Pakiramdam ni Onyx, pinagbagsakan sya ng langit at nadurog sa lupa. Hindi nya malaman kung anong gagawin pag nakaharap na nyang Prinsesa Alitaptap. Sa magulo nyang mundo ngayon, to the rescue naman ang makukulit at nagmamagaling nyang mga kaibigan. Kanya kanyang payo ang mga ito na lalong nagpasakit sa ulo ni Onyx.
"Wala, yung kasulatan na nagsabi. Hanggang tingin ka na lang sa kanya. Hanggang sulyap ka na lang sa kanya. Hanggang silip kana lang sa kanya. Ang lapitan at kausapin sya ay hindi mo magawa dahil nahihiya ka. Nahihiya ka na baka hindi ka nya kausapin dahil baka abala sya at makasagabal ka lang sa kanya o hindi kaya naman ay isnabin ka."
Hindi nakaimik si Onyx sa mga binitawang salita ni Euri. Wala naman kasi syang maisagot dito, kasi unang una tama lahat ng sinasabi nito.
"Kaya nasa isang tabi kana lang, pa sulyap-sulyap sa kanya. Titingin sa kanya ng patago, sisilip sa kanya ng hindi sya nakatingin sayo. Wala eh, takot ka sa kanya. Ay mali, takot ka na puntahan at kausapin sya dahil baka layuan ka nya kaya kuntento ka na lang na lihim na nagmamahal sa kanya." Napapalatak pang sabi naman ni Dwarf.
"Kung alam nyo lang.. Hayy.." Malaki ang tiwala nya sa dalawang kaibigan nyang ito, na nakakaalam ng lihim nyang pagtingin kay Prinsesa Alitaptap.
"Takot ka, pero malay mo, baka may gusto rin sya. Malay natin ikaw yun. Malay lang natin. Wala namang masama sa mga posibilidad na iyon." Hirit pang muli ni Euri.
'Gusto nga nya ako, pero hindi ko pa tiyak kung gaano kalalim ang kanyang pagtingin sakin. Baka naisulat nya lang yun dahil nalulungkot sya nun sa Fairyland.' Biglang naisip lang nya ng maalala ang sulat noon ni Alitaptap sa kanya.
"Hindi masama sumubok dahil kung may mawawala naman ay may papalit upang punan ang nawala. Pero para sa ngayon, masaya ka na lang na hanggang tingin ka na lang sa kanya. Na hanggang dyan na lang, na hanggang tingin ka na lang sa kanya. Na hanggang dyan muna, dahil wala namang mawawala. Na dito, sayong-sayo lang muna sya. Tingnan mo na lang sya. Pero hanggang tingin ka na lang ba?"
Napabaling ang kanyang tingin kay Dwarf. "Paulit ulit ka naman ng sinasabi eh! Matanong ko lang, panu naging kayo ni Prinsesa Ayana? Anong ginawa mo para mapaibig mo sya?"
Napangisi ng nakakaloko si Dwarf, saka may pagmamayabang na tinuro pa nitong sarili na tila ba nagmamalaki.
"Wala naman akong masyadong ginawa, basta nasa tabi lang ako palagi ni Prinsesa Ayana. Hindi ko sya iniiwanan, para kapag kinailangan na nya ako agad ko syang madadamayan."
"Yun lang? Talagang yun lang bang ginawa mo Dwarf?" Nakakunot noong Tanong ni Onyx.
"Syempre, palagi ko ring ibinabandera sa kanyang harapan ang mukhang ito." Hinimas himas pa ni Dwarf ang kanyang baba. " Kaya ayun, nahulog na sya sa taglay kong karisma hahaha."
Napasimangot syang bigla. "Mahangin! Grabe Euri, napakalakas ng hangin dito.. O, kumapit ka ng mahigpit at baka matangay ka woohh."
Tatawa tawa namang sinuntok ni Euri ng bahagya si Dwarf sa balikat, saka tinapik naman nito ang likod ni Onyx para pakalmahin dahil alam nitong medyo napipikon na ito kay Dwarf.
"Hoy! Onyx! Galaw galaw kana at baka maunahan kapa ng iba.. Ikaw rin.. Dinig ko pa naman kay Ayana, na ang Prinsipe ng Mekam ay gustong maging kabiyak yang minamahal mo. Bahala ka!"
"Hindi! hinding hindi mangyayari yun!" Napasuntok sa hangin si Onyx, biglang natakot sya sa mga narinig mula kay Dwarf.
"Hindi talaga! Eh, wala namang binatbat yung Prinsipe ng Mekam na yun sayo eh, saka kakampi mo kami.. Diba Euri?" Sabay kindat pa ni Dwarf kay Euri ng malingat ng tingin si Onyx.
"Aba'y syempre naman.. Kaibigan ka namin eh, kaya kasangga mo kami. O, eh ngayon, ano ng plano natin ha?" Baba taas pang kilay ni Euri na napasulyap sa namomroblemang si Onyx, samantalang nakangisi naman ng nakakaloko si Dwarf.
"Ano namang plano? May magagawa ba tayo eh puro maharlika ang pinag uusapan natin dito? Wala akong laban sa Prinsipe na yun."
"Nalentekan na! Anunang nangyari sa kaibigan naming matapang at matinik na kabalyero? Susuko kana lang ba na hindi man lang sinusubukang patunayan ang yung sarili kay Prinsesa Alitaptap ha?"
"Tama si Dwarf, kaibigan, isa kang kabalyerong mandirigma kaya panindigan at patunayan mo yan sa Prinsesa Alitaptap. Wag kang sumuko basta, anukaba! matapang ka hindi mahina."
"Siguro naman ay alam mong mga pinagdaanan namin ni Euri para lang mapasamin ang mga diwatang aming itinatangi diba? Naging saksi ka sa bawat paghihirap at sakripisyo namin, tumulong kapa nga para lang makamit namin ang kaligayahang pinakaaasam namin."
Palipat lipat ang tingin ni Onyx sa dalawang kaibigang nagpapayo. May punto naman ang mga ito. Kaya nakapag pasya na sya.
"Tama! Abante tayo mga kaibigan!."
"Anong tayo? Ikaw lang! Kasi, may Ayana nako." Tinuro ni Dwarf si Euri na nagpipigil ng tawa. "At may Draca naman sya."
"Ganun! Matapos ko kayong tulungan noon, ilalaglag nyo ako ngayon! Mga hayop kayo."
Yung biglang tayo ni Onyx sabay hugot ng dalawang sandata nito ay ikinagitla ng dalawang kaibigang walang kakilos kilos. Ibinato ni Onyx ang isang espada sa dereksyon ni Dwarf na kung hindi ito nakailag kaagad malamang naputol ng ulo nito.
"Ughh." Biglang bagsak ng isang taga Gaelin.
"Langya ka talaga Onyx! Papatayin mo ba ako ha? Tarantado ka talagaaa!.. Muntik nako sa sandata mo ulol ka!"
Panay ang pagsigaw ni Dwarf kay Onyx na tila bingi lang na nakikipag laban sa mga alagad ng kahariang Gaelin na bigla na lang nagsulputan.
"Tama ng dakdak mo dyan Dwarf! Bilisan mo na't tumatakas ng mga kalaban... Devon!"
Isang dambuhalang dragon ang biglang lumitaw sa likuran ni Euri. Kasabay nun ang pagbaon nya ng kanyang espada sa lupa na naging dahilan para mabiyak ang lupang kinatatayuan nito at ng ibang Gaelin.
"Euri..! Nasaan ang pulang balabal na binigay ko sayo?"
Nakuha pang itanong ni Dwarf ng makitang walang suot na pulang balabal sa leeg ang kaibigan. Sinulyapan naman nya si Onyx na abala sa pakikipaglaban. Napangiti sya ng makitang gamit nito ang pulang balabal na bigay nya, tanda ng pagiging magkakaibigan nila.
"Kinuha ni Draca.. Pangit daw kaya tinapon nya. Pasensya na kaibigan, alam mo namang ugali ng pinsan mo, kaya wag kana magtanong. Habulin mo na lang kayang mga Gaelin at tumatakas na sila. Bilisan mo na!.."
Tumakbo naman si Dwarf at nagpalambitin bitin sa mga punong kahoy. Bawat maabutan nyang Gaelin sinisigurado nyang wala ng buhay kapag ito'y binitawan na nya.
'Hindi ako makakapayag na sa Prinsipe ng Mekam mapupunta ang pinakamamahal kong Prinsesa Alitaptap. Hindi!'
Sa naisip mas lalo pang naging agresibo si Onyx sa pakikipaglaban. Bawat hampas ng kanyang sandata kung hindi putol ang ulo, putol naman ang kamay at braso, o di naman kaya tinatadtad nya ng hiwa ang katawan ng kanyang kalaban. Selos at paninibugho ang labis nyang nararamdaman ngayon. Wala syang ibang ninanais ngayon kundi ang masugpo lahat ng kaaway nila. Binuhos nyang galit na kanyang nararamdaman sa laban nagbabakasakali syang maalis sa kanyang dibdib ang mabigat na nararamdaman. Kung hindi pa sya inawat ng kanyang dalawang kaibigan baka natadtad na nya ng pinong pino ang nahuli nyang tumatakas na Gaelin.
"Tama na! Onyx, anuba! sabing tama na yan eh!" Nagkanda bangga bangga na sila sa puno kakaawat ni Dwarf sa kanya.
"Langya! Giniling ng isang yan ah! ayaw pa ring tantanan.. hahaha."
Nanlilisik ang mga mata ni Dwarf kay Euri, nakuha pa nitong tumawa samantalang hirap na hirap na nga syang awatin si Onyx.
"Tangna! Tulungan mo kaya ako dito. Hayop na'to pagtawanan lang ba ako dito. Bilisan mo na kaya, bago ikaw ang ipatadtad ko sa baliw na'to."
Hinarap sila ni Euri, bitbit ang sandatang nakuha nito sa isang kalabang Gaelin.
"Bahala kana dyan kaibigan. Kaya mo na yang baliw na yan hahaha." at naglakad na ito palayo habang walang patid ang pagtawa.
"Euriii..!! Hayop ka! Bumalik ka ditooo.." Habol na sigaw pa ni Dwarf habang hila hila si Onyx na tila wala sa kanyang sarili.
"Kaya mo na yan, kelangan kong makauwi ng maaga at baka parusahan na naman ako ng pinsan mong impakta. hahaha."
Wala ng nagawa pa si Dwarf ng makitang sumampa na si Euri sa alagad na dragon ni Draca. Napabaling ang kanyang pansin kay Onyx ng tumigil na ito sa pagpupumiglas kaya binitawan na nya ito. Tila naman nauupos na kandilang unti unting napaupo sa lupa si Onyx. Umuklo sya saka ginulo ang buhok nito.
"Kaibigan, kung mahal mo talaga si Prinsesa Alitaptap, Aba! ipaglaban mo, diba nga eh, sabi mo sumulat sya sayo noong nasa Fairyland pa sya, na gusto ka nya? O, eh di kahit papanu, may laban ka Onyx, kaya anupang tinutunganga mo dyan? Kumilos kana, bago pa mahuli ang lahat at baka pagsisihan mo lang habang buhay na wala ka man lang ginawa."
Biglang napatayo si Onyx at pinagpag ang damit na suot. " Tama ka Dwarf, may pag asa pa ako. Salamat sa mga payo mo. Sige, maiwan na kita at may kelangan lang akong puntahan."
May pagdududang sinundan ng tingin ni Dwarf si Onyx na naglalakad patungo ng kagubatan.
'Hmmm.. Anubang meron sa kagubatang yan at nawiwiling pumunta sila Euri at Onyx? May inililihim na ba sakin ang dalawang kupal na'to? Humanda kayong dalawa sakin, kapag may binabalak kayong dalawa na hindi nyo man lang ipinapaalam sakin.'
Biglang naglaho si Dwarf at lumitaw sa loob na ng kagubatan. Sa taas ng puno sya namalagi at nag abang sa pagdating ni Onyx. Di nagtagal ang kanyang paghihintay, dahil sa di kalayuan ng kinauupuan nya'y malinaw na nyang nakikita si Onyx na paparating. Palinga linga pa ito sa paligid na tila ba may hinahanap. Kumunot ang kanyang nuo ng makita ang biglang paglitaw ng isang magandang diwata.
'Nak ng tipaklong! Sabi ko na nga ba eh! May nililihim ang kabalyerong 'to samin. Hmm.. anu kayang pinag uusapan nila? Makalapit nga ng konti para makasagap naman ng balita itong radar ng tenga ko, hehe.'
Naglaho ulit sya at lumitaw, pumwesto sa ikatlong puno, na medyo malayo ang distansya mula sa dalawang nag uusap.
"Tinder! Hanggang ngayon hindi pa ako nasasanay sa bago mong katauhan, ibang iba ka sa Tinder na tagahatid ng mga sulat namin ni Prinsesa Alitaptap."
'Tinder? Aba! Sino naman kaya itong bagong salta dito sa Engkantadya? Hmm.. mukhang malapit sila sa isa't isa ah.'
Pahimas himas pa ng kanyang baba si Dwarf habang sinusuring maige ang dalawang nag uusap sa baba.
"Pasensya ka na't hindi na kita matandaan.. Gawa ng pagbabagong anyo ko ay maraming nabura saking mga alaala. Patawad Onyx, kung nasaktan man kita nung una tayong nagtagpo."
Napakamot ng kanyang batok si Onyx. "Wala na yun, kalimutan mo na yun. Ang gusto kong malaman ngayon ay kung may nasagap kana bang balita tungkol sa Prinsipe ng kahariang Mekam."
Biglang naging seryoso ang muka ni Tinder. "Tama ang hinala ko, Onyx. ang nagpapakilalang Prinsipe ng Mekam ngayon ay isang huwad."
Napatingala na lang sa himpapawid si Onyx. Malaking suliranin ito sa oras na pumayag ang Reyna Amethyst na maging kabiyak ni Prinsesa Alitaptap ang nagpapanggap na Prinsipeng yun.
"Kung ganun, sino sya Tinder?"
"Isa syang itim na Anghel. At ang kanyang misyon ay makasal sa Prinsesa para makapag higanti ang kanilang angkan kay Reyna Amethyst ng kahariang Umbra."
Lalong naguluhan naman si Onyx sa inihayag ni Tinder sa kanya. " Maghiganti? Ang alam ko, at alam ng buong Umbra ang tunay na katauhan, pag uugali at mithiin ng Inang Reyna Amethyst, paano sya paghihigantihan ng mga itim na anghel? Wala akong maintindihan sa mga sinasabi mo sakin ngayon Tinder."
Huminga muna ng malalim si Tinder bago nag umpisang isalaysay ang lahat kay Onyx na napaupo naman sa nakausling ugat ng puno, dalawang pulgadang layo kung saan naman nakakubli si Dwarf at alertong nakinig sa usapan ng dalawa.
"Isang kasunduan ang naganap noon sa pagitan ng kahariang Umbra at Porta. Kasunduang pinatupad at minadaling maganap ang pag iisang dibdib nila Prinsesa Amethyst at Prinsipe Walmart. Pero sa mismong araw ng kanilang kasal natagpuang patay si Prinsipe Walmart, at ang sinisi ng Hari ng Porta ay walang iba kundi si Prinsesa Amethyst, dahil may nakakita sa kanyang kausap si Prinsipe Xian, ang kanyang tunay na kasintahan. Ipinag utos ng Hari ng Porta na bihagin para parusahan si Prinsesa Amethyst. Maraming nag aklas sa mga itim na anghel lalo ng mga kaalyado ni Prinsipe Walmart. Ang nais nilang lahat ay patawan ng kaparusahang kamatayan si Prinsesa Amethyst, pero hindi sumang ayon ang Amang Hari ni Prinsipe Walmart. Lingid sa kaalaman ng Hari ay may pinaplano palang masama ang mga itim na anghel na kaalyado ng kanyang anak. Itinakas at binihag nila si Prinsesa Amethyst at dinala sa sekretong lugar na tanging sila lang ang nakakaalam. Sa paglahong bigla ng Prinsesa Amethyst sa kaharian ng Porta, naalarma ang kanyang Amang Hari. Nagpalaganap ito ng kasulatan sa buong Engkantadya, na kung sinuman ang makapagligtas at maiuwi ng buhay sa kahariang Umbra ang Prinsesa Amethyst, may malaking pabuya na matatanggap. Lumipas ang mga araw na walang masagap na balita ang mga taga ulat ng kahariang Umbra, maging ang kahariang Porta ay tumulong na rin sa paghahanap, pero lahat nabigo at nawalan na ng pag asa. Lalo na ng ipinahayag ng Hari at Reyna ng kahariang Umbra, na wala ng Prinsesa Amethyst, na napaslang na ito ng kung sinumang nakabihag dito. Hanggang isang araw, bigla na lang dumating sa palasyo ng Umbra ang magkaibigang Anghel na sina Cassiel at Dimsie, kasama na nila ang Prinsesa Amethyst na nag aagaw buhay. Sa tulong ni Mother Golden Fairy, gumaling at bumalik na sa dati ang kalusugan ng Prinsesa Amethyst na ngayon ay syang Reyna na ng Kahariang Umbra."
"Paano mo nalaman ang buong kwento, eh sa tingin ko sayo halos kaedad mo lang si Prinsesa Alitaptap?"
May pagdududang tiningnan ni Onyx si Tinder na nakatingin pa rin sa kawalan.
"Dahil ang aking Ina ay isa sa mga espiya ng Kahariang Krisanta. Namatay sya matapos masagip ng mga puting anghel si Prinsesa Amethyst. Binuwis nyang kanyang buhay para mailigtas lang ang Prinsesang itinatangi ng kanyang nakababatang kapatid na si Prinsipe Xian. At magmula noon kasama sa pagkamatay nyang nailibing ang lihim ng kanyang pagkatao, ang kaugnayan nila ni Prinsipe Xian na ngayon ay isa ng Hari at kabiyak ni Reyna Amethyst na Ama ni Prinsesa Alitaptap at Prinsesa Ayana ng Kahariang Umbra."
Nasapo na lang ni Onyx ang kanyang ulo na tila yata mas lalong namigat dahil sa kanyang mga nalaman. Napaka komplekado palang buhay ng Prinsesang kanyang itinatangi.
"Ngayong alam mo ng buong katotohanan, ano ng binabalak mong hakbang para masagip ang Prinsesa ng iyong buhay, Onyx?"
Nananantyang tingin ang ipinukol ni Tinder sa kabalyerong sapo sapo ang ulo nito.
"Sa totoo lang Tinder, wala akong maisip. Anuba ang dapat kong gawin o may magagawa ba talaga ako para malutas ang suliraning ito?"
"Wala kang magagawa Onyx, pero ang kaibigan mong si Dwarf ay malaki ang maitutulong sayo." Nakangising turan ni Tinder.
"Si Dwarf? Panu naman napasok sa usapan ang lamanglupang yun?" Naguguluhang sabi pa nya.
Napatapik naman sa kanyang noo si Dwarf ng mapagtantong marahil alam na ni Tinder ang pinagkukublihan nya. Akma na sana syang maglalaho ng may pwersang humatak sa kanya patungo sa dereksyon nila Onyx at Tinder.
'Nalintikan naa...'
Bagsak si Dwarf sa mismong harapan ng dalawa. Napabalikwas sya ng bangon mula sa pagkakalugmok sa lupa, saka hinarap ang diwatang nagngangalang Tinder. May masuyo itong ngiti sa labi habang titig na titig sa kanya. At ng magsalita ito, tila nanigas pa si Dwarf ng marinig ang pamilyar na boses nito, na kahit ilang dekada ng lumipas ay hindi nya pa rin nakakalimutan ang malamyos nitong tinig.
"Kumusta kana Dwarf? Matagal tagal na rin mula nung huli nating pagkikita."
"C-- Cassiel..."
?MahikaNiAyana