"Alitaptap, bumalik ka dito! hindi pa ako tapos mag ayos ng buhok mo."
Habol habol ng Inang Reyna Amethyst ang apat na taong gulang na bunsong anak na si Alitaptap. Malikot ito at napaka sutil, lahat nahihirapang alagaan ito. Napaka bugnutin at mabilis ang kamay kaya takot ang mga nakatukang mag alaga dito kasi kapag kumumpas ng kamay nito hindi pwedeng walang magdurusa kapag tinamaan ng kapangyarihang taglay nito.
" Eeeee...Aganda na po ako Ina."
Nagkanda dapa dapa na kakatakbo ang paslit matakasan lang ang kanyang Ina. Laking tuwa nito ng makakita ng malaking paso sa gilid ng palasyo. Dali dali syang sumoksok sa gilid nun para magkubli kahit naiipit ang malaking tiyan nito tiniis nya wag lang syang mahuhuli ng kanyang Ina. Kasi naman sumasakit ng anit nya kakasuklay ng kanyang Ina, panu ba naman nagkadikit dikit na halos ang hibla ng kanyang buhok dahil sa lagkit ng kinain nyang pulot.
"Alitaptap! pag dika pa lumabas, hindi na kita pakakainin ng pulot, sige ka! Ikaw rin maglalaway ka kapag pinakain kong lahat kay Akira, naku paborito pa naman yun ng aking tagapayo."
Tumulis ang mapupulang labi ni Alitaptap, maya maya nanubig ng mga mata nito na kalaunan ay namigat na't isa isang pumatak ang kanyang mga luha. Gustong gusto na nyang magpakita sa kanyang Ina pero ayaw nyang magpasuklay ulit dito kaya nanatili sya sa kanyang pinagtataguan.
"Maaliwalas na araw Mahal na Reyna, naghihintay na po ang lahat sa punong bulwagan."
"Sige, mauna kana dun Ivory, susunod na ako. Salamat."
Napapisil ng kanyang ilong si Alitaptap ng marinig ang usapang yun. Naghintay pa sya ng ilang saglit para masiguradong wala ng kanyang Ina pagkalabas nya.
"Prinsesa Alitaptap! ano pong ginagawa nyo dyan?"
Kaagad na itinapat ni Alitaptap ang hintuturong daliri sa bibig nito. Saka nilingon nya kung sinong lapastangan ang nakakita sa kanya.
"Sssshh... Wag ingay."
Napatutop ng kanyang bibig si Alitaptap ng muling marinig ang boses ng kanyang Ina.
"Onyx, pakiusap hanapin mo ang sutil kong anak at dalhin mo sakin."
Sumulyap saglit si Onyx sa pinagkukublihan ni Alitaptap. Di nya napigil ang bahagyang mapatawa sa nakitang hitsura ng paslit. Napakarungis nito dumagdag pang buhok nito na parang kinahig ng manok. Nandidilat ang mga mata nitong nakatingin sa kanya at ang maliit na hintuturong daliri nito ay nakatutok sa kanya. Parang alam na nyang mangyayari kapag isinumbong nya ito sa Reyna, kaya naisipan nyang manahimik na lang muna.
"Onyx!"
"Masusunod po Mahal na Reyna." Aniyang nakayukod sa Reyna. Yun lang at naglaho ng Reyna Amethyst.
"Psst... Hoy, lika dito lapit sakin.. Tulong 'oko labas dito!"
"Ako?" Tinuro pa ni Onyx ang sarili para makatiyak kung sya nga bang tinatawag ng Prinsesa Alitaptap. Natutuwa talaga sya dito kapag nagsasalita ito kasi kahit di nito mabigkas ang letrang 'M' madaldal pa rin ito.
"Oo, kaw nga! Kulit.. lapit dito dali. Sakit tiyan ko niipit dito."
'Kaya pala di umaalis dun kasi naipit ang tiyan haha.'
Natatawang kaagad na nilapitan ito ni Onyx. Hinila nyang malaking paso ng bulaklak palayo kay Alitaptap.
"Hayy... nakahinga din ako."
"Eh sakin, hindi kaba magpapasalamat kamahalan?"
Pigil ang ngiting sabi ni Onyx kay Alitaptap na ngayon ay nagkakamot na ng ulo. Siguro nangangati na ito.
"Aya na, dalhin ako sa batis, gusto ko aligo dun."
"Eh Kamahalan, hindi po kayo maaaring lumabas ng palasyo. Mapaparusahan po ako kapag dinala kita dun."
Nagkakamot ng batok na paliwanag ni Onyx sa makulit na prinsesa. Nagulat na lang sya ng bigla itong lumapit sa kanya at sinipa nito ang kanyang binti.
"Sabi ng dalhin ako dun eh! Umm umm."
Naiiling na panay naman ang iwas ni Onyx dito, pero napakakulit talaga nito kasi hinahabol sya nito kahit san pa sya magpunta, kaya para tantanan na sya nito pumayag na lang syang gawin ang gusto nito.
"Eh Kamahalan, panu pag nalaman po ng inyong Ama't Ina ang paglabas mo, panu naman po ako? Kasi siguradong paparusahan ako sa gagawin kong ito."
Nag aalalang sabi ni Onyx.
"Buhat ako dali, sakit tiyan ko dina ko akakalakad ng abuti."
Napaatras si Onyx sa narinig na sinabi ng Prinsesa. Hindi nya maaaring gawin yun, isang kalapastangan kapag ginawa nyang hiling nito. Mas mabigat ang ipapataw na kaparusahan sa kanya kapag walang pahintulot galing sa Hari at Reyna.
"Tagal... Ngawit ng braso ko oh! Bilis na kasi.."
Sinulyapan nyang Prinsesa na ngayon ay nakataas ng dalawang braso sa kanya. Namumula ng pisngi nito, ay hindi pala ang pisngi lang, maging ang mga braso nito namumula na rin, siguro kating kati na ito sa nararamdamang lagkit ng katawan. Naawa naman sya bigla dito kaya napagpasyahan nyang buhatin na lang ito at dalhin sa batis para malinis ng katawan nito lalo ng buhok na tila tostado na sa lagkit ng pulot.
'Haay... Bahala ng maparusahan, hindi ko naman ikamamatay yun'
"Araayy.. akati ng balat kooo... Bilis pa kasi kati kati naaa.. Waaaa.."
Hindi inaasahan ni Onyx ang pag iyak ni Alitaptap habang karga karga nya ito.
"Uyy.. Kamahalan, wag na po kayong umiyak, baka po may makarinig sa inyo isumbong pa tayo sa Reyna. Gusto mo ba yung hindi na tayo matuloy sa batis ha?"
Umiling naman si Alitaptap sabay takip ng kanyang maliit na kamay sa bibig. Ng dina makayang umaapaw na emosyon, bigla itong yumakap kay Onyx at kinagat sa leeg ang binata. Palibhasa dahil sa pagkagulat nabitawan bigla ni Onyx si Alitaptap, mabuti na lang at kapittuko ito sa kanya kaya hindi ito nahulog at bumagsak sa semento.
"Arayko naman Prinsesa, wag naman ganung nangugulat ka! Tingnan mo, muntik ka ng madisgrasya. Huuuu... Sakit ng leeg ko."
Napalabi naman ang Prinsesa, pinagsiklop nitong mga kamay na tila ba nakokonsensya ito sa nagawang kapilyahan kay Onyx.
"Prinsesa!"
Maya maya'y tawag ni Onyx sa tahimik na si Alitaptap. Hindi na ito umimik matapos kagatin ang leeg ng kabalyerong mandirigma ng kahariang Umbra.
"Kamahalan"
Wala pa rin.. Tahimik pa rin ito. Malapit na sila sa batis kaya mas binilisan pang maglakad ni Onyx. Sana lang walang nakapansin sa kanilang pagpuslit sa Palasyo.
"Prinsesa Alitaptap, nandito na po tayo sa batis."
Wala..tahimik pa rin ito. At ng sapitin na nila ang batis naghanap ng mapagkukublihan si Onyx. Ng makakita ito ng malapad na bato, dun nya nilapag ang karga nyang si Alitaptap.
"Sus, kaya pala walang imik eh nakatulog na tsk tsk."
Tinapik tapik nyang pisngi nito para gisingin, pero wa epik tulog na tulog talaga. Pinagmasdan nyang maamong mukha ng Prinsesa.. Maya maya masuyo na nya itong hinahaplos.
'Napakaganda mo talaga Prisesa Alitaptap, napakaamo ng mukha mo, para kang isang anghel lalo na kapag nakapikit ka, hay.. para ka talagang santa na pagkabait bait. Pero kapag yang mga matang yan ay nakabukas, naku, walang mabuting makikita sayo kundi puro kamalditahan'
Napangiti sya sa mga naisip. Hinugot nyang puting panyo sa bulsa saka pumuntang gilid ng batis, binasa nya yun tapos bumalik sa tabi ni Alitaptap. Masuyo nyang pinunasan ang madungis nitong mukha at leeg. Matapos yun bumalik sya ulit sa batis para kusutin ang panyo saka balik ulit kay Alitaptap at punas naman sa braso nito. Ganun ang ginagawa nya ng paulit ulit, hindi sya napapagod na gawin yun para luminis lang ang katawan ng munting Prinsesa. Pati buhok nga nito ay binasa nya para lang maalis ang lagkit na gawa ng pulot na nilantakan siguro nito. Napahinto sa ginagawa si Onyx ng makarinig ng mga yabag patungo sa kinaroroonan nila ng Prinsesa. Hinugot nyang espada saka naghanda para protektahan ang natutulog na Prinsesa. Nagkagulatan pa sila ni Euri ng bigla itong lumabas sa mga halamang tumatabing sa kinaroroonan nila Onyx.
"Uy... Uy... Onyx, anu yan ha? Bakit nakataas yang espada mo ha? May balak kang masama ano? Teka! Sino yang kasama mo?"
Hinawi na lang sya pagilid ni Euri para makita nito kung sinong nakahiga sa malapad na bato. Napaawang ang bibig nito ng makita't makilala ang tulog na tulog na si Prinsesa Alitaptap. Natataranta namang nagpaliwanag si Onyx sa kaibigan na may pagdududang mababasa sa mukha nito.
"Kaibigan, wag kang mag iisip ng masama, wala akong ginagawa sa munting Prinsesa."
Depensa nya pa, ngumisi naman ng nakakaloko si Euri, gustong gusto talaga nito kapag natataranta si Onyx.
"Bakit? Wala naman akong sinasabi ah! Masyado kang halatado sa ginagawa mo."
Napatapik ng kanyang noo si Onyx. Alam nyang lumilipad ng mahalay na kaisipan ni Euri, at hindi yun maganda para sa kanya. Lalo na kapag nalaman pa yun ng mga kaibigan nila, siguradong hindi na matatahimik ang buhay nya pag nangyaring lahat ng yun.
"Pakiusap lang Euri, sana hindi na malaman ng iba kung anuman ang nakikita mo dito. Respeto na lang kay Prinsesa Alitaptap."
Eh sa biglang nagising ang munting Prinsesa na ngayon ay nakaupo na sa tipak ng bato at pinagmamasdan ang dalawang kabalyerong mandirigma na nag uusap, pero parang mas lamang ang pagtatalo ng dalawa.
"Oni! Hoy Oni, nadinig 'o ba ako?"
Napahinto sa pag uusap ang dalawa at sabay pang napabaling ang tingin kay Alitaptap na nakasimangot. Unang nakabawi si Onyx na kaagad nilapitan ang paslit.
"Kamahalan, mabut't gising na po kayo. Uuwi na po tayo."
Napairap si Alitaptap sa narinig na sinabi ni Onyx sa kanya.
"Bakit hindi 'o ako ginising ha! Gusto ko nga aligo diba? Hmp."
"Ginising po kita Kamahalan, kaso ang hirap mo palang gisingin kaya pinunasan na lang kita para maalis ang pulot sayong katawan. Ayos na po ba yun?"
Malapad ang ngiting paliwanag pa ni Onyx. Masyadong nakatutok ang buong atensyon nya kay Alitaptap kaya hindi man lang nya napapansin ang mapanuring tingin ni Euri sa kanya.
"Yoko ng punas punas lang Oni, gusto ko nga aligo eh!"
Tumayo ang paslit sa malapad na bato saka nagpapapadyak ng mga paa nito. Natataranta naman si Onyx sa pag alalay kay Alitaptap na parang iiyak na naman maya maya lang.
"Mahal na Prinsesa, mag iingat po kayo, naku naman.. Baka mahulog po kayo dyan mas lalong madadagdagan ang parusa ko."
"Gusto ko nga aligo Oni, dalhin 'oko sa batis.. dalian 'o na kasiiii..."
Walang nagawa si Onyx ng biglang tumalon sa kanya si Alitaptap mabuti na lang at nasalo nya kaagad ito kung hindi baka sa lupa na nya damputin ang paslit na ubod ng kulit.
'Hay anuba namang kapalaran tong binagsak nyo sakin Mahal na Bathala, isa po akong kabalyerong mandirigma hindi isang tagapag alaga ng makulit na Prensisang ito.'
Pabulong bulong pa si Onyx habang karga karga ang paslit patungo sa batis. Naaaliw namang nakamasid lang sa kaganapan si Euri. Tuwang tuwa syang makita ang makisig at matapang na si Onyx na sunod sunuran lang sa pasaway nilang Prinsesa. Umupo sya sa tipak ng bato kung san nakahiga kanina si Alitaptap.
'Oni, lika dito, lapit ka sakin dali..ligoan 'oko."
Napakamot ng ulo si Onyx at di sinasadyang nahagip ng kanyang paningin si Euri na nakaupo sa tipak ng bato na malapad ang pagkakangiti sa kanya.
"O, Onyx, anupang tinutunganga mo dyan, ligoan mo daw ang yung Mahal na Prinsesa."
Pang aasar pa sa kanya ni Euri na lalong nagpainis sa kanya. Ibinaling nyang tingin kay Alitaptap na masama ng pagkakatingin sa kanya. Napabuga na lang sya ng hangin saka hinubad ang sapatos na suot at tinupi hanggang hita ang kanyang suot na pantalong pansundalo at saka hinubad na rin nyang pantaas na damit iniwan nya lang sa katawan ang panloob na puting t-shirt. Bago salubong ang kilay na lumusong sya sa batis.
"Galit ka ba sakin 'Oni?"
Nakalabing tanong ni Alitaptap ng makita ang seryosong mukha ni Onyx. Bigla syang natakot dito ng makita nyang itim na aurang nakapalibot dito.
"Hindi ako galit sayo Kamahalan, lapit na po kayo dito sakin para maligoan ko na po kayo at ng makauwi na rin po tayo."
Dahil sa narinig, maliksing lumapit kaagad si Alitaptap sa binata saka hinila ang kamay nito.
'Bait 'o talaga Oni."
Titig na titig si Alitaptap kay Onyx, na tila naman nanigas sa kinatatayuan ang binata. Ramdam nyang kakaibang mahika na lumukob sa kanyang buong pagkatao. At habang nakatitig sya kay Alitaptap biglang nag iba ang tingin nya dito, hindi na ito isang paslit na Prinsesa sa kanyang paningin kundi isa ng ganap na dalagang Prinsesa. At ang ipinagtataka pa nya, kung bakit ito pinapalibutan ng mga puting paroparo? Anong ibig sabihin ng mga nakikita nya ngayon kay Prinsesa Alitaptap? isa na ba itong palatandaan ng mamumuong pag ibig sa pagitan nilang dalawa?
'Napakaganda mo Prinsesa Alitaptap...'
Lutang sa mahikang lumulukob sa kanyang pagkatao na sambit ni Onyx sa harap ng mahiwagang Prinsesa Alitaptap ng kahariang Umbra.
'Ikaw ang nag iisang Prinsesa Alitaptap ng buhay ko.'
Napapailing na lang si Euri habang pinagmamasdan ang kaibigang titig na titig sa Prinsesa nilang sutil at pasaway na si Alitaptap. Parang alam na nya kung anong mga susunod na kaganapan sa buhay ni Onyx.
'Nalentikan na... Mukhang nahulog ng aking kaibigan sa mahikang alindog ni Prinsesa Alitaptap ah... Kagaya rin ni Dwarf na nahuhumaling din kay Prinsesa Ayana.. Iba rin ang mga ito eh puro maharlika ang itinatangi buti na lang naiba ako sa kanila dahil kay Draca ako nahulog... Ang malupit na dragonang nag mamay ari sa isang abang kabalyerong mandirigma ng kahariang Umbra.'
?MahikaNiAyana