Naramdaman ko ang mabilis na pagpulupot ng braso niya sa bewang ko saka ang paglangoy niya pataas. Ubo ako ng ubo nang ma-i-angat ang mga ulo namin. Agad niyang tinapik-tapik ang likod ko ng isa niyang kamay. "You, okay?" dinig kong tanong niya. Iniayos ko ang buhok ko saka tinignan siya. Sandali akong luminga sa paligid at wala na sila Alyssa. Tumango-tango ako saka huminga ng malalim. "Ahon na tayo?" tumango si Thunder at mabilis na lumangoy sa gilid ng pool. Hinawakan niya ang magkabilang bewang ko at itinaas sa gilid. Agad kong kinuha ang damit ko doon saka unang sinuot ang shirt tapos ang shorts. Nakita kong umahon na din siya at tinulungan akong tumayo. "Hubarin mo yang shirt mo, basang-basa. Baka magkasakit ka,” sabi ko nang magkaharap kami. Mabilis naman niyang