Tahimik lang akong pinagmamasdan ni Thunder habang ini-impake ang mga gamit ko dito sa bahay. Wala pa din tigil ang pagtulo ng luha ko na agad ko namang pinupunasan. "Tama na 'yan. Bibili nalang tayo ng ibang mga kailangan mo,” mahina niyang wika sabay kuha sa traveling bag. Mabilis niyang sinara iyon at binitbit. Nilibot ko ang paningin sa buong kwarto ko na ngayon ay hindi na. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at nagtungo sa bedside table. Kinuha ko doon ang laptop ko at ang penguin na stuffed toy na pinangalanan kong si pororo. Kinuha ni Thunder ang laptop sa kamay ko para ilagay sa laptop bag kung nasaan ang charger at iba pang accessories. Bumuntong-hininga ako saka lumabas ng kwarto. Hinintay kong maisara ni Thunder ang pinto saka kami sabay na bumaba sa sala. Nandoon p