Napalingon ako sa side mirror at napailing nang makita ang pisngi kong puno ng luha. Huminga ako ng malalim. Pinunasan ko ang mga luha na lumandas sa pisngi ko saka tumingin sa rearview mirror. Sinigurado kong maayos ang mukha ko nang buksan ko ang car door at lumabas ng sasakyan. Tumayo ako sa gilid ng sasakyan at pinanuod ang ginagawa ni Thunder na ngayon ay nakikipaghabulan sa alon. I just realized, para saan ba ang mga luha na sinasayang ko? Kapag ba umiyak ako ng umiyak ay mamahalin na ako ni Thunder pabalik? Mababawi ba ng mga luha ko ang sinabi ko sa kanyang nightmare lang ang pag-ko-confess ko? Hindi. At ang alam kong tanging magagawa ko lamang ay makisabay sa agos ng buhay. Kaya ngayon ay napagdesisyunan kong hindi ko na siya iiyakan, makakasama ko naman siya sa mga susunod