Nagkakagulo na naman sa loob ng palasyo dahil hindi mahanap hanap ang Prinsesa Alitaptap.
"Amber, inilathala mo na ba sa buong Engkantadya ang pagkawala ng Prinsesa Alitaptap?"
Nakayukod pang sumagot si Amber isa sa mga mensahera ng Palasyong Umbra. "Nailathala na po, Mahal na Reyna Amethyst."
"Kamahalan, bakit hindi po natin ipatawag ang salamangkerang Reyna Diamond, para malaman po natin kung saan nagtungo ang inyong Anak?"
Suhestyon ng tagapayong si Akira sa Reyna ng Umbra.
"Nakausap ko na si Diamond, hindi nya rin matukoy kung saan ba ngayon si Alitaptap."
Napasapo ng kanyang noo ang Reyna. Sumasakit ng ulo nito sa pasaway na bunsong anak. Apat na taon pa lang ito pero sakit na ng kanyang ulo. Napaka sutil kasi nito, basta may maisip na gawin, kaagad nitong ginagawa at walang makakapigil dito kahit na sya o maging ang mahal na Hari pa.
"Kamahalan, mawalang galang na po sa inyo! Kung si Prinsesa Alitaptap po ang hinahanap nyo, nakasalubong ko po sya sa bukal ng Astra."
Anang dwende na si Arkin ang namumukod tanging gumagawa ng sarili nitong bomba. Naglalakbay kasi ito para maghanap ng mga sangkap para sa mga iksperemento nitong pampasabog.
"Bukal ng Astra? Napakalayo naman nun dito sa palasyo." Si Ivory ang tagagawa ng kasulatan ng palasyo.
"Alam mo ba kung anong sadya ni Alitaptap dun, Arkin?" Halata sa boses ng Reyna ang pag aalala.
"Nakita ko po syang nanghuhuli ng mga sagradong paro paro, Kamahalan."
"Paano? Eh may tagapagbantay na engkantong kambal ang bukal ng Astra." Nagtatakang napatingala sa kawalan si Ivory.
"Saka maliban sa kambal na sina Malinaw at Makulay, andun din si Greyan ang salamangkerang nag aanyong mabagsik na kulay puting dragon." Namamanghang bulalas ni Akira.
"Urduja, ipasundo mo ang dalawang kabalyerong mandirigma na sina Euri at Onyx! Magmadali ka!"
Utos ng Reyna Amethyst sa tagapangalagang diwata na si Urduja.
"Ngayon din po, Kamahalang Amethyst."
Matapos yumokod, kaagad na naglaho sa bulwagan si Urduja. Saglit lang yun at sa muling paglitaw nito ay kasama na ang dalawang kabalyerong mandirigma na kaagad yumukod sa Reyna.
"Maaliwalas na araw, Mahal na Reyna Amethyst"
"Ipinag uutos ko sa inyo na ngayon din ay magtungo kayo sa bukal ng Astra para sunduin si Prinsesa Alitaptap."
"Ngayon din po, Kamahalan, tutungo na po kami doon para sunduin ang Prinsesa Alitaptap." Sabay na sabi ng dalawang kabalyero.
"Sasamahan ko na po sila para mapadaling paglalakbay patungong Astra, Kamahalan."
"Mas mabuti pa nga Arkin, dahil nanggaling kana dun at alam mo kung saang parte ng kagubatan nandun ang Anak ko. Humayo na kayo't mag iingat sa inyong paglalakbay"
"Masusunod po Kamahalan, maaliwalas na araw."
Matapos magbigay galang ng tatlo ay kaagad ng naglaho ang mga ito gamit ang kapangyarihan ni Arkin. Walang kahirap hirap ang kanilang paglalakbay patungong bukal ng Astra, kaagad silang nagkubli sa malalagong halaman ng lumitaw sila sa mismong bukal kung saan kaagad nilang nakita si Alitaptap na nanghuhuli ng mga sagradong paroparo. Tatawagin na sana ni Euri ang Prinsesa ng lumitaw ang kambal na tagapagbantay sa mismong harapan ni Alitaptap.
"Prinsesa Alitaptap, marami na po ba kayong nahuli na paroparo?"
Tanong ni Malinaw, ang isa sa mga kambal. Isa syang lalaking engkanto na paiba iba ang kulay ng mahabang buhok, ang kanyang kapangyarihan ay malinaw na tubig.. nakakalason... nakamamatay.
"Indi pa kasi konti lang sila eh!" Napapalabing sagot ni Alitaptap.
"Tutogtog po ako mahal na prinsesa, para magsilabasan silang lahat." pinitik naman ni Makulay ang kanyang daliri, lumitaw ang isang plawta at kaagad itong pinatunog. Isa lang ito sa taglay nyang kapangyarihan. Ang magpaamo ng kahit na anong nilalang na mahahagip ng tunog ng kanyang plawta.
"Yeheey! Lapit kayo sakin aliliit na paroparo." Natutuwang nagtatatalon at napapalakpak pa sya habang hinahabol ang nagliliparang paroparo.
Nagkatinginan naman ang tatlong nakakubli sa malalagong puno. Hindi sila makapaniwala sa nakikitang kaganapan, lalo na ng biglang lumitaw si Greyan at tumulong sa panghuhuli ng mga paroparo.
"Eeee... Greyan! sakay o'ko dali na!" Nakakapit sya sa bewang nito kaya ng maging dragon si Greyan nakayakap na kaagad sya sa leeg nito.. Inayos na lang sya ni Malinaw para maging komportable sya sa pagkakaupo sa dragon.
"Paano na ngayon yan? tila nagagalak ang prinsesa, mahihirapan tayong kunin sya sa mga yan." Napabuntong hiningang sabi ni Euri.
"Anong plano Arkin? May naisip kana ba?" Nag aalalang baling na tanong ni Onyx kay Arkin na malapad ang pagkakangiti sa kanila.
"Diko gusto yang mga ngiti mo na yan Arkin ha!" Nakasimangot na sabi ni Euri.
Nagulat na lang ang dalawang kabalyero ng biglang maglaho si Arkin at lumitaw sa harapan ng apat na abala kakahuli ng mga paroparo.
"Arkin!" sigaw ni Alitaptap sabay talon mula sa pagkakaupo sa likod ng dragon na palipad lipad sa himpapawid.
"Prinsesa!" Sabay sabay pang sigaw ng lahat habang mabilis na bumubulosok pababa si Alitaptap. Maagap namang lumipad ang dragon pababa para saluhin ito at ligtas na mailapag sa lupa ang makulit na prinsesa.
"Maraming salamat Greyan sa pagliligtas saming Prinsesa." Nakangising sabay kindat pa ni Arkin sa salamangkerang matalim ang pagkakatitig sa kanya.
Nagbagong anyo si Greyan at maliksing nilapitan si Arkin at sinipa sa dibdib, tumilapon naman sa malayo ang dwende na humahalakhak pa.
"Para saan naman yun Greyan? Bakit tila yata ika'y namumuhi sa lamanlupang yan ha?" Mapanuring mga mata na sinulyapan ni Makulay ang salamangkerang kaibigan.
"Grabe ka naman sakin, Greyan! Parang wala naman tayong pinagsamahan kung tratuhin mo ako ah! Nakakasakit kana ng damdamin alam mo ba yun ha?" May pilyong ngiti na sumilay sa labi ni Arkin habang lumulutang sa hangin palapit sa kanila.
Ngunit dipa ito tuluyang nakakalapit sunod sunod na suntok at sipa ng sumalubong dito. Ni hindi man lang ito lumalaban o sanggain ang bawat ataking pinapakawalan ni Greyan sa kanya. Tila pa ngang ikinatutuwa nito ang ginagawang p*******t sa kanya ng salamangkera.
"Alam nyo sa tingin ko, may ugnayan ang dalawang yan." Magkasalubong ang dalawang kilay na sabi ni Euri habang nakamasid sa dalawang napapalayo na sa kanila.
"Oni, uwi na tayo! Asakit na tiyan ko." Nanunulis ang ngusong hinila pa ni Alitaptap ang kamay ni Onyx para makuha ang atensyon nito.
"Gutom na yan kaibigan, sigurado ako dyan haha." Pabulong na sabi ni Euri sa kaibigang nakayukong nakatingin kay Alitaptap.
"Buhat 'oko Oni, dali!" Nakataas ang dalawang braso na sabi niya sa kabalyero na umuklo naman at masuyo syang binuhat.
"Maraming salamat sa inyo, at pag pasensyahan nyo na sana ang kakulitan ni Prinsesa Alitaptap."
Nakayukong pagbibigay galang ni Euri sa kambal na tagapagbantay ng Bukal ng Astra.
"Ikinatutuwa at ikinagagalak naming makasama ang Prinsesa ng Umbra, kaya wala kayong dapat na ipag alala kapag dito napadpad ang kamahalan." Nakangiting yumukod na rin si Malinaw.
Idinipa ni Alitaptap ang dalawang braso nito kila Malinaw at Makulay na nakuha naman agad ang nais ng paslit.. Lumapit sila kay Onyx na buhat buhat si Alitaptap saka sabay na niyakap ito.
" Balik ka dito mahal na prinsesa, laro ulit tayo." Nakangiting hinaplos ni Makulay ang buhok ng paslit.
Bago bumitaw sa kanila si Alitaptap, hinalikan muna nito ang kambal.
"Arkin! Uuwi na tayo!" Sigaw ni Euri sa dwendeng bogbog sarado na kay Greyan. Kahit na may malaking hiwa ito sa nuo at dumudugo ng ilong at bibig nakangiti pa rin itong kumaway sa kanila.
"Malakas ang kutob kong may ugnayan talaga ang dalawang 'to, ano sa tingin mo Onyx?"
"Ayaw kong tingnan, nakakabanas ang pagmumukha ng lamanlupa na yan." Nakatutok lang ang mga mata ni Onyx sa prinsesang papikit pikit ng mga mata habang nakahilig ang ulo sa kanyang dibdib.
Sa isang kisapmata katabi na nila si Arkin. Bago sila tuluyang maglaho nag flying kiss pa ito kay Greyan sabay sabing.. "Hanggang sa muli nating pagkikita. Greyan, Paalam!"
Sinubukan pang hablutin ni Greyan si Arkin kaso naglaho ng mga ito.
"Pesteng dwende na yun, dudurugin na kita sa muli nating pagkikita." Nanggigigil nitong sabi bago bumuga ng apoy.
Nagkatinginan naman ang kambal at sabay pang napangiti ng makahulugan. Ang kanilang hinala kanina ngayon ay nakumpirma na nila. Umiibig ng salamangkerang kaibigan nila.
?MahikaNiAyana