Pagkatapos tingnan ang bata ay agad na lumabas na ang doctor. Pero naiwan dito sa loob ng silid ang tito ng bata. At madilim ang mukha nito ay tila laging may dalaw. Siguro ay pinaglihi ito sasama ng loob ng nanay nito. Tahimik lamang akong nakaupo dito sa sofa at nakita kong kumandong dito si Arabel. Mahal talaga nito ang pamangkin. "Baby aalis muna si tito. Pero babalik din ako agad," kausap nito sa bata at nakita kong tumango lamang si Arabel at pinagpatuloy ang ginagawa. Tumayo na si Hanz at tumingin sa akin. "Bantayan mo ang pamangkin ko nang maayos, ha. Dahil oras na malaman ko na pinabayaan mo ay malalagot ka sa akin," pagbabanta nito. Tumaas lamang ang kilay ko sa mga tinuran nito. Kaya naman lalong sumama ang tingin nito sa akin. Tumalikod ito sa akin. Ngunit biglang lumingon