Chapter 4 - First meet

2008 Words
Makalipas ang dalawang taon ay mapayapang namumuhay si Kallisa kasama ang kapatid na si Kaleigh. Nag tatrabaho siya sa mansyon ng pamilyang Montemayor bilang isang katulong. Sa pagka-alala niya ay habang naglalakad siya ng biglang may matandang lumapit sa kanya at binigyan siya ng apurtonidad, upang mag silbihan sa kanilang pamilya, malaki ang kanyang sahud at na papaaral niya pa ang kapatid. Magdadalawang taon na siya sa pamilyang Montemayor ngunit hindi niya pa kailan man nakikita ang unang apo ng matanda.b Ang sabi na mga kasamahan ay hindi talaga ito umuuwi dahil may sariling bahay na ito at siyaka takot silang umuwi ang apo dahil hindi mo raw ito makikitaan ng kabaitan sa anyo. Kumbaga sobrang dilim lagi ang anino. Hindi niya nalamang iyon pinansin at kahit siya ay ayaw niyang makita ito. Dese-noybe na siya ngayong taon at kahit ilang taon na ang lumipas ay hindi niya parin mawala-wala sa isip ang lalaking naka siping. Mabait naman ang kanilang amo na matanda na si Don Rafael Montemayor at ang asawa niyang si Glenda, apat ka tao lang ang naninirahan sa mansyon, ang anak nilang si Timothy at ang asawa na si Karen ang pangalawa nilang anak na babae ay may sarili narin na bahay at lalo na ang panganay nila. Sila sila lang ang nakatira sa bahay at paminsan minsan lang na umuwi ang mga apo at anak. “Kalli! Tawag ka ni don!” sigaw ng kasamahan niyang si Charice galing sa ikalawang palapag na veranda. Agad naman siyang napapa-iling ilang ulit niya na itong sinita na huwag sa veranda mag tatawag ng kasama, kasi nakakahiya sa mga amo nila, hindi ka respeto restpeto. Bumuntong hininga nalang siya bago tumango at siyaka hininto angb ginagawang pag gupit ng halaman, kasalukuyan kasi siyang nag titrim ng halaman ng tinawag siya ni Charice. Agad siyang tumayo at hinigusan ang kamay bago siya pumasok sa mansyon upang mapuntahan ang don, kumatok muna siya bago pumasok sa library nito. “Don? Pinatawag niyo raw po ako?” tanong niya sa matanda na busy sa pagbabasa sa kung anong papeles. “iha kalli, andito kana pala, maaari bang ikaw muna ang uutusan ko ngayon?” ani ng matanda at binaba ang binabasa na papeles. “Po? Ano po yon, don?” tanong niya at tumayo ng maayos. Huminga ng malalim ang matanda siyaka sumandal sa silya, “Pwede bang pumunta ka sa palengke at bibili ng lulutuin ngayong gabi? Darating ang mga apo ko kaya't may kunting salo-salo tayo.” sambit ng matanda. Gulat man siya ay hindi niya iyon pina-halata, “Alam niyo naman na minsan lang ang mga iyon na dumalo rito sa mansyon.” dagdag pa nito at may kunting kalungkutan ang boses. Hindi naman siya pwedeng humindi, “Pwede naman don, ano po ba ang bibilhin?” tanong niya. May kinuha ang matanda sa drawer niya at inabot ito sa dalaga. “Yan, iyan ang bibilhin mo at siyaka alam mo ba kung paano yan lulutuin?” tanong ng matanda. Agad niya namang binasa ang mga ito at halos lahat ang nabasa ay alam niya kung paano lutuin. “Opo don, alam ko po kung paano.” sagot niya at inayos ang papel. “Mabuti naman kung ganon iha, hala siya heto ang pera at kapag may sukli pa ay sayo na iyon at bilhan mo rin ang kapatid mo.” ani pa nito, ngumiti naman siya ng malaki bago nag paalam sa matanda. Mabait talaga ang pamilyang Montemayor lalo na si Don at doña Glenda. Umalis siya dala ang kanyang motor na may malaking basket sa likuran upang doon ilagay ang mga pinamili. Hindi kalayuan ang palengke sa mansyon kapag lalabas ka sa subdibisyon ay anim na kanto ang lalakbayin mo bago ka makarating sa maliit na palengke. Huminto si kallisa sa isang parkingan ng mga motor at kinandado ito bago umalis, bitbit ang isang basket na may gulong upang itulak niya lang ito, na imbento ito ng drayber nila at naging kasundo narin niya. Halos buong palengke ang kanyang nilibot para hanapin ang iba pang sangkap. Kasalukuyan naman ay irita na nakaupo ang binata sa kanyang office chair, na badtrip na naman siya sa sekretarya dahil tumanggap pa ito ng isa lang kleyente na klaro pa sa reading glasses ang kanyang sinabi na hindi na tatanggap dahil maaga siyang aalis ngayon, ngunit ang tanga niyang sekretarya ay tumanggap pa, “f**k! Get out! I don't want to see your face again, your fired!” Hindi napigilan na sigaw ng binata habang nakatingin sa babae. Agad namang tumutulo ang luha ng babae at tumakbo palabas, “It's not my fault tsk!” wika pa niya sa sarili. Biglang nag ring ang kanyang selpon at nakitang ang lolo niya ang tumawag, “This old man tsk!” wika niya bago sinagot ang tawag. “Apo? Asan kana, aba't ang kapatid mo ay kanina pa nakarating rito.” sabi ng lolo niya. Huminga muna siya ng malalim bago nag rason, “Lo, I will come but I might be late, because I have another client to take care of, this is the last one, I promise I will come tonight.” sambit niya sa lolo. Lagi silang inalukan nito na pupunta naman doon sa mansyon nila, pero pareho sila ng kapatid niyang busy lagi kaya't kapag papayag silang pupunta ay hindi talaga nito papalagpasin na e cancel nalang nila bigla. Pagkatapos niyang kausap ang lolo ay agad siyang tumayo upang puntahan ang isang kleyente na andon sa lobby na hinintay siya. Isang babae, kaya naman pala ay gusto nitong hintayin siya kahit pa gabi na. “Mrs. Robles, magandang gabi ma'am.” wika niya at inilahad ang kamay upang makipag kamayan sa babae. “Mr. Montemayor, magandang gabi.” sagot nito at pabebe pang tinanggap ang kanyang kamay. Hindi niya na kailangan pag mag peke ng pakitungo dahil kailangan niya na talagang umalis. “Anong maitutulong ko sayo Mrs. Robles?” tanong niya rito sabay upo sa sofa ng lobby. Nakita niya naman ang dismayado nitong mukha dahil hindi niya ito inimbitahan sa kanyang opisina sa ganitong oras kasi ay hindi siya nagdadala ng kleyente sa sariling opisina dahil alam niyang may binabalak ang mga ito. Tama na iyong minsan na siyang nabiktima. “Hindi mo ba ako imbetahan sa opisina mo? Dito lang talaga?” maarte nitong wika. Agad kumunot ang noo ng binata habang nakatingin sa babae, “Hindi ba pwedeng dito? May masama ba?” deretsahang tanong niya. Agad namang napalabi ang babae at agad lang itong tumayo upang makaalis. “Makaalis nanga, sayang naman pala ang paghihintay ko rito.” reklamo pa nito bago nag lakad. Agad namang na insulto ang binata kaya't hindi niya napigilan ang bibig na pagsalitaan ito ng masakit, “What do you expect me to treat you? Kapareha doon sa mga chismis?” wika niya at tinutukoy ang chismis na kumakalat. Kita naman ang gulat at hiya ng babae kaya mabilis na umalis ito, dahil pinagtitinginan siya ng mga trabahante ng binata. Agad huminga ng malalim ang lalaki at nilibot ang tingin sa mga tao na panay usisa parin sa nangyari, “Get back to your work! Hindi Yong puro chismis ang inaatupag ninyo!” galit niyang sambit. Napapansin niya lately ay sobra ang galit niya kahit na kaunting kamalian ay pina-palaki niya o nakakahanap talaga siya ng mali sa mga trabahante. Agad namang nag si balikan ang mga ito sa kanilang puwesto at nahihiyang umupo. Inis siyang bumalik sa opisina at kinuha ang mga gamit na dadalhin upang makaalis na, dalawang oras pa ang kanyang lambatin upang makarating sa mansyon. Tapos mag-aalas otso na agad siyang bumaba sa parking lot and drove to his car going to the mansion, mabilis ang kanyang pag patakbo upang mabilis na makarating gusto niyang humiga na dahil sumasakit na ang kanyang likod. Sa wakas nga ay nakarating na sila at sobrang tahimik ng mansyon, “Natulog na sila?” wika niya sa isip at agad ni lock ang kotse bago pumasok, pagpasok niya ay agad niyang nakita ang mga ito na tahimik na nag braha? “is that braha? Nag susugal kayo?” lito niyang sambit at na kompirma nga niya ito ng nakita niya ang mga libo nitong nakapatong sa lamesa. “H-hey! Stop that! Seriously naglalaro kayo na hindi ako kasama?” matigas niyang wika. Agad namang lumingon ang kanyang lolo at gulat nalang siyang tinaas nito ang middle finger. “Rafael! Don't do that.” sita ng asawa ng lolo niya. Agad namang natawa ang don dahil sa kalokohan niyang ginagawa. “Mamaya na natin to tapusin, kain na muna tayo.” wika ng lola at agad lumapit sa kanya upang batiin siya. “Kumusta ka apo?” tanong nito sa kanya habang naglalakad sila papunta sa dine in. Pagpasok nila ay agad niyang nilibot ang paningin, “Wala paring nagbago.” sambit niya sa isip at uupo na sana ng nahagip ng kanyang paningin ang isang babae na nag sasandok. “Bago?” aniya sa isip at hindi nalang pinansin, hindi niya naman nakita ang mukha ang katawan lang naman ay okay na para sakanya makurba kasi. “Son, how's the MCRC?” tanong ng ina niya, habang inaabot ang kanin upang makakuha siya. “Its fine mom.” sagot niya at pinasan na naman sa kapatid ang kanin. “Kailan ba kayo magpapakasal ni kryzel?” tanong ulit ng ina. Agad naman napakunot ang noo ng binata dahil sa tanong ng ina. “Ha? Kasal? Who?” lito niyang tanong. Ngumisi naman kaagad ang kanyang kapatid, dahil sa naging tanong ng ina. “Malamang sino pa'ba? Diba si kryzel lang naman ang nobya mo?” lito na sambit ng ina. “Mom, I told you she isn't my girlfriend.” inis na wika ng binata at tatapusin sana ang kain ng biglang tumikhim ang lolo. “Karen, stop that nonsense, gumagawa ka talaga ng kwento.” walang emosyon na wika ng don. Minsan na nila itong na pagsabihan dahil sa gumagawa ng kuwento kahit pa ay hindi ito too. Si Lucian at Cianna ay hindi nila tunay na ina si Karen, ang totoong ina nila ay matagal ng patay, ngunit inisip parin nila itong tunay na ina dahil ito ang nag-aalaga sa kanila mula bata pa. “Dad, it's not a nonsense i see it on my own eyes, they're dating, right son?” pilit pa ng ina. Tuluyan ng nawalan ng gana ang binata at agad na tumayo upang makapunta sa sariling silid at nakapag pahinga. Hanggang tingin lang ang pamilya ng binata ng tuluyan na nga itong umalis, agad naman nilang pinagsabihan ang babae na si Karen, dahil sa walang pigil nitong bunganga. Habang si Kallisa ay balisa, “Hindi ako nag kakamali, siya yon.” kinakabahan niyang sambit sa sarili. Kanina kasi ay kasalukuyan niyang hinanda ang mga pagkain para sa amo, ng pag pilit niya ay ang mukha ng lalaki ang una niyang napansin, akala niya ay guni guni lang yon ng magsalita ito ay doon niya na kompirma na ito nga ang lalaki kaya hindi maibsan ang kanyang kaba dahil sa nadiskubre. Sa dinami-daming pamilya bakit sa Montemayor pa? Inis niyang sambit sa sarili. May napagtanto siya hindi naman nito alam ang kanyang mukha noong gabing yon at mas lalong ang pangalan niya dahil savanna ang kanyang pangalan non pati sa form ay savanna rin. Kaya kahit kunti ay na kampante naman siya. Hindi siya makatulog kaya tumambay muna siya sa maliit na garden at may duyan Doon kaya malayang nag duduyan si kallisa at hindi alam na kanina pa nakatingin ang lalaki sa kanya at namamangha sa kanyang katawan. Habang nag duduyan ang dalaga ng biglang may baratinong boses na nagsalita sa kanyang likuran, hindi niya ito pinansin kunyare ay hindi narinig para aalis ngunit mali siya dahil ito mismo ang nagduduyan sa kanya habang sabay silang nakatingin sa kalangitan. “Bago ka?” tanong nito sa malamig na boses. Wala sana siyang balak na sagutin ito ng agad itong tumikhim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD