Kinabukas ay nagmamadali akong akong bumaba ng hagdan, dahil ngayon araw ang punta ko sa bahay ni Hanz Red. Ang tanging dasal ko lamang ay sana'y hindi ako maalala nito.
Pinagbilin pa naman ni boss Zach na ngayon araw ako pumunta roon dahil nandoon daw si Mr. Red sa bahay nito. Lalo at linggo ngayon. Saka alam daw nito na ngayon ang punta ko roon.
Naglakad na lamang ako dahil malapit lang naman ang bahay ni Hanz. Pagdating sa tapat ng gate ay agad akong nagdoor bell, hindi naman nagtagal at may nagbumukas agad ng maliit na gate sa kaliwa at bumungad sa aking harapan ang mukha ng isang guard.
"Mayroon po ba kayong kailangan, Ma'am?" tanong ng guard sa akin.
"Nandiyan po si Sir Hanz, ako po kasi ang pinadala ng agency," paliwanag ko sa lalaki.
"Aaahh! Oo, nasabi na nga pala 'yon sa akin ni Sir, Hanz. Sige Miss, pumasok ka na dahil kanina ka pa hinihintay ni Sir, Hanz," wika ng guard sa akin.
Agad naman akong pumasok sa loob, hindi na ako magtataka na ganiyo kalaki at kaganda ang mansyon ni Hanz, namataan ko pa nga ang mga kasambay nito na busy at may kanya-kanyang ginagawa.
May lumapit naman sa akin na isang matanda, siguro ito ang mayordoma dito sa bahay ni Hanz. Kaya bigla akong napangiti nang tumapat na ito sa aking harapan.
"Magandang umaga po," magalang na pagbati ko rito.
Tumugon naman ito sa aking ngiti bago nagsalita. "Ikaw ba ang pinadala ng agency? Para mag-alaga sa pamangkin ni Sir Hanz?" tanong nito sa akin.
"Opo, ako po ang pinadala ng agency," magalang na tugon ko.
"Halika na hija pasok ka na sa loob, dahil kanina ka pa hinihintay ni Sir," wika nito sa akin.
Kaya sumunod ako rito pagpasok sa malaking bahay. Pinaupo muna ako sa sofa, dahil tatawagin daw nito ang amo nito. Magalang naman akong sumagot sa matanda.
Hindi nagtagal ay nakarinig ako nang mga yabag ng paa na pababa ng hagdan. Pero hindi ako lumingon dahil alam kong ang buwisit na kaskaserong lalaki ang pababa.
Kung hindi lang sa isang milyon na ibabayad sa akin ni boss Zach, ay never kong kukuhanin ang kasong ito, kaso sayang din ang milyon na iyo, lalo at malaking pera 'yon.
Tumayo ako at marahang humarap dito at alanganing ngumiti.
"Good Morning po Sir, ako po ang pinadala ng agency para mag-alaga ng pamangkin mo," magalang na sabi ko rito.
"You?" Sabay turo nito sa akin ng lalaki. Kaya tumaas lang ang kilay ko at nagkunwaring hindi ko siya kilala.
"Hmmm! Kilala mo ako, Sir?" maang-maangan kong tanong sa lalaki.
"Aba't! Ang bilis mo naman makalimot, babae?"
Pinakunot ko ang kilay ko. At nagkunwaring inaalala ko ito. Kaya naman lalong sumama ang mukha nito sa akin.
"Ohh! Natatandaan na kita Sir. Ikaw iyong lalaking kaskasero!" malakas na bigkas ko.
Kaya naman lalong nagsalubong ang kilay nito sa aking mga tinuran at alam kong inis na inis pa rin ito sa akin.
"Pasensiya na Sir kung hindi kita matandaan. Saka ganoon talaga ako, iyong mga pangit kasi na nangyari sa aking at mga nakakaharap ko ay hindi ko na inaalala pa," pahayag ko rito, ngunit may haling mapang-asar.
Lalong sumama ang templa ng mukha nito at nakikita ko rin nag-igting ang panga ng lalaki. Tumaas pa nga ang kilay ko ng kuhanin nito ang cellphone. Alam kong tatawagan nito si boss Zach.
"Ayaw ko nang pinadala mo ritong yaya ng pamangkin ko! Palitan mo ito, Zach," tahasang wika nito.
Wow! Kung ako ang tatanungin ay ayaw ko rin sa kanya, kaya lang ako andito ay dahil sa isang milyo, batuhin ko kaya ito ng bag at nang matauhan man lang.
"What?! Paanong hindi puwede?" galit na tanong nito sa kauasap.
Parang gusto ko tuloy tumawa ng malakas dahil asar na asar na ito. Muli ko na naman pinakinggan ang sasabihin nito sa kausap.
"Pero, oras na hindi ko magustuhan ang trabaho niya ay papalayasin ko siya rito sa bahay ko!" malakas na bulalas ni Hanz.
Nangangati tuloy ang palad ko at para bang gusto kong manapak ano mang oras.
"Okay, okay!" rinig kong wika ni kaskasero.
Pagkatapos makipag-usap ay biglang tumingin ito sa mayordoma. "Manang sabihin lang ninyo sa kanya kung ano ang gagawin niya," bilin ni Hanz sa matanda.
"You?" Turo nitong muli sa akin "Oras na hindi ko magustuhan ang trabaho mo ay papalayasin kita rito sa bahay ko!" galit na wika nito sa akin.
"Ayos lang Sir, hindi ko rin naman gusto ang maging yaya," malakas ang loob na wika ko sa lalaki.
"Umayos ka!" pagbabanta nito sa akin bago tumalikod, ngunit bigla ring tumigil at muling humarap sa akin.
"Where is your resume? Give it to me," he said.
Agad ko naman kinuha ang dala kong resume at pagkatapos ay ibinigay ko rito, masama pa rin ang templa ng mukha nito na tumigin sa akin. At parang gusto akong kainin ng buhay.
Muli itong umalis sa aking harapan at pumasok sa loob ng isang silid.
"Hija, sumunod ka sa akin at dadalhin kita sa magiging silid mo. Kung na saan ang iyong aalagaan," pahayag ni manang sa akin.
Sumunod ako rito at umakyat kami sa isang kwarto. Binuksan nito ang pinto at nakita ko ang isang batang babae na tulala at tila sobrang lalim ng iniisip nito.
"Siya ang aalagaan mo, hija," wika ni manang sa akin.
"Hmmm, Ana, po ang aking pangalan," pagpapakilala ko rito.
Ngumiti naman ito sa akin. "Ilang taon na po siya Manang?" tanong ko.
"Apat na taong gulang na siya. Sana ay magkasundo kayo. Alam mo bang marami ng naging yaya niya, kaya lang ay hindi tumatagal," wika ni manang sa akin.
"Iyon din po ang dasal ko na sanay magkasundo kami," saad ko rito.
"Hija, dito ka matutulog sa kuwarto ni Ana.Para mabantayan mo siya nang maayos, lalo na sa mga gamot na inainom niya," pahayag nito sa akin.
"Sige po, Manang," tugong ko.
"Maiwan na muna kita. Kailangan ko nang bumaba dahil may mga gagawin pa ako, ikaw na ang bahala sa kanya."
Tumango ako rito bago ito tuluyang umalisa sa aking harapan. At pagtingin ko sa suot kong singsing ay nakita kong umilaw ito. So, mayroon palang cctv camera rito sa loob ng kwarto ng bata.
Pinalagyan siguro ito, dahil sabi ni boss sa akin ay sinasaktan daw ang bata ng mga pumapasok na yaya rito.
Lalo na kapag ayaw kumain ng bata.
Nagbuntonghininga na lamang ako.At pumasok muna sa loob ng dressing room. malaki ang loob nito. Tumingin ako sa suot kong ring at nakita kong hindi ito umiilaw, ang ibig sabihin lang noon ay walang nakalagay na ccctv camera rito sa loob. Kaya medyo nakahinga ako ng maluwag.
Muli akong lumabas ng dressing room. At nakita ko si Manang Flora. Mayroon itong dalang mga damit.
"Ana, ito raw ang mgasusuotin mo," wika ni Manang sa akin. At pagkatapos ay inabot sa akin ang apat na pirasong uniform na pang maid.
Agad ko naman itong kinuha upang suutin na. Nagpaalam muna ako sa matanda na papasok sa dressing room upang magbihis. Tumango naman ito sa akin.
Pagpasok sa loob ay agad kong isinuot ang uniform ko. Napangiti ako ng tumingin sa malaking salamin at na pa woow.
Umikot pa ako sa harap ng salamin. Hanggang hita ko lang naman itong suot kong uniform at kitang-kita ang mapuputi kung hita at binti kaya napangiti ako ng walang sa oras.
Medyo kapos pa nga sa akin dahil maliit lamang itong damit.
Kaya halata rin na maliit ang bayweng ko, itinali ko ang buhok ko paitaas. Sinuot ko rin ang shoes na terno ng uniform ko.
Labas na labas ang kulay ko dahil sa back and white lang itong damit. Muli akong umikot sa harap ng salamin bago lumabas ng dressing room.
"Napakaganda mo Ana, hindi bagay sa 'yo ang maging maid lamang," papuri sa akin ni Manang.
Ngumiti ako rito. "Maraming salamat po," sagot ko sa matanda.
Bakit kaya yan ang pinasuot sa 'yo ni Sir Hanz?" nagtatakang tanong ni Manang Flora.
"Ayos lang naman po kung ito ang suot ko. Saka bagay naman sa akin," wika ko.
Ngumiti na lamang ako rito. Agad naman itong nagpaalam sa akin na lalabas muna. Kaya tumango na lamang ako rito. Sinabi rin nito sa akin na mamaya ay pupunta raw ang doctor ni Arabel. Ito raw ang magpapaliwanag sa mga gamot na iinomin ng bata.
Paglabas nito ng bahay ay agad na lumapit ako sa bata. Nakangiti akong lumapit dito. Para kausapin ito.
"Hi, Arabel," pagbati ko sa bata.
Pansin kong umurong ito ng kaunti na parang natatakot, siguro nga'y sinasaktan ito ng mga naging yaya nito.
"Huwag kang matakot sa akin. Ako si nurse Ana. Ang bagong mag-aalaga sa 'yo," nakangiti kong wika rito. Pero nakatingin lamang ito sakin.
"May ibibigay ako sa 'yo," sabi ko at dali-dali kung kinuha ang mga dala kong coloring book at crayon at ilang piraso na babasahin na pambata. Pagkatapos ay pinakita ko rito ang mga dala ko, nakita kong nagliwanag ang mukha nito nang makita ang hawak ko.
"Lumapit ka sa akin dahil magkukulay tayo," sabi ko rito.
Parang nag-aalangan pa nga itong lumapit sa akin. Agad ko naman inabot ko rito ang mga dala kong coloring book. Agad naman nitong kinuha iyon.
"Sa iyo na ang mga iyan. Ibibigay ko na sa 'yo. Gusto mo bibilhan pa kita nang mas marami? Ano gusto mo ba?" tanong ko.
Tumango ito sa akin sabay ngiti ng bahagya. Maymaya pa ay nagsimula na itong magkulay. Tuluyan na nga itong tumabi sa akin.
"Wala kabang mga ganito baby?" tanong ko dito. Agad naman itong umiling sa akin. Nakaramdam ako ng habag sa bata. Pansin ko naman na maraming laruan ito sa rito sa kwarto.
Napakabata pa ni Arabel para mawalan ng mga magulang mabuti na lang at meron itong tiyuhin na mag-aaruga rito.
Napalingon ako nang bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang lalaki, siguro ito na 'yong doctor na sinasabi ni Manang na titingin sa bata. Pansin ko ring madilim ang mukha Hanz.
"Ikaw ang bagong mag-aalaga sa bata?" tanong ng doctor sa akin.
Opo, Sir," magalang na sagot ko rito.
"Woow!" bulalas nito at tiningnan ako nito mula ulo hangang paa.
"Baka gusto mong tingnan na ang lagay ng pamangkin ko Alex, hindi iyonng kung saan-saan ka nakatingin," masungit na wika ni Hanz.
"Relax lang pare, masyado kang high blood," wika ng kasama nitong doctor.
Masamang tingin ang pinukol nito sa akin, bago lumapit sa pamangkin nito, ano kayang problema ng lalaki ito? Parang laging may dalaw.
The Agent Series 2