"Dahil simple ang gusto ni Miss Ronnie na wedding ay napagkasunduan namin na dito mismo sa spot na ito gaganapin ang ceremony,” paliwanag ng babaeng wedding planner na siya ring planner ng kasal nila Harlene at Lawrence noon. Naglakad kami patungo sa lugar na tinuro niya sa dalampasigan, hindi kalayuan sa dagat na ngayon ay may mga naka-set up ng altar. May dalawang wall ang white table kung saan ilalagay ang bible at tatayo ang priest na namamahala sa church hindi kalayuan sa resort. "Dito sa gitna maglalakad ang mga kasali sa entourage, mamaya ay ipapaayos ko na ito para maayos na ang lahat para sa wedding mamayang hapon,” sabi pa nito. Tumango-tango kami sa sinasabi nito. May mga pinaliwanag pa siya na gagawin namin para sa ceremony mamaya. After a while ay nag-anunsyo ito