Chapter 4

2052 Words
Gaano kasaya ang dapat maramdaman kapag inalok ang babae ng kasal?   Ano ang dapat gawin at sabihin? Katulad ba dapat sa mga romantic movies na iiyak sa tuwa? Hindi makakapagsalita? At mapapatakip na lamang sa bibig habang inaantay ang singsing na isuot sa daliri?   Pero walang dalang singsing si Thunder. Hindi din siya nakaluhod. Wala kami sa romantic place pero nag-propose siya.   He asked me to marry him.   I was eighteen when I first saw him. Sina Zayn at Jared ang nag-interview sa akin noon kaya the next day ko na nakita si Thunder, and that time he was twenty-five.   Naramdaman ko ang pagtigil sandali ng mundo ko nang makita siyang naglalakad papasok sa shop. He was wearing a rugged jean, blue t-shirt with collar, sneakers at may sunglasses pa habang may suot na earphones ang magkabila niyang tenga. He really looked so cool, that time. At doon ko unang naramdaman ang pakiramdam na laging kinukwento sa akin nila Harlene, Aly at Lara.   The feeling of being in love.   Inaamin kong matagal ko na din siyang gusto, sobrang tagal na hindi ko maalala kung kailan nagsimula. Hindi naman ako naghahangad na gustuhin din niya pabalik. Nasanay naman akong magmahal na hindi minamahal. Sapat na sa akin ang makita siya at masaya. Isa din iyon sa mga dahilan kung bakit nananatili ako sa coffee shop kahit maraming opportunities na dumadating sa akin na magtrabaho sa Metro. Iyon din ang dahilan kung bakit napagtiyagaan ko ang kahanginan niya at lakas ng confidence sa sarili. Alam naming gwapo siya, pero nakakainis dahil pinangangalandakan niya pa. He was so inlove with himself, by the way. He's cool and arrogant.   Masaya ako ngayon dahil gusto niya ako at mukha ko ang nasa wallpaper niya. Tuwang-tuwa ang puso ko dahil inaalok niya ako ng kasal. Masaya ako dahil matapos ang masakit na katotohanan na sumampal sa akin kahapon ay may mabuting balita na dumating.   Pinigilan ko ang pag-ngiti at napayuko para iwasan ang mga titig niyang nakakalunod.   Ngayon ay sigurado na akong hindi lang basta gusto ang nararamdaman ko sakanya, dahil mahal ko na siya.   Katulad sa mga kwento nila Harlene, ang mga nararamdaman ko ngayon. Fast heart beat, butterflies in the stomach, at ang pag-ngiti ng walang dahilan.   He's the Ideal guy. I am happy that I love him, now. I may not be a very lovable person pero natutuwa ako dahil nagawa kong mahalin ang aroganteng gaya niya.   And I started imagining a fairytale like story of us. I silently giggled with my thought.   "Gusto kitang pakasalan, Ronnie. Magkaibigan tayo at matagal ng magkakilala. Malaki ang tiwala ko sayo at alam kong hindi mo ako bibiguin..."   Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Bahagya akong sumulyap sakanya at nakitang nakatingin na siya sa lawa.   "Kailangan na natin magpakasal agad bago pa umuwi ng pilipinas ang parents ko. Para hindi na nila tayo mapigilan, dahil nakakapagod ng hindi-an ang pag-re-reto nila sa akin sa anak ng kaibigan nila..."   Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa huling sinabi niya. Mataman akong tumingin sakanya na bahagya lang akong sinulyapan saka humarap muli sa lawa.   "Last year lang nang sabihin sakin ni Mama ang planong ipakasal ako sa isa sa mga anak ng kaibigan niya. Na-i-stress na raw siya kasing makita na ganito lang ang ginagawa ko sa buhay. You know how they dislike my racing career, right? They want me to become a doctor like them na ayaw na ayaw ko. I really hate reading and memorizing some shit."   "Anong ibig mong sabihin?" Mahina kong tanong. Nakuyom ko ang kamao ko at itinapat iyon sa dibdib ko nang maramdaman ko ang pagkirot niyon.   "I want you to marry me just to get rid of them. Alam kong kapag may pinakilala akong asawa sakanila ay titigilan na nila ako. And you are the perfect bride for me. Alam ko ding hindi ka mahuhulog sa akin dahil wala akong balak na saluhin ka..."   Natawa ako sa sinabi niya at mabilis na pinunasan ang luhang tumakas sa mata ko. Mas lumakas pa ang tawa ko nang marinig ko ang pagtawa niya saka humarap sa akin. Napayuko ako at muling pinunasan ang mga luha kong sunod-sunod ng tumutulo. Hindi ako tumigil sa pagtawa kahit ang sakit-sakit ng nararamdaman ko. Alam ko naman kasing hindi niya mapapansin na nagpapanggap lang ako dahil manhid siya. Hindi nga niya napansin ang pagtingin ko sakanya sa nakalipas na taon eh, ngayon pa kaya?   Tuluyang naglaho ang kasiyahan na kanina ay nararamdaman ko. Parang bula na naglaho ang pag-asang kanina ay umusbong sa dibdib ko. Ang akala kong mala-fairytale na kwento namin ni Thunder ay isa lang palang ilusyon.   Kakalimutan ko nalang din ang mga sinabi niya kanina dahil alam kong kasama iyon sa pag-arte niya para mapapayag ako. At yung picture ko? Baka pinakita niya iyon sa Mama niya at para maniwala ay ginawa niya ng wallpaper ng cellphone.   Totoo nga ang mga nababasa ko sa social sites na masakit umasa, mag-assume at mag-expect. Bakit nga ba sa mga ganitong pangyayari babae ang labis na nasasaktan?   Am I not really that lovable na maging si Thunder na matagal ko ng kasama ay hindi ako magawang tignan?   Hinayaan kong tumabing ang buhok ko sa mukha ko. Itinaas ko ang isa kong tuhod at pinatong doon ang noo ko habang nakayuko pa din. Pinanuod ko ang bawat pagpatak ng luha ko sa damuhan, kasabay nang bawat pagpiga sa puso ko dahil sa sobrang sakit.   Gusto niya akong pakasalan para tigilan na siya ng parents niya sa pangingialam sa buhay niya. Sinabi niyang gusto niya ako para mapapayag ako sa pabor na hinihingi niya. Great. I got fooled by him. I just assume things.   Kung kailan inamin ko na sa sarili ko na mahal ko siya. Katulad ng parating tinatanong sa akin nila Alyssa.   "Halata naman na inlove ka kay Thunder. I can see it in your eyes.."   "Yes. Saka ikaw lang ang nagtiya-tiyaga sa ugali niya. Si Alyssa nga sinukuan ang pagiging moody niya eh."   "You can tell us, Ronnie! We'll keep it a secret. Promise!"   Matagal ko na nga sigurong mahal si Thunder kaya ako nasasaktan ng ganito ngayon.   "Ayos ka lang, Ronnie?" Dinig kong tanong niya.   Umiling-iling ako. Inabot ko ang bag ko na nasa gilid ko at nilabas ang phone ko.   "Ronnie?"   Hinanap ko ang conversation namin ni Alyssa at agad pinindot iyon. Nagtype ako ng message at nang makitang na-sent iyon ay binalik ko ang cellphone sa bag ko. Huminga ako ng malalim at pinunasan ang mga luha ko gamit ang laylayan ng shirt ko.   "Umiiyak ka ba, Ronnie?" Tanong pa niya nang marinig ang pagsinghot ko.   Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang mga mata niya. Nakita ko ang pagkagulat niya nang makita ang pamumula ng mga mata ko. Tipid ko siyang nginitian saka huminga muli ng malalim.   "Bakit ayaw mo akong saluhin kung sakaling mahulog ako sayo, Thunder?"   Nakita ko ang pag-galaw ng adams apple niya saka nag-iwas ng tingin.   "Magkaibigan tayo, Ronnie. You were my best buddy at ayokong masira iyon.." Mahinang tugon niya.   Napatango-tango ako at mabilisan na pinunasan ang luhang pumatak. Totoo ngang masakit ang ma-friendzone.   "I cherish our friendship, Ronnie. Totoo iyong sinabi kong gusto kitang makita araw-araw at laging nasa tabi ko lamang. Nasanay akong kasama ka parati, Ronnie. Natutuwa ako sa mga kwento mo. Gustong-gusto kong pakinggan ang mga words of wisdom mo. Gusto kita dahil alam kong magugustuhan ka din nila katulad ng pagkagusto nila Alyssa bilang kaibigan mo. I really like you to be my wife dahil alam kong hindi ka mahuhulog sa akin. You know how much I hate commitments, right? Alam kong maiintindihan mo ako sa mga bagay na gusto ko pang gawin kahit kasal na tayo.."   He hates commitments, so much. Nasaksihan niya kasi ang magandang relasyon ng parents niya na nauwi lamang din sa hiwalayan. He even told me before about his first love na iniwan at sinaktan din siya. After that, hindi na muli siya nagkaroon ng girlfriends at nag-focus na lamang sa mga kaibigan niya at pag-da-drive ng mabilis. He finds comfort through car racing, he says that It feels warm, lalo na kapag hawak niya ang steering wheel kasabay nang pagpapatakbo niya sa sasakyan.   Muli na namang tumulo ang luha sa mga mata ko kahit na anong pigil ko. Nakita kong natigilan siya. Ayoko sanang makita niya akong nasasaktan sa bawat sinasabi niya ngunit kailangan kong ilabas ang lahat ng ito. Pagod na pagod na akong paulit-ulit na masaktan. Pagod na pagod na akong magmahal ng unrequited. Gusto kong ako naman ang unang mahalin.   "But please, don't love me, Veronica. I know how you feel towards me just by looking at you and I'm afraid..."   "Why Thunder?"   "I don't want you to get hurt, you're my precious friend..."   "But I love you now..."   "No, please. I..I don't feel the same way..."   Napapikit ako kasabay ng pagbuhos ng mga luha ko. Huminga ako ng malalim saka napayuko na lamang. Tuluyan na akong napahagulgol at inilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.   Itinapat ko ang palad ko sa puso ko saka marahang tinapik iyon. Dinig na dinig ko ang pagkabasag nito. Ramdam na ramdam ko ang matinding sakit.   Kung kailan ko na-realized na mahal ko siya, ang long time crush ko ay saka naman niya sasabihin na hindi niya ako kayang mahalin. Bakit? Sa anong dahilan? Hindi ba talaga ako lovable? Wala ba talaga akong katangian na mapapamahal sila? Nabuhay ba ako sa mundong ito para lamang saktan ng mga tao sa paligid ko?   Thunder just dumped me. I just confessed my true feeling for him at walang pag-aalinlangan niyang hindi tinanggap ang pagmamahal ko. Sana ay sinaksak na lang niya ako. O kahit nag-pretend nalang siya. But knowing him, totoong tao siya at sasabihin ang anumang gusto niyang sabihin with no mercy. And I just happened to hear those painful words.   "I still want you to be my wife, Ronnie.."   "Ibibigay ko sayo ang lahat ng pangangailangan mo. I can even provide your tuition fees and other expenses. Pumayag ka lang na pakasalan ako..."   Nag-angat ako ng tingin at napailing sa mga sinabi niya.   "Alam mo ba kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon, Thunder?" Mahina kong tanong. Muli na naman namuo ang luha sa mga mata ko.   Nakita kong yumuko siya. Sinubukan niyang abutin ang isang kamay ko na agad kong iniwas.   "Ronnie.."   Marahas siyang bumuntong hininga.   "Kaya ayokong mahalin mo ako para hindi ka masaktan. Hindi ko kayang makita kang umiiyak ng dahil sa akin. Kaya please, huwag mo akong mahalin.."   He told me to not love him para hindi ako masaktan. He still cares for me. He said that I am his precious friend. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.   "Hindi kita maintindihan, Thunder. Pero sige, papayag akong magpakasal sa iyo. At gagawin ko din ang sinabi mo, pag-aaralan kong huwag ka ng mahalin kahit na hindi natuturuan ang puso."   "Please do it, Ronnie. Ayokong mahirapan ka. Ayokong masaktan ka. Ayokong umiiyak ka ng dahil sa akin.."   Tumango na lamang ako at paulit-ulit na huminga ng malalim. Tinuyo ko ang pisngi ko saka hinarap ang payapang lawa na naging saksi sa mga napag-usapan namin.   Kailangan ko na yatang tanggapin na hindi ako lovable sa paningin nila. Na kahit kailan ay walang magmamahal sa akin katulad ng pagmamahal ko sakanila. Ganito siguro talaga ang kapalaran ko na naisulat na ng tadhana bago pa lamang ako i-panganak.   Pag-aaralan ko nang tanggapin ang lahat simula ngayon. I can please my former workmates, at hindi na namin maibabalik pa ang pinagsamahan namin especially Dessa and Philip. Tatanggapin ko na din na kahit kailan ay hindi magiging pantay ang pagtingin at pag-trato ni Mommy sa amin ni MJ. Lastly, pipilitin kong tanggapin na kahit kailan ay hindi ako mamahalin ni Thunder.   My love for him will be forever unrequited. Ang mahalaga ay makakasama ko siya sa mga susunod na araw ng buhay ko. I should feel grateful at ako parin ang inalok niyang pakasalan para makaiwas sa parents niya.   Sapat ng nasabi ko sakanya na mahal ko siya. I will just go with the flow. Mas mabuti na ding nasa poder niya ako, alam kong magiging malaking tulong iyon para matanggap ko ang lahat tungkol kay Mommy at sa kapatid ko.   I know I can be happier. I know I can.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD