bc

Lihim na Pagtingin ☘

book_age12+
144
FOLLOW
1K
READ
witch/wizard
princess
queen
fairy
comedy
mystery
sword-and-sorcery
magical world
friendship
superpower
like
intro-logo
Blurb

Walang kinatatakutang kalaban si Onyx, ang kabalyerong mandirigma ng kahariang Umbra sa mundo ng Engkantadya. Mapa bampira, itim na anghel, itim na mangkukulam at kung anu ano pang kalaban, sinusuong nyang iba't ibang panganib kasamang mga engkantong mandirigma na pinamumunuan nya.

Matapang man sya't walang kinatatakutan, tiklop naman ang mga tuhod nya sa nag iisang diwatang nagpatibok ng pihikan nyang puso. Ang nakababatang kapatid ni Prinsesa Ayana na si Prinsesa Alitaptap.

Makulit pero mabait

Pasaway pero kaibigang tunay

Garapal pero mapagmahal

Ilan lang yan sa mga taglay na pag uugali ni Prinsesa Alitaptap na kinahuhumalingan nya.

At dahil sa torpe sya dinadaan nya lahat sa biro ang lihim nyang pagtingin dito. Na ikinatuwa naman ng sutil na Prinsesa.

Dahil ang totoo nyan kahit si Prinsesa Alitaptap ay humahanga sa kakisigan at katapangan ng kabalyerong misteryoso. Sa pamamagitan ng pagbibiro nito na sinasakyan naman nya dinadaan ang lihim nyang pagtingin dito.

Saan mauuwi ang mga lihim na pagtitinginan ng isang kabalyerong mandirigma na si Onyx at ng sutil at pasaway na si Prinsesa Alitaptap?

May happy ending ba sila

O

Hanggang Lihim na Pagtingin na lang ang storya ng pag-iibigan nila?...

Alitaptap at Onyx ? Love Story

?MahikaNiAyana

chap-preview
Free preview
☘Synopsis
Isang Prinsesa ng Umbra si Alitaptap, makulit, mapaglaro at pasaway. Kung saan saan ito nakakarating sa paglalakbay,, mga paro paro ni Urduja lagi nyang kasabay, minsan mga gagamba naman ni Ayana ang kanyang kaagapay... Nakababatang kapatid sya ni Ayana red fairy, may sarili syang kaharian na kanyang itinatag katuwang si Tinder, Isang ligaw na diwatang salamangkera. Pero mas gusto pa rin nyang sa labas lagi mamalagi, nakakatulog kahit saan saang tabi... Simple lang ang kanyang mga katangian, pero malakas ang kanyang taglay na kapangyarihan, pag nakuha mong ugali nya dimo sya makakalimutan, sa kakaibang pagpapahalaga nya sa kahit na sinuman. Sa pakikipag laban di siya nag iisa, basta't nasa panganib naglalabasan mga mababagsik niyang alaga, kung si Ayana kakampi mga gagamba, itong si Alitaptap naman mga bubuyog ang kasa kasama... Alitaptap, tahimik pero matinik, mapagmahal pero malupit, kapag nasaktan matindi ang kapalit, kaya maraming ilag at sa kanya'y takot na lumapit. Pero may isang kabalyero syang itinatangi, na simula pagkabata nya palagi ng nasa kanyang tabi, nagkahiwalay lang sila ng landas dahil sa kaparusahang ipinataw sa kanya ng Ina nyang Reyna.. Sa Fairyland sya namalagi at dun na rin lumaki. Sa kanyang paglaya mula sa pagbabantay at paggabay ni Mother Golden Fairy. Ikinasasabik nyang makitang muli ang kabalyerong mandirigma na si Onyx.. Ang tanong... Malaya pa kaya ito? Magkakaroon ba ng katuparan ang matagal na nyang minimithi.. Magkakaroon pa ba sya ng pagkakataon para iparamdam kay Onyx ang kanyang lihim na pagtingin dito? Matikas at matapat na alagad si Onyx ng kahariang Umbra. Pinuno ng sandatahang tagapagligtas ng palasyo nila, Gagawin ang lahat maprotektahan ang Hari at Reyna. May lihim na pagtingin kay Prinsesa Alitaptap, nakababatang kapatid ni Prinsesa Ayana... Isang tapat at tunay siyang kaibigan, madalang man magkita pero presensiya nya'y iyong mararamdaman. Pag may kaguluhan handa ka nyang ipaglaban, Hinaharap ang pagsubok patuloy na lumalaban. Mahirap siyang tanggihan dahil sa kababaang loob na taglay nyang katangian, di rin siya madaling kalimutan, dahil ang pakikisama niyay tatatak sayong puso't isipan. Tahimik at simple lang, pero pag nakasama mo na siya'y iyong hahangaan. Maswerte ka kapag iyong natuklasan ang tunay niyang katauhan... Sa tuwing siya'y nag iisa , lagi niyang binabalikan ang nakaraan nila ni Alitaptap sa kanyang alaala, kung paano niya ito nililigtas at inalagaang mabuti. Dahil sa madalas nitong paglabag sa kautusan ng Inang Reyna, sya'y napatawan ng kaparusahan at dun nanatili sa Fairyland hanggang sa maging ganap na itong dalaga.. nagkahiway man ang landas nilang dalawa. Hindi ito naging hadlang para makalimutan niya ang diwatang nagpatibok sa pihikang puso niya... Umaasa siyang balang araw magkikita rin ulit sila, sa tamang panahon at pagkakataon sila'y magkakasama, ng maipaalam at maiparamdam niyang lihim na pagtingin nya sa Prinsesa, at ng magkaroon rin ng happy ending ang pag iibigan nila. ?MahikaNiAyana

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

The Sex Web

read
149.7K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
315.4K
bc

My Innocent Boyfriend(TAGALOG SPG18+)

read
389.6K
bc

SINFUL HEART (Book 2)- SPG Completed

read
289.4K
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
458.0K
bc

Unexpected Romance

read
40.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook