Money 2

1726 Words
Tumunog ang cellphone ko at nakita kong tumatawag si boss Zach. "Hello, boss," bungad ko agad dito. "Pumunta ka rito sa bahay Sky dahil mayroon kang bagong kaso na hahawakan," wika ni boss ZAch. "Okay boss, papunta na ako riyan," sagot ko agad rito. Agad ring nagpaalam si boss Zach sa kabilang linya. Ako naman ay nagmamadaling lumabas ng Mall at agad na pumunta sa aking kotse para sumakay na. Mabilis ko iyong pinatakbo para lang makarating sa bahay ni Boss Zach. Alam kong panibagong mission na naman ang ibibigat nito sa akin. Pagdating sa bahay nito ay nagmamadali naman akong bumaba ng kotse at pagkatapos ay pumasok sa loob ng bahay nito. Bigla pa nga napakunot ang noo ko nang makita ko ang isang kasambahy. Kaya lumapit ako rito upang magtanong. "Na saan ang amo mo?" tanong ko rito. "Nandoon po sa sala, Ma'am," magalang na sagot nito sa akin. Tiningnan ko ang kasambahay ni boss Zach, kung tutuusin ay maganda ito lalo na at makinis ang balat at maputi rin. Mukhang hindi bagay rito ang maging katulong lamang at puwede ito isang Mall. Na katulad ng aking Mall. Tiningnan ko rin ang suot nitong uniform na pang maid, mahaba at sayad na rin sa lupa. Muling tumingin ako sa ibang katulong ni boss Zach, hindi naman mahahaba ang mga suot ng mga ito. Pero bakit pagdating sa babaeng ito ay iba ang damit. Parang may mali yata. "Miss, puwedeng magtanong?" "Sige po, Ma'am," tugon nito sa akin. "Bakit ang suot mong uniform iba sa karaniwan? Sobrang haba naman saka hindi ka ba naiinitan diyan?" tanong ko rito. "Eh! Ma'am, ito po kasi gusto ni Sir, saka ang sabi niya pangit daw po ang legs ko, kaya hindi ko raw puwedeng ilabas. Nagtataka nga ako Ma'am. Papaano naging pangit ang legs ko, eh. Wala naman po akong peklat. Naku, kung puwede lang lasonin ko ang buwiset na Zach na iyon ay baka kahapon ko pa sana ginawa. Nang hindi na ako magpakahirap dito!" galit na palatak ng babaeng kaharap ko. Napangisi ako sa mga pinagtapat nito sa akin. Hindi nga pala ito totoong katulong at tingin ko ay pinahihirapan lamang ito ni Zach boss. "Ano'ng pangalan mo, Miss?" tanong ko ulit dito. "Ella," sagot nitong nakasimangot. Kaya lalo akong napangisi. May tinatago pala si boss na babae rito sa bahay niya. Mabuti na lamang at pumunta ako rito. "Ma'am, pumasok na lang po kayo sa loob dahil kanina ka pa po hininitay ni Sir Zach," wika nito sa akin. Nakangiting tumango ako rito. At pagkatapos ay tuloy-tuloy akong pumasok sa loob ng mansiyon ni boss Zach, namataan ko naman agad ito na nakaupo sa sofa. "Boss!" patawag ko rito. Agad naman tumingin ito sa akin. "You're late!" asik niya sa akin. "Ngayon lang naman boss. Saka tungkol saan iyong hahawakan kong kaso?" tanong ko rito. "Solo mo ito at hindi mo kasama si Shy dahil meron din akong ibinigay na mission doon," saad ni boss Zach sa akin. Mayamaya pa'y may ibinaba itong folder sa ibabaw ng center table. Agad ko naman kinuha ko iyon par tiningnan kung ano ang mga nilalaman noon. Nakita ko agad ang isang bata. "Agent, iyan ang bago mong kaso na hahawakan. Papasok ka bilang tagapag-alaga ng bata na nasa picture. Ang paslit na iyan ay wala ng mga magulang dahil namatay ang mga ito sa loob mismo ng bahay nila. At ayon sa report ay bumubula ang bibig ng mag-asawa noong makita ng ilang mga kasambahay. Ang sabi ng mga doctor na mga tumingin ay nalason daw ang mag-asawang Red. Hindi rin matanggap ng bata ang pagkawala ng magulang niya. Kaya simula nang mawala ang parents ng bata ay hindi na ito makausap at lagi ring natatakot. Ang sabi ng mga doctor ay natruma ang bata," mahabang paliwanag ni boss Zach. Muli ay mayroon na naman ipinakitang isa pang picture si boss. At isang lalaki ang na roroon. Bigla ring kumunot ang aking noo nang makita ko kung sino ito. Hindi ako pwedeng magkamali ng tingin. Alam kong si Kaskasero ang nasa larawan. "Ito Hanz Red, ang nag-aalaga ngayon sa bata, dahil sa kanya lamang lumalapit ang bata," wika ni boss. "Sa kanya lang pala lumalapit ang bata, eh, dapat hindi na lamang kumuha ng tagapag-alaga, baka hindi rin kasi lumapit sa akin ang batang iyan boss," palusot ko sa aking boss. Sana lang ay makalusot ako. "Hindi puwedeng isama ni Hanz ang bata, lalo na kapag binibisita nito ang negosyo sa ibang bansa, kaya kailangan niya ng tagapag-alaga sa paslit. Agent, pilitin mong mapalapit sa 'yo ang bata," makulit na wika ni boss Zach. "Boss, kaano-ano ba niya ang bata?" tanong ko rito. "Pamangkin niya ang paslit, dahil kapatid niya ang ama ng bata. Nang mangyari ang krimen ay wala si Hanz. Nasa ibang bansa ito para ayusin ang mga negosyo nito," sabi muli ni boss Zach. "Siguro naman ay kilala mo siya dahil isa siyang business tycoon?" tanong sa akin ni boss Zach. "Hindi ko siya kilala boss," mabilis na tugon ko rito. "Nanonod ka ba ng tv?" asar na tanong nito sa akin. "Hindi boss, dahil wala akong time," tugon ko rito. Pansin kong umiiling na lamang ito. "At ito, step mother ni Hanz. Siya si Sabel Ching at itong dalawang nasa picture ay anak ni Sabel sa unang asawa nito. Ito si Larry at Laine. At ang sabi ng mga katulong ay wala raw ang dalawa sa bahay nang mangyari ang krimen na iyon. Nasa bakasyon daw ang mga ito.At ang naiwan lanang sa bahay ay si Sabel Ching," wika ni boss. "Boss, 'yong father ni Hanz Red, na saan siya?" tanong ko rito. "Namatay rin siya, wala pang limang buwan sa pagkakalibing ang anak nito at manugang noong bigla itong pumanaw," sagot ni boss. "Boss, kasal ba si Sabel Ching sa ama ni Hanz Red?" tanong ko rito. "Yes, kasal sila," tugon ng boss ko. "Boss, ang nagpaimbestiga ba nito ay si Hanz Red?" "Yeah! At sa akin din siya lumapit para humanap ng tagapag-alaga sa pamangkin niya. Pero hindi niya alam na iisa lamang ang kukuhanin ko, ang mag-iimbestiga at ang yaya ng bata," pahayag ni boss. Sa iisang bahay lang ba sila nakatira boss?" tanong ko rito. "Yes, hindi siya basta lumilipat dahil gusto niyang malaman ang pumatay sa kapatid at hipag niya lalo na sa ang ama niya, dahil hindi rin siya na niniwala na ataki sa puso ang kinamatay ng ama ni Hanz," pahayag ni boss. "Hmm! Boss matagal mo ba siyang kilala?" tanong ko. "Yes, bata pa lang kami ay magkaibigan na kami ni Hanz," sagot ni boss Zach sa akin. Hindi na ako sumagot at tumango na lamang ako rito. Pansin kong mayroon itong inabot sa aking na isang papel. "Iyan ang resume mo at nandiyan na lahat na kalagay. Alam kong hahanapan ka ni Hanz niya," saad ni boss Zach. Binasa ko ang nakasulat sa resume. "Ana Luna!" malakas kong bigkas sa magiging pangalan ko. "Boss, bakit nurse ako ang nakalagay rito? Wala akong alam sa pagiging nurse, ahh! Si Shy ang nababagat sa kasong ito. Dahil siya ang totoong nurse," reklamo ko sa aking boss. Masama itong tumingin sa akin bago muling magsalita. "Baka nakakalimutan mo Agent Sky na bago ka maging agent ay nagtraining ka muna bilang isang nurse, dahil iyon ang patakaran," pahayag ni boss. Nakangisi akong tumingin dito. "Baka lang naman makalusot boss. Hmmmm...puwedeng magpalit na lang kami ni Shy ng misyon?" tanong ko at may paawa ipek pa ako rito. Umiling ito at tiningnan ako. "Isang milyon ang ibabayad sa 'yo agent. Alalahanin mo isang milyon," nakangising wika ni boss sa akin. Biglang gumanda ang aking ngiti sa sinabi ni boss Zach. Nang marinig ko ang isang milyong peso. "Kailan ako magsisimula, boss?" tanong ko agad dito. "Bukas ang puntahan mo sa bahay ni Hanz. At ito ang address niya roon." Tiningnan ko naman ang address na inabot ni boss Zach sa akin. So, malapit lang pala ang bahay nito sa Makati. Pero mas malapit ang pa rin ang bahay ni Kara roon. "Alam kong malapit lang ito sa bahay mo Sky, kaya hindi ka mahihirapan," wika ni boss sa akin. "Okay boss," tugon ko. Bigla akong napangisi ng palihim nang mamataan ko ang bagong maid ni boss. Ito ay papalapit sa amin. Si boss Zach naman ay patuloy lamang sa pagpindot sa cellphone nito. "Ma'am, Sir, mag meryenda po muna kayo," wika ng maid ni boss at pagkatapos ay ibinaba ang tray na may laman na pagkain. Ngumiti ako rito, hindi man lang nagtaas ng mukha si boss para tingnan ang babae. Patuloy pa rin ito sa ginagawa nito. May naisip tuloy akong kalukuhan. "Hmmm...Miss!" patawag ko rito. Ngunit sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong biglang tumigil si boss sa ginagawa nito. Alam kong hinihintay nito kung ano ang aking sasabihin sa maid niya. "Hmmmm...ano'ng natapos mo?" tanong ko rito. "Graduate po ako ng college, Ma'am," mabilis na sagot nito sa akin. "What! tapos ka ng college? Tapos dito ka lamang nagtatrabaho kay boss?!" bulalas ko sa babae. Hindi ito nagsalita sa aking mga tinuran. Kaya nagpatuloy ako. "Kung gusto mo. Ay puwede kitang ipasok sa aking Mall. At gagawin kitang modelo ng mga damit ko. Hindi ka kasi bagay na maging maid lamang, saka graduate ka pala ng college. Sabihin mo lang at ngayon din ay ipapasok kita sa Mall ko. Saka swerte ako sa 'yo dahil maganda ka, makinis at tingin ko rin ay sexy ka kaya bagay ka sa aking Mall," mahabang litanya ko. Alam kong nakatingin na sa akin si boss. Pero hind ako lumingon dito. At muli na naman Kong nagpatuloy sa aking pagsasalita. "Ano payag ka na ba? Isasama na kita ngayon, if okay lang kay boss," wika ko ulit. Bigla akong lumingon ako kay boss na nakangisi. Ngunit nababanaag ko sa mukha nito na gusto akong ibalibag nito palabas ng bahay. Dahil sa klase ng tingin nito sa akin. Kaya naman nagmamadali kong kinuha ang bag ko at tumakbo palabas ng bahay nito. "Miss, pag-isipan mo ang mga sinabi ko sa 'yo, ha, baka tumandang dalaga ka lamang dito. Saka maraming gwapo roon at ipapakilala pa kita," wika ko rito. Pansin kong babatuhin ako ni boss ng unan kaya nagmamadali na akong tumakbo palabas ng bahay nito. The Agent Serie 2..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD