☘ Loretta

1132 Words
"Ina!" Nagtubig ang mga mata ni Alitaptap ng marinig ang binitawang salita ng Reyna. "Dahil sa paulit ulit mong paglabag sa mga kautusan ko, mula ngayon mananatili kana sa fairyland bilang kaparusahan mo." Napahigpit ang pagkakahawak ni Alitaptap sa kamay ni Onyx, mula ng makauwi sila galing sa Bukal ng Astra hindi na sya bumitaw sa kabalyerong katabi nya. Nabaling ang kanyang tingin sa Amang Hari ng lumitaw ito sa tabi ng Reyna. "Ama!" Kasabay ng pagsambit nya sa pangalan ng kanyang Ama ang pagpatak ng mga luha sa kanyang mga mata. Mabigat ang kanyang pakiramdam, wala syang maramdaman na hinanakit sa kanyang Ina dahil batid nyang lahat ang kanyang nagawang kasalanan. Nakipagtitigan sya sa Ama kahit nanlalabo ng paningin nya dahil sa masaganang luha na walang patid na umaagos sa magkabila nyang pisngi. Basi sa mga tingin nito sa kanya ipinahihiwatig nitong sumunod na lang sya sa gusto ng kanyang Ina. Wala naman kasi itong magagawa kapag nagbaba na ng kautusan ang kanyang Ina, hindi na mababago yun kaya mas makabubuting sumunod na lang sya. Naramdaman nyang gumalaw ang kamay ni Onyx na kanyang hawak, napatingala sya dito at ng magtagpo ang kanilang mga mata.. Nababasa nya ang malabis na pag aalala nito. 'Onyx...' "Huh! A-- anong?" 'Maraming salamat.. Hindi mo ako iniwan kahit kelan nasa tabi lang kita, natutuwa ako dahil inalagaan mo at sinuportahan ang sutil at pasaway na kagaya ko.' Pinasok nyang isip ni Onyx para makausap ito ng sarilinan. "Prinsesa! Nakak -- araay!" Napangiwi si Onyx ng pisilin ni Alitaptap ang kamay nito. 'Wag ka maingay! Matagal pa bago ulit tayo magkikita Onyx. Ingatan mong sarili mo. Siguraduhin mong buhay kapa pagbalik ko.' Napatango na lang si Onyx, nagagalak syang tuwid ng magsalita si Alitaptap, at mas ikinatutuwa nyang mga binitawan nitong salita sa kanya. "Kamahalan, nasa lagusan na po ng Fairyland naghihintay si Loretta, sinusundo na po nya ang Prinsesa Alitaptap." Nakayukod na ulat ni Amber sa Reyna. "Salamat Amber, sayong ulat. " "Maaliwalas na araw, Mahal na Reyna. alis na rin po ako, Paalam." Ng kumumpas ang kamay ng Reyna, naglaho na kaagad si Amber. "Onyx, samahan mo si Alitaptap sa lagusan ng Fairyland." "Masusunod po, Kamahalan. Halina po kayo Prinsesa Alitaptap." Akmang hahakbang ng dalawa ng magsalita si Lorsan. "Maaari po ba akong sumama sa paghatid kay Prinsesa Alitaptap, Kamahalan?" Seryosong sabi ni Lorsan na tuwid ang pagkakatayo bagamat ang isang palad nito ay nakalapat sa dibdib, tanda ng paggalang nya sa Reyna. Isa man syang espiya ng Umbra pero sa kaharian nila, isa syang magiting at makisig na prinsipe. "Makakabuti ngang may makakasama sa paglakbay si Onyx at ang aking Anak. Sige, humayo na kayo at mag iingat " Sabay na yumukod si Lorsan at Onyx. Samantalang tumakbo naman papunta sa Hari at Reyna si Alitaptap. Hindi na sya umiiyak ngayon dahil naiintindihan na nya kung bakit ganito ang pasya ng kanyang mahal na Ina. Una nyang niyakap ang Amang Hari sunod ang kanyang Ina na alam nyang kahit matatag at matapang ang pinapakita nitong aura, sa kalooban nito ay nandun nananahan ang labis na dalamhati at kalungkutan. 'Mahal kong Ina, patawarin nyo po ako sa lahat ng nagawa kong pagkakamali at kasalanan. Umasa po kayo na magpapakabait po ako sa Fairyland at kapag sumapit ng araw na ako'y inyo ng palayain, bagay na rin akong tawagin na Prinsesa Alitaptap. At patutunayan ko po sa lahat at lalo na po sa inyo ni Ama na karapat dapat din ako sating angkan.' Hinaplos ni Amethyst ang pisngi ni Alitaptap na basa ng mga luha. May masuyong ngiti sa kanyang mga labi, may tiwala syang malaki ang maitutulong ni Golden Mother Fairy sa kanyang anak, na marami itong matututunan sa Fairyland. Kaya tama lang ang kanyang pasya. "Magpapakabait ka dun anak ha! Saka, wag kang magpasaway, hmm." 'Opo, Ina. Sabay yakap nya ng mahigpit at agad bumitaw saka nilapitan naman nyang kanyang Amang Hari na binuhat naman sya at hinalikan sa nuo. 'Paalam na po muna, Ama. mag iingat po kayo ni Ina palagi. Sa mga labanan at sagupaan na hinahatap nyo palagi." Hinalikan nya ito sa pisngi sabay yakap ng mahigpit, "Hanggang sa muli nating pagkikita Ama.. mahal na mahal ko po kayo ni Ina.' "Mahal na mahal ka rin namin, aming munting Prinsesa Alitaptap. Hanggang sa muli." Binaba sya ng kanyang Ama, matapos halikang muli sa pisngi naman ngayon. "Maaari na kayong maglakbay.. Humayo kayo at mag iingat dahil ang panganib ay nakaabang lang. Mag iingat kayo." "Salamat po, Kamahalan, pagkahatid po namin sa Prinsesa tutuloy na po ako sa Impala, para magmanman. Paalam." Turan ni Lorsan sabay yumukod. 'Paalam.. Ama' ngumiti sya ng may sigla at saya, ayaw nyang makita ng kanyang mga magulang ang kalungkutan nyang nararamdaman. 'Ina, mahal ko po kayo, hanggang sa muli nating pagkikita.' "Paalam aming munting Prinsesa." Namamasa ang mga matang sambit ng kanyang Ama. Pinalibot nyang tingin sa buong bulwagan kung saan ang lahat ng naroroon bagamat nakangiti ay may munting mga luha namang mababanaag sa kanilang mga mata. Tumalikod sya't walang lingong tinawag si Onyx, habang si Lorsan naman ay nasa tarangkahan naghihintay. 'Tayo na Onyx!' "Nasa likuran nyo lang po ako, Kamahalan." Nagbigay galang muna si Onyx sa Hari at Reyna. Bago tumalikod at malalaki ang hakbang na hinabol si Alitaptap. Pagkatabi nya sa dalawa kaagad silang naglaho at lumitaw sa lagusan papuntang Fairyland. "Loretta!" Bati ni Lorsan sa engkantada na nakaupo sa bukana ng lagusan. "Lorsan! Buhay kapa pala, kala ko pa naman nalibing kana dun sa kumunoy na pinagtapunan sayo ni Furball." Lalong lumapad ang pagkakangiti ni Loretta ng makita ang biglang pagbabagong anyo ni Lorsan. Mula sa maamong mukha nito na naging mabagsik kasabay ng paglitaw ng mahabang sandata nito. "Ilang beses ko ng sinabi sayong wag na wag mo ng mababanggit ang pangalan ng taksil na yun, Loretta!" Sigaw pa nito sabay napapikit ng kanyang mga mata. Bigla na naman sya nakaramdam ng paninibugho at pangungulila. Ayaw na nyang maalala pa ang mga nangyari noon kung saan naparasuhan at nawala sa buhay nya si lo, ang kababatang anak ni Enolla ang Golden Mother Fairy ng Fairyland. Napadilat sya bigla ng kanyang mga mata ng marinig ang sinabi ni Loretta. "Nahanap ko na sya Lorsan, kaya kumalma ka lang." Naikuyom nyang mga kamay, napabaling ang nagbabaga nyang tingin kay Loretta na may mesteryosong ngiti sa labi. "Siguraduhin mo lang na sa pagkakataong ito ay pawang katotohanan na yang mga sinasabi mo Loretta. Kilala mo ako, ayoko ng nililinlang ako." Natatawang naiiling na nilapitan sila ni Loretta, saka idinipa nitong dalawang braso at tumingala sa langit. Bumukas ang lagusan at hinigop silang apat ng malakas na hangin papasok sa loob ng Fairyland, kung saan nakatayo at nakamasid sa mahiwagang bolang crystal na hawak si Enolla,. Ang Golden Mother Fairy ng Fairyland. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD