☘ Didosaur

2300 Words
"Mga Salamangkera ng Didosaur?" Kunot noong napabaling ang tingin ni Amethyst kay Arkin. "Opo! Kamahalan, walong mababagsik na salamangkera ang umanib sa kahariang Mekam." "Kung ganun, di lang Kaharian ng Boreas at Mekam ang masasagupa natin ngayon, mga Didosaur na rin.. Hmm.. Kamahalan, may nais po akong imungkahi sa inyo, maaari po ba?" Ng tumango ang Reyna kay Ivory, sumulyap pa ito kay Akira na kumindat lang sa kanya. "Ang propiseya po! Kamahalan, yun pong imumungkahi ko sa inyo." Napaisip ng malalim si Amethyst, malaki ang maitutulong ng propiseya kung isasakatuparan nya yun. Malaki ang pag asa nilang magapi ang mga kalaban kung may makakatuwang sya sa paggamit ng mga brilyanteng nasa kanyang pangangalaga. Dahil, ayun sa nakasaad sa propiseya, kapag pinaghiwa hiwalay ng tagapangalaga ang mga Brilyante at ipinaubaya ang mga ito sa karapat dapat na humawak dito, di matatawaran ang ipapamalas nitong taglay na kapangyarihan. Pero, may dapat muna syang tiyakin, bago nya pakawalan ang mga pinangangalagaan nyang mga brilyante. May naiisip na syang magiging katuwang sa pagpapatupad ng propiseya. "Amber, Mayumi, Ivory, Urduja!" Kaagad namang lumapit ang apat na diwata saka yumukod sa kanyang harapan. "Kamahalan " "Amber, nais kong sunduin mo si Jade sa kahariang Getah. Ikaw naman Mayumi, sunduin mo ang yung Inang si Diamond at isama dito sa Palasyo. Ivory, puntahan mo si Orwell sa sagradong lagusan ng Vizard, ibigay mo sa kanya ang kasulatang pinagawa't pinatago ko sayo noon. At Urduja, sunduin mo ang Reyna Eira, ng karagatang Orlin. Aasahan kong bago mag takipsilim ay nakabalik na kayong apat at kasama nyo na silang lahat. Maliwanag na ba sa inyo ang ninanais ko?" Tiningnan isa isa ni Amethyst ang mga pinagkakatiwalang mga diwata. "Naiintindihan po namin lahat, Reyna Amethyst. Ngayon din po tutungo na kami sa kanila para makabalik kaming lahat bago mag takipsilim." Yumukod ng apat saka sabay sabay na naglaho. "Akira, aalis muna ako sandali, kapag dumating ang Haring Xian at naghanap sakin, sabihin mong nagtungo ako sa Dreeber." "Kamahalan!" Halatang takot at pag aalala ni Akira, para sa kaligtasan ng kanilang Reyna. Ngumiti si Amethyst, saka hinaplos ang pisngi ng kanyang tagapayo. "Sandali lang ako dun Akira, babalik ako kaagad." saka ito naglaho. Wala ng nagawa pa si Akira ng tuluyang maglaho ang kanilang Reyna. 'Anong sadya mo sa Dreeber, Kamahalan? Ang magkabiyak bang Didosaur? Bakit? Ano bang binabalak mo?' Samantala sa lagusan patungong Dreeber .. "Zia!" Napalingon ang tagahatol at tagapagbantay ng lagusan patungong Dreeber. "Reyna Amethyst!" kaagad itong yumukod para magbigay galang sa Reyna ng Umbra. "Maaari ko bang hilingin sayo, na ako'y padaanin sa lagusang yan patungong Dreeber, Zia?" "Anong sadya nyo sa Dreeber, Kamahalan? Sino sa mga namayapa ng nais nyong makita?" "Ang mag asawang Didosaur." "Sina Scorche at Pheme?" Tumango si Amethyst " Kelangan kong makausap ang mga magulang ni Onyx, mahalaga ang sadya ko sa kanila Zia, nakasalalay dito ang buhay ng nag iisa nilang Anak." Napaisip naman si Zia sa sinabi ng Reyna. Labag sa batas nila ang magpapasok ng nabubuhay pa sa lagusan patungong Dreeber, pero hindi naman nya matanggihan ang Reyna ng Umbra. Napakabuti nito sa lahat, sa katunayan nga mula ng mamuno ito sa Umbra at maging tagapangalaga ng mga brilyante, naging payapa ang mundo ng Engkantadya. Hindi naman mabigat ang hinihiling nito, at kung sakaling may makaalam at patawan sya ng kaparusahan, makakaya naman nyang harapin at lampasan ang lahat ng yun. "Kamahalan, maaari ko po kayong pagbigyan sa hiling nyo, isa lang ang pakiusap ko.." "At ano naman yun, Zia?" Pigil ang ngiti sa labi ni Amethyst. "Wag po kayong pahuhuli sa mga matang nakakalat sa loob ng Dreeber, Kamahalan. Ayoko pong maparusahan." Hindi na napigilan pa ni Amethyst ang mapatawa ng malakas. "Hahaha... Pareho lang pala tayong ayaw maparusahan ng kataas taasang Bathala." "Kaya pagbutihin nyong pagtatago at pag iwas sa kanila, Kamahalan. Mag iingat po kayo." "Maraming salamat sayo, Zia." Humakbang paalis sa harap ng lagusan si Zia. Ng makatayo na sya di kalayuan sa lagusang bumukas. Tumango sya kay Amethyst. Nakangiti namang kumaway sa kanya ang Reyna bago ito humakbang papasok sa lagusan, kusa na lang itong sumara ng tuluyang makapasok sa loob si Amethyst. DREEBER☘ "Scorche! Pheme!" Sabay pang napalingon ang dalawang tinawag ni Amethyst. "Anong sadya mo dito sa Dreeber, Amethyst?" Kunot nuong bungad na tanong ni Scorche. "Kumusta ng Anak namin, Amethyst?" May ningning naman ng kagalakan, ang mga matang tanong ni Pheme. "Isang matapang na kabalyerong mandirigma ng Kahariang Umbra ang inyong Anak. maayos ang pagpapalaki sa kanya ni Heneral Axel." Nagkatinginan ang dalawa. "Heneral Axel? Sya ang pumaslang samin, Amethyst. Bakit sa kanya mo ipinagkatiwala ang aming Anak?" "Alam nyong ginagawa lang ng Heneral ang kanyang tungkulin para mapanatili ang kapayapaan sa buong Engkantadya." Napayuko na lang si Pheme, para ikubli ang namumuong mga luha sa kanyang mga mata. Kahit kelan talaga, matapat magsalita itong si Amethyst. At yun ang ugaling nagustuhan nya dito, mula pa ng una nya itong makilala, na kalaunan ay naging magkaibigan sila. "May magagawa ka bang paraan para aming masilayan kahit saglit lang ang aming Anak, Amethyst?" Pabulong na sabi nya. nagbabakasakaling mapagbigyan ng Reyna ang kanyang munting hiling. "Ina din ako Pheme, kaya nauunawaan kong nararamdaman mo ngayon." Inilahad ni Amethyst ang nakabuka nyang palad sa harapan ng mag asawa. Isang may katamtamang laki na salamin ang biglang lumitaw sa kanyang palad. Iniabot nya ito kay Pheme na dahan dahang umangat ang mukha mula sa pagkakayuko. Namalisbis ang masaganang luha sa magkabilang pisngi nito ng abutin ang salamin at makita doon ang wangis ni Onyx. Nakisilip na rin sa hawak nyang salamin si Scorche. Titig na titig ang mga mata nitong nag uumpisa ng magtubig sa mukha ng Anak. Lihim namang napangiti si Amethyst na bahagyang ipinitik pang mga daliri. na ikinagulat naman ng mag asawang nakatingin pa rin sa salamin. Biglang nagkabuhay ang larawang kanina lang ay walang kagalaw galaw nilang tinitingnan. "Prinsesa Alitaptap! Ano pong ginagawa nyo?" Namamanghang napatingin ang mag asawa kay Amethyst, ng marinig ang boses ni Onyx mula sa salaming hawak ni Pheme. malapad naman ang pagkakangiti ng Reyyna sa kanilang dalawa. "Anupa ba Onyx, ha? Eh di naghahanap ng madadaanan para makalabas dito sa Palasyo." Nakita nilang umaakyat sa isang puno ng santol si Alitaptap, samantalang nakaabang naman sa ibaba si Onyx, na panay ang paglinga linga sa paligid, bago titingin sa taas ng puno kung saan panay ang paglambitin sa sanga ni Alitaptap. "Prinsesa, bumaba na po kayo dyan pakiusap! Mapaparusahan na naman ako nito sa pinaggagawa nyo eh!" Nagkakamot ng ulong sigaw ni Onyx. "Bakit? Natatakot kana ba ngayon maparusahan? Dati naman hindi ah, anong ganap sayo, bakit tila yatang malaki ng iyong pinagbago ha? Mas takot ka sa kanila kesa sakin, ganun ba yun Onyx ha?" "Hindi ah!" Biglang namula ang mukha ni Onyx. Na ikinatawa naman ni Pheme, bumaling ito sa katabing kabiyak saka pinisil pang ilong nito. "Torpe, kagaya mo, Mahal. Hahaha." Sasagot na sana si Scorche sa kabiyak ng marinig nilang pagsigaw ni Onyx. "Prinsesa!.." Nabalik sa salamin na hawak ni Pheme ang kanilang atensyon. Mula dun ay kitang kita nilang mabilis na pagkahulog ni Alitaptap kasama pang nabaling sanga ng punong santol. Bumagsak ito kay Onyx na nakadipa pang dalawang braso para saluhin ito, nasalo nga nitong Prinsesa, pero marahil sa bigat nito at biglang bagsak sa kanya, kaya parehong bumagsak sa lupa ang dalawa. "A- Araayyy...." napapangiwing napapikit na lang si Onyx ng malakas na tumama sa lupa ang likod nito at nakadagan naman sa kanya si Alitaptap. "O- Onyx! Hala! patawad, Onyx. ayos ka lang ba ha!" Makikitang pamumutla ni Alitaptap habang panay ang tapik sa pisngi ni Onyx na nakapikit. "Naku! Manang mana talaga sayo ang Anak mo Scorche, pinaglalaruan na naman nyang aking Prinsesa." "Tama ka dyan sinabi mo Amethyst, eh sa ganyang taktika din ako nakuha nitong pilyo kong kabiyak eh!" Sabay sabay pa silang napatawang tatlo ng makitang bahagyang dumilat ang mga mata ni Onyx at palihim nitong pinagmamasdan si Alitaptap na natatarantang sinusuri nitong katawan nya. "Tingin ko sa dalawang ito, parang may mga lihim na pagtingin sa isa't isa." Nangingiting sabi pa ni Pheme. "Sasang ayon kaba kung sakaling mag ibigan ang ating mga Anak, Amethyst?" Seryosong tanong ni Scorche. "Pagdating sa usaping pang puso, hindi ako humahadlang sa kaligayahan ng aking mga Anak, Scorche. Ang makita silang masaya't maligaya, yun lang ang mahalaga sakin." "Ikinatutuwa kong iyong kasagutan, Amethyst. Ngayon ang nais kong malaman ay.. kung bakit ka naparito? Ano bang sadya mo samin ni Pheme?" "May magaganap na malaking digmaan sa Engkantadya. Sa pagitan ng Umbra at ang dalawang kahariang nagsanib pwersa, ang Mekam at Boreas. Makakaya namin silang gapiin sa laban." "Yun naman pala eh! Anu naman ang kinalaman namin sa digmaan nyo?" "Dahil umanib sa dalawang Kaharian na yun ang Didosaur, ang pinagmulan nyo. Ano kayang dahilan ng walong mababagsik na salamangkero't salamangkera ng Didosaur para maisipan nilang umanib sa Mekam at Boreas? Sa pagkakakilala ko sa inyong mga Didosaur, hindi kayo basta basta sumusuong sa digmaan ng walang mabigat na dahilan." Napakuyom ang mga kamao ni Scorche habang magkasalubong ang mga kilay nito. Alam na nyang dahilan ng pag anib ng kanyang mga kalahi sa dalawang kahariang yun. Napayakap naman kaagad si Pheme sa kabiyak. "Mahal, di kaya ang ating Anak na si Onyx ang puntirya nila? Bago tayo napaslang ni Heneral Axel noon, pinagbintangan na nila tayong nagtaksil sa Didosaur." Nag aalalang mungkahi ni Pheme sa kabiyak na nagtatagis na ngayon ang mga ngipin dahil sa galit na nararamdaman. "Ang ulat sakin ng espiya kong si Arkin, mula ng malaman ng mga kalahi nyo ang tungkol sa katauhan ni Onyx, dun na sila nag umpisang magplano para paslangin ang inyong Anak. Pero lahat ng balak nilang pagpaslang, ni isang beses hindi man lang sila nagtagumpay." Puno ng katanungan ang mababakas sa mga mukha ng magkabiyak. Nakikinig lang ang mga ito sa bawat pahayag ni Amethyst. "Hindi papayagan ni Heneral Axel na mapahamak ang itinuturing na nitong Anak. Kaya kahit minsan ni hindi man lang nakalapit kay Onyx ang mga may masamang balak dito." Nagkatinginan ang mag asawa at sabay pang napangiti na bumaling ulit kay Amethyst. Tila sila nakahinga ng maluwag, dahil nasa mabuting mga kamay napunta ang kanilang nag iisang Anak. "Ang pagkakaalam ni Onyx, totoong Anak sya ng Heneral, kaya hindi nya binibigyang pansin ang mga kapangyarihan nyang kusang lumalabas ng hindi nya napapansin. Nais nyo bang ipaalam na namin sa kanya ang tunay nyang pinagmulan at katauhan?" Biglang napahawak sa mga kamay ni Amethyst si Pheme. Halatang kinakabahan ito at natatakot sa maaring kalalabasan kapag nalaman na ni Onyx ang buong katotohanan. May inilagay si Pheme na isang maliit na bote sa palad ni Amethyst. "Pinaghalong dugo namin yan ni Scorche, pakiusap Amethyst! siguraduhin mong mainom yan ng Anak namin bago sumapit ang digmaan. Mas nanaisin ko pang hindi nya malaman ang tungkol samin ng Ama nya kesa ang makita syang mapaslang ng mga taksil naming angkan." Nayakap na lang ni Amethyst ang namayapang kaibigan. Matagal na nyang naisip na humiling sa kataas taasang Bathala para sa mga ito. Pero, palagi na lang nyang nakakaligtaan dahil sa madalas na digmaan sa Engkantadya. Hinagod pa nyang likod ni Pheme para kahit papano ay gumaan ang nararamdaman nito. At ng bahagya na itong kumalma saka sya kumawala sa kanilang mahigpit na yakapan. "Ito lang naman ang sinadya ko dito sa Dreeber, ang makausap ko kayo ng harapan. Paano, magpapaalam na ako sa inyo, kelangan pa naming maghanda sa magaganap na digmaan." "Maraming salamat, Amethyst. Isa ka talagang tunay na kaibigan. Sana mapatawad mo kami sa nagawa naming pagtataksil sayo noon, na naging daan kaya ka nabihag ng mga itim na Anghel." Napabuntong hininga na lang si Amethyst ng maalala ang masakit na kahapong yun. Nagdusa man sya sa mga kamay ng mga itim na Anghel, pero kailanman ay hindi sya nagtanim ng galit at sama ng loob sa kanyang mga kaibigan. Mas lamang kasi sa kanya ang kanilang pinagsamahan kesa sa masasakit nyang naranasan sa kanyang mga kalaban. "Matagal ng tapos yun, at nangyari na. Kaya wag nyo ng alalahanin pang mga yun. Matagal ko na rin kayong napatawad, dahil kung hindi, sana ay hindi nyo na nakita pang buhay ang inyong Anak. Kaya mula ngayon pumanatag na kayong dalawa, kasi, kahit kelan hindi ko kayo itinuring na aking mga kaaway. Magkakaibigan tayo, wag na wag nyo yang kakalimutan." Niyakap at hinalikan ni Amethyst si Pheme, ganun din ang kanyang ginawa kay Scorche. Na tulalang nakatingin lang sa kanya. "Paalam, aking mga kaibigan.. hanggang sa muli nating pagkikita." Maglalaho na sana sya ng biglang hawakan ni Pheme ang kanyang kamay. Nilingon nya ito. "Ibinabalik ko ng salamin na ito, salamat Amethyst." "Sa iyo na yan kaibigan, isang munting handog ko sa inyong mag asawa, sa pamamagitan ng salamin na yan, makikita at masusubaybayan nyo ng inyong Anak." Napahagulgol sa tuwa si Pheme, mahigpit nitong niyakap ulit si Amethyst, maging si Scorche ay walang tigil ang pagpatak ng mga luha nito. Nakiyakap na rin ito sa dalawa ng walang mapaglagyan sa labis na kaligayahang nadarama. "Salamat, Amethyst! Maraming.. maraming salamat sayo, aming kaibigan." Matapos ang ilang saglit na iyakan, napabitaw na rin sa isa't isa ang tatlong magkakaibigan. Bago tuluyang maglaho si Amethyst, nilingon nya pang mag asawa na abala ng nanunuod sa salaming hawak pa rin ni Pheme. Parehong may ngiti sa mga labi ang dalawa. Mababanaag sa mga mukha nila ang labis na kaligayahan. 'Balang araw, magkakasama sama ulit tayo, mga kaibigan ko.' Masaya't magaan ang pakiramdam ni Amethyst, habang naglalakbay pabalik ng Kahariang Umbra. Gagawin nyang lahat para mapanatili lang ang kalayaan at kapayapaan ng buong Engkantadya. At ang kaligayahan ng lahat ay ipagkakaloob nya sa abot ng kanyang makakaya. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD