habang ang dalaga ay panay tingin parin sa binata dahil duda siya na sinusundan talaga siya nito.
Pagkatapos makainom ng tubig ang binata ay agad siyang umakyat sa silid at maka-ipon sa paanan ng kanyang kama at tulala, hindi akalain ang ginawa niya buong maghapon ay sinundan ang dalaga kahit pa ay hindi niya alam kung nga ba ang dahilan. “What I'm thinking? Tsk!” inis niyang kausap sa sarili at ginulo ang buhok.
Habang ang dalaga ay tulala rin na nakatingin sa salamin niya sa kwarto, pinagtatanggal ang mga kuwentas at iba pang pinagsusuot niya. Hindi alam ng dalawa ay pareho silang lumabas sa kwarto at sabay na pumasok sa kusina, irap agad ang nagawa ni Kallisa habang si Lucian ay agad niyang binato ng masamang tingin ang dalaga.
“Huwag mo akong tignan ng masama!” inis na pasigaw na sambit ng dalaga. Kumukulo talaga ang kanyang dugo kapag nakikita ang binata. Habang ang binata ay galit parin na nakatingin sa dalaga, “Huwag mo rin akong tignan!” galit nitong sigaw at agad pabagsak na sinara ang pinto ng refrigerator. Nakanganga ang dalaga dahil sa inasta nito, “Huwag mong ibagsak ang pinto ng ref!” galit nitong sambit at agad binato ng towel na pantrapo ng kamay. Ang mata naman ng binata ay mas lalong tumalim. “Huwag mo akong batuhin, baka nakalimutan mong amo mo ako!” inis nitong sambit at binato pabalik sa dalaga ang towel.
Hindi naman nag pa api ang dalaga at agad niyang inirapan ang binata, “FYI, hindi kita amo. Ang amo ko lang ay sina don at donya.” matigas na sambit ng dalaga. Hindi naman makapaniwala na tumingin ang binata sa dalaga dahil sa sinabi nito.
“Apo nila ako, kaya amo mo rin ako.” pilit naman na sambit ng binata at agad tinalikuran ang dalaga upang hindi na ito nakasagot ng—“Hindi kita amo! Kung amo kita bakit mo'ko sinusundan kanina? Hindi yan gawain ng amo hoy! Huwag ako!” Galit na ngang sigaw ng dalaga at patakbo na pumasok sa kanyang silid. Hindi maipinta ang mukha ng dalaga dahil sa galit at inis nito para sa binata. “Aba! Ang yabang, hindi naman talaga siya ang amo ko rito, si don at donya lang naman talaga.”kumbinsi pa niya sa sarili at patangotango siya.
Nakatulog si Kallisa habang puno ng sama ng loob, habang ang binata ay parang tanga na ngingiti at agad nanamang nagagalit, sabunot sa sariling buhok kundi ay sipa sa Paa ng kama. Hindi maintindihan bakit paiba-iba ang kanyang mood tuwing kaharap ang dalaga. Inis siyang humiga at ilang sandali ay nakatulog rin habang ang laman ng isip ay ang dalaga. Hating gabi ng nagising ang binata dahil sa isang tunog ng selpon, inis niyang kinapa-kapa ang selpon na nasa side table niya tinignan niya ito at walang register name ang nakalagay kaya agad niya itong pinatay at natulog ulit.