Nasa hagdan pa lamang ako ay dinig na dinig ko na ang tawanan nila Alyssa na mula sa dining area. Patakbo akong bumaba ng hagdan at agad nagtungo sa kanila. Napangiti ako nang sina Aly, Harlene at Lara lang ang nasa dining table habang masayang nagku-kwentuhan. Mabilis akong naglakad at naupo sa tabi ni Lara. Agad napalingon sa akin ang tatlo saka malapad na ngumiti. "Ronnie! Kanina ka pa namin hinihintay!" masayang wika ni Lara. Ngumiti ako sakanila saka tinignan ang mga pagkain na nasa ibabaw ng mesa. Scrambled eggs, hotdogs, tinapa and fried rice. Tumayo ako at kumuha ng plato sa kusina saka bumalik sa tabi ni Lara at naupo. Agad akong nagsandok ng pagkain sa plato ko at mabilis na kumain. Kanina pa ako gutom na gutom dahil hindi naman ako masyadong nakakain kagabi. Mabili