Chapter 7- Another day, Another fight!

2513 Words
Inis na pinaghahampas ni Kallisa ang pader dahil sa naging bangayan na naman nila ng binata. “Ano ba! sumusobra na iyang bunganga mo ah!” galit na sigaw ni Kallisa kay Lucian. Pano ba naman kasi ay panay pilit na naman ito kung ano ang relasyon ng Don at siya. Kaya sa sobrang galit ay nagsisigawan na sila rito sa loob, hindi man lang naisip na mag usap ng matino. “Just admit it, it's true that you climb for just sum of money!” sigaw pabalik ni Lucian, hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanya dahil lagi niyang naiisip na kasama ng lolo ang dalaga sa isang kama at maglampungan at bigla nalang siyang nagalit kaya sinugod na naman niya ang dalaga upang paaminin. “Huwag mo akong pagsalitaan ng ganyan! Hindi mo ako kilala! At siyaka hindi ka'ba nahihiya diyan sa pinagsasabi mo? That's your grandfather, my gosh Mr. Montemayor!” galit at sabay walk out na wika ng dalaga at taas baba ang kanyang dibdib dahil para ng sasabog sa galit. Tulala naman ang binata,“My god! Bakit ba ang hirap para sayo na umamin!” Sigaw ng binata at agad sinundan ang dalaga sa nakasanayan tambayan. “H-hey! Stop I'm not done talking to you!” sigaw niya at sinundan parin ito. “Just admit it, Ms. Villarica!” Wika niya sa harap ng dalaga. Tumingin ang dalaga sa kanya at tumayo mula sa pag-upo. Buong akala niya ay sasagutin siya nito ngunit—“Wala kang karapatan na husgahan ako!”Sigaw nito at sabay sampal sa kanya, dahil sa malakas siyang nasampal ay nabaling niya ang mukha sa ibang direksyon, “Wala kang karapatan!” Sigaw ulit nito at sa sampalin na sana siya ulit nito ng bigla nalang nitong binaba ang kamay at agad tumakbo. Tulala siyang nakatanga sa garden para bang may napagtanto siya sa babae, “s**t! She's angry.” biglang sambit niya at agad ni lingon ang daan kung saan ito dumaan. Habang ang dalaga ay umiiyak sa kanyang silid dahil nasaktan sa mga pinagsasabi ng binata, “Kailan ba kasi siya aalis?” inis nitong sambit at nag talukbong sa kumot. Tanghali na ng lumabas siya ng silid upang makapag luto ng tanghalian, pagkapasok niya sa kusina ay agad niyang nakita ang lalaki doon at tutok na tutok sa laptop nito. Masama parin ang kanyang tingin sa binata dahil naalala na naman niya ang mga pinagsasabi nito. Nag luto siya ngunit hindi niya hinainan ang binata at kumuha lang siya ng sa kanya at doon kumain sa loob ng kanyang silid. Kunot noo naman na na-isunod ng binata ang kanyang tingin sa dalaga na umalis habang may dala na pagkain, “Hindi man lang ako binigyan.” wika pa niya at pinagpatuloy ang pag-titipa sa laptop. Biglang nag ring ang kanyang selpon kaya't agad niya itong sinagot. “Hello.” sambit niya sa malamig na boses. “Boss may problema tayo.” ani ng kabilang linya. Agad tumaas ang kanyang kilay sa narinig mula sa kabilang linya. “What is it?” tanong niya at hininto ang pagtipa. “May isang clients na gustong e atras ang nasimulan nating renovation sa bahay niya.” wika ng tauhan. Agad masama ang kanyang timpla kaya tumayo siya upang maging maayos ang kanyang paghinga, ayaw na ayaw niya sa ganitong problema dahil para bang pinamukha sa kanya na pangit ang quality nila. “What's the reason?” mas malamig niyang sambit. Habang ang tauhan ay panay kuskos sa gilid ng lamesa dahil kinakabahan siya lalo na ay naging mas malamig ang tinig ng boss niya. “Gusto niyang e atras dahil raw binastos mo ang kanyang asawa.” sambit ng tauhan, at nag dasal na sana ay hindi ito sisigaw. Mas lumalim ang pagkakunot ng noo sa binata, “What? Binastos? Who's this client by the way?” tanong niya, dahil wala siyang binastos na kleyente. “It's Mr. Robles wife sir.” sagot ng tauhan, agad agad na bumuntong hininga ang binata dahil sa narinig, natatawa siya na naiinis sa asawa ng kleyente, “Tell Mr. Robles that we need a meeting later.” sambit ng binata at agad pinatay ang tawag at agad pumunta sa lababo upang ilagay doon ang nagamit na mug at iba pa. Aalis na sana siya ng nahagip ng kanyang mata ang isang pagkain na tinakpan, tumaas ang kanyang kilay at nilapitan, “So, hinatian niya pala ako ng pagkain.” agad kumalam ang kanyang sikmura kaya hindi nakapag pigil na kumain. Mabilis lang ang kanyang kilos at agad niyang kinain ang pagkain, sarap na sarap pa siya dahil masarap ang timpla ng pagkaluto. Pagkatapos ay agad siyang umakyat upang makapagbihis at makaalis. Dahil malayo layo pa ang kanyang lakbayin upang makarating sa mismong building. biglang tumunog ang kanyang selpon kaya agad niya itong sinagot. “Sir, Mr. Robles response, hintayin lang raw niya ang kanyang asawa, dahil gusto itong sumama.” agad napataas ang kilay ng binata dahil sa sinabi ng tauhan. “Okay okay, nasabihan muna kung saan lang?” tanong niya. “Yes sir, sa may malapit na restaurant lang sa building natin.” wika ng tauhan at agad niya ng pinatay ang tawag. Mabilis ang kanyang takbo upang mas madaling makarating, hindi naman katagalan ay nakarating na siya at agad pumasok sa restaurant na kung saan binigay ng tauhan ang lokasyon, ang sabi pa ay andito na raw ang mag asawang Robles, pagkapasok niya ay namataan niya kaagad ito. Kaya agad niyang binilisan ang lakad, “Magandang gabi Mr and Mrs Robles.” bati niya, kahit pa ay hindi niya tinignan ang asawa nito dahil na inis siya rito. “Maybe I can tell you directly what will be the result of your withdrawal from the project?” Tanong niya sa mga ito. Tumango lamang ang asawang lalaki habang ang babae ay para bang proud ito sa ginawa na mawalan siya ng proyekto. “Mr. Robles, if you back out, I won't be able to return all the payments, especially since the house is already half-finished. It is also written in our contract what will be the process when you cancel, you didn't read it Mr. Robles?” tanong niya sa kleyente. Kumunot ang noo ng lalaki at binalingan ang asawa na nakayuko. “You said, I will get the p*****t even if I withdraw? did you lie to me? tanong nito sa asawa. Hindi naka tingin ang asawa nito. Tumawa ng bahagya ang binata at siyaka binalingan ang asawa ng kleyente, “Mrs. Robles, You said I insulted you? Somehow, I don't remember insulting you when you came here.” Maang na sambit ng binata. Agad nabaling naman ng asawa nitong lalaki ang tingin papunta sa asawa, “You came here? When and for what?” lito na sambit ni Mr. Robles. Tumawa nalang ng bahagya ang binata at siyaka nag seryoso, “Mr. Robles, are you going to continue backing out so we can sign the termination of the contract and so I can send the money to the bank, Or maybe you want cash?” deretsahang wika ng binata, wala siyang panahon para sa ganitong setwasyon, napaka bata ng isip ng asawa nito kahit na sobrang tanda na. “No, no, continue to fix the house Mr. Montemayor, I'm sorry for my wife behavior. Sorry for the trouble tonight.” Wika ng kleyente at agad tumayo at nilakad ang kamay upang ipagpatuloy ang proyekto. Tinanggap naman ito ng binata at siyaka sila sabay na Umalis, hindi nalang muna siya uuwi sa mansyon dahil gabi na. Habang pauwi sa kanyang bahay ay biglang tumunog ang kanyang selpon, “Hello pre?” tanong niya sa kaibigan mula sa kabilang linya. "Pre, balita ko ay kakauwi mo lang mula sa mansyon ni Don?” tanong ng kaibigan. Tumaas bigla ang kanyang kilay dahil ambilis ng balita, “Aba! nag improve na ang mensahero mo at hindi kana late sa balita.” natatawang wika niya sa kaibigan. "Where are you? Punta ka naman rito sa Club.” Sambit nito at agad niyang hininto ang sasakyan. "Saang club?” kinakabahan niyang tanong, lagi niyang dinadasal na sana ay bumalik na iyong babae, Yong nakatalik niyang Naka maskara. “Hindi mo parin siya nakakalimutan?” tanong ng kanyang kaibigan na tinutukoy rin ang babae. Umiling siya at pinaandar ulit ang kotse, “Hindi sa ganon, pero hindi parin ba bumalik?” Hindi niya napigilan na itanong, bumungisngis naman ang kaibigan dahil kakaiba ang tunog ng boses ni Lucian. "You missed her right? I have a new girl baka ay bet mo'to.” hambog na sambit ng kaibigan. Simula noong nangyari ay para siyang nawalan ng gana sa pambabae, para siyang hindi na naakit sa iba dahil hinahanap hanap niya ito. Kahit sa pag patol ng halik ay hindi niya ginagawa dahil gusto niyang maramdaman parin ang labi noong babae. "Asan Kana siya?” tanong niya sa kanyang isip. “Pre? andyan kapa?” tanong mula sa kaibigan. "Yes, yes, pasensya may naisip lang.” sambit niya, “I'm going malapit na ako.” dagdag niya sa kaibigan at agad pinatay ang tawag upang hindi na ito makahirit pa. Habang ang babae ay nakatungo sa hapag-kainan dahil hinihintay ang binata upang magsabay sila ng kain, kailangan niya rin mga humingi ng pasensya dahil na sampal niya ito. Hindi tama ang kanyang ginawa na sinampal ang amo, nakayuko lang siya at pa pikit pikit na dahil nakaramdam ng antok, “Anong oras bayon uuwi?” antok niyang wika at humikab pa dahil ramdam niya na ang antok, tumayo siya at tinakpan ang kanin at ulam, dumeretso siya sa sofa at doon nalang hintayin ang binata. Habang ang binata ay masayang nakipag inuman sa mga kaibigan na may kanya-kanyang babae sa kandungan. Natatawa lang siya dahil sa mga pinaggagawa ng kaibigan at halos lantad na ang katawan ng babae, ngunit hindi man lang ito nahiya. Noon kapag ganito ang eksena sa mga kaibigan ay humahanap na siya ng babae na matipuhan, ngunit ngayon? wala, wala siyang kahit isang gusto at ang gusto lang ay Yong babae two years ago. The mask girl ang tawag niya non. Umaga ng nagising ang dalaga dahil may narinig siyang tunog na para bang nagligpit. Nang naalala ang pagkain ay agad siyang tumakbo papasok sa kusina at nakita ang binata na naghuhugas ng pinggan at may mga supot na nakatambak sa basurahan. Hindi niya alam kung magagalit ba o manghihinayang sa pagkain, ayaw niyang sinasayang ang pagkain sana pala ay kinain niya nalang ito kagabi. Biglang lumingon ang binata sa kanya at wala man lang itong reaksyon o emosyon. Binigyan niya ito ng tingin na dismaya, hindi dahil galit siya sa binata dahil hindi ito umuwi kagabi, kundi sa pagkain na sinayang nito. Agad siyang umalis sa kusina at pumasok ang silid upang makapag ayos at magsimula ng linis sa buong bahay, kailangan niyang mag general cleaning ngayon dahil mamayang gabi ang uwi ng Don at donya. Ayaw niya naman na makita nito ang mansyon na makalat at pinabayaan niya. Naligo siya at nagbihis bago lumabas upang makapag simulang maglaba at sabay bis-bis na naman ng bulaklak. Ang mga puti at di kolor ay kanyang pinaghiwalay pati ang mga maong na pantalon at mga hindi maong. Nilunod niya ito sa washing bago umingay sa maliit niyang garden at nag bis-bis. Habang ang lalaki ay nakatanaw lang sakanya mula sa veranda at tinignan ng maigi ang kanyang kilos ang reaksyon. Hindi mabasa ng binata dahil wala na naman siyang makitang reaksyon ng dalaga walang ngiti walang lungkot para bang wala lang ito. Bumuntong hininga siya dahil alam niyang dismayado ito dahil hindi siya nakauwi kagabi, madaling araw siyang umuwi sa mansyon dahil nagpahinga muna siya sa bahay dahil medyo natamaan ito ng alak. Magtanghalian nalang ay hindi parin siya pinapansin ng dalaga, gusto na sana niyang pikonin ito upang kausapin siya ngunit alam niyang hindi ito magugustuhan ng dalaga. Nakamasid lang siya sa dalaga habang nag mo-mop ito sa sahig at walang lingon-lingon sa kanya. Kahit pa sobrang lapit na nila dahil ang kanyang puwesto nalang ang hindi na linisan. Buong maghapon nga siyang hindi kinakausap ng dalaga hanggang dumating nalang ang Don at donya wala parin talaga. Kunot ang kanyang noo ng lumapit ang Don, “Oh apo? Anong problema at nakakunot yang noo mo?” tanong ng Don at umupo sa kanyang tabi. “Wala lang to Lo,” aniya at bumuntong hininga. Hindi naniniwala ang Don sa naging rason ng apo, agad nalang itong napatitig sa apo ng nakitang titig na titig ang binata sa kanilang katulong na si Kallisa. Duda na naman ang kanyang lolo na may nangyari noong wala sila rito. “Nag aaway ba kayo ni Kallisa?” tanong ng Don. Agad binaleng ng binata ang kanyang tingin sa lolo, “Kallisa ang kanyang pangalan?” tanong ng binata, ang alam lang niya ay Villarica ang last name ng dalaga. “So, she's Kallisa Villarica—mmm.” sambit niya sa kanyang isip. “Nag-aaway ba kayo ng babae?” tanong ulit ng kanyang lolo. Huminga ng malalim ang binata, “Maliit lang lo, lagi siyang may galit sakin at siyaka sinasagot niya ako.” parang bata na sumbong niya sa lolo ngunit hindi man lang nag-iba ang tono ng boses. “Apo, try mo kayang ngumiti? Baka hindi talaga kayo magkaunawaan ni Kallisa dahil pareho kayong parang binagsakan ng mundo.” natatawa na wika ng Don. Ang Don at donya ay sanay na silang nakikita ang babae na walang reaksyon, minsan lang lalo na ay sila ang kaharap, ngunit kapag sa ibang tao ay hindi ito halos ngumiti, para bang pinasan ang mundo lagi. Mabuti nalang ang kapatid ng babae ay palangiti at jolly lagi, walang problema. “Tss, ayoko nga.” maldito na wika ng binata at siyaka tumayo, “Mauna na ako ko, baka sa susunod na araw babalik ako rito.” wika ng binata. Agad nag liwanag ang mukha ng Don, dahil sa narinig mula sa apo, “Wala ng bawian yan apo! Mag hintay ako.” natatawa na wika ng Don at nag cha-cha pa itong lumakad papunta sa silid upang ibalita sa asawa. Habang ang binata ay panay lingon sa labas upang makita niya ang dalaga bago siya umalis, ngunit hindi niya ito nakita dahil nag tago lang ito sa may halaman. Dismayado na naman, dahil nag hintay lang naman pala itong humingi ng pasensya sa kanya ang binata. Nakaalis na ang binata ngunit nakatago parin ang dalaga. Walang balak na lumabas. Nakarating na ang binata ngunit ang isip ay andon parin sa dalaga, gusto niyang sabihin sa lolo na pwede bang ipa-transfer ang dalaga sa kanyang bahay upang may taga luto ito sa kanya. Nag-iisip siya kung paano sasabihin ng biglang—“Aha! pwede ko siyang e blackmail.” natatawa na sambit ng binata bago tinawagan ang lolo. "Hello Apo, nakarating kana ba?” tanong nito. Nakangisi namang sumagot siya at sa tawag nga ay siya ang nag wagi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD