Pagkatapos ng sandaling pag-uusap namin ni Thunder ay agad niya akong pinaghanda dahil may pupuntahan raw kami at kailangan na rin na magche-check out na sa hotel. Hindi ko maiwasang humikab habang naglalakad patungo sa parking space kung nasaan ang sasakyan niya. Nauna akong pumasok sa loob ng volkswagen habang nanatili siya sa labas, kausap sa kanyang phone si Zayn. Sure ako sa mga oras na ito ay alam na nila Alyssa ang nangyayari at hindi na ako magugulat kung isang araw ay nasa harapan ko na ang tatlong iyon. Napapikit ako at humilig sa sandalan. Sobrang inaantok pa talaga ako kahit halos buong araw na ako natulog. Napamulat ako nang maramdaman ang pag-upo ni Thunder sa driver's seat. Humarap ako sa kanya at humikab muli. "Seatbelt, Ronnie,” tumango ako at kinabit ang seatbea