Chapter 3

1979 Words
"What's that?"   "Resignation letter, Sir Thunder,” mahinang wika ko saka nilapag ang puting envelope sa ibabaw ng mesa niya. Tipid akong ngumiti at sandaling tinitigan ang mga mata niyang seryoso ang tingin sa akin.   "Maraming salamat po sa lahat,” sabi ko pa saka bahagyang yumukod at tumalikod. Mabilis akong lumabas ng opisina niya saka agad na sinara iyon. Sandali akong natulala at napatitig sa pangalan niyang nasa may pinto at napabuntong hininga na lamang.   Magdamag kong pinagisipan ang pag-re-resign. Pinagpuyatan ko pa ang pag-gawa ng resignation letter na duda akong babasahin niya.   Thunder really hates long reading. Na-bo-bored siya kapag ganoon. He rather watched a movie than reading a book. Ako ang taga-summarize niya o tagabasa sa mga contracts na pinipirmahan niya regarding sa coffee shop. Even sales breakdown.   Aside from being a waitress and cashier, I am also his personal assistant na siguro ay naging dahilan kung bakit sinasabi ng mga kasama ko na pethics ako sa tuwing nasa coffee shop ang apat. Aminado naman akong hindi ako nakakapag-trabaho kapag bumibisita sila, sadyang hindi ko lang talaga ma-hindi-an sina Alyssa. Pero binabawi ko naman sa overtime ang oras na nag-slacked out ako. Hindi ko lang matanggap na nasisilip pala nila iyon.   Bahagya akong napaigtad nang makita ang pag-ikot ng knob. Mabilis akong tumakbo patungo sa hagdan at bumaba doon. Hindi ko na tinignan pa ang mga dati kong kasamahan at agad tinulak ang glass door nang marinig ko ang pangalan ko.   "Ronnie, wait!"   Patuloy ako sa pagtakbo palabas ng shop. Bahagya akong napalingon nang makalayo ako sa shop at napangiti nang makitang nagpalinga-linga si Thunder na nasa labas na. Kinagat ko ang ibabang labi ko at muling tumingin sa harapan nang tumama ako sa matigas na bagay. Napasigaw ako kasabay ng pagtama ng pang-upo ko sa mainit na semento.   Napayuko ako at hinimas ang parteng pang-upo ko. Nakaramdam ako ng hiya nang makita ang iilang pares ng sapatos na nasa harapan ko.   "Ronnie?" Mabilis akong nag-angat ng tingin at nabungaran ang gwapong mukha ni Lawrence. Wala sa sariling napangiti ako nang makita sa tabi niya si Zayn na as usal, seryoso at si Jared na nakatingin sa akin.   Agad nilahad ni Lawrence ang kamay niya sa harapan ko na nakangiti ko namang tinanggap. Hinila niya ako patayo, pinagpagan ko ang pants ko na nadumihan.   "Ayos ka lang? Sorry, hindi ako nakatingin,” sabi ni Lawrence kaya marahan akong tumango.   Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig sa buhay ng tao. Sinong mag-aakala na ang isang casanova noon ay gentleman na ngayon?   "Ayos lang—"   "Ronnie!" Napapikit ako at napailing nang marinig muli ang pagtawag ni Thunder. Tumingin ako sa tatlo at nginitian sila saka humakbang. Hindi pa ako tuluyang nakakalayo nang sumulpot sa harapan ko sina Aly at Lara.   "Ronnie! We miss you!" Nakagat ko ang ibabang labi ko at hindi malaman kung ngingiti o ano sakanila. Nilingon ko ang kinaroroonan ni Thunder at nakitang kasama na siya ngayon nila Zayn.   Napailing na lamang ako at bumuntong hininga.   "Ronnie, restday mo ngayon? Hintayin lang natin si Harlene at may pupuntahan tayo,” nakangiti na wika ni Lara saka lumapit sakin at lumingkis sa braso ko. Nakangiting bumeso naman sa akin si Alyssa at dahil nakatalikod kami sa apat ay pwersahan nila akong pinihit paharap sa mga ito.   Seryosong mga mata ni Thunder ang agad sumalubong sa akin. Napangiwi na lamang ako at huminga ng malalim.   Nilingon ko si Alyssa nang hindi ko ma-take ang titig ni Thunder at pasimpleng bumulong.   "Mauna muna ako. May dadaanan lang ako pero susunod ako, promise,” pagpapaalam ko sa mga ito.   Lumingon sa akin si Aly at mataman na tinignan ako. Nakita kong lumingon siya sa apat saka binalik ang tingin sa akin.   "Saan ka naman pupunta?,” tanong niya.   Tinanggal ko ang braso ni Lara sa braso ko saka hinarap si Aly.   "Saglit lang naman ako. Sige na. Text mo nalang sa akin kung saan ko kayo pupuntahan,” sabi ko pa.   Bumuntong hininga si Aly saka dahan-dahan na tumango. Malapad na napangiti ako saka agad humakbang paatras. Isa-isa ko silang tinignan at kinawayan.   "Mauna muna ako,” nakangiti ko pang sabi saka mabilis na kumaripas ng takbo. Nakahinga ako ng maluwag nang hindi ako tawagin ni Thunder at habulin.   Naupo ako sa damuhan nang makarating ako sa gilid ng lake. Hinubad ko ang backpack ko at nilapag sa gilid ko. Itinukod ko ang kamay ko sa gilid ko at i-ni-stretch ang aking mga paa saka tiningala ang payapang kalangitan.   Tanggapin man o hindi ni Thunder ang resignation letter ko ay buo na ang desisyon ko. Dumaan na din ako sa school kanina at sinabi na hindi na muna ako tutuloy. Nakakapanghinayang ang pinang-down ko pero hindi ko na kayang pag-aralin pa ang sarili ko. Lalo pa na nasa huling taon na ako. Wala din naman ng balak si Mommy na tulungan ako.   Huminga ako ng malalim. Naisip ko na kagabi na hanapin ang Daddy ko pero baka masamain ni Mommy kapag nagtanong ako sakanya. Hindi ko alam ang pangalan ni Daddy, o kahit picture man lang. Ayoko din masaktan kung sakaling hindi niya ako tanggapin, or worst, itanggi ako.   I don't want to experience another heartbreak. Tama na 'yong confessions ng mga ka-trabaho ko, at ang pagsawalang bahala sa kin ni Mommy dahil kay MJ. Pipilitin ko muna ang sarili kong tanggapin ang mga nangyari saka ako ulit haharap sa reyalidad.   Napapikit ako at dinama ang simoy ng hangin. Ginalaw-galaw ko ang mga paa ko habang pinapakinggan ang mga huni ng ibon sa hindi kalayuan.   Dahan-dahan akong nagmulat nang maramdaman na parang may humarang sa sinag ng araw na hinayaan kong tumama sa mukha ko. At ganoon na lamang ang pag-atras ko nang makita ang seryosong mukha ni Thunder na nakatunghay sa akin. Mabilis akong napatayo at gulat na tinignan siya.   "Anong ginagawa mo dito?,” seryoso niyang tanong. Nanatili akong nakatingin sakanya at pinanuod ang mga kamay niyang ipinasok niya sa magkabilang bulsa.   Bahagya niyang pinilig ang kanyang ulo dahil sa bangs niya na tumabing sa mata niya. Nakita ko din ang bahagyang pagkagat niya sakanyang ibabang labi at ang pagbuga niya ng hangin saka muling tumingin sa akin.   Halos pitong taon ko ng kasama ni Thunder. Sakanilang apat, siya ang madalas na nasa coffee shop. Siya ang pinaka-carefree sakanila at walang hilig sa negosyo ng mga magulang. Puro car racing ang laman ng kanyang isipan ayon na din sa kwento niya sa akin. He even told me na these past few months ay nakikipag-race siya sa katabi lang din namin na siyudad.   Thunder Aeron Perez is freaking tall. He's six foot tall. Maputi ang kanyang mga balat, malago ang mga buhok, mapupungay ang kanyang mga mata at may red lips. He has broad shoulders and toned muscles. Hindi ko lang sure sa abs.   Hindi ko maintindihan kung bakit parang nagliwanag ang nasa paligid niya habang pinapanuod ko ang bawat galaw niya. Para bang bigla siyang nag-shine sa paningin ko at talagang ang gwapo niya. For the past years, bakit ngayon ko lang inamin na gwapo siya?   At bakit naririnig ko ang malakas na kabog ng puso ko?   "Ronnie,” wika niya saka humakbang palapit sa akin. Nakagat ko ang ibabang labi ko at gulat na napatingin sakanya, habang mahigpit na napahawak sa laylayan ng shirt ko.   "Ang gwapo ko ‘di ba?,” nakangisi niyang wika.   Mariin akong napapikit saka marahan na napailing. Dumilat ako at napangiwi na lamang sa sinabi niya.   Gwapo nga siya, pero hindi ko iyon sasabihin para hindi tumaas ang self confidence niya.   Huminga ako ng malalim saka humakbang paatras. Bumalik ako sa pwesto ko kanina at naupo. Kinuha ko ang backpack ko at nilagay iyon sa kandungan ko saka tumingin muli sa lawa. Muli akong huminga ng malalim dahil dinig na dinig ko parin ang malakas na kabog ng puso ko.   Naramdaman kong naupo siya sa tabi ko. Hindi nalang ako nagreklamo nang magdikit ang mga gilid namin.   "Bakit ka mag-re-resign? May problema ba?,” tanong niya muli. Agad akong umiling at hinawi ang buhok kong tumabing sa mukha ko.   "Lahat ng bagay may dahilan, Ronnie,” pagrarason pa nito.   "Edi wow,” bulong ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.   "Naka-konekta ang mga cameras sa shop sa cellphone ko. Papanuorin ko na lang kung ayaw mong sabihin,” sabi pa nito. Mabilis akong lumingon sakanya at nakitang hawak na nga niya ang phone niya. Agad ko itong inagaw na ikinatawa nito. Pinalakihan ko siya ng mata.   "Give me that, Ronnie,” natatawa niya pang sabi. Lumayo ako sakanya at tinignan ang phone niya.   Napatigil ako nang makita ang nasa wallpaper niya. Dahan-dahan akong tumingin sakanya at nakitang nag-iwas siya ng tingin. Tinignan ko ulit ang phone niya kasabay ng pagkabog na naman ng dibdib ko.   Ano nga ba ang dapat i-react kapag nakita mo ang picture mo na nakangiti habang may kausap na wallpaper sa cellphone ng isang lalaki? Cellphone wallpaper ng boss mo.   "Akin na yan!" Biglang sigaw niya at mabilis na inagaw ang phone sa kamay ko. Hindi na ako nakaimik nang mabilis niya iyong makuha. Binalik ko ang tingin sa lawa. Katahimikan ang sunod na namayani sa amin.   Tumayo ako at pinulot ang bag ko nang hindi na makayanan ang awkward moment sa pagitan naming dalawa. Agad akong tumalikod at nagsimulang humakbang nang tawagin niya ako. Napatigil ako at nanatiling nakatalikod habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.   "Ronnie,” pagtawag niya pa.   Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ang dobleng pagkabog niyon. Natatakot akong baka lumabas iyon sa ribcage ko na maging cause of death ko pa. Matagal ko ng kilala si Thunder at hindi lang isang-daan beses na binanggit niya ang pangalan ko. Pero bakit parang kakaiba ata ngayon?   Bakit ang sarap pakinggan sa bawat pagbigkas niya ng pangalan ko?   "Ronnie, I...I like you.."   Mabilis akong humarap gulat na napatingin sakanya. Seryoso ang kanyang mga mata.   "Did you just confessed?,” hindi makapaniwala kong tanong.   "I like you, Ronnie,” wika niya muli, this time ay buong-buo na ang bawat pagbigkas niya sa mga letra.   Tinikom ko ang mga labi ko sa pag-aakalang bigla siyang ngingiti at sasabihing biro lamang ang lahat. Na pinagti-trip-an niya lamang ako ngunit hindi.   Hindi iyon nangyari.   "Please stay with me, Ronnie. Huwag ka ng umalis sa shop. Ikaw ang dahilan kaya ako pumupunta doon, araw-araw.”   Huminga ako ng malalim. Kinagat ko ang ibabang labi ko saka napakamot sa pisngi ko. Hindi maproseso ng isipan ko ang mga sinasabi niya. Hindi ko magawang magsalita sa takot na may sabihin akong mali.   "Ayokong mawala ka sa paningin ko. Kulang ang araw ko kapag hindi kita nakikita. Gustong-gusto kong marinig parati ang boses mo, makita ang ngiti mo, at ang reaksyon mo kapag napipikon ka sa mga pang-aasar ko. Gustong-gusto kita, Ronnie, simula pa nong eighteen ka,” sabi niya pa.   Muli akong huminga ng malalim at inis na ginulo ang buhok ko. Nag-iwas ako ng tingin at muling naupo sa damuhan. Mabilis din siyang naupo sa harapan ko saka pilit na hinanap ang mga mata ko.   Sabi nila nakakakilig ang confessions, bakit kay Thunder ay nakararamdam ako ng frustration?   "Ano kasi...Thunder.." I couldn't find the right words! Nakakainis naman kasi! Tahimik akong nag-da-drama sa peaceful place na ito dahil sa sakit na naidulot sa akin ng mga akala kong kaibigan at mga pamilya ko, tapos ganito, bigla siyang magsasabi na gusto niya ako matapos kong makita ang mukha ko sa phone niya!   Nakita ko ang pagbuntong hininga niya. Bahagya siyang napayuko saka malapad na ngumiti. Tila naaliw sa reaksyon ko.   "Ganito na lang, tatanggapin ko ang resignation letter mo kung papayag ka sa sasabihin ko sayo.”   Huminga ako ng malalim nang makita muli ang mapaglaro niyang ngiti. Hindi na akward sa pakiramdam katulad kanina na seryoso siya. Kinunot ko ang noo ko sa sinabi niya.   "Ano?"   "Marry me, Ronnie..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD