Mahigpit akong napahawak sa sleeve ng polo niya kasabay nang paglalim ng kanyang mga halik. Hindi ko masabayan ang paggalaw ng labi niya kaya nanatili akong tuod hanggang sa maramdaman ng likod ko ang cover sheet ng backseat. Agad akong napamulat at malakas na naitulak siya. Tumitig siya sa mga mata ko habang hinahabol ang kanyang hininga. Naaamoy ko ang amoy ng wine sa bawat paghinga niya at ramdam ko ang kakaibang pakiramdam habang magkadikit ang pang-ibaba naming katawan. Tutol ang isipan ko sa anuman na posibleng mangyari ngunit sadyang traydor ang katawan ko at nagtatalo ang isipin ko. Muli akong pumikit saka hinila siya para halikan. Mas nilapit niya pa ang mga katawan namin at doon na ako tuluyang nagpaubaya. Bumaba ang halik niya sa leeg ko. Napamulat ako at napahawa