☘ Prinsipe Senetri

2373 Words
"Ano Onyx? anong masasabi mo sa Prinsipe Senetri na yan?" Siniko pa ni Euri ang kaibigang napapatiimbaga habang matalim ang tingin sa Prinsipeng nakikipag usap sa Hari at Reyna ng kahariang Umbra. "Kung nakakamatay lang yang mga titig mo, Naku! malamang kanina pa nakabulagta yang Prinsipeng Asungot na yan, hahaha." "Ang tanong! may laban kaya itong Lawin natin dito sa Hunyangong yan, na nagbabalatkayo, ha! Dwarf? Ano sa tingin mo?" "Aba'y! tanungin natin ang Lawin.." Tinapik ni Dwarf ang balikat ni Onyx. "Anuna kaibigan, patatalo kaba sa hunyangong yan, ha? Hahayaan mo na lang ba syang tangayin ang pinakamamahal mong Prinsesa Alitaptap?" "Ano sa tingin mo?" Walang kakurap kurap na tanong din ni Onyx kay Dwarf na napangisi kaagad sa sagot nya. "O, Euri, ano daw sa tingin mo?" Kumindat pa si Dwarf ng magtamang mga mata nila ni Euri. "Sa tingin ko, mas makakabuti kung ilibing na lang natin ng buhay, tapos ang suliranin natin, at itong Lawin dito ay muli ng sasaya at liligaya. Ganun lang yun kasimple, eh pinapa komplekado nyu pa!" "Gusto ko yan! Kelan naman natin gagawin?." Excited na napapasuntok suntok pa si Dwarf sa hangin. "Mga pasaway! Di nag iisip ang mga tukmol na'to." Bubulong bulong na tinalikuran sila ni Onyx, umalis na ito sa bulwagan, sumasakit ang kanyang mga mata kapag nakikita ang Prinsipe Senetri na yun. "Onyx! Hoy! san ka pupunta?" Naaalarmang tawag ni Euri sa kaibigan. "Yaan na muna natin sya, masyadong dinadamdam nyang mga nangyayari ngayon eh, kaya unawain na lang natin." Napatutok ang pansin nila sa bulwagan kung saan nag uusap ang mga maharlika. Nagmamatyag at nakikinig sa usapan ang dalawa. "Makakaasa po kayo Mahal na Reyna Amethyst, sa soporta ng Kahariang Mekam, tutulong po kami para mapanatili ang kapayapaan sa buong Engkantadya." "Ikinatutuwa kong inyong pag anib sa Kahariang Umbra, Prinsipe Senetri. Ipaabot mo sayong Amang Hari ang aming pasasalamat." Nakangiti man ang Reyna, walang sinuman ang nakakaalam sa likod ng mga ngiti nyang yun. "Makakarating po ang inyong pasasalamat, Kamahalan." Yumokod pang huwad na Prinsipe Senetri. "Ako'y magpapaalam na muna sa inyo. Saking pagbabalik asahan nyong kasama ko ng aking Ama at Ina, para mapag usapan ang aming pag iisang dibdib ng Prinsesa Alitaptap. Mahal na Reyna." Napaismid naman si Dwarf sa mga narinig. Napabaling ang tingin nito kay Euri ng bigla syang siniko nito. Ng magtama ang mga tingin nila sa isa't isa, inginuso nito si Prinsesa Alitaptap at Ptinsesa Ayana na nakatayo at nakasilip lang sa loob ng bulwagan. "Kung ganun, hanggang sa muli nating pagkikita, Prinsipe Senetri. Mag iingat ka sayong paglalakbay." "Maraming salamat, Kamahalan.. Maaliwalas na araw... Paalam." Ng tumalikod ang Prinsipe at naglakad palabas ng bulwagan, kitang kita ni Dwarf ang pagkuyom ng kamao ni Reyna Amethyst. Napaisip tuloy sya sa inakto ng Reyna. Tila may inililihim ito sa kanila. Hindi na nya ikinagulat ng biglang lumitaw si Amber at Lorsan sa harapan ng Reyna at parehong yumukod. "Kamahalan, nakompirma ko na po ang lahat." "Magaling Lorsan, ngayon pwede na tayong magplano kung anong nararapat gawin sa mga taksil na yun." Pigil ang galit ng Reyna habang isa isang tiningnan ang lahat ng engkanto sa bulwagan. Lumabas na rin sa kanilang pinagkukublihan ang dalawang Prinsesa. Maging sila Akira, Ivory at Diamond lumitaw na rin. Pero ang dalawang chismoso nanatili na lang sa kanilang dating pwesto, tutal nakikita naman nilang dalawa ang kaganapan at malinaw din nilang naririnig ang usapan ng mga nasa bulwagan. "Amber, anong ulat sa bawat hangganan ng Engkantadya?" Panimula ng Reyna. "Nakahanda na po sa Hilaga sila Centaur, Celo at Rhodisa. Sa Kanluran naman sila Taiwoo, Zouz at Trion. Sa Silangan naman ay ang mga Amazona at sila Heneral Axel, Kabalyerong mandirigmang Onyx, Euri at Dwarf. sa Timog naman po ay ang mga puting Anghel, katuwang nila Lorsan at Arkin. May ipinadala rin pong mga salamangkera at mandirigma ang mga kaalyado nyong Kaharian, Mahal na Reyna." Nagkatinginan na naman ang dalawang chismoso at nag senyasang umalis na sa lugar na yun, bago pa sila mahuling nakikinig sa pagpupulong ng mga pinagkakatiwalaan ng kanilang Reyna Amethyst. "Naglalakbay na ba silang lahat, Amber?" "Opo, Kamahalan. Nasa hangganan na po ng bundok ng Samaru ang mga salamangkera ng Inspra, mandirigma ng Getah at Orlin. Dun na sila mag aabang habang hinihintay pang mga mandirigma ng Yerena." "Mabuti naman kung ganun. Magsipaghanda na kayo sa nalalapit na digmaan." Napatiimbaga ang Reyna. Bago pa dumating ang Prinsipe ng Mekam sa Kahariang Umbra, naiulat na sa kanya ni Lorsan ang lahat lahat. Na kinumpirma pa sa kanya ni Akira, ang kanyang tagapayo. Dahil humingi ito ng tulong kay Mother Holle, ang nangangalaga sa mga Pixie Fairies, Isang crone na nakatira sa ilalim ng mga lumang balon. Siya ay nagbibigay ng katarungan at maaaring tulungan ka sa gabay at paghula kung gusto ka niya . Malaking tulong ang naibibigay nito sa Engkantadya, at kagaya ni Golden Mother Fairy Enolla ng Fairyland, sila ang mga sinaunang diwata na naging Bataluman kalaunan. Dahil sa kanilang katapatan at pagpapahalaga sa buong Engkantadya, kaya sila biniyayaan na maging Bataluman, ng kataas taasang Bathala ng mundo ng Engkantadya. "Kamahalan, kami na lang po nila Crystal, Heneral Ixoe, Alex at Draca ang bahalang mag protekta dito sa Kahariang Umbra, kung inyo pong mamarapatin, Mahal na Reyna!" "Oo naman, mas mapapanatag nga ako kapag kayong naiwan dito para mag protekta sa Palasyo." Napabaling ang tingin ng Reyna kila Ayana at Alitaptap na papalapit sa kanya. "Ina! nais po naming tumulong ni Ayana, sige, na po, Ina." Napabuntong hininga na lang si Amethyst, kapag talaga si Alitaptap ang nakipag usap sa kanya, kahit na hindi sya sumang ayon sa kagustuhan nito, gagawa pa rin naman ito ng paraan para masunod ang ninanais nito, kaya ano pang saysay ng kanyang pagtutol kung di naman sinusunod ng pasaway nyang Anak? At kahit na anupang parusa ang ipataw nya dito, nakangiti lang nitong tatanggapin ang lahat ng yun. "Ina!" Nakangiti nyang nilingon si Ayana, ang mabait at masunurin nyang panganay na Anak. Maganda at maayos ang pagpapalaki ng mag asawang Gardo at Selya dito, ang mga tagalupa na pinagkatiwalaan nyang mag alaga kay Ayana noong kasagsagan ng digmaan sa pagitan ng Umbra at ng Gaelin. "Sige, pumapayag na ako." Nakita pa nyang pagngiti at pagtapikan ng dalawa nyang Anak. "Pero, tiyakin nyo lang na hindi kayo mapapahamak! Hmm.." Napangiti na lang sya ng sabay pang lumapit sa kanya ang dalawang Prinsesa, hinalikan pa sya sa pisngi ng dalawa bago ang mga ito sabay na naglaho. "Mahal, tama bang pasya mong hayaan ang dalawang yun na makipaglaban?" "Mahal kong Xian, sa tingin mo ba, kapag hindi ako sumang ayon, eh susundin nila ako ha? Siguro si Ayana baka pwede pa, pero si Alitaptap?" Napailing iling pang Reyna,, pinisil nitong pisngi ng asawang Hari. " Sumasakit ang ulo ko sa isang yun." "Nagmana lang sya sayo, kaya wag mo ng pagtakhan ang pagkasutil ng bunsong Anak mo." Nakataas pang kilay ng Hari habang may sinusupil pang ngiti sa labi nito. "Wag mo ng ipaalala ang nagawa kong kamalian noon Kamahalan, batid mong paghihirap ko mapagbayaran ko lang ang pagkakasala ko noon." May lungkot sa mga mata ng Reyna, habang nakatingin sa malayo. Dahil sa kanya, isang bagong kaibigan ang nagbuwis ng buhay nito mabawi at maibalik lang sya sa Umbra ng ligtas. "Patawad Mahal ko, hindi ko nais na ipaalala pa sayo ang nakaraan mong kaylupit." Pumatak ang mga luha ni Amethyst. Hanggang ngayon inuusig pa rin sya ng kanyang konsensya. Kasi, kahit na anupang gawin nyang pagbawi sa mga puting Anghel, hinding hindi na nya maibabalik pang buhay ni Cassiel. Naramdaman nyang pagyakap ng kabiyak sa kanya. "Hindi mo ginusto ang mga nangyari noon Amethyst, kaya pakiusap, palayain mo ng iyong sarili sa madilim na kahapong yun!" Sa mga narinig, biglang umayos ng upo ang Reyna, saka pumitik ang kanyang daliri. Kasunod nun ang pagbalik ng matapang na aura sa kanyang mukha. Tama ang kanyang kabiyak, hindi sya dapat magpa apekto at magpatalo sa kanyang nakaraan. Isa na syang Reyna ngayon at hindi na Prinsesa. May katungkulan syang dapat gampanan. Kaharian na dapat protektahan. Mga nasasakupan na kelangan nyang gabayan. Asawang nakasoporta man sa kanya pero kelangan din nyang alagaan at mga Anak na kalinga at pagmamahal ang syang hanap. Isa syang Reyna ng kahariang Umbra, Ginagalang, tinitingala.. Kinatatakutan, iniilagan ng ibang kaharian na makaalitan at makabangga.. Dahil sya lang ang bukod tanging Reyna sa buong Engkantadya, na pinagkatiwalaan ng apat na mahiwaga at makapangyarihang brilyante, ng kataas taasang Bathala ng mundong Engkantadya. Umikot ang tingin ni Amethyst sa buong bulwagan. Bawat engkantong madaanan ng kanyang tingin, nababasa nyang iba't ibang emosyon ng mga ito. Mga emosyon na nagpataba ng kanyang puso. Napangiti na lang sya ng biglang maramdaman ang paghalik ni Haring Xian sa gilid ng kanyang ulo. "Nandito lang kaming lahat, Mahal kong Reyna, aalalay, gagabay at nagmamahal sayo." Bumaling sya sa kabiyak at masuyo itong nginitian. "Alam kong hindi nyo ako pababayaan.. Kaya natin ito Mahal ko, kaya nating lahat ito." Tumango naman ang kanyang kabiyak, matapos syang yakapin ng may pagsuyo, nagpaalam na rin ito para magpahinga. Kababalik lang kasi nito mula sa malayong paglalakbay. Hinarap nyang mga nasasakupan... "Tapos ng pagpupulong nating ito.. Humayo kayo at magsipaghanda sa magaganap na digmaan.. Para sa Kahariang Umbra.. sa kapayapaan.. sa kalayaan ng buong Engkantadya!" "Para sa Kahariang Umbra! Sa kapayapaan! Sa kalayaan ng buong Engkantadya!" Sabay sabay na sigaw ng lahat. Matapos ang kaganapan sa bulwagan, isa isa na ring nagsilisan ang mga engkantong dumalo sa pagpupulong yun. Ang tanging natitira na lang ay ang kanyang tagapayong si Akira, tagagawa ng kasulatang si Ivory, tagaulat na si Amber at ang espiya na si Lorsan. "Nahanap mo na ba ang salamangkerang si Cassiel, Lorsan?" "Bigyan nyo pa po ako ng konting panahon, Kamahalan. Mula ng makalaya sya sa Fairyland hindi ko na maramdaman ang kanyang prisensya." "Hindi naman kaya nagpalit sya ng kaanyuhan kaya hindi mo na sya maramdaman ngayon Lorsan?" Suhestyon naman ni Akira. "May punto ka naman dyan Akira, maaring hindi na isang usa ang kanyang wangis ngayon, marahil bumalik na sya sa tunay nyang anyo." Sabat naman ni Ivory. "Isang makapangyarihang puting Anghel na may halong dugong salamangkera si Cassiel, kaya napakahirap nyang hanapin kapag bumalik na nga sya sa dati nyang katauhan." Tila lalong sumakit ang ulo ni Lorsan sa hinaharap na suliranin. "Kung ayos lang sayo, maaari kitang tulungan sa paghahanap mo Lorsan." Alok naman ni Amber ng makitang nagkakamot ng kanyang sentido si Lorsan. "Kailangan nating mahanap si Cassiel, malaki ang maitutulong nya satin para magapi ang mga itim na Anghel. Dahil tanging sya pa lang ang nakapaglabas pasok sa Kahariang Boreas." "May punto po kayo dyan Kamahalan, dahil dun sila unang tumira ni Kahlil, yun lang ang huling nasagap kong balita mula sa pag eespiya sa Kaharian ng Boreas." Nagtatakang napatingin ang lahat kay Lorsan, na halatang nailang naman sa mga reaksyon nilang apat. "Sa pagkakaalam ko, walang nakakapasok na kahit anong uri pang Engkanto sa loob ng Palasyong yun Lorsan, paano kang nakapag espiya dun? eh, ni makalapit nga sa hangganan ng lupain nila ay isang pagpapatiwakal na." "Bakit Akira, wala ka bang tiwala sa kapangyarihan at kakayahan ko? Lalo na sa wangis kong ito?" Kasabay nun ang pagbabagong anyo ni Lorsan. Naging isa syang itim na Anghel na ang wangis ay si... ""Kahlil!" Manghang mangha si Ivory ng masilayan ang pagbabalatkayo ni Lorsan. "Kaya pala nakapag espiya ka sa Palasyong yun. Eh bakit, hindi mo pa nilubos lubos? para makapasok ka sa loob ng Palasyo nila?' Sa narinig ni Lorsan na tanong ni Akira sa kanya, bigla syang bumalik sa dating anyo at napakamot ng kanyang batok na tila biglang nahiya sa mga kaharap. "Hmm.. huhulaan ko, siguro nahuli ka ng mga itim na Anghel ano?" Nakangisi pang sabi ni Amber na nagtaas baba pang mga kilay na nakaabang sa magiging sagot ni Lorsan. "Eh parang ganun na nga! Lentik! diko naman kasi akalain na ganun pala katinik ang mga hinayupak na mga tagapagbantay ng Boreas, kaya kesa na mamatay na lang ako dun basta, napilitan akong makipaglaban ng p*****n makalabas lang sa lugar na yun ng buhay." "Kaya kaba nawala ng matagal Lorsan?" May pag aalalang tanong ng Reyna. "Ganun na nga po, Kamahalan. Ipagpatawad nyo po ang aking pagkawala, ng wala man lang mensahing ipinadala dito sa Palasyo. Matagal po kasi akong nawalan ng malay at nagising na lang sa isang kweba, na inaalagaan ng isang serenang tumulong sakin... si Asherah." "Asherah? Ibig mong sabihin napadpad ka sa Kaharian ng Orlin?" Manghang tanong ni Ivory kay Lorsan. "Aba'y napakalayo naman ng narating mo Lorsan! Mabuti na lang pala at nabuhay kapa." "At bakit naman hindi, Ivory? Mabait naman si Asherah ah." "Si Asherah mabait, pero ang kanyang kapatid na si Eihran ay malupit." Sabi naman ni Akira na natatawa sa naririnig na pagtatalo ng dalawa. "Hindi naman kami nagkita ni Eihran eh. kasi, sa kweba lang ako inalagaan ni Asherah hindi sa Palasyo ng Orlin." Pumihit paharap sa Reyna si Lorsan saka yumukod. "Kamahalan, aalis na po ako para hanapin si Cassiel. Maaliwalas na araw Mahal na Reyna." "Mag iingat ka sa iyong paglalakbay Lorsan. Paalam." "Asahan nyo po na sa aking muling pagbabalik dito sa Palasyo ay kasama ko na si Cassiel, Kamahalan. Paalam!" Tuluyan na itong naglaho. Sa nalalapit na digmaan, may kutob na si Reyna Amethyst na hindi lang mga itim na Anghel ang kanilang masasagupa, paniguradong may aanib ditong taga iba pang Palasyo. Kagaya nga ng sabi sa kanya ni Golden Mother Fairy Enolla, hanggat nasa kanya ang apat na brilyanteng makapangyarihan sa lahat, maraming maiitim ang budhi na maghahangad kunin o agawin yun sa kanya, sa kahit na anupang paraan. Kaya dobleng ingat at palagi syang handa sa lahat ng mga ganid na nakakalat lang sa buong Engkantadya. Isa lang ang ipinag papasalamat nya kay Bathala, dahil may mga Kaharian pa ring nagtitiwala at matapat sa kanya. Ang mga... Salamangkera ng Inspra.. Flurrel, Picipine, Aeruna, Llamedary... Mandirigma ng Getah, Bunyip, Peji, Daenyr, Treinops... Mandirigma ng Orlin, Jeeves, Reen, Ginger ... Mandirigma ng Yerena, Zen, Tidus, Solstice... Sila ang mga magigiting at matatapang na mga salamangkera at mandirigma ng mga Palasyo nila, na kaanib ng Kahariang Umbra. Para panatilihin ang kapayapaan at kalayaan ng buong Engkantadya. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD