Hindi likas sa akin ang mainggit katulad ng lagi kong sinasabi sa sarili ko, but seeing those women na may mga trend gadgets, clothes and make-ups ay parang nagbabago na ang pananaw ko sa buhay. Hindi naman ako ganito dati, ngunit kapag naaalala ko si MJ at kung paano siya manamit at mag-ayos ng kanyang sarili ay bigla akong nakakaramdan ng inggit. Biglang sumasagi sa isipan ko na sana ay mayroon din ako ng mga bagay na mayroon siya.
Ipinatong ko ang mga braso ko sa ibabaw ng table at pinag-cross iyon. Hinilig ko ang ulo ko doon patagilid habang pinagmamasdan ang mga costumer naming babae na masayang nagku-kwentuhan.
Ako ang tipo ng babae na hindi masyadong nag-aayos. Powder and pink lipstick are fine with me at ginagamit lamang ang mga iyan kapag nasa trabaho ako. I also prefer jeans and shirts over dress and skirts. Ako iyong tipong hindi girly sa salita at gawa.
Ganito siguro talaga kapag lumaki na hindi kinakalinga ng Nanay. More likely, lumaki ako ng kasama siya sa buhay ngunit hindi ko naramdaman ang mother's gentle care na sinasabi nila. Isa pa, kuntento na ako sa itsura ko. Matangkad naman ako sa height kong five feet, six inches at slim ang aking pangagatawan. Hindi katulad ni MJ na five foot four inches lang kaya laging nakasuot ng heels, curvy din ang katawan niya at nakadepende ang ganda sa make up.
For the past few days simula ng dumating si MJ ay parang shadow na lamang ako sa bahay na iyon. Dinadaan-daanan at hindi tinatapunan ng tingin. Ayokong maramdaman na magtampo kay Mommy at mainggit sa nakababata kong kapatid but I just can't help it. These past few days ay feeling ko mas nagiging mahina ako at iyakin. Siguro ay tama talaga si MJ sa sinasabi niyang insecure ako sa kanya. Ngayon pa at nagagawa ko ng pagkumparahin kaming dalawa na hindi ko naisip dati.
"Ronnie!" dinig kong sigaw sa hindi kalayuan.
Nag-angat ako ng tingin at napaayos ng upo saka tumingin sa supervisor namin na nasa likod ng counter.
"Bakit po?” tanong ko dito.
"Overbreak ka na!” sigaw nito kaya mabilis kong nilingon ang malaking wall clock. Ganun na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang oras.
Fifteen minutes na akong late!
"Hala! Sorry po madam!” sabi ko saka agad tumayo at tumakbo patungong staff room. Mabilis kong tinanggal ang shirt ko na nakapatong sa uniform na suot ko. Mabilis ang bawat pagkilos ko, mula sa paglagay ng hairnet at cap sa buhok ko hanggang sa paglalagay mula ng lipstick ko.
Hinanda ko na ang sarili ko nang bumalik ako sa likod ng counter at nginitian ang supervisor namin na ngayon ay matalim ang tingin sa akin.
"Ibabawas ko yan sa sahod mo, Ronnie,” seryoso na sabi nito. Marahan lang akong tumango.
"Ayoko ng mauulit pa 'yan. Hindi porket matagal ka na dito at kinakausap ka ng mga may-ari ay akala mo kung sino ka na. Nakalimutan mo na ata na isa ka lang hamak na empleyado dito at pinapasahod ng mga kaibigan na sinasabi mo,” dugtong pa nito.
Nakaramdam ako ng kirot saking dibdib sa mga narinig. Napayuko na lamang ako at napahigpit ng kapit sa apron na nakasabit sa bewang ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko kasabay nang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko.
Alam ko naman kung saan ako lulugar. Sa bahay man o dito sa trabaho ko. Alam ko naman na hindi ako ang paboritong anak ni Mommy dahil hindi ako kasing ganda niya. Alam ko din na kahit kaibigan ang turing sa akin ng mga Kings at nina Alyssa, Lara at Harlene ay hindi pa rin nawawala sa isipan ko na empleyado lamang nila ako. Alam kong sa mundong ito, left out ako. Hindi ako kailanman babagay sa mga taong gusto kong makasama.
Napadiin ang pagkagat ko sa labi ko kasabay ng pagpatak ng mga luha ko. Mabilis kong pinunasan ang pisngi ko.
"Huwag mo akong iyakan, Ronnie. Hindi pa ako patay,” mahina niya pang wika. Napailing ako saka muling pinunasan ang pisngi ko. Nag-angat ako ng tingin at tinitigan sa mga mata ang supervisor namin na sa simula pa lamang ay pinag-iinitan na ako.
"Ano po ba ang problema niyo sa akin, Madam? May ginawa po ba akong masama sa inyo?" tanong ko dito. Matagal ko ng gustong itanong ang mga katagang iyan. Ever since na pumasok siya dito. Mas nauna ako sa kanya ng dalawang taon na magtrabaho dito pero kailangan ko pa rin siyang irespeto dahil supervisor siya at cashier lang ako.
Hindi kasi ako iyong tipo ng tao na nagmamayabang porket matagal na sa at kahit na halos kabisado ko na ang lahat. Alam ko naman kasi kung saan ako lulugar.
Tumaas ang kilay nito habang nakatingin pa rin sa akin ng masama.
"Gusto mo talagang malaman?” tila naghahamon na tanong nito. Humalukipkip pa ito at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa ko pabalik sa mga mata ko.
Kaedad lamang ni Mommy ang supervisor namin na ito na si Mrs Rita Gruba. Biyuda siya at isang babae lamang ang anak na hindi ko alam kung nasaan. Mabait naman siya at marunong makisama, pwera lamang sa akin sa hindi ko malaman na kadahilanan.
"Naiinis ako sayo dahil kung umasta ka akala mo kung sino ka. Ang lakas ng loob mong makipag-kaibigan sa mga asawa ng mga may-ari. Bakit? Dahil gusto mong ma-promote? Dahil sa tagal mo ng nagta-trabaho dito ay ganyan ka pa rin," taas-noo na sabi nito.
Napailing ako hindi makapaniwala sa mga narinig. Tipid na lamang akong ngumiti kasabay nang pagtulo na naman ng mga luha ko.
Nakita ko ang paglapit ng iilan sa mga kasamahan ko. Tumayo sila sa gilid ng supervisor namin at mataman na tumitig sa akin.
"Sorry, Ronnie pero minsan nakakainis ka na kasi, lalo na kapag nandyan sila Alyssa. Hindi ka na nagta-trabaho at nakikipag-usap na lamang sa kanila kahit na oras pa ng duty mo,” sabi pa ni Dessa
"Kung makaasta ka din kasi kapag nandyan si Sir Thunder ay akala mo kung sino ka. Madalas ka ding petiks kapag nandito sila,” wika naman ni Philip na isa sa mga waiter.
"May special treatment kasi ang mga boss sa iyo, Ronnie. May leave with pay ka bago ang exam mo, pwera pa ang yearly na leave natin,” dinig kong sabi naman ng pastry chef namin na si Cherry na nakasilip mula sa kitchen.
"See? Hindi lang ako ang naiinis sa iyo, Ronnie. Lahat kami,” nakangisi na wika ni Mrs Gruba.
Napabuntong hininga ako sa mga narinig at piniling tumahimik na lamang habang lumuluha na patuloy kong pinupunasan sa bawat paglandas nito sa pisngi ko.
Kagabi pa ako emotional dahil sa so many feels na nararamdaman ko kay Mommy at MJ na mukhang pinapamukha pa sa akin na wala na akong lugar sa bahay na iyon. Ganoon na ba kamanhid si Mommy para hindi niya maramdaman na nagseselos ako sa mga pag-aasikaso niya kay MJ na kailanman ay hindi niya nagawa sa akin? Sa tuwing umuuwi ako sa gabi, na pagod sa duty, naabutan ko silang masayang kumakain, susulyapan lamang nila ako saka magpapatuloy. Hindi man lang ako alukin o ipaghanda ni Mommy dahil pagod nga ako. Nakikita ko rin na parati silang namamasyal, kahit wala ng pera ay binibilhan pa rin niya ng mga bagong damit ang anak niya habang ako, wala kahit isa. Tapos kakausapin niya lang ako kapag wala na siyang pera.
Hindi ba talaga ako ganon ka-lovable para hindi ko maramdaman ang pagmamahal ni Mommy sa kapatid ko? Wala akong nakagisnang Ama, at ang tanging magulang ko ay hindi pa ako magawang mahalin.
Tapos ngayon, sa trabaho ko naman, na escape ko sana sa magulong buhay ko sa loob ng bahay namin. Hindi ko alam na ganoon pala ang tingin nila sa akin. Ikinasama ko pa pala ang pakikipag-kaibigan sa mga asawa ng mga boss namin.
Wala talaga akong ideya na ganoon na pala ang nararamdaman nila para sa akin. Lahat na pala sila ay ayaw sa akin. Lalo na si Dessa at Philip na inakala kong mga kaibigan ko.
Yumuko ako at naglakad, nilagpasan ko sila na nakatayo sa harapan ko saka bumalik sa staff room. Agad ko iyong ni-locked at tinanggal ang cap at hairnet at apron ko. Mabilis akong nagpalit ng t-shirt saka iniwan iyon sa upuan. Kinuha ko ang backpack ko na nakasabit at saka binuksan ang staff room. Dire-diretso lamang ang mabilis kong paglalakad hanggang sa makalabas ako sa kitchen. Ramdam ko ang mga tingin nila sa akin hanggang sa makalabas ako sa coffee shop. Sinukbit ko ang backpack ko saka nagsimulang tumakbo palayo doon.
Ano ba ang dapat kong gawin para hindi ko na maramdaman ang ganito kasakit na pakiramdam?
Bakit hindi ako aware na naiinis na pala sila sa akin? Bakit nagsisimula na akong mainggit kay MJ? Bakit ang simpleng pakikipag-kaibigan kina Aly ay magdudulot sa akin ng pagkadisgusto ng mga kasamahan ko?
Bakit ganito ako ka-tanga para hindi malaman ang lahat ng ito?
Huminto ako sa pagtakbo at habol ang hiningang napaupo sa damuhan. Namalayan kong nakarating na ako sa tabi ng lawa kung saan ako dinala ni Harlene noon. Itinaas ko ang mga tuhod ko at niyakap saka hinayaan ang sariling umiyak ng umiyak.
Ang sakit pala kapag nalaman mong lahat ng tao galit sayo.
Hindi ko na nga maramdaman ang pagmamahal mula sa pamilya ko, bakit pati sa mga katrabaho ko ay ganoon din? Hindi siguro talaga ako lovable.
Madilim na ang kalangitan nang makarating ako sa bahay. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang malutong na tawa ni Mommy. Sumilip ako sa nakita sila sa sala na magkatabi habang nagkukwentuhan. Mukha ring kakauwi pa lamang nila dahil sa mga suot nila. Huminga ako ng malalim at nagsimulang humakbang. Naupo ako sa gilid ni Mommy kaya sabay silang napalingon sa akin.
"Nandyan ka na pala, Ronnie,” sabi naman ni Mommy saka bahagya lang na sumulyap sa akin.
Muli akong huminga ng malalim. Ramdam ko ang pamumugto ng mga mata ko dahil sa ginawa kong pag-iyak kanina pero mukhang hindi iyon napansin ni Mommy.
"Hihinto na po ako sa pag-aaral, Mommy,” mahina kong wika saka bahagyang yumuko.
Naramdaman ko ang pagharap niya sa akin. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at nakasalubong ang kanyang mga mata.
"Bakit?” seryosong tanong nito.
"Maghahanap po kasi ako ng ibang trabaho. Mag-iipon na lang muna ulit ako," tumango-tango ito saka bumuntong hininga.
"Kung 'yan ang gusto mo. Buhay mo naman yan eh,” sagot nito saka muling humarap kay MJ na ngayon ay nakataas ang kilay na nakatingin sa akin.
Hindi ako nakapagsalita at pinanuod na lamang silang tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa at pumanhik sa second floor.
Napabuntong hininga ako kasabay nang pagbigat ng kalooban ko. Mas masakit pa ang narinig ko mula kay Mommy kesa sa narinig ko kanina sa mga kasamahan ko.
Dapat ko na bang sukuan ang pagmamahal na matagal kong nililimos kay Mommy? Dapat ko na rin bang bitawan ang trabahong napamahal na sa akin at magpakalayo na lamang? After all, wala naman may gusto sa akin kahit saan man ako pumunta. Baka kapag lumayo ako ay tanggapin ako ng mga taong makikilala ko pa lamang.