Chapter 1

1683 Words
Nasa puno pa lamang ako ng hagdanan ay rinig na rinig ko na ang malakas na tawa ni Mommy at boses ni MJ mula sa kusina. Napabuntong hininga ako at nagpatuloy sa pagbaba. Dahan-dahan ang ginawa kong paghakbang papasok sa kitchen, at tama ang hinala ko, masayang-masaya si Mommy habang nagku-kwento si MJ. Kapansin-pansin din ang pagbabago ng kapatid ko dahil sa damit niyang simpleng shirt at jersey shorts, unlike kahapon na puro mamahaling damit ang suot.   Hindi likas sa akin ang mainggit. Natuto akong makuntento sa kung anong meron ako. Pinalaki ako ni Mommy ni hindi dumedepende sakanya, hinayaan niya akong mabuhay sa buhay na gusto ko. Kailanman, hindi niya ako pinakilaman sa bawat desisyon na ginagawa ko.   Huminga ako ng malalim. Bigla kong naramdaman ang pag-iinit ng gilid ng mga mata ko. Siguro dahil hindi namin nagawa ni Mommy ang ginagawa nila ngayon ni MJ.   Masyado kasi kaming busy at nagkikita lamang sa gabi at umaga. Minsan ay hindi pa kami nagsasabay sa pagkain kahit na dalawa lang kami, noon.   "Alis na ako, Mommy,” mahina kong wika. Napalingon sa akin si Mommy saka tumango at bumaling muli kay MJ. Nag-angat naman ng tingin sa akin ang kapatid ko saka ngumiti.   "Papasok ka na, Ronnie?,” tanong niya. Tumango ako at iniayos ang strap ng backpack ko.   Tumalikod na ako nang muling magkwento si MJ ng buhay niya sa States habang patawa-tawa si Mommy. Mabibigat ang mga hakbang ko patungo sa pinto. Masama ang loob ko dahil hindi man lang nila akong inaya na sumalo sa kanila ng agahan.   Pakiramdam ko tuloy ay hindi na ako anak, ulit.   Mabilis akong lumabas ng bahay at pumara ng tricycle at nagpahatid sa University of Aldwyne na pinapasukan ko.   Nang makababa ako ng tricycle ay agad ako pumasok sa gate ng University at nagtungo sa library dahil maaga pa para sa first subject ko. Naupo ako sa pinakadulong table nilabas ang mga notes ko.   Sumagi na naman sa isip ko ang nangyari kanina kaya naramdaman ko na naman ang paninikip ng dibdib ko.   Naiintindihan ko si Mommy kung bakit ganoon na lamang ang galak niya kay MJ dahil matagal na panahon silang hindi nagkita, nagkasama at nagkausap. Naiintindihan ko din na hindi talaga fair ang trato niya sa amin kahit noong mga bata pa kami. Ngunit, dahil nasanay ako sa mahabang panahon na ako lang ang kasama ni Mommy ay nahihirapan ako sa sitwasyon ngayon.   Unang raw pa lamang ni MJ sa bahay, muli tapos ganito na ang nararamdaman ko. Paano pa sa mga susunod na raw?   Napaangat ako ng tingin nang marinig ang pagtunog ng cellphone ko. Dali-dali ko itong kinuha sa bag ko sa takot na marinig iyon ng librarian at palabasin ako. Agad kong pinatay ang alarm at sinikop ang mga gamit ko saka tumayo. Naglakad ako palabas ng library at nagtungo sa building ng department namin.   I am currently taking up Bachelor of Science in Elementary Education. Right now ay application for graduation ang inaasikaso ko habang naghahanda sa final exam, two weeks from now.   Hindi katulad ng St. Bernadette University ang Aldwyne University. Prestigous school ang St. Bernadette habang government lamang ang school na pinapasukan ko. Pero strikto sila sa grade requirment at kailangan ay consistent ka doon. So far ay hindi pa naman ako bumabagsak dahil ang café na pinagtatrabahuan ko ang nag-aadjust ng sched ko school. I'm still thankful, dahil may mga mayayaman parin na may considerasyon sa mga mahihirap nilang empleyado.   After sa school ay agad akong dumiretso sa café kung saan ang trabaho ko. Natanaw ko mula sa labas ng glass wall na puno ang café ngayong oras, dahil na rin sa breaktime ng isang call center company na malapit lang din dito. Agad kong tinulak ang glass door na naging dahilan ng pagtunog ng chime. Napatingin naman sa akin ang ilan sa mga kasamahan ko at saka ngumiti.   "Ronnie!" Napailing ako nang sumigaw si Dessa mula sa counter kahit na may costumer sa harapan niya.   Naglakad ako patungon sa may kitchen kung saan ang staff room. Binati pa ako ng ilan sa mga pastry chef na nadaanan ko saka pumasok na sa staff room. Agad kong nilapag ang backpack ko sa couch at naupo doon.   Tumingin ako sa wall clock na nasa harapan ko at napahinga ng malalim nang makitang maaga ako ng isang oras sa duty ko.   Hindi ko namalayan ang oras na pagtunga-nga ko sa staff room kung hindi ako napatingin sa orasan at makitang five minutes na lamang ay male-late na ako. Mabilis akong kumilos at nagpalit ng uniform. Tinakbo ko ang distansya mula doon patungo sa kitchen saka kinuha ang time card ko at lumapit sa supervisor namin na Mrs. Gruba. Nakakunot ang noo nito habang pinipirmahan ang time card ko saka nakataas ang kilay na tumingin sa akin.   "Pinapatawag ka ni Sir Thunder sa taas, Ronnie. Bilisan mo,” sabi nito. Tumango ako saka tumalikod at binalik sa lagayan ang time card ko. Agad akong umakyat sa second floor kung saan ang opisina ng apat naming boss na may-ari ng café.   Tatlong katok ang ginawa ko sa pinto kung nasaan ang pangalan ni Thunder Aeron  Perez saka pinihit ang knob at dahan-dahan iyong binuksan. Nabungaran ko siyang nakaupo sa swivel chair at seryoso ang mukhang nag-angat ng tingin mula sa kung anong binabasa niya sa desk niya.   "Good afternoon po, boss,” magalang na bati ko.   Nagsalubong ang kilay niya nang makita ako saka sumandal sa inuupuan niya. Tipid akong ngumiti saka huminga ng malalim.   Kaka-eighteen ko pa lamang nang mag-apply ako sa café na ito. Saktong ilang buwan pa lamang simula ng buksan ang shop nilang ito at nangangailangan ng tao kaya agad akong tinanggap. Ngayon at twenty-five na ako ay nandito parin ako, at malapit na ang seven year anniversary ko bilang isang waitress and cashier.   Hindi din biro ang pag-iipon ko noon para lamang makapasok sa college. Ilang taon akong nagpahinto-hinto dahil hindi naman stable sa trabaho si Mommy at kailangan kong suportahan ang daily needs at bayaran ang bills namin. Kaya umabot ako sa ganitong edad na nag-aaral parin habang sina Alyssa, Harlene, at Lara ay may mga anak habang ang iba ay nag-aaral.   Mabigat din ang bayarin sa University kahit na government lang. Mababa nga ang tuition pero usually ay binabawi nila sa mga libro at other miscellaneous. May mga tours din kami na pinupuntahan na project sa minor subject namin na feeling major.   Wala naman akong pinagsisisihan sa mga nagawa ko sa buhay ko. It's better to be late, than never sabi nga nila. Mahirap din kasi talagang mag-aral sa kolehiyo lalo na kung sinusuportahan mo ang sarili mo. At ginagawa ko na lamang na motivation ay ang mga kaibigan kong naka-graduate at ang mga working student na nababasa ko sa f*******:.   At sa loob ng halos pitong taon ay masasabi kong kabisado ko na din silang apat at ang likaw ng mga bituka nila.   "Ronnie,” bigkas nito sa pangalan ko gamit ang baritone voice nito.   "Yes boss?,” nakangiti kong tanong.   "Kailan ang final exam mo?,” balik-tanong niya kaya sandali akong nag-isip.   "Next week po,” sagot ko. Napabuntong hininga ako dahil alam ko na ang kalalabasan ng usapan na ito.   "Mag-file ka na ng leave kay Tita Rita pati ang total balance mo sa school para makapag-issue na ako ng cheque. Don't worry, ikakaltas ito sa sahod mo,” sabi nito at saka mabilis lang ako na sinulyapan at ibinalik ang tingin sa laptop nito na nasa harapan niya.   Napatango na lamang ako saka mahinang nagpasalamat.   Simula ng mag-aral ako ay lagi ng may ganito. Every exams ay pinapayagan nila akong mag-leave ng one week at with pay pa para makapag-review daw ako. Binabayaran din nila ang balanse ko sa school bago ang exam at kinakaltas na lamang sa apat na sahuran. Para bang pinapa-utang nila ako dahil hindi ko talaga kayang bayaran ang tuition ko ng buo kahit na eight thousand lang ito. 3K ang downpayment na pinag-iipunan ko pa at mabigat paghatiin ang 5K sa isang sem. Kailangan ko kasing hatiin ang sahod ko para makatulong kay Mommy.   Nang makita kong tumango siya ay tumalikod na ako. Akmang hahawakan ko na ang knob ng tawagin niya muli ang pangalan ko.   Mabilis akong humarap sakanya saka ngumiti.   "I heard about your sister, Ronnie. Siya ba yung sinasabi nila Dessa na galing US?,” tanong nito muli. Bahagya akong napayuko sa narinig. Hindi ko alam kung bakit nanikip ang dibdib ko.   "Oo boss. Kakauwi lang niya kagabi,” sagot ko.   "Hindi mo nakwento na may kapatid ka?,” sabi pa nito. Napakunot-noo ako sa narinig. Bakit interesado ka sa kanya? Porket laking US?   I bit my lower lip saka bahagyang nag-iwas ng tingin.   "Bakit boss? Gusto mo ba siyang makilala? She's an heiress of a billion dollar wealth of Aguilars,” mahina kong sabi.   Umiling ito saka dahan-dahan na ngumisi. Tumayo ito mula sa swivel chair saka naglakad patungo sa harapan ng mesa. Sumandal ito doon saka humalukipkip. Doon ko lang napansin ang suot niyang short sleeve sky blue polo saka navy blue plaid shorts at vans blue shoes. Bigla ko na naman naalala si MJ at ang pagkahumaling nito sa blue.   Siguro ay destiny silang dalawa.   Muli na naman nanikip ang dibdib ko kaya huminga ako ng malalim.   "Don't worry, Ronnie. Kahit na mas maganda at mas sexy siya sayo o mayaman siya at taga-pagmana ng lahat ng kayamanan sa mundo ay ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko. Always remember that,” nakangisi na sabi nito , bagay na ikinatakha ko. Matagal bago maproseso ng utak ko ang mga ito hanggang sa makalabas ako ng opisina niya at magtungo sa work station ko.   "s**t!,” biglang sambit ko nang maintindihan ang sinabi niya.   "Bakit, Ronnie?,” gulat na napatingin sa akin si Dessa at tumigil sa pagbibilang ng kaha niya. Papalitan ko na siya dahil siya naman ang papasok sa school.   Shit talaga! Nahawa na ako sa pagiging palamura nila Aly at Harlene pero s**t lang! Sinabi ba talaga niya iyon? Bakit ngayon ko lang na-realize?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD