Prologue
Prologue
Life is fair because It is unfair to everybody.
I have watched a drama at natutunan ko doon na hindi lahat ng nangyayari sa iyo ay kagagawan ng mga deity. Ikaw ang pumili ng sarili mong kapalaran. Ikaw ang gumagawa ng storya ng sarili mong buhay. Ikaw ang nagdesisyon na maging hanggang dyan na lamang ang buhay mo.
Humans are the great sinners. Maraming hindrances na dumarating para parati nating maalala ang dakilang lumikha sa atin.
But above all, humans created to be less happy but tend to repent all their sins and start to forgive one another. Kahit na gaano pa kabigat ang kasalanan na nagawa natin sa isa't-isa.
"Ano pong meron?,” tanong ko kay Mommy nang maabutan siya ng abala sa pagluluto. May mga iba't-ibang ulam na rin na nasa mesa pero patuloy parin siya sa pagluluto. Wala akong maalala na selebrasyon ngayong araw dahil September pa ang birthday naming dalawa ni Mommy.
Nakangiti itong lumingon sa akin saka bahagyang inangat cookies na kinuha nito sa oven.
"Ngayon ang dating ng kapatid mong si MJ, Ronnie. Magbihis ka na at maglinis ng bahay. Ilipat mo din sa katapat mong kwarto ang kutson na ginagamit mo, alam mo namang lumaki sa marangyang buhay si MJ at hindi iyon sanay sa hindi malambot na kama. Pati ang lampshade mo ay ilipat mo din sa kwarto niya, ha?,” mahabang paliwanag nito.
Binalik ni Mommy ang tingin sa ginagawa habang patuloy parin sa pagsasalita. Tumango na lamang ako at nagpaalam sa kanya na magbibihis muna bago maglinis.
Sinunod ko ang sinabi ni Mommy, ang kutson na kakabili ko lamang na galing sa sweldo ko sa café ay nilagay ko sa kwarto na may blue na wallpaper at maraming gamit. Sa bahay namin na ito, ito ang pinaka-malaking kwarto dahil may sarili itong c.r. May study table din ito at maliit na couch. Halatang bago din ang wooden cabinet na sa tingin ko ay kinuha na naman ni Mommy sa lending company.
Maayos kong ibinalik ang pagkaka-ayos ng kama saka bumalik sa kwarto ko. Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang kama kong wala ng kutson at tanging makapal na comforter na lamang. Lumabas na ako ng kwarto bago pa ako mag-drama at nagsimulang maglinis ng buong bahay.
Bandang hapon ng matapos ako, saktong tapos na din sa pagluluto si Mommy. Tinulungan ko pa siyang ihanda ang four seater dining table namin saka magkatabi kaming tumayo sa harapan ng pinto habang inaantay ang pagdating kapatid ko.
Or should I say, long lost half sister.
Napalingon ako kay Mommy nang marinig ko ang pagsinghap niya kasabay ng pagbukas ng pinto. Unang pumasok ang isang lalaki na mukhang kaedaran ni Mommy. Malugod siyang binati nito habang pinapasok ang mga malalaking maleta na hila-hila nito. At lalo kong narinig ang kasiyahan ni Mommy nang dahan-dahan na humakbang patungo sa amin ang aking kapatid.
Merry Joy Luz Aguilar.
Nakasuot siya ng puting-puting mahabang coat, turtle neck sweater, mini skirt at black stockings. Bumagay sa outfit niya ang pulang high heels stiletto at mukhang sopistikada talaga siyang tignan.
She grew up in, States by the way. She was once an heiress of a billion dollar wealth of Aguilars kundi lamang siya gumawa ng kalokohan at pinatapon ng pamilya ng Daddy niya mula US patungo dito sa amin.
Ayon sa kwento sa amin ni Mommy, isa siyang hostess sa Japan noon. Una niyang nakilala ang Ama ko na ayon sakanya Italian kaya may guhit ako sa baba at matangos ang ilong ko. After niyang manganak sa akin ay pina-alaga niya ako sa isa niyang kaibigan na nasa Japan din at bumalik na siya sa trabaho niya. Doon niya naman nakilala ang Daddy ni MJ, binahay siya nito hanggang sa manganak siya sa kapatid ko. Minahal daw nila ang isa't-isa at tinanggap si Mommy kahit ganoon siya pero dahil mayaman ang mga Aguilar ay hindi sila nagkatuluyan at pilit na pinaghiwalay.
Open si Mommy sa amin at hindi namin siya kinakahiya, instead mas minahal ko pa siya. Nagawa lang naman niya ang ganoong trabaho para suportahan ang pamilya niya na matapos niyang pag-aralin ay kinalimutan na niya.
Bakit kaya ganoon ang mga tao? Mabait kapag may kailangan sayo pero kapag wala na ay itatapon ka na lamang kung saan at pagsasalitaan pa ng masama.
Magkasama kaming lumaki ni MJ dito sa Pilipinas at nanirahan sa Aldwyne hanggang sa gumraduate kami ng elementary. Nasa junior high school na kami nang kunin ito ng pamilya ng Daddy niya, at mula non ay hindi na kami nagkita.
We never had a chance to communicate each other dahil ayaw ni Mommy at baka makasama daw iyon sa anak niya.
Hanggang sa makatanggap siya ng tawag na babalik ang anak niya dito at makakasama na niya. At talagang nagtrabaho siya ng mabuti mapaayos lang ang kwarto ni MJ at mahandaan ito ng masasarap na pagkain.
Agad siyang niyakap ni Mommy ng mahigpit. Nag-iwas ako ng tingin at tinulungan na lamang ang mga kasama ni MJ sa pagpapasok ng mga gamit niya sa bahay. Narinig kong agad inaya ni Mommy si MJ sa dining room. Napabuntong hininga na lamang ako saka sinundan sila matapos kong magpaalam sa mga bodyguards na naghatid sa kapatid ko.
Naabutan ko ang masayang pagkukwento ni Mommy kay MJ na tahimik lamang habang palinga-linga sa paligid. Kasalukuyan na siyang sinasandukan ni Mommy ng pagkain pero hindi niya ito pinapansin.
Hanggang sa mapadako ang tingin niya sa akin.
Ngumiti ito at tinanggal ang suot na sun glasses. Agad itong tumayo saka lumapit sa akin. Nakita kong natigilan si Mommy at napatingin sa amin.
"Ronnie! I heard you knew about the kings in this town? Can you be a kind hearted sister and introduce me to them?,” maarte niyang sabi.
Siguro ay kinuwento na sa kanya ni Mommy. Lagi din kasi akong pinag-chi-chismisan ng mga kapitbahay namin. Natural na kilala ko sila dahil sila ang may-ari ng café kung saan ako nagtatrabaho.
Napasulyap ako kay Mommy at nakita ang marahan niyang pagtango saka nakangiting lumapit sa akin at hinawakan ang balikat ni MJ na agad naman umiwas.
"This is one of a hell expensive coat, Virgie. Don't dare to touch it!,” sigaw ni MJ na ikinagulat ni mommy at agad na umatras palayo dito.
Napakunot-noo ako sa inasta nito lalo na ng matalim na bumaling itio kay Mommy. Nakita kong napayuko si Mommy at nakita kong nasaktan ito sa inasta ng paboritong anak pero mas piniling manahimik na lamang.
At ano? Virgie? First name basis na ba ang uso sa mga mag-iina ngayon?
"Virgie?,” hindi ko mapigilan na sambitin saka takhang tinignan siya.
Maarteng hinawi nito ang buhok saka sumulyap sa Ina namin bago sa akin.
"I used to call my step mom in States through first name and It sounds really cool! All my friends used that, too! You should try, Ronnie. Come on. Say it!,” maarteng sabi pa nito.
Napakagat ako sa ibabang labi kasabay ng pagusbong ng galit sa dibdib ko. Nakita kong nag-angat ng tingin si Mommy at para bang pinipigilan ako. I clenched my fist saka tinignan ng masama ang maarte kong kapatid na nakarating ay tumira lamang sa ibang bansa ay akala mo kung sino na.
"Hindi yan, cool pakinggan dahil kabastusan yan. Ganyan ba ang mga pinag-aralan mo sa America? O hindi ka talaga nag-aral? I just heard from your father that you are such a stubborn brat who thinks It was cool to be a f*****g brat! Hindi mo alam na nagmumukha kang tanga!,” hindi ko mapigilan na ibulaslas dahil nakakairita ang kaartehan ng kapatid ko na ito.
Napapikit ako kasabay ng maramdaman ko ang malakas na pagdapo ng palad ni Mommy sa pisngi ko.
"Wala kang karapatan pagsalitaan ng ganyan ang kapatid mo!,” sigaw pa nito.
Napailing ako saka hinarap sila.
"You insecure b***h!,” sigaw naman sa akin ni MJ. I just smirked at tumitig sa mga mata ni Mommy.
"Hanggang ngayon na-iinggit ka pa rin ba sa akin, Ronnie?,” mapang-asar pa na sabi ng magaling kong kapatid.
Buti at marunong pa rin siya na magtagalog. Kunsabagay, nasa Philippines na siya at baka ayaw niyang masabihan na higit pa sa malansang isda dahil sa hindi niya pagmamahal sa sarili niyang wika.
Huminga ng malalim si Mommy saka piniling magbaba ng tingin. Hindi ko maiwasan na mapailing dahil sa inaasta ni mommy.
"Ayusin mo na lang ang mga gamit ng kapatid mo. Hihintayin ka namin sa hapag,” mahinang wika ni mommy sabay baling sa akin. Lalong umusbong ang galit sa dibdib ko mang ignorahin niya ang inasta ni MJ! Minsan hindi ko malaman kung bulag ba si Mommy o nagpapauto sa anak niya.
Napailing ako at humalukipkip habang nilalabanan pa rin ng tingin si MJ.
"Ayoko! May kamay siya kaya dapat na siya ang mag-ayos ng mga gamit niya. Hindi naman siguro ako pinanganak sa mundong ito para pagsilbihan siya diba?!"
"Veronica Marie!,” gulat na sambit nito sa pangalan ko.
"Bakit Mommy? Kailangan ba lagi ako ang magpapakumbaba sa aming dalawa kahit na siya ang may kasalanan? Kailangan pang mag-give way ako parati sakanya? Kailangan bang lahat ng gusto niya ay ibigay natin dahil anak-mayaman siya at ako hindi? Ganoon ba yun, Mommy?!"
Matalim kong tinignan si MJ na pangisi-ngisi lang sa akin.
"See? You are still insecure to me, Ronnie. Poor sister. I really pity you."
Pinigilan ko ang sarili na hilahin ang nakakairita niyang buhok at tinalikuran na lamang sila para hindi na sumama ang loob ni Mommy. Ayoko ding masira ang mood niya at pinaghandaan niya talaga ang araw na ito. Dumiretso ako sa kwarto ko at naupo sa kama saka niyakap ang mga tuhod ko habang nakatingin sa nagiisang frame na nakapatong sa study table.
Ang tanging family picture naming tatlo nang gumraduate kami ng elementary. Pareho pa kaming bata ni MJ non.
Close naman kami dati. Were like sisters and best friends, before. Sadyang nagbago lang ang ugali niya nang maranasan niya ang marangyang buhay. Ini-spoiled din kasi siya ni Mommy.
Sa aming dalawa, ako ang mapag-pasensya, laging umuunawa at mapagbigay na kapatid. Hindi baleng wala ako basta meron si MJ. Hindi baleng umiyak ako basta umiyak si MJ.
Napaka-daya talaga ng buhay. Kung bakit ba kasi nauso pa ang favouritism sa mga magulang. Kung bakit kailangan may isang lamang sa bawat magkakapatid.
Kailan nga ba ako papayagan ni Mommy na maging masaya din gaya ng lagi niyang ginagawa kay MJ? Kailan darating ang araw na si MJ naman ang magsasakripisyo para sa kaligayahan ko. Mangyayari kaya iyan? Darating kaya ang araw na iyan?