Chapter 5

2474 Words
"Ronnie!"   Mula sa pagkakasandal ko sa puno ay tumayo ako ng tuwid at sinalubong si Lara at Alyssa na mabilis na naglalakad patungo sa akin. Ngumiti ako sa kanila, mabilis naman akong niyakap ni Lara habang ngumiti lang si Alyssa sa akin.   "Sorry na late kami. Ang haba kasi ng pila sa grocery store kanina, tapos ay traffic pa dahil may ginagawang kalsada. Matagal ka bang naghintay, Ronnie?" Umiling ako sa sinabi ni Lara at tipid na ngumiti.   Kitang-kita ko ang paghahabol pa nila ng kanilang hininga habang nakatayo sa harapan ko. Halatang tumakbo sila para makarating agad.   "Tara na at baka kanina pa naloloka si Harlene sa pagbabantay sa mga bata," maya-maya ay wika ni Alyssa pagkatapos huminga ng malalim.   Tumango ako at pinalibot ang magkabila kong braso sa mga braso nila. Sabay silang dalawa na natawa sa ginawa ko na ikinangiti ko. Nag-umpisa kaming maglakad na tatlo nang mapatigil ako at mapatingin sa kabilang bahagi kung nasaan si Thunder. Nakatayo sa ilalim ng puno habang nakatingin sa amin.   "Huh? Nandito pala si Thunder? Bakit tin-ext mo pa ako para sunduin ka dito kung nandito naman siya?" takhang tanong ni Alyssa saka sumulyap sa akin bago kay Thunder.   Napabuntong hininga ako at nag-iwas ng tingin kay Thunder. Tinext ko talaga si Aly para sunduin ako dito, at the same time para takasan ang mga sinabi ni Thunder kanina lamang. Gusto ko ng umalis kanina dahil sobrang nasasaktan na ako ngunit talagang na-late sila kaya napilitan akong pumayag sa alok niya kahit alam kong ako rin ang mahihirapan sa huli.   Pero kailangan kong sumugal. Hindi naman siguro masama iyon. Kailangan kong makatapos ng pag-aaral. As a friend, kailangan ko rin siyang tulungan sa problema niya at kailangan kong lumayo pansamantala kina Mommy at MJ dahil sa tuwing nakikita ko silang masaya at magkasama ay parang pinipiga na ang puso ko. Hindi ko na kaya pa iyon. For once, iisipin ko na muna ang sarili ko at ito lang ang naiisip ko na paraan para hindi ko na muli maramdaman ang sakit na naidudulot ng pamilya ko sa akin.   "Sinundan ko dito si Ronnie," dinig kong wika ni Thunder. Huminga muli ako ng malalim. Bumalik na naman sa isipan ko ang napag-usapan namin kanina lamang.   "Ah. Kaya pala bigla ka rin nawala," sabi naman ni Lara.   "Sige na, Thunder. Mauuna na kami. Sumunod ka kaagad, ha! Nandoon ang mga inaanak mo!" wika naman ni Aly. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Thunder. Nang lingunin ko siya ay nakatingin na naman siya sa akin.   "Oo naman, Aly. May dadaanan lang ako tapos ay susunod ako kaagad,” sagot pa nito.   Tumango lang si Alyssa at nagpaalam na kay Thunder. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating sa itim na sasakyan ni Lara. Pumasok ako sa backseat habang sa passenger's si Alyssa at si Lara ang driver namin. Silang dalawa lamang ang maingay sa buong biyahe namin habang nagsasalita lamang ako kapag may tanong sila.   Sinalubong kami ng kambal na anak ni Alyssa nang makapasok kami sa sala ng bahay ng Mommy ni Lawrence. Nilibot ko ang paningin ko sa buong lugar at hindi maiwasang mapangiti. Nakaupo sa sofa ang dalagita na anak nila Harlene at Lawrence na nakatutok sa hawak nitong tablet, habang nasa carpeted floor naman ang triplets ni Lara na naglalaro ng doll house at toy cars kasama ang Ninang Harlene nila. Habang kakabalik lamang ng kambal ni Aly at Zayn sa isang bahagi ng carpeted floor kung nasaan ang mga laruan nila.   Huminga ako ng malalim. Time flies so fast. Parang kailan lang noong mga baby pa sila at dinadala pa ng mga Mommies nila sa café sa tuwing bumibisita doon. Lagi din akong imbitado sa mga birthday parties nila at nasaksihan ang bawat saya nila bilang bata.   Bigla ay na-realize ko na matanda na talaga ako dahil malalaki na ang mga babies na inaalagan ko noon.   "Hi, Ronnie! Long-time no see!" masayang sabi ni Harlene na tumayo pa mula sa pagkakaupo sa sahig at sinunggaban ako ng yakap. Natawa na lamang ako sa ginawa niya at niyakap din siya ng mahigpit.   "Kamusta ka, Ronnie? Lalo ka yatang gumanda!" exaggerated pa na wika nito na ikinatawa ko.     "Matagal ko ng alam, Harlene," sagot ko dito sabay hawi ng buhok ko.   Sabay-sabay na natawa sina Aly, Lara, at Harlene sa sinabi ko. Muli akong napailing at nilingon ang mga bata na maingay na naglalaro.   "By the way, Ronnie, okay lang ba na tignan mo muna ang mga bata? Magluluto lang kami nila Aly ng dinner natin," tumango ako sa sinabi ni Alyssa saka lumapit sa mga bata.   "Tapos after natin sila mapatulog ay mag-iinuman na tayo!" masaya na sabi naman ni Lara na pumalakpak pa. Napailing na lamang ako.   "Totoo 'yan, Ronnie! Bumili na kami ng canned beers kanina ni Lara at tinago na namin sa cooler sa may garage. Mamaya namin 'yon kukunin," sabi naman ni Alyssa.   "Oo na. Naniniwala naman ako," sagot ko naman saka tumabi sa kambal na seryosong nagbubuo ng jigsaw puzzle.   Narinig ko ang mga yabag ng tatlo paalis aa sala. Nag-angat ako ng tingin sa lugar na kanina kinatatayuan nila at napabuntong hininga na lamang.   Mula sa sahig ay naupo ako sa sofa para makita ang bawat galaw nila. Sumandal ako sa headrest at pinagmasdan lamang sila. Huminga ako ng malalim at mabilis na pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi ko nang maalala na naman ang pinag-usapan namin ni Thunder.   I love him, yes. 'Yan ang sinasabi ng puso ko. And he just told me, after I told him, I love him that he doesn't feel the same way.   Ano nga ba ang wala sa akin na mayroon ang ibang babae? Bakit si Alyssa, kahit na palamura siya at boyish umasta ay minahal siya ni Zayn? Si Harlene, bakit kahit nagmukha na siyang tanga kakahabol kay Lawrence ay minahal pa rin siya nito pabalik? And Lara, bakit nagawa siyang mahalin ni Jared kahit na simple lamang siya? To think na mataas ang standards nito sa mga babae. Kahit ayaw ng Mama niya kay Lara hanggang ngayon ay patuloy niya parin ito na minamahal. They all end up in the altar and now with their kids. Kami ni Thunder, magkikita rin naman kaming dalawa sa altar after a month ngunit hindi dahil sa mahal namin ang isa't-isa o dahil mahal niya ako. It's just because of a deal. He asked me for a favor, and we made a deal na hindi ko alam kung mabuti ba o hindi.   Napalingon ako sa double door nang marinig ko ang dahan-dahan na pagbukas niyon. Pinanuod ko ang pagpasok ni Zayn, Jared, Lawrence at Thunder. Nagulat ako ng sabay-sabay silang tumingin sa akin. Nakita ko ang pag-ngisi ni Lawrence at pagkaway niya sa akin.   "Hi Ronnie!" masaya na bati niya.   "Uh--hi?”  alanganin kong wika. Tumango naman sa akin si Jared at Zayn habang seryoso ang tingin ni Thunder.   Agad akong nag-iwas ng tingin at mabilis na tumayo nang makita na papalapit sila sa akin. Lumipat ako sa tabi ni baby Love na napatingin pa sa akin.   "Why Tita Ronnie?" tanong nito. Umiling ako sa tanong niya at nakinuod sa nilalaro niya sa tablet niya.   Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong nilapitan ni Zayn ang kambal niya habang si Jared ay lumapit sa triplets. Napalunok ako ng dahan-dahan na lumapit sa amin si Lawrence at naupo sa kabilang gilid ni baby Love.   "What's that, princess?" dinig kong tanong niya sa anak niya.   "It's zombie tsunami, Papa,” sagot naman nito. Bahagya akong umusog mula kay Lovella at yumuko na lamang.   Nanatili ako sa ganoong posisyon. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ko habang pinapakinggan ang mga yabag ni Thunder papalayo dito sa sala.   "I just heard that you and Thunder are getting married. Congrats, Ronnie," dinig kong sabi ni Lawrence. Mabilis akong nag-angat ng tingin at tinignan ito. Nakangisi na naman siya sa akin.   Napangiwi ako sa sinabi niya at bumuntong hininga. Hindi ako nagsalita saka tumayo at mabilis na pinuntahan sila Alyssa sa kusina.   Hindi pa ako masyadong nakakalapit sa kitchen ay tanaw na tanaw ko ng abala sila sa pagluluto. Si Lara ang naghihiwa ng mga kung ano, si Harlene ay nakatalikod sa akin na sure akong nakaharap sa sink habang tagahalo si Alyssa. Sa totoo lang ay wala akong ideya na marunong pala silang tatlo na magluto sa tagal ng pagka-kaibigan namin. Perks of being a wife and mom. It changed them a lot, really.   At dahil wala ako sa mood na makigulo sa kanila ay lumiko na lamang ako patungo sa poolside. Naaliw ako sa pagkinang ng pool kung saan may mga ilaw sa ilalim. Mabilis akong naglakad doon at nag-indian sit sa gilid ng pool habang pinagmamasdan ang bawat pagkinang mula sa mga ilaw.   Huminga ako ng malalim. Hindi talaga mawala sa isipan ko ang mga nanyari kanina. Lalo na kapag naaalala ko ang awa sa mga mata ni Thunder matapos kong sabihin na mahal ko siya. Naaawa siya sa akin dahil hindi niya ako mahal. Same as Mommy, naaawa siya sa akin kaya pinili niya nalang na ako ang makasama, kasi alam niyang hindi niya ako mahal di gaya ng pagmamahal niya kay MJ.   "Ronnie..."   Muli akong huminga ng malalim nang marinig ang boses ni Thunder mula sa likod ko. Mabilis kong pinunasan ang mga luha sa pisngi ko at pinakiramdam siya habang umuupo sa tabi ko.   "Can we talk again?" Tanong niya. Tumango ako.   "About earlier..." narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Nanatili lamang ang mga mata ko sa repleksyon namin sa pool.   "I don't want this to be hard on you, Ronnie. Kung ayaw mo talaga ay hindi kita pipilitin. Ayokong masira ang pag-ka-kaibigan natin dahil sa akin,” nag-aalangan na sabi nito. Mabilis akong umiling saka nilingon siya. Tipid akong ngumiti saka huminga ng malalim.   "I'm okay, Thunder. Gusto ko rin na makatulong. Gusto ko 'yong offer mo na ikaw ang magpapa-aral sa akin, alam kong nakakahiya pero gusto ko talagang makapagtapos at wala na akong maisip na iba pang paraan. Hindi naman siguro tayo magsasama habambuhay, ‘di ba? May deal tayo, right? Hihintayin mo lang na lubayan ka ng parents’ mo saka tayo maghihiwalay?" mahabang lintanya ko dito. Marahan kong kinagat ang ibabang labi ko habang naghihintay ng sasabihin niya.   "It's a win-win situation, Thunder and I understand now. Sorry for being dramatic, earlier. Nadala lang ako ng emotions ko. Marami kasi akong iniisip lately," sabi ko pa saka mahinang tumawa.   I saw him smiled a bit. Lumapit siya sa akin at ini-angat ang mukha ko para magkatitigan kami.   "You said you love me, Ronnie," mahina na sabi nito.  Mabilis akong lumayo sa kanya at muling natawa.   "Ah, yon? Sabi ko nga nadala lang ako ng emotions. Nasabi ko 'yon kasi feeling ko sa sarili ko na hindi ako lovely and lovable. Na-s-stress na kasi ako sa nangyayari sa bahay, idagdag pa sa café tapos ang biglaan mong pag-po-propose. Hindi agad ako nakaisip ng tama kaya ko nasabi 'yon," paliwanag ko pa na sinundan ng pekeng tawa. Nanatiling seryoso ang mukha niya na mataman lang nakatingin sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin saka huminga ng malalim.   "But you said you—"   "Let's just forget about that, Thunder. Let's pretend na nightmare natin iyong mga sinabi ko sayo. Manatili tayong maging mag-kaibigan dahil ganoon naman tayo, ‘di ba?" sabi ko pa saka malapad na ngumiti sa kanya. Nakita ko ang sandaling pagbabago ng ekspresyon niya.   "Nightmare, huh?" ulit niya na ikinatango ko. Dahan-dahan siyang tumango saka nag-iwas ng tingin sa akin. Huminga ako ng malalim at tumingin na lang din sa pool.   Ilang minutong katahimikan ang namayani sa amin, hanggang sa dumating sila Alyssa at tawagin kami.   Sabay-sabay kaming tatlo na nag-dinner, at halata sa kanila ang kasiyahan. Habang tahimik lang kami ni Thunder at nanatili na siyang seryoso hanggang sa matapos ang dinner. Sila Zayn ang nagpatulog sa mga bata kaya naiwan kaming mga girls sa kusina at kasalukuyang nagliligpit ng pinagkainan at ginamit nila kanina.   Tahimik akong nagsasabon ng mga pinggan ng lumapit sa akin ang tatlo at ipakita ang can beer na hawak nila.   "Dalian mo, Ronnie!"   Tumango ako at mas binilisan ang paghuhugas saka sumunod sakanila sa guest room sa tabi lang ng kitchen. Magkakaharap kaming naupo sa lapag saka sabay-sabay na binuksan ang beer. Sabay-sabay din namin iyong tinungga at natawa nang makita ang paglukot ng kanya-kanyang mukha.   "It's been a while since nagsama-sama ulit tayo," wika ni Alyssa saka isa-isa kaming tinignan. Tumango-tango naman si Harlene.   "Yeah. Busy na kasi ang lahat, lalo na si Lara dahil tatlong makukulit ang inaalagaan,” natawa si Lara sa sinabi nito.   Muli akong tumungga sa beer na hawak ko saka pinakinggan lamang sila nang may maalala ako.   "Wait, sure ba kayong hindi kayo mga buntis? Bawala ang beer sa inyo ah," sabi ko. Sabay-sabay silang umiling saka tumawa.   "Nag-PT ako kanina and It's one-line lang,” sabi ni Harlene saka bumuntong hininga.   "Meron ako ngayon," wika naman ni Alyssa.   "Same here,” sabi ni Lara na nagtaas pa ng kamay. I sighed at tinungga muli ang beer na hawak ko.   "How about you, Ronnie? Kanina ka pa tahimik simula no’ng sunduin kita doon sa lake at makita ko kayong magkasama ni Thunder sa poolside," seryosong tanong ni Alyssa.   Muli akong tumungga sa beer na hawak ko hanggang sa maubos iyon. Itinabi ko ang in can at nagbukas muli ng bago saka tinungga iyon. Tahimik lang na nanunuod ang tatlo sa akin.   "Girls, paano ba magmahal ng hindi halata? Sinabi ko sakanya na mahal ko siya pero binawi ko din agad at sinabing isipin nalang niyang nightmare ang napag-usapan namin,” maya-maya ay wika ko.   "So, you finally figured out that you love, Thunder for a very long time now?" tanong ni Alyssa saka binitawan ang hawak niya na beer.   Siguro nga mahal ko na talaga siya noon pa. Hindi lang ako aware o in denial lang talaga ako sa sarili kong feelings.   "At sinabi niya iyon pero binawi din niya, Alyssa. Ronnie is such a crazy woman..." Iiling-iling na sabi naman ni Harlene.   Matagal na. At hindi lang baliw, kaya ko ding maging tanga at martyr para lamang sa mga taong mahal ko.  Nakakainis man pero ganito ako nabuhay, lalo na at lagi akong nanlilimos ng pagmamahal kay Mommy.   "I know,” sagot ko saka uminom ulit ng beer.   "Dalawa lang 'yan, Ronnie. Pipigilan mo ang feelings mo o lalayo ka at aasang mawawala iyang nararamdaman mo,” sabi naman ni Lara.   I heavily sighed. Ano nga ba ang dapat gawin? I can endure all the pain, but what about my heart? Paano kung sa mga panahon na magkasama kami ni Thunder ay magmahal siya ng iba? Makakaya ko kaya iyon? Tama bang tinanggap ko ang kasal na inalok niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD