"Tinder, malayo paba tayo?"
"Sa kabila ng mataas na bundok na yan, kagubatan na kaibigan. At dyan natin itatatag ang palasyo natin."
Patuloy lang ang paglalakbay ng dalawa.
"Kamahalan, ang inyong buhok nag iiba ng kulay."
Napangiti na lang si Alitaptap ng mahimigan sa boses ni Tinder ang pag aalala nito.
"Sadyang umiitim ang buhok ko kapag nakakaramdam ako ng malamig na kapaligiran. Wag kang mag alala, buhok ko lang naman ang magbabago hindi ang aking katauhan.. Saka kusa din yang babalik sa dati kapag sinapit na natin ang kagubatan."
Tanaw na nila ang lugar, konting lakad na lang makakarating na sila ng kagubatan. Nakikinita na nyang itatatag nilang palasyo ni Tinder. Lalo tuloy syang nasasabik na mabuo na nilang magkaibigan ang kanilang sariling tahanan.
"Kailangan kong magbagong anyo kaibigan, para mas mabilis nating maitatayo ang ninanais nating tahanan."
Nakamasid lang si Alitaptap kay Tinder ng itinaas nitong dalawang paa paturo sa himpapawid. Binalot ito ng makapal na usok at ng umihip ang malakas na hangin, tangay nitong makapal na usok palayo kay Tinder. Napaawang ang bibig ni Alitaptap ng masilayan ang bagong kaanyuhan ng kanyang kaibigan.
"Maaliwalas na araw sayo, Prinsesa Alitaptap, ng kahariang Umbra." Nakangiting yumukod ito saka nagpakilala.
"Ako si Tinder fekesha, ang espiyang salamangkera ng kahariang Galesh. Naparusahan at ipinatapon sa Fairyland, para pagbayarin sa salang paglason kay Quran, ang alagad na puting usa ni Reyna Tryna. Ikinararangal kong makilala kita Prinsesa Alitaptap, at maging kaibigan na rin kung iyong mamarapatin."
"Napakaganda mo naman... Eh, totoo bang nilason mong puting usa? Kaya ba ang dati mong wangis ay katulad ni Quran?"
"Hindi ako ang may kagagawan ng paglason, Kamahalan. Ako lang ang naabutan ng mga kawal sa lugar ng pinangyarihan, dahil ako ang unang nakakita at nais tumulong kay Quran para iligtas ang kanyang buhay. Pero huli ng lahat, dahil ng hawakan kong kanyang katawan para suriin, wala na syang buhay. Kaya, ayun! ang kinahantungan ko'y sa Fairyland." Ngumiti ito, pero mababanaag ang kalungkutan sa mga mata ni Tinder.
"Pareho lang pala tayong naparusahan, pero mabuti na ring nangyari yun, kasi naging magkaibigan tayo. Kaya mas mabuti pang iwanan na lang natin sa nakaraan ang mga masasakit at pangit na ating pinagdaanan. Basta! mula ngayon, mamumuhay na tayong masaya, kasi malaya na tayooo..!"
Masayang sigaw ni Alitaptap na idinipa pang dalawang braso at umikot ikot ng ilang beses, na ginaya naman ni Tinder.
"Tama! Malaya na nga tayooo..!"
Kaharian ng Umbra ??
Nakatingala si Onyx sa kalangitan.. Habang hawak hawak ang mga sulat ni Alitaptap sa dahon. Nasasabik na syang makita ang pasaway at makulit na munting Prinsesa. Pero ngayon alam nyang ganap na itong dalaga.
'Prinsesa Alitaptap, kumusta kana kaya ngayon?' Napangiti sya ng maalalang mga kaganapan noon.
Yung mga panahon na nahihiya pag nakikita at nakakasalubong nya ito sa palasyo. Yung nakayuko sya habang pa simple namang nakatingin pag dumadaan na ito. Yung inaabangan nya kung anong sasabihin nito. Yung kinikilig sya sa isang tapon lang ng sulyap at ngiti nito. Yung akala mo langit pagkahawak at nasa tabi nya ito.
At nung nalaman nya na mayroon din pala itong pagtingin sa kanya, sa sobrang saya hindi nya mawari. Lagi na lang inaabangan na kausapin. Mga sulat na bigay nito'y inuulit-ulit basahin. Bawat salitang nakasulat na hindi naman talaga importante, pero sobrang mahalaga sa akin. At nalulungkot sa pakiramdam na walang panahon maibibigay sa akin.
Pinipilit na paliwanagan ang sarili na sa iyo'y may pagtingin. At paulit-ulit na lang tinatanggap na may mga bagay na hindi para sa atin. At nasasanay na sa kasabihang 'may darating at umaalis din'. Masakit isipin na tinaggap kong yun talaga ang nakatadhana sa akin.
Ngunit sa paglipas ng panahon na sayo lang inukol ang buong pagtingin. Darating yung panahon na napapagod na din. Sa pag aakalang ang pagmamahal ay sapat na para patuloy na umasa sa kinabukasang nakalaan sa akin. Hindi maisip na darating ang panahon na babalik balikang isipin, yung panahon na wala akong ibang binigyang pansin.
Ngayon ko naisip na marami akong nasayang na panahon sa pagbibigay ng pansin. Pagmamahal na dapat sana una kong ipinagkaloob sa aking sarili. Na sana mas pinahalagahan ko unang una ang aking sarili. Disin sana lahat ng pagkakataon hindi lumipas sa akin. Mga pangarap ko sana ang una kong nabigyan ng pansin. At nang hindi ako ngayon naghahabol sa mga pagkakataong matagal na sanang pinagkaloob sakin.
Ganito nga siguro talaga ang dapat kong makita para mabalik tanaw ko ang aking mga nagawa. Ngunit wala akong pinagsisisihan dahil sa mga panahong naranasan kong madapa ay nagbigay aral ito at saya sa aking mga alaala.
Tinipon nyang mga sulat ni Alitaptap sa kanya saka ibinalik sa loob ng kahon at ibinalik sa loob ng kanyang damitan.
"Onyx! Hoy! Ba't ba ang tagal mong lumabas dyan?"
Naiinip na sigaw ni Euri mula sa labas ng kanyang silid. Kaagad na syang lumabas bago pa sya pasukin ng kaibigan at baka makita pa nitong mga sekreto nyang itinatago dito. Napaka malisyoso pa naman nito.
"Tama ng sigaw! Halika na sa bulwagan." Nauna na syang naglakad at nilampasan lang ang kaibigan na nakasimangot.
"Uy! Onyx, mamya punta tayong kagubatan ha!"
Napahinto sya sa paglalakad saka nilingon si Euri. "Anong meron sa kagubatan at gusto mong puntahan?"
"La lang... Gusto ko lang malaman kung anong ginagawa ni Draca doon."
Umarkong kanyang kilay pagkarinig sa sinabi ni Euri. Mula ng maging kabiyak nito si Draca naging suspetyoso na ito.
"Mamanmanan natin ang kabiyak mo? at bakit naman ha? Dika ba natatakot na baka mahuli tayong dalawa? Ugali pa naman ng impaktang yun kakaiba."
"Basta! Halika na, bilisan na natin." Hinila pa sya sa braso ni Euri, labag man sa kanyang kalooban na sumama dito, napasunod na lang din sya sa kaibigan.
"Ano yun?" Biglang napadapa sa damuhan si Onyx ng makarinig ng iba't ibang ungol ng mga hayop sa kagubatan.
"Nakakapangilabot naman ng ingay na yan.. Hoooh!.. Parang dun nanggagaling sa loob ng kweba ang ingay Onyx, halika pumasok tayo dun."
"Yoko nga! Baka dina tayo makalabas ng buhay kapag pumasok tayo dun." Mabilis syang tumayo, hahakbang na sana sya palayo sa lugar na yun ng hilahin na naman sya sa braso ni Euri. At pakaladkad na dinala sa loob ng kweba.
"Euriii... Diba si Draca yang nakaupo sa ap--" biglang tinakpan ni Euri ang kanyang bibig saka tinulak na sya palabas ng kweba.
"Sige na, umalis kana dito, iwanan mo na lang ako dito."
"Ng ganun ganun lang? Pagkatapos mokong kaladkarin papasok dito ha? Tadong to, bigwasan kita dyan eh!"
"Sshh... Wag ka maingay, baka marinig tayo ng impakta." Nag aalalang bulong pa ni Euri sa kanyang tenga.
Napabaling naman ang tingin nya kay Draca na nakaupo sa apoy at pinapalibutan ng maliliit na dragon. Wala itong ni isang saplot sa katawan, tanging mga maliit na dragon lang ang nakatakip sa maseselang parte ng katawan nito.
"Anong nangyayari sa kanya Euri? Okey lang ba sya?"
Sasagot na sana si Euri na nakatingin din kay Draca, ng bigla itong lumingon sa dereksyon nila. Base sa seryoso nitong mukha, tiyak ni Euri na parurusahan na naman sya nito mamaya.
"Onyx... Umalis kana habang may pagkakataon kapa.. Ganyang nanganak na naman ang alagad na dragon ni Draca, malamang parehas tayong matutusta dito sa loob. Kaya bilisan mo na! Tumakbo kana palabas dito dali!"
Natataranta namang pumihit patungong bukana ng kweba si Onyx, saka kumaripas ng takbo. Dipa sya tuluyang nakakalabas ng kuweba ng marinig ang malakas na boses ni Draca.
"Draco! dalhin mo si Euri dito sa tabi ko. saka magmadali ka, hanapin mo si Onyx sa labas at dalhin mo sya sakin para maparusahan ko."
Dahil sa kanyang mga narinig, pikitmatang sinuong ni Onyx ang masukal na kagubatan. Nadapa, nagpagulong gulong, sumabit sa mga sanga, nahulog sa bangin... Lamog na lamog ng katawan ni Onyx, pero hindi pa rin sya tumigil kakatakbo ng walang dereksyon. Konting pagaspas lang ang kanyang marinig natataranta na sya at kung saan saang butas na lang sya sumusuksok pag meron syang nakikita. Ang sugat at sakit na tinitiis nya ngayon, mas doble o triple pa ang iindahin nya sa oras na mabihag sya ni Draco.. Ang hindi nya maintindihan hanggang ngayon kung bakit nakakatagal si Euri sa pag uugali ni Draca. Pero sabi nga ni Dwarf sa kanya noon.. Malalaman nyang kasagutan kapag natutu at nakaranas na syang magmahal. Kumbaga, napakamahiwaga ng pag ibig, dahil kapag tinamaan ka nito, nagiging bulag, pipi at bingi ka.
"Yeheeyy...! Sa wakas natapos na din natin, Tinder, ang saya saya ko."
'Huh! Sino naman ang dalawang diwata na yan?' Nakatutok ang buong atensyon ni Onyx sa dalawang diwata na nagsasaya habang pinagmamasdan ang katatatag na isang di kalakihang palasyo, nawala sa kanyang isipan na tinutugis sya ni Draco na ngayon ay nasa kanya ng likuran at sya'y pinagmamasdan.
"Ano na! Kaibigan, nagustuhan mo bang ating tahanan?" Nakangiting baling ni Tinder kay Alitaptap na panay kumpas ng mga kamay para mas lalong pagandahin pang itinayo nilang palasyo.
"Syempre naman kaibigan, gustong gusto kong ating tahanan." napapalakpak pang sagot ni Alitaptap.
"Kelangan nating gumawa ng pananggalan, para maprotektahan ang ating kaharian. Ng walang sinumang makapasok maliban lang sating dalawa.."
"At syempre, makakapasok lang ang kung sinuman na ating pahihintulutan, ayos lang ba yun sayo, Tinder?"
"Walang dapat na ipag alala, kaibigang Alitaptap. Masusunod ang ninanais mo."
Nagyakap pang dalawa bago naglaho, kasabay nun ang paglaho rin ng palasyo. Napakurap kurap pa si Onyx, tutop ang kanyang bibig na napailing iling pa sya saka napapikit ng kanyang mga mata at napatingala sa himpapawid.
'Alitaptap?.. Prinsesa Alitaptap?.. Ikaw na ba yung aking nasilayan? Napakaganda mo lalo, mas lalong mahihirapan na ako ngayong abutin ka.. Aking Prinsesa.'
Napalingon sya bigla ng may dumila sa kanyang batok. Nanlalaki ang kanyang mga mata ng makita si Draco na nakalabas pang dila. Naging alerto sya ng makitang mga ngipin ng Dragon. Yung biglang pagpihit nya sa kanyang harapan sabay kumaripas ng takbo na sumisigaw pa sa sobrang kaba at takot na mahuli sya nito.
"Ahhhh... Dracooo... tantanan mo na ako! Pakiusap..!"
Umihip ang malakas na hangin kasabay nun ang pagaspas ng mga pakpak ni Draco.
"Ughhhh..."
Napapasok bigla si Onyx sa unang kwebang nakita nya. Medyo may kaliitan lang yun pero kasya pa naman sya sa loob kaya ayos na sa kanya yun. Basta makapagkubli lang sa dragon na ngayon ay paikot ikot lang sa himpapawid..
'Impakta ka talaga Draca! Napakalupit mo..'
Kumuyom ang kanyang kamao ng makita sa kanyang balintataw ang anyo ni Draca. Napaangat ng tingin si Onyx mula sa pagkakayuko ng makarinig ng mga yabag. Magaan lang ang paglakad pero bawat apak nito sa mga tuyong dahon ay naglilikha ng malakas na tunog. Sinikap nyang talasan ang pakiramdam at kanyang pandinig ng maglaho ang ingay. Nagulat pa sya ng biglang may magsalita sa kanyang harapan.
"Sino ka? Anong ginagawa mo dito?"
"Ha?"
"Inuulit ko, sino kang pangahas na ginagambala ang pananahimik ko dito?"
Walang kakurap kurap ang kanyang mga mata habang nakatitig sa isang napakagandang diwata na ngayon ay nag iibang kulay ang taglay nitong mga mata. Mula sa pagiging itim ay naging kulay ginto ng mga mata nito at habang nakatitig sya sa mga mata ng diwata, nararamdaman ni Onyx ang pagdaloy ng kanyang dugo sa buong katawan. Umiinit ito at parang kumukulo, na sa ilang saglit lang parang sasabog na palabas sa kanyang katawan.
'Mahabaging Bathala, kayo na po ang bahala sa akin...'
Matapos nyang sambitin ang mga katagang yun, bigla na lang syang bumagsak sa lupa. Nawalan ng malay.
?MahikaNiAyana