Sa pananatili ni Alitaptap sa Fairyland, marami syang natutunan at nalaman. Marami din syang naging kaibigan, at isa na dun si Tinder, ang mahiwagang puting dambuhalang usa. Ito ang palagi nyang kasa kasama, ang umaaliw sa kanya kapag nalulungkot sya, ang karamay nya kapag sya'y nangungulila sa kanyang Ama't Ina. Ang tagahatid ng sulat kay Onyx na galing sa kanya. Ang itinatangi nyang kaibigan na maaasahan at hinding hindi nya iiwan.
"Tinder! Pagmasdan mong buwan at mga bituin.. Tila may nais itong ipahiwatig sakin.."
Nagniningning ang kanyang mga mata habang titig na titig sa buwan. Ramdam nya ang paparating na pagbabago sa kanyang buhay mula ngayon.
"Tama ka mahal na Prinsesa Alitaptap, may nais ipahiwatig sayo ang buwan, dahil sa nalalapit mong kaarawan, may malaking pagbabago sayong hinaharap, Kamahalan. Kaya dapat na maghanda kana mula ngayon dahil hindi magiging madali ang tatahakin mong buhay pagkalaya mo dito sa Fairyland. At sa nababasa kong pagkinang ng mga bituin isang pagsubok ang kahaharapin mo, para iyong makamit ang tunay na kaligayahan sa piling ng kabalyerong iyong itinatangi."
"Makakaya ko bang lahat ng pagsubok na yun, Tinder?" Nag aalalang sambit nya habang pinagmamasdan ang mga bituin sa langit.
"Magtiwala ka lang sayong sarili Prinsesa, ang taglay mong kapangyarihan at kakayahan ay sapat na para malampasan mong lahat ng pagsubok sayong buhay."
"Papano naman si Onyx? Kami bang nakatadhana sa isa't isa o dadaan lang sya sa buhay ko?"
"Hindi ako nakakatiyak sa bagay na yan, hindi ko hawak ang kapangyarihan para malaman ang kinabukasan. Ang tanging nakikita ko lang ay ang kasalukuyan at ang nakaraan pero ang kinabukasang tatahakin ay hindi maabot ng aking taglay na kapangyarihan."
"Pagkalaya ko ba dito, magkikita pa ba tayo Tinder?" May lungkot na mababasa sa kanyang mga mata ng kanyang sulyapan ang katabing dinilaan lang sya sa pisngi.
"Sana... Makasama pa kita ng matagal Tinder! Ikaw lang ang bukod tanging nagtyaga sa pag uugali ko. Hindi ka man lang nagsawa kakaindi sakin... Salamat sayo, kaibigan."
"Wag kang mag alala kaibigan kong Prinsesa, ako'y makakasama mo sayong paglaya dito. Bubuo tayo ng sarili nating Palasyo sa kagubatan."
Nayakap nyang bigla si Tinder, sobrang kaligayahan ang kanyang nadarama. Hindi nya inaasahang makakasama nya pa rin ito sa labas ng Fairyland.
"Talaga! Tinder ha! Magkasama tayong maglalakbay pagkalabas natin dito ha?"
"Makakaasa ka Prinsesa Alitaptap, hinding hindi kita iiwan. Mananatili ako sa itatatag nating palasyo, kapag kelangan mo ako magpahatid ka lang ng mensahe sa mga alagad mong insekto at asahan mong darating kaagad ako."
Nayakap nya ng mahigpit si Tinder. Napabitaw sya bigla dito ng may maramdaman silang malakas na aura papalapit sa kinaroroonan nila.
"Prinsesa Alitaptap, handa kana bang bumalik sa inyong kaharian?"
"Mother Golden Fairy!" Napatayo sya bigla mula sa pagkakaupo sa tabi ni Tinder, ikinagulat nyang pagsulpot ng makapangyarihang diwata.
"Kasama mo sa iyong paglalakbay pabalik ng palasyo si Tinder. Malaki ang maitutulong nya sayo at mapapanatag akong nasa mabuti kang kalagayan kapag syang kasama mo."
"Maraming salamat po." Nakangiting yumukod si Alitaptap. Ganun din si Tinder na tumungo naman bilang paggalang.
"Maiwan ko na kayo dito, bukas puntahan nyo ako sa mahiwagang puno, magkita kita na lang tayo doon. Paalam."
"Maraming salamat Mother Fairy.. Paalam."
Nagkatinginan sila Tinder at Alitaptap ng maglaho si Mother Fairy. Sabay silang napangiti at tumingin ulit sa makulay na buwan.
'Onyx... Kumusta kana kaya ngayon? Malaya kapa kaya o baka may sarili ka ng pamilya? Hinihintay mo bang pagbabalik ko? Sana nga nandyan ka lang gaya nung dati...'
Bulong ni Alitaptap na tinangay naman ng hangin sa dako pa roon..
"Tara na sa mahiwagang puno Prinsesa, dun na lang tayo mamalagi at hintayin ang pagsapit ng bukang liwayway bukas."
Tumayo na sya't sumampa sa likuran ni Tinder. "Daan muna tayo sa bukal, pwede ba yun kaibigan? Babatiin ko lang si Anda, kasi baka matagalan bago ako makabalik dito para sya'y dalawin."
"Masusunod ang lahat ng iyong naisin, Kamahalan."
Hinampas nyang kaibigan na tatawa tawa lang habang mabagal na naglalakad patungong bukal. Malayo pa sila sa bukal pero naririnig na ni Alitaptap ang matinis na boses ni Anda. Napangiti na lang sya ng maisip na kung gaano ito kaliit kabaliktaran naman nun ang tinig nitong napakalakas at napaka tinis. Lalo tuloy syang nasasabik na ito'y muling makita. Mula kasi ng mapadpad sya ng Fairyland ito ng naging kalaro nya hanggang sa pinakilala sya nito kay Tinder na hindi na humiwalay sa kanyang tabi hanggang ngayon.
"Anda!" Napatalon sya mula sa pagkakaupo sa likuran ni Tinder ng makita si Anda sa labas ng bahay nitong putol na punongkahoy. Isa itong lambana na mahilig makipaglaro sa mga insekto. Mag isa lang itong namumuhay, naglayas kasi ito sa kahariang Gandila, ng muling mag isang dibdib ang kanyang Ama.
"Alitaptap!" Lumipad ito pasalubong sa mga bagong dating saka dumapo sa palad ni Alitaptap na nakalahad dito. " Natutuwa akong makita kang muli kaibigan."
"Kami rin Anda, natutuwang makita kang muli. Kumusta ka naman dito? Medyo matagal na rin nung huli tayong magkita."
"Ayos lang ako dito, balita ko makakalaya kana bukas? Masaya akong makakabalik kana rin sa piling ng yung Ama't Ina."
"Tama ka kaibigan, sa wakas makakabalik na rin ako sa Umbra, gusto mo bang sumama samin ni Tinder?"
Kaagad na umiling si Anda. " Hindi ako maaaring lumabas ng Fairyland Alitaptap. Mas ligtas ako dito kesa sa labas nito. Nakatitiyak akong pinaghahanap na ako ng mga kawal ni Ina. Kamatayan ang kaparusahan saming mga lambana kapag kami ay lumabag sa kautusan ng kahariang Gandila. Kaya dito na lang ako kaibigan, salamat sa pag anyaya sakin." Ngumiti ito at bumaling ng tingin kay Tinder, nagtitigan lang ang dalawa at sa ganun lang tila nagkaintindihan ng mga ito.
"Para sayo, kaibigang Alitaptap, para hindi mo ako makalimutan."
Inabot nyang munting basket na binibigay sa kanya ni Anda. Nagtatakang binuksan nya yun, napasinghap pa sya ng maglabasan mula doon ang mga bubuyog.
"Nyay! Anda! Baka kuyugin tayo ng mga bubuyog na yan!" Natatarantang sigaw nya at akmang tatakbo na sana sya ng biglang hawakan ni Anda ang kanyang tenga.
"Kumalma ka lang kaibigan, mga kaibigan kong mga yan, hindi ka nila sasaktan magtiwala ka lang."
"Talaga! Eh, bakit sila nagkukumpulan na para bang naghahandang sumugod satin ha?"
"Hahaha... Hindi naman sa ganun, nag uusap usap lang naman sila tungkol sayo."
"Ha! Bakit?"
"Dahil gusto ka nilang lahat Alitaptap, ayan may mga bago kana namang kaibigan maliban samin ni Anda." Nakangiting turan ni Tinder.
"Talaga! Mga kaibigan ko na sila Anda?"
"Oo naman, sige kausapin mo na sila, maiintindihan ka nila maniwala ka sakin." Tinapik tapik ni Anda ang pisngi ni Alitaptap na nakatutok pang tingin sa mga bubuyog sa kanilang harapan.
"Dali na Alitaptap, tingnan mo nakaantabay na sila sa sasabihin mo." Udyok naman ni Tinder sa kanya.
"S-- sige, subukan ko nga... Aham! Mga kaibigang bubuyog, maaari bang pumasok na ulit kayo dito sa loob ng munting basket na ito! Sige na naman.. Pakiusap."
Namamanghang nakasunod lang ang tingin ni Alitaptap sa bawat bubuyog na isa isang pumapasok sa loob ng maliit na lalagyang hawak nya. Hanggang sa isa na lang ang natitira, lumipad ito at huminto sa mismong harap ng kanyang mukha, saka nya narinig ang maliit na boses na nanggagaling dito.
"Karangalan naming mga Besken, ang paglingkuran ka, Prinsesa Alitaptap ng kahariang Umbra."
"N-- nagsasalita ka? Naman.. masaya ito.. hahaha" napapalakpak pang sabi nya.
"Nasa Fairyland po tayo, Kamahalan. baka nakakalimutan nyo po na lahat dito ay nakakapagsalita." Nangingiti namang sabi ni Tinder.
Napatigil sa pagtawa si Alitaptap " Hala! Eh, di, ibig bang sabihin nun pag nakalabas na tayo dito, hindi na sila makakapagsalita ganun ba yun ha, Anda?"
"Parang ganun na nga yun kaibigan, kaya dito pa lang pag aralan mo ng mga bago mong kaibigan."
Nabaling ang tingin nya sa nag iisang bubuyog na lumilipad sa kanilang harapan. Sa totoo lang nakakaaliw itong pagmasdan. Inilahad nyang kamay sa harapan ng bubuyog na lumilipad at tila naman nakakaintindi itong dumapo sa kanyang palad. Natawa sya ng bahagya dahil sa ginawa nito.
"Kaibigan, ano ang yung pangalan?" Nakangiting tanong nya dito.
"Belle, isa akong babaeng bubuyog at ako ang kanilang Heneral, Kamahalan."
"Uyyy... Nakakatuwa naman, sa liit mong yan, isa ka palang Heneral.. Hahaha."
" Wag mong maliitin ang angkan ng mga Besken, Kamahalan. Dahil kahit maliit man sila kayang kaya nilang pumuksa ng daang daang batalyon ng mga kalaban. Diba, Tinder! Alam mo yung nangyari sa kaharian ng Bremen? Sila ang may kagagawan sa pagbagsak nun."
"Tandang tanda ko yun, Anda. Malinaw na malinaw pa saking isipan ang lahat ng naganap sa digmaang yun."
Nakikinig lang si Alitaptap sa usapan ng mga ito. Pambihira, kung totoo man ang lahat ng kanyang naririnig ngayon, Aba'y napakapalad naman nya dahil isang Heneral, ang ngayon ay nasa kanyang harapan at magiging mga kaibigan pa nyang mga ito na poprotekta sa kanya sa ayaw at gustuhin man nya.
"Alagaan at pakaingatan mo sana sila, Kamahalan. Dahil ang mga Besken, ay mga matatapat at maaasahan. Sila ang klase ng mga bubuyog na hinding hindi ka tatalikuran.. Hinding hindi nang iiwan kahit na buhay pa nilang kapalit, sila'y mananatili sa tabi mo hanggang kamatayan."
Namamanghang inilapit pa ni Alitaptap sa kanyang mukha ang bubuyog saka pinakatitigang maige. Maya maya napangiti sya ng makitang kumurap kurap ang mga mata nito at nagsimulang inilabas ang mga pakpak saka lumipad lipad na naman sa kanyang harapan.
"Ikaw si Belle, diba? Ang Heneral nila?"
"Ako nga po, Kamahalan."
"Nais mo bang sumama sakin sa kahariang Umbra?"
"Kung ipahihintulot nyo po na kami ay isama sa inyong kaharian, isang karangalan na po samin na kayo ay aming paglingkuran."
Napangiwi si Alitaptap sa mga narinig. "Parang inaalipin ko naman kayo nyan. Wag na yung paglingkuran. Ang isipin nyu na lang, tayong lahat ay magkakaibigan, Belle."
"Kung yun po ang nais nyo.. Ay syang masusunod kaibigang Alitaptap."
"Ayan! Magkakaibigan na tayong lahat.. Ang saya saya naman." Bumaling sya kay Anda. "Maraming salamat sa ipinagkaloob mong ito sakin, kaibigan. Makakaasa kang aalagaan at poprotektahan ko silang lahat.. Hindi ko hahayaang mawala ang simbolo ng ating pagkakaibigan, Anda."
"Natutuwa naman ako sayong mga tinuran, Kaibigan. Hinding hindi mo pagsisisihan ang naging pasya mo ngayong ngayon lang."
Lumipad si Anda patungo sa kanyang mukha na kanyang ipinagtaka. Pero, ng maramdaman nyang paghalik nito sa kanyang noo, napatawa na lang sya sa kalambingan nito.. Mula noong makilala nya ito hanggang ngayon, hindi man lang ito nagbago kahit na konti.
"Magbubukang liwayway na po, Kamahalan. Tayo na sa mahiwagang puno."
"Ay! oo nga pala! Tinder, baka nga nandun na si Golden Mother Fairy. Masyado akong nalibang dito. Sige, tara na magmadali tayo!"
Akma na syang tatakbo ng biglang may maalala. Napapihit sya pabalik at dun nya nakita si Anda na nakangiti habang nasa palad nito nakadapo si Belle, ang Heneral ng mga bubuyog na nasa maliit na lalagyan na kanyang hawak.
"Pasensya na! Nakalimutan ko!" Sabay abot nya kay Belle at inilagay sa loob ng maliit na basket kung saan nagkukumpulan ang mga kasamahan nito.
"Paalam mga kaibigan, hanggang sa muli nating pagkikita." Ani Anda na kumakaway pa sa kanilang dalawa ni Tinder.
"Paalam, Anda. Maraming salamat sayo kaibigan. Hanggang sa muli nating pagkikita!"
Panay ang lingon at kaway nya kay Anda habang nakasakay sya sa likuran ni Tinder. Nakikita na nyang mahiwagang puno at naaaninagan nya na rin si Enolla. Nang sapitin nila sa wakas ang mahiwagang puno. Napatalon sya pababa kay Tinder saka yumukod sa harapan ni Golden Mother Fairy Enolla.
"Maaliwalas na araw, Mother Golden Fairy."
"Handa kana bang bumalik sa kahariang Umbra, Alitaptap?"
Napatuwid agad sya ng tayo pagkarinig sa palasyo nila. Sa wakas makakauwi na rin sya't makikita na nya si Onyx. Mas lalo pa tuloy syang nasabik ng maalala ang makisig na kabalyero.
"Handang handa na po ako, Mother Fairy." May bahid pa ng ngiti sa kanyang labi, na ikinangiti rin ng lihim ni Enolla.
"Kung ganun, binabasbasan kita ng... Masayang buhay... ligtas sa kapahamakan... malinis na puso... matalas na kaisipan... matatag na paninindigan at katapangan na humarap sa kahit na anumang laban. Humayo ka't tahakin ang tamang landas patungo sa maayos at kapayapaang pamumuhay."
Inilagay nyang palad sa tapat ng dibdib saka bahagyang yumukod, tanda ng kanyang paggalang sa makapangyarihang diwata ng buong Engkantadya.
"Napakapalad ko,, na ako'y ginabayan nyo, mula pagkabata magpahanggang ngayon. Napabuti ang buhay ko.. Naging dalisay ang isip at puso ko. Marami akong natutunan sa bawat araw na pananatili ko dito. At higit sa lahat... Nagkaroon ako ng mga kaibigang tapat at totoo. Maraming salamat po sa inyo, Golden Mother Fairy Enolla.. Hanggang sa muli po nating pagkikita. Paalam!"
Hinarap nya si Tinder saka tumango dito. "Tara na! Tinder, umuwi na tayo aking kaibigan."
Sumampa na sya sa likuran nito. Ng mag umpisang humakbang si Tinder. Nilingon nya pang pinanggalingan nila. Kumaway sya kay Enolla na nakamasid pa rin sa kanila. Kumaway din ito pabalik sa kanya saka biglang naglaho na.
"Dederetso na ba tayong palasyo Kamahalan?"
"Hindi muna Tinder. Sa kagubatan muna tayo, magtatayo pa tayo ng sarili nating palasyo."
"Hahaha.. Kala ko pa naman nakalimutan mo ng usapan natin."
"Hindi ako nakakalimot saking mga pangako, Kaibigan. Pakatandaan mo yan!"
"Kaya gustong gusto kitang maging kaibigan eh! Dika lang maganda, kundi matapat at may isang salita.. Isang Prinsesang titingalain sa Kahariang Umbra." Bakas ang malabis na paghanga at paggalang sa boses ni Tinder.
Sa paglaya nya sa Fairyland, isa lang ang natitiyak nya..
Bagong buhay,
Bagong pag asa, at
Bagong Alitaptap ng babalik sa palasyo nila...
Isang karapat dapat na syang Prinsesa Alitaptap, sa muling pag apak ng kanyang mga paa sa Kaharian ng Umbra.
?MahikaNiAyana