"Psst.. Dwarf!" Kuha ni Onyx sa pansin ng kaibigan na nakatulalang nakatingin kay Tinder. Ng bumaling ang tingin nito sa kanya, kaagad nyang inginuso ang diwatang abala sa pamimitas ng pulang rosas.
"Bakit?"
"San mo nakilala si Tinder, ha?"
Napapailing na natawa pa ng mahina si Dwarf bago ibinaling ulit ang tingin sa diwatang walang pakialam sa kanyang paligid.
"Cassiel ang kanyang pangalan, ang Anghel na mapag-mahal sa kapwa. Binibigay ang makakaya lahat ginagawa, ang makitang masaya ka, sa kanya'y sapat na. Ganyan lang kababaw ang kanyang kaligayahan..."
Napahinto sa kanyang ginagawa si Tinder ng marinig ang usapan nila Dwarf at Onyx. Mapait syang napangiti ng maalalang mga kaganapan noon sa kanyang buhay.
Yung sa di inaasahang pagkakataon, natutong umibig sa maling panahon. Magkabilang mundo paano nangyari ang ganun? kahit na siya sa kanyang sarili di niya inakalang mangyayari yun. Araw gabi siyang umaasam at naghihintay. Sa tagpuan nila ni Kahlil, kahit malayo kanyang nilalakbay, kahit bawal at lihim ang kanilang pagmamahalan naging matatag sila di sumuko sa kahit na anumang laban... Binigay niyang lahat lahat sa minamahal niya, kahit mabigat ang kaparusahang kapalit nito'y binalewala, mga katungkulan bilang puting anghel kinalimutan niya, Sa tawag ng pag-ibig naging alipin siya... Dahil nilabag niyang batas ng mga puting anghel, na bawal silang umibig sa mga itim na anghel, pinatawan siya ng kaparusahang mabigat at ito ay sa pagputol ng kanyang mga pakpak... Masisisi mo ba siya, kung ipinagpalit niyang lahat para siya'y lumigaya? lahat naman may karapatang sumaya, di nga ba't ang Diyos ay pag-ibig yun ang ating paniniwala... Kahit na ganun ang sinapit niya, hindi niya pinagsisihan ang kanyang mga ginawa, naging kontento at maligaya ang pagsasama nila, dahil ipinaglaban ang pagmamahal nila sa isa't-isa...
"Cassiel! este, Tinder kana nga pala ngayon, anong nangyari? Nasaan na si Kahlil?" May pag aalangang tanong ni Dwarf sa natitigilang diwata.
"Wala na sya Dwarf, napaslang sya sa pagtatanggol sakin."
"Anong ibig mong sabihin? Eh, nung huli tayong nagkita, hinatid ko pa nga kayo sa palasyo nila Kahlil diba?"
"Alam naman na natin, na ang mga itim na Anghel ay mga tuso, mapanlinlang, at mapagbalatkayo. Kahit na puro kabutihan pang ipinakita namin sa kanila, nagawa pa rin nila kaming paslangin. Hindi ko alam kung paano nila nalaman ang tungkol kay Ina, at ang tungkol kay tiya Cassiel na syang nagligtas at kasamang naghatid kay Prinsesa Amethyst noon sa Palasyo ng Umbra. Ginawa kong lahat ng makakaya ko para lang makaligtas kami ni Kahlil, pero napaslang pa rin sya. Nakatakas man ako at nakabalik saming palasyo, pero napatawan pa rin ako ng isang kaparusahang matindi. Naging usa ako at ipinatapon ng aking madrasta sa malayong lugar."
"Bakit hindi ka man lang tinulungan ng iyong Ama? Diba isa syang magaling na salamangkero? Bakit nya hinayaang mangyari ito lahat sayo?"
"Dahil nasa ilalim sya ng isang itim na mahika. Hindi na sya ang aking Ama, Dwarf. Ibang iba na sya nung huli kaming magkita."
Napayuko si Tinder, malungkot nitong tinitingnan ang isa isang pagkalagas ng pulang rosas na hawak. Kasabay nun ang paglitaw ng kanyang mga pakpak, napailing iling na lang syang napahawak sa kanyang dibdib at dahan dahang lumingon sa kanyang gilid kung saan nakaupo sila Dwarf at Onyx sa mga nakausling ugat ng punong kahoy.
"Hanggang ilusyon ko na lang makikita ang aking mga pakpak. Malungkot, pero hindi ako nagsisisi na nawala ito sakin, dahil naramdaman ko kung paano magmahal at mahalin. Na minsan saking buhay naging masaya ako, naging maligaya sa piling ng itim na Anghel na naging kabiyak ng aking puso."
Matapos nyang sabihin yun, serysoso nyang tiningnan sa mga mata si Onyx.
"Kung gusto mong maranasan ang kaligayahang inaasam, kumilos kana Onyx, bago pa mahuli ang lahat. Mahal ka ni Prinsesa Alitaptap, kaya sana wag mo syang talikuran.... Wag mo syang bitawan... At wag na wag mo syang bibiguin."
Tumagos sa kanyang puso ang binitawang mga salita ni Tinder. Ramdam nya yun, kaya ng biglang namasa ang kanyang mga mata, mariing ipinikit nyang mga yun. Napahinga sya ng malalim para kahit papanu mabawasan ang emosyong kanyang nararamdaman. Ngayon lang sya nagmahal, ngayon lang sya sumaya, hinding hindi nya hahayaang mawala sa kanyang buhay ang kanyang kaligayahan. Hinding hindi! Bigla na lang syang napatayo na ipinagtaka naman ni Dwarf.
"Handa kana ba Onyx?" Tanong ni Tinder sa kanya, Napatayo na rin si Dwarf at sumabad sa usapan nilang dalawa.
"Ganyan na bang gagamitin mong wangis Cassiel? Hindi kana ba babalik sa pagiging Tinder na anyo?"
"Mas maiging ito ang gamitin kong kaanyuhan, dahil hindi nila kilala ang tunay na anyo ni Cassiel, pero ang wangis ni Tinder, kilalang kilala na ng mga itim na Anghel, mahirap ikubli ang kulay ginto kong mga mata at ang kulay asul kong buhok, dahil yun ang wangis ng aking Ama."
"Ayos lang sakin kung anuman ang gusto mong anyo Tinder. Ngayon, ano ng plano natin?" Tanong ni Onyx kay Tinder.
"Si Dwarf munang kikilos, kelangan nyang kausapin ng masinsinan si Prinsesa Ayana para pumanig sya sa atin. At sya rin ang kakausap sa Hari at Reyna para hindi matuloy ang pag iisang dibdib ng Prinsesa Alitaptap at Prinsipe ng Mekam."
"Sige, ako ng bahala sa bagay na yan." Nakapamulsang sang ayon ni Dwarf kay Tinder.
"Eh, ako! Ano naman ang maitutulong ko?" Singit ni Onyx sa usapan.
"Aliwin mong Prinsesa Alitaptap, huwag mong hahayaang makalapit sa kanya ang huwad na Prinsipeng yun." Napapakumpas pang kamay ni Tinder habang nagsasalita.
Napangiwi bigla si Onyx. "Wala na bang ibang paraan Tinder? Baka naman pwedeng paslangin ko na lang yung huwad na Prinsipe, kesa ang aliwin kong Prinsesa Alitaptap?"
Pinandilatan sya ng mga mata ni Tinder. "Gusto mo bang maganap na naman ang matinding digmaan? kung saan maraming napaslang at nagbuwis ng buhay, dahil sa pag aaklas ni Reyna Elyon ng Kahariang Gaelin ha? Mag isip isip ka nga Onyx."
"Ayan kasi, di nag iisip.. napagalitan tuloy.. hahaha" Pang aasar ni Dwarf sa kaibigan.
"Tigilan mo nga ako Dwarf! Baka di kita matantya, mauna pa kitang itumba!"
"Hahaha.. Ang pikon laging talunan.. hahaha.. Paalam na sa inyo!" at bigla na lang itong naglaho na lalong ikinangitngit ni Onyx.
"Kalma ka lang Onyx, antagal nyo ng magkaibigan ni Dwarf hanggang ngayon ba hindi mo pa rin kabisado ang pag uugali nya? Kapag pinapakita mo sa kanyang napipikon kana mas lalo kapa nga nyang aasarin, kaya kung ako sayo, sakyan mo na lang ang mga kalokohan nya, kesa sumakit pa yang ulo mo kakaintindi sa kanya."
Napabuntong hininga na lang sya ng mapagtantong tama naman ang mga payo ni Tinder sa kanya.
"Parang ganun na nga ang pinaka maiging gawin sa kupal na yun. Haayy.. alis na muna ako Tinder, uumpisahan ko ng misyon ko."
"At anu namang misyon yun ha! Onyx?" Nangingiting pataymalisyang tanong ni Tinder.
"Ang aliwin si Prinsesa Alitaptap! Anupa nga ba? Hayy.. Bahala na nga! Kasi naman eh! Bakit kelangang ako pa ang gumawa nun ba't dina lang kasi ikaw? Tutal magkasundo naman kayong dalawa."
Hindi na napigil pa ni Tinder ang matawa ng malakas dahil sa nakikita nyang hitsura ni Onyx ngayon.
"Hahaha.. Tigilan mo na ngang kamamaktol dyan Onyx! Para kang paslit na naipit sa hitsura mong yan."
"Hay! Ewan! Dyan kana nga!" At naglakad na ito palayo kay Tinder. Pasipa sipa pa ito sa mga batong nakakalat sa lupa.
Samantala habang abala si Dwarf sa misyon nitong ibinigay ni Tinder at si Euri naman ay nakaalalay dito. Si Onyx naman ay paurong sulong sa paglapit kay Prinsesa Alitaptap. Pabalik balik syang naglalakad sa hardin habang pasulyap sulyap kay Alitaptap na abalang kumakain ng prutas. Ang hindi nya alam kanina pa sya napapansin ng Prinsesa.
'Ano bang nangyayari sa torpeng ito? Teka nga..'
Tumayo sya saka nilapitan si Onyx na palakad lakad pa rin habang nagsasalitang mag isa.
"Onyx! Kumusta kana?" Bati nyang nakangiti sa kabalyerong namutla pagkakita sa kanya.
"K-- Kamahalan! Kayo po pala yan, mabuti naman po ako. Kayo po kumusta na?" Di makatingin ng deretso si Onyx sa Prinsesa.
"Simula ng makabalik ako dito sa Palasyo, at kasama nyong nakipaglaban sa digmaan ng Gaelin at Umbra, ngayon lang ulit kita nakita.. Masyado ka bang abala at nakalimutan mo na akong pasyalan dito ha, Onyx?"
"Ahm.. Ngayon lang po kasi ako nakabalik galing misyon, Kamahalan."
"Bakit napakagalang mo yata ngayon? May nangyari ba sayo mula ng mawala ako dito?"
"Ahm.. W-- wala naman po Kamahalan, gaya pa rin naman ng dati, wala namang nagbago."
Napangiti ng lihim si Alitaptap ng makita ang katarantahan sa mukha ni Onyx. At dahil sa likas na syang pilya naisipan nyang biruin ito.
'Mahal kita'
Nanlalaki ang mga matang napatitig sa kanya si Onyx. "Prinsesa Alitaptap! Pakiulit po ng sinabi nyo?"
"Ha! May sinabi ba ako?" Pagma maang maangan pa nya.
"Opo, meron po.."
"Talaga! Nakita mo bang bumuka ang bibig ko?"
"Hindi! Ay, oo! Hindi ako sigurado!"
Tinampal tampal pa ni Onyx ang pisngi na ikinatawa naman ni Alitaptap.
"Hmm.. Bakit? Ano bang narinig mong sinabi ko, kamu, ha Onyx?"
"Sabi nyo po, Mahal kita!" Nalilitong sambit pa ni Onyx.
"Talaga! Sinabi ko yung... Mahal kita?"
Naaaliw na si Alitaptap sa nakikitang hitsura ng kabalyero.
Naiiling na napayuko na lang si Onyx dahil sa hiyang nararamdaman sa Prinsesa. Baka naman nagkamali lang sya ng dinig o baka naman pinaglalaruan lang sya ni Alitaptap. Di nga ba't nung bata pa ito ay lagi sya nitong pinaglalaruan at niloloko? Baka ganun din ang nangyayari ngayon, di kaya? Biglang napaangat ang kanyang tingin at huling huli nya ang pilyang pagkakangiti ni Alitaptap sa kanya.
"Kamahalan?.. "
"Handa kana ba Onyx?"
"Ha! A- anon-- "
Hindi na nya natapos pang nais sabihin dahil bigla ng naglaho si Alitaptap.
"Kung handa kana raw? Kelan kapa nabingi Onyx? Nakakapagtaka kana ha! Iba na yan."
Bahagyang napapiksi pa si Onyx ng magsalita si Dwarf sa kanyang tabi. Ugali na talaga nitong bigla na lang susulpot, parang kabute lang, ganun.
"At magugulatin kana rin ngayon? Kelan kapa naging ganyan Onyx?"
Sa halip na sagutin nyang tanong ni Euri ibang lumabas sa kanyang bibig ng makita ang nakabendahing nuo ni Dwarf.
"Anong nangyari sa nuo mo? May labanan ka bang pinuntahan na hindi man lang ako sinabihan?"
"Tinaga yan ni Prinsesa Ayana habang mahimbing syang namamahinga."
Hindi makapaniwala sa kanyang narinig na palipat lipat ng tingin si Onyx sa dalawang kaibigan.
"Imposible! Hindi naman bayolenteng diwata si Prinsesa Ayana. Di kagaya ni Draca na ipinanganak ng impakta." Sabi pa nyang sinusuri ang nuo ni Dwarf.
"Hah! Yun ang akala mo! Sobra pa kaya kay Draca kung magmahal si Ayana. Kita mo sa sobrang pagmamahal nya sakin, palagi na nya akong pinarurusahan."
"Tama ka naman dyan Dwarf, kasi nasaksihan ko pang pagtaga nya sa nuo mo. Hahaha.. nasorpresa talaga ako sa ginawa nya sayo. Grabe pala sya kapag nagalit, napakalupit."
Sa kanyang mga narinig mula sa dalawang kaibigan, nakadama sya bigla ng pag aalala, hindi lang pala pag aalala kundi takot. Kasi, baka katulad din ni Ayana at Draca si Alitaptap.. Paano na sya? Anong gagawin nya kapag nangyari na sa kanya ang mga nangyayari ngayon sa kanyang mga kaibigan?
"Onyx! Hoy Onyx! Langya! Ano na naman ang nangyayari sayo? Bakit ba palagi kana lang wala sa sarili mo? Nalintekan na! Euri, bigwasan mo nga yang lintek na yan, nakakapanginig ng laman ang tarantadong yan.. Nakuuuu..."
Akma ng susuntukin ni Euri si Onyx ng biglang umangat ang paa nito, sapul sa dibdib si Euri na napaatras at napabuga ng malakas na hangin.
"Tado ka! Sakit nun ah." Sapo ang nasaktang dibdib, sinugod ni Euri si Onyx ng suntok at sipa. Nagpambuno ang dalawa, walang may gustong magpatalo. Samantalang si Dwarf naman ay umupo sa semento at pinanuod lang ang dalawang kaibigan.
"Sige! Laban pa! ang matatalo ay syang puputol sa mga kahoy na nakasalansan sa palikuran. Marami rami din yun, aba! Siguradong paltos ang mga kamay ng matatalo.. hahaha."
Biglang natigil sa pagsusuntukan ang dalawa at nagkatitigan. Ng magka intindihan, pumihit sila paharap kay Dwarf na tawa pa rin ng tawa at ito ang kanilang sinugod. pinagtulungan nilang bugbugin.
"Teka lang sandali! Mga kupal kayo, ba't nyo ako pinagtutulungan ha?" Panay salag, suntok at sipa naman ang ginawa ni Dwarf makalayo lang sa dalawa.
"Litsunin na natin 'to Euri, dali! tawagin mo na si Devon habang dipa naglalaho ang dwendeng bakulaw na ito."
Mahigpit ang pagkakayakap ni Onyx kay Dwarf na panay ang pagpupumiglas at walang tigil sa pagmumura.
"Devon!" Sigaw naman ni Euri na malapad ang pagkakangisi. Lalo na ng makitang pamumutla ni Dwarf.
"Hoy Euri! Pag ako nakawala dito magtago kana sa saya ng Ina mo, dahil dila mo lang ang walang latay kapag nakabawi nako! Balimbing ka talagang gago kaa..!
Nakarinig sila ng pagaspas, sabay pang napatingin sa himpapawid ang dalawa. Sinubukan ni Dwarf na maglaho pero wa epik dahil kapittuko sa kanya si Onyx.
"Sa lahat ng Dragon ni Draca, itong si Devon ang pinakapangit. Nuh, Onyx? Nagiging kamukha na tuloy sya ni Euri."
Pang aasar ni Dwarf, nagbabakasakaling tumalab kay Euri ang naisip nyang plano.
"Wow ha! Hiyang hiya naman ako sa tenga mong mahaba at sa ngipin mong sungki sungki. Talagang napaka gwapo mo naman Dwarf, wala kang katulad talaga!"
Iritabling sagot naman ni Euri kay Dwarf na nagpipigil matawa.
"Baliw ka Dwarf! Wag mo ng inisin yang si Euri baka ipalapa tayo nyan kay Devon."
Bulong naman ni Onyx na halatang kinakabahan dahil paikot ikot na sa kanilang dalawa ni Dwarf ang mabagsik na dragon.
"Devon! Ngayon na!"
Kasabay ng pagsigaw ni Euri ang pagdakot naman ni Devon sa dalawang kapittuko sa isa't isa. Inilipad nito kung saan ang dalawa na panay ang mura at sigaw kay Euri.
"Hayop ka Euriii..! Isa kang taksilll..." Tinangay na lang ng hangin ang boses ni Onyx.
"Tapos kana ba sa kanila Euri? Pwede na ba tayong mag usap ngayon ha?"
Dahan dahang nilingon ni Euri ang nagsalita sa kanyang likuran. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang dalawang Prinsesa ng Kahariang Umbra.
"Prinsesa Ayana! Prinsesa Alitaptap!"
Seryoso ang mga mukha ng dalawang Prinsesa.
'Patay kang Euri ka! Draca... tulonggg...'
?MahikaNiAyana