Money 1
By: SRRedilla
Malalim akong na pa buntong-hininga, nakatingin ako sa kaibigan ko na si Kara, na ikinakasal na. Sa dami ng pagsubuk na pinagdaan nito sa buhay ay nakamit din nito ang inaasam na kaligayahan.
Masaya ako para rito dahil nakita na at nahanap ang tunay na lalaki at magmamahal sa kanyan.
Pagkatapos ng kasal ay agad akong nagpa-alam para umuwi na dahil hapon na rin naman. Saka ilang buwan ding mawawala si Kara dahil sa honeymoon nito na kasama ang asawa. Hindi na naman papayagan si Kara ng asawa nitong humawak ng kaso o maging Agent pa.
Kahit si Shy ay nagmamadali rin umalis. Dadalawa na lamang kaming nawala pang asawa. Iwan lang namin kung mayroon kaming mahahanap na lalaking totoong magmamahal sa amin. Lalo na sa uri ng trabaho namin na ang isang paa ay nasa hukay.
Nakangiti pa ako habang nagdrive ng kotse, mabagal lang ang pag maneho ko pero hindi naman tripik, gusto ko lang na mabagal para makita ko rin ang magagandang ilang sa buong paligid lalo na at pagabi na.
Ngunit nagulat ako nang may bumangga sa likurang bahagi ng kotse ko. Anak ng titing sino ang lokong may kagagawan noon?
Kaya naman asar na asar na itinabi ko ang sasakyan at umuusok ang ilong ko sa galit habang papalabas ng kotse ko. Upang tiningnan ang nayupi sa likurnang bahagi. Anak ng tipaklong naman, oh!
Dahil kabibili ko lang nito tapos basta na lamang babanggain. Kaya agad akong lumingon sa kotse na may kagagawan ng pagka-yupi ng bagong sasakyan ko.
Hindi ako nagdalawang-isip na lumapit sa kotse. Hindi naman ako papayag na hindi nito mga bayad lalo at nayupi ang kotse ko.
Pagtapat sa kotse ay agad kong kinatok ang bintana ng sasakyan sabay sipa sa gulong nito.
"Hoy! Ikaw na gago ka, lumabas ka nga riyan tatrantado ka pala, eh! Nakikita mong may kotse sa unahan mo pero ano'ng ginawa mo binangga mo pa rin!" sigaw ko at halos lumabas ang litid sa aking lalamunan.
Bumakas naman ang pinto at lumabas ang tao na bumangga sa kotse ko, tumabi muna ako para tuluyan itong makalabas ito ng sasakyan nito.
Hindi na ako lumingon sa mukha nito ay pinagpatuloy ko ang aking pagtatalak sa lalaki.
"Hoy---," hindi ko nq natapos ang aking sasabihin nang bigla akong mapatulala. Peste bakit ang gwapo ng nilalang na ito? Ibang-iba 'yung taglay nitong karisma sa karamihang lalak.
Iyong mata pa lang nito ay para ng nang-aakit lalo na kapag nakatitig. Tapos 'yong ilong nito na kakainggitan ng karamihang lalaki dahil sa tangos. At 'yung labi nitong mamula-mula na para bang kay sarap halikan. Tingin ko'y may abs din ito, kaya napakagat labi tuloy ako.
Nagsalita ang lalaki at doon lamang ako natauhan at bumalik ang iisip ko sa katinuan. Tumingin pa ito sa aking na nakasimangot.
"Bago ka lang ba sa larangan ng pagmamaneho babae?" tanong nito.
"What?" gulat na sabi ko rito.
"Miss, kung nag-aaral ka pa lang na magmaneho, puwede bang huwag ka rito sa kalye dahil nakaka-abala ka ng mga tao na nagmamadali," asar na wika nito sa akin.
"Ha?" tanging na sabi ko.
"Miss, alam mo ba na lakad pagong ang ginagawa mong pagmamaneho ng kotse mo, kung gusto mong magpractice ay huwag dito sa kalye dahil nakaka-abala ka ng mga tao na nagmamadali," pasaring sa akin ng lalaki.
Parang bigla umusok ang ilong ko sa galit sa lalaking ito. Hindi na pala ito guwapo sa paningin ko. At ang tingin ko na rito ay isang hudas barabas. Kaya naman nagbabagang mga mata na tumingin dito.
"So, kaya binangga mo ang likuran ng kotse ko ganoon, ba? Eh, kung ikaw kaya ang banggain ko? Gusto mo i-try ko sa 'yo?!" bulalas ko sa lalaki.
Tumingin ito sa akin bago muling nagsalita. Hindi ko na kasalanan iyon babae dahil sobra mo akong inaabala!" asik nito sa akin. Masamang tinging ang binigay ko rito.
"Hoy lalaking gusto laging hinahabol si kamatayan dahil masyadong kaskasero. Doon mo ibangga sa poste ang kotse mo at huwag sa aking sasakyan. At baka matuwa pa ako sa 'yo! Bwisettt ka!" sigaw ko sa mukha nito.
Inilahad ko ang kamay ko rito. Ito naman ay kumunot ang noo sa aking ginagawa.
"What?" galit na tanong nito.
"Kailangan mo akong bayaran lalaking kaskasero. Bilisan mo at nagmamadali ako!" singhal ko rito.
"Ayaw ko!" mariin nito sabi sa akin.
"Ano raw? Hindi naman puwede 'yon! Pagkatapos mong banggain ang kotse ko, tapos hindi mo ako babayaran! Bilisan mo ibigay muna sa akin ang bayad mo!" singhal ko sa lalaki.
Umiling ito sa akin at pagkatapos ay tumalikod upang sumakay sa kotse nito. Kaya naman umikot ang mga mata ko sa buong paligid at mayroon akong naakitang malaking kahoy.
Kaya dali-dali ko itong kinuha at lumapit muli sa kotse nito. Hindi naman ako papayag na iyong kotse ko lamang ang magkaroon ng damages.
Akma ko na sanang hahampasin ang kotse nito nang bigla itong lumingon sa aking gawi at nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin.
"f**k! Ano'ng ginagawa mo?!" tanong nito na mataas ang boses.
"Ano sa tingin mo sabay?" Sabay ngisi ko rito at itutuloy na sana nang magsalita itong muli.
"Okay fine, how much?!" galit na tanong nito.
"Five hundred thousand," mabilis na sagot ko sa lalaki. Sinubukan ko lang sabihin dito, sabay ngiti ng palihim.
Nakita ko naman nagsulat sa isang maliit na papel at walang tanong-tanong sa akin at pagkatapos ay inabot nito sa akin ang tseke, agad ko naman kinuha ito at tiningnan ng mabuti. Limang daang libo peso ang na nakalagay.
"Siguro naman ay sapat na 'yan? Para manahimik ka na babae!" galit na wika nito sa akin.
"Yes, sapat na talaga ito," sagot ko rito.
Hindi na ito nagsalita at tuluyan na akong tinalikuran at lumapit sa kotse nito.
"Ohhh! Wait lang, Mr. Kaskasero, baka naman talbog itong cheque mo na ibinigay sa akin?!" tanong ko pa na malakas ang tono ng boses.
Nakita kong umiling-iling ito at nagpatuloy na sa pagpasok sa loob ng kotse nito.
Ako naman ay nakangiting pumasok sa loob ng kotse ko. Akalain mo 'yon, nagkaroon agad ako ng pera. Kaya mabilis na akong nagdrive para umuwi sa bahay ko.
Agad naman akong nakarating sa bahay ko. Nakita mo pa nga si Manang at mukhang hinihintay ang aking pagdating.
"Ma'am, Sky, tumawag po ang mother mo pinasasabi po niya baka gusto raw ninyong tawagan siya o kamustahin man lang," sabi sa akin ng aking kasambahay.
Tumango ako rito bago sumagot. "Sige po, tatawag na lang po ako roon bukas.
Agad na akong nagpaalam dito para umakyat sa silid ko dahil antok na talaga ako. Mabilis lamang akong naglinis ng aking katawan at pagkatapos ay agad na nahiga sa malambot na kama. Bukas na lamang ako tatawag kina Mama.
Nagising lamang ako sa tunong ng phone ko. Sino ba itong istorbo sa aking masarap na tulog.
"Hello!" pagalit na turan.
"Ganyan na ba ang tamang pag sagot, Sky?!" galit na wika ng nasa kabilang linya.
Inalis kong bigla sa tainga ko ang cellphone at tiningnan ko
kung si mama nga ito. Nanlalaki ang mga mata nang makilala ko kung sino ito. Lagot ako nito.
"Hmm! Ma, sorry, antok pa po kasi ako. Sorry na po," paglalambing ko rito.
Narinig kong nagbuntonghininga ito bago muling nagsalita.
"Hindi ka na tumatawag sa amin anak, kung hindi pa ako ang tumawag sa 'yo," nagtatampong wika ni mama.
"Ma, marami lang po akong trabaho. Sorry na ma," ulit ko ulit sa paglalambing ko rito.
"Kailan mo kami balak puntahan Sky?" tanong ni mama sa akin.
"Baka po nextweek or next, next, nextweek pa, marami pa naman nextweek ang darating Ma," sagot ko sa aking ina.
"Umayos ka Sky, ha!" palatak ni mama sa kabilang linya.
"Basta, Ma, susulpot na lamang ako riyan. Saka na saan si papa, Ma?" tanong ko.
"Nagtatampo rin sa 'yo ang papa mo dahil bihira ka nang tumatawag sa amin," wika ni mama.
"Sorry, Ma. I love you," sabi ko pa sa aking Mama.
"Oohh! Sige na mag-iingat ka riyan anak," paalala sa akin ni Mama.
"Opo," magalang na sagot ko.
Sa London na nakatira sina mama at papa. Pero hindi ako sumama sa kanila pagkatapos kong mag-graduate ng collolege. Ang ginagawa ko ay nagtayo ako ng sariling kong negosyo.
Ang perang binigay nina papa sa akin ay iyon ang ginamit ko. Saka business naman ang course ko, kaya lakas loob akong sumubok na mag tayo ng sarili kong negosyo.
At iti nga ay ang Sky Mall. Mahirap sa una, kasi baguhan pa lang ako pero pinag-aralan ko itong mabuti.
Hangang sa magtayo ulit ako nang panibagong Branch at
kaming tatlo na ang may-ari nito. Ang KaraSkyShy Mall.
Sariling pera na namin ang ginamit namin sa bagong tayong Mall, pinaghirapan namin iyon. Buwis buhay kung baga, makuha lamang ang halagang kailangan naming tatlo. Kaya laking tuwa namin ng makamit namin ang aming pinapangarap.
Agad akong tumayo mula sa pagkakahiga sa aking kama at pagkatapos ay pumasok na ako sa banyo upang maligo. Hindi naman ako nagtagal sa loob ng CR.
Nang matapos akong magbihis ay lumabas ako ng kuwarto at pumunta sa kusina. Naabutan kong naghahain si nanay Nimfa. Matagal na ito sa akin kayabhindi na ito iba akin at parang nanay ko na rin kasi ito.
"Kumain ka na, Sky," pagyaya nito sa akin.
"Sumabay ka na sa akin nay Nimfa, wala akong kasabay," pag lalambing ko rito.
"Sos, ikaw talagang bata ka," sabi pa nito sa akin.
Ngumiti lamang ako rito. Pagkatapos kumain ay agad akong nagpaalam kay Nay Nimfa para umalis.
Idinaan ko muna ang kotse ko sa pagawaan ay mag tataxi na lang ako papunta sa Sky Mall.
Nang madala ko sa pagawaan ang kotse ko ay naghanap ako ng taxi at agad naman akong nakakita. At nagpahatid sa Sky Mall.
Bumaba ako ng taxi at nagmamadaling pumasok sa loob ng Mall.
"Good Morning po, Ma'am," pagbati sa akin ng mga empleyado ko nang makita ako. Agad naman akong tumango sa mga ito at pagkatapos ay agad na pumasok sa loob ng Elevetor.
Pagharap ko sa pinto ng elevetor ay namataan ko naman papasok ng Mall ang bumangga sa kotse ko. Napangisi tuloy ako ng wala sa oras. Bilyonaryo siguro ang lalaking iyon kaya ganoon kalaki ang binigay sa akin.
Napasipol pa ako dahil malaking pera ang nakulimbat ko sa lalaking iyon. Hindi naman ako kapos pagdating sa salapi pero kailangang ko lang magtipid dahil meron pa akong bagong branch ng Mall na itatayo.
Salamat din sa lalaking iyon dahil nadag-dagan ang pera ko.
Oohh, sadyang mautak lamang ako. Pero ang sabi nga ng mga kaibagan ko ay mukha raw akong pera. Wala silang magagawa kung laging pera ang nasa utak ko.
The Agent Series 2