☘ Mereditha

2221 Words
Isa isang binati ni Amethyst ang mga kaibigang Reyna na kasangga nya sa bawat digmaan sa Engkantadya. Nasa loob sila ng Gotten, ang lihim at sagradong silid sa Palasyo ng Umbra. Tanging si Akira, Ivory at Haring Xian lang ang nakakaalam tungkol sa Gotten. Nakatayo sya sa pinakagitnang bahagi ng silid, samantalang nakatayo naman sa kanyang harapan sina Diamond, Jade, Eira at Orwell. Nakatutok ang mga mata nila kay Amethyst na nag uumpisa ng ilabas sa kanyang katawan ang pinangangalagaang mga brilyante. Una nitong ibinahagi kay Jade ang brilyante ng apoy. "Sa ngalan ng kataas taasang Bathala ng mundo ng Engkantadya. Ako si Amethyst, ang inatasang tagapangalaga ng apat na makapangyarihang brilyante, nais kong ipatupad ang nakasaad sa Propeseya, para mailigtas muli ang buong Engkantadya sa mga ganid at maiitim ang budhi. Pansamantalang ibinabahagi ko sa apat na magigiting at matatapat na tagasunod ni Bathala ang aking hawak na mga brilyante. Naway gabayan at ituro sa kanila ng hahawakan nilang brilyante, ang nararapat na gawin, para lang sa kabutihan at hindi sa kasamaan.." Inilahad nyang nakabukas na palad kay Jade, mula sa kanyang kamay ay lumutang paikot ikot ang brilyante ng apoy bago lumipat ito sa mga kamay ni Jade at nanatili na dun. "Mula sa kahariang Getah, isang karangalan ang mangalaga pansamantala sa brilyante ng Apoy! Salamat sa pagtitiwala sa kakayahan ko, Reyna Amethyst." Ngumiti lang si Amethyst, saka bumaling ng tingin kay Eira, na seryosong nakatingin din sa kanya. At kagaya ng ginawa nyang paglilipat ng brilyante kay Jade, ganun din ang kanyang sinabi't ginawa kay Eira na hawak na ngayon ang brilyante ng tubig, at si Diamond na hawak naman ang brilyante ng lupa. "Milya milya man ang layo ko sa Umbra, basta't kailangan mo ng tulong ni Eira. Hindi magdadalawang isip agad kang dadamayan, sa kahit na anupamang digmaan. Ang kaharian ng Orlin ay iyong maaasahan." Napapalakpak naman silang lahat habang nagtatawanang sinugod si Eira ng yakap. Nagpalabas naman ng mga bulaklak si Diamond habang pinapalutang sa kamay nito ang brilyante ng Lupa. "Nakakatuwa talagang pagmasdan ang pagkakaibigan nyo, ako'y nagagalak dahil isinama nyo ako sa digmaang ito. Karangalan naming mga puting Anghel ang maging bahagi ng Alamat ng Kahatiang Umbra. Hindi matatawaran ang makasaysayang kaganapan dito sa Mundo ng Engkantadya. dahil sa maganda at patas nyong pamumuno Reyna Amethyst. Sa ngalan ng Kahariang Vizard, ako si Orwell, na labis ang kaligayahan at karangalang nararamdaman, ngayong hawak ko na ang brilyante ng Hangin. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya, kasamang mga kalahi kong puting Anghel, lalaban kami ng patas at makatarungan, para sa kapayapaan ng buong Engkantadya." Nilapitan ni Amethyst ang puting Anghel saka mahigpit na niyakap. "Para kay Cassiel, na nagbuwis ng kanyang buhay mailigtas lang ako.. Para sa mga Kahariang sumusuporta at nakikipaglaban kasama ko.. At para sa kalayaan at kapayapaan ng buong Engkantadya... magwawagi tayo!" "Para sa buong Engkantadya!" Sabay sabay na sabi nila Jade, Eira at Orwell. Nabaling ang tingin nilang lahat kay Diamond na malalim ang iniisip. "Ahm.. Amethyst, bakit ka nagpunta ng Dreeber, sinong sinadya mo doon?" Nakakunot noong tanong pa nito kay Amethyst. "Alam mo?" "Nakita ko kasing iyong anyo sa Astral, habang tinitingnan kong mga kaganapan sa buong Engkantadya." Lahat ng atensyon ay na kay Amethyst na, kaya wala na syang nagawa kundi sabihin sa mga ito ang kanyang ginawa. Saka isa pa, ang Astral, ay salamin ng katotohanan... ng nakaraan, ng kasalukuyan at ng hinaharap sa mundo ng Engkantadya "Bakit mo pa sila pinuntahan sa Dreeber, Amethyst? Nakakalimutan mo na bang pinagtaksilan ka ng mag asawang yun?" Naiinis na sabi ni Jade sa kaibigan na umiwas naman ng tingin sa kanya. "Minsan talaga, nahihirapan akong intindihin ka, Amethyst.." Napapailing na sabi naman ni Diamond. "Muntik ka ng mamatay dahil pinagkanulo ka ng mga Didosaur na yun!" "Mga kaibigan ko sila Scorche at Pheme." Pabulong na sambit ni Amethyst, sapat lang para marinig ng lahat. "Namatay si Cassiel, Amethyst! anupa bang patunay ang kailangang ilatag sa harapan mo, para matanggap mo sayong sarili na hindi mo sila mga kaibigan?" Ani Eira, na dina napigil ang kanyang sariling sumabat sa usapan. "Hindi ako mapagtanim ng galit at mas lalong hindi ako nagkikimkim ng sama ng loob sa mga nagkakasala sakin.. Alam nyong pantay pantay ang turing ko sa inyong mga kaibigan ko. May mabigat akong rason, kaya sinadya kong makita ang magkabiyak na yun. Hindi ako makasarili alam nyo yan, at sa bawat desisyon at hakbang na aking ginagawa, may kabutihang idinudulot ito. Ayokong makita ang aking Prinsesa Alitaptap, na malungkot at walang buhay kapag nawala sa kanyang piling ang kanyang kaligayahan. Hangga't alam kong may magagawa ako, para mapanatili ang mga ngiting nakikita ko sa kanyang mukha kapag kasama nya si Onyx. Hindi ako mag dadalawang isip na gawin ang sa tingin kong tama." Tahimik ang lahat matapos magsalita ni Amethyst, naisip nyang marahil naiintindihan na sya ngayon ng kanyang mga kaibigan. Wala naman kasi syang inililihim sa mga ito, sa katunayan nga sasabihin naman talaga nyang galing sya Dreeber, naunahan lang syang magsalita ni Diamond. "Tapos na tayo dito, kaya tara na sa bulwagan mga kaibigan, naghihintay ng lahat sa atin doon." "Amethyst, patawad! Napasobra yatang binitawan naming mga salita sayo." Natatawang nilapitan ni Amethyst ang mga kaibigan saka niyakap isa isa ang mga ito. Kasabay nun ang paglaho nilang lima at lumitaw sa bulwagan kung saan naghihintay ang lahat sa kanila. "Maaliwalas na araw, Kamahalan." Pagbigay galang ni Lorsan sa Reyna. "Lorsan! Nahanap mo na ba si Cassiel?" "Opo! Kamahalan, nakaantabay na po sya sa labas ng Palasyo." "Magaling!.. Sa pagsapit ng kabilugan ng buwan... Sa pagsasanib ng itim at pulang kulay ng buwan tayo tutungo sa Mereditha, nasisiguro kong doon magtitipon ang tatlong Kaharian, kaya magsipag handa na kayong lahat." "Apat na Heneral ng Kahariang Mekam, ang nagmamatyag sa bawat hangganan ng Engkantadya, Kamahalan." Lihim na napatiimbagang ang Reyna, sa narinig na ulat ni Amber. Pinalibot nyang tingin sa buong bulwagan at huminto yun kay Draca, na agad namang yumokod sa kanya. "Draca! Magtungo ka sa Silangan at ipabatid kay Heneral Axel ang ating napag usapan dito." "Ngayon din po, Kamahalan. Paalam." Sa pagpihit nito para tunguhin ang pintuan ng bulwagan, narinig pa nilang boses nito. "Draco!" Tawag nito sa alagad na dragon saka ito naglaho. "Heneral Ixoe, sa Hilaga ka naman magtungo at ipaalam kila Centaur, Celo at Rhodisa ang nakaambang panganib." "Masusunod, Mahal na Reyna." Yumokod muna ito saka naglakad palabas ng bulwagan. "Sa Kanluran ka naman, Alex. siguraduhin mong malalaman nila Taiwoo, Zouz at Trion, ang paniniktik ng Heneral ng Mekam." Yuyukod na sana si Alex, para magpaalam ng tumabi sa kanya si Lorsan. "Sasabay na po ako kay Alex, Kamahalan. Babalikan ko na po ang aking kapatid at mga puting Anghel sa Timog. Maghihintay na lang po kami dun hanggang sumapit ang pagsasanib ng dalawang kulay ng buwan." "Mag iingat kayo sa inyong paglalakbay." "Kayo din po Kamahalan, mag ingat po kayo palagi! Paalam.." Sabay na sabi nilang dalawa bago sabay ding yumokod sa Reyna, si Alex at Losan saka naglaho. "Tapos ng pagpupulong, magsibalik na kayo sa mga gawain nyo at maghanda sa magaganap na digmaan mamayang gabi! Maaliwalas na araw, sa inyong lahat." "Maaliwalas na araw, Kamahalan!" At nagsialisan na ngang lahat matapos magbigay galang sa kanilang Reyna. "Ina!" Napalingon sa kanyang kanan si Amethyst, ng marinig ang boses ni Alitaptap. Kasama nito si Ayana, na naglalakad palapit sa kanya. "Mga mahal kong Prinsesa." Inilahad nyang nakabukas na mga braso sa dalawang Anak, napangiti sya ng malapad ng maramdaman ang mainit na pagyakap ng mga ito sa kanya. "Alitaptap, napainom mo na ba kay Onyx ang ibinigay ko sayo nung nakaraang araw?" Sa narinig na tanong ng kanyang Ina, biglang napabitaw sa pagkakayakap at napalayo ng bahagya si Alitaptap sa dalawa. Tumulis ang nguso nito ng maalalang hinimatay si Onyx matapos nitong inumin ang likidong laman ng maliit na bote. Sobrang pag aalala ang kanyang naramdaman ng mga oras na yun. Sinisi pa nga nyang sarili dahil pinilit nya talaga itong ubusin ang laman ng maliit na boteng yun. "Eh, ano po bang laman ng boteng yun, Ina? Kasi nawalan ng malay si Onyx, matapos nyang inuming lahat ng yun." "Proteksyon yun sa kanya Anak, kaya wag ka ng mag alala pa sa kalagayan ni Onyx.. Hmm?" "Hindi naman po ako nag aalala sa bakulaw na yun, Ina. Saka pakialam ko ba dun, napakamanhid ng tukmol na yun. Hmp... saka nakakainis sya, sobra..." Nanggigigil na napahampas pa ng kanyang kamay sa hangin si Alitaptap, nagkatinginan naman ng may kahulugan si Amethyst at Ayana. "May ginawa ba sayo si Onyx, at ganyan na lang ang inis mo sa kanya, ha! Anak?" Napaismid syang bigla. "Yun na ngang nakakainis, kasi wala man lang syang ginagawa sakin..." Napabunghalit ng tawa sila Amethyst at Ayana sa sinabi ni Alitaptap. "Hahaha... Ayaw mo ba nun, Alitaptap? ligtas ka kapag si Onyx ang yung kasama." Mas nayamot pang lalo si Alitaptap, sa sinabi ni Ayana sa kanya. Napapadyak pang kanyang mga paa, bago nagmamaktol na iniwan ang kanyang Ina at kapatid, na natatawa na lang sa kanyang inasal. "Gusto ko ng magkaroon ng kasintahaann!..." Umalingawngaw sa buong Palasyo ang sigaw ni Alitaptap, na ikinangiti na lang ng mga nakarinig dito. ☘MEREDITHA Kitang kita ni Cassiel, ang paglitaw ng walong salamangkera ng Didosaur. Nag kanya kanyang pwesto ang mga ito. Nagbalatkayo na ibon, kwago, kulisap at kung anu ano pang klaseng mga hayop at insekto ang mga ito. Isa isa ring nag sulputan ang apat na Heneral ng kahariang Mekam. Maging ang mga mandirigma ng Boreas ay nagsidatingan na rin. Maraming sundalo ng nakahanda sa magaganap na digmaan. Natatanaw na rin ni Cassiel sa hawak nyang makapangyarihang sandata ang bawat hangganan ng Engkantadya. Lahat ng taga Umbra ay nakahanda na rin, maging ang mga kaalyado nitong mga Kaharian ay handang handa na sa laban. Ng may mapansin sya sa kalangitan. Sinipat pa nyang maigi ang maitim na tila ulap na mabilis bumababa patungo sa dereksyon ng Mereditha. 'Teka lang, sandali! Ang dami namang paniki nyang paparating? at lahat patungo sa Mereditha, at bakit nagkukumpulan silang lahat na tila ba nag uusap usap?' Di nya inalis ang pagsubaybay sa mga paniki, ibang kanyang kutob sa mga nakikita. Ng biglang naghiwa hiwalay ng lipad ang mga ito saka nagsitungo sa iba't ibang bahagi ng kakahuyan. Tumaas ang kilay ni Cassiel ng maging bampira ang mga ito. At hindi lang basta bastang bampira ang angkan ng Volerba, maliban sa mga pangil ng mga ito na may lason, mas malalakas ang mga ito kumpara sa mga itim na Anghel. "Katapusan na ba ngayon ng Kahariang Umbra? Bakit, tila yata pinagkakaisahan sila ngayon ng mga kampon ng Kadiliman? Masamang senyales ito, para sa mundo ng Engkantadya." Biglang ibinaba ni Cassiel ang kanyang hawak na sandata ng makaramdam ng kakaibang presensya. Naglagay sya ng pananggalang sa buong katawan. "Cassiel" Pamilyar sa kanya ang boses, kaya nilingon nyang milya milyang layo ng pinanggalingan nito. "Rowwr..." Napangiti sya ng maaninagan ang isang dambuhalang Leon, na may pakpak na puti. "Ervan!" Tawag nya sa Prinsipeng kaibigan na nakasakay sa likod ng Leon. "Marleon!" Nagagalak nyang sambit sa pangalan ng paborito nyang kalarong Leon. "Lumipad ka papunta dito!" "Rowrr... Rowrr.." Sagot naman ng Leon at agad ikinampay ang mga pakpak. Mabilis ang paglipad nito patungo sa kanya. "Ervan! Marleon! Anong ginagawa nyo dito?" Sabik nyang niyakap ang mga ito, natatawang niyakap naman sya ng mahigpit ni Ervan, samantalang panay naman ang dila ni Marleon sa kanyang mukha. Ng bumitaw na sila sa pagkakayakap, hinaplos pa ni Ervan ang kanyang pisngi at may sinabi itong nagpalito sa kanya. "Cassiel, isama mo si Lorsan sa Palasyo ng Volerba mamaya bago magbukang liwayway. Maghihintay kami dun ni Marleon." "Ha! Bakit naman tayo pupunta dun?" Kunot nuong tanong nya sa kaibigan. "Basta! Pumunta kayo mamaya ni Lorsan, maghihintay kami dun.. Sa ngayon galingan mong pakikipaglaban. Paslangin mong mga Mekam lalo ng mga Boreas at Volerba." "V- Volerba?" Nagtatakang tanong nya na hindi na nagawang sagutin ni Ervan, ng unti unting mag iba ang kulay ng buong paligid. Sabay pa sila ni Ervan na napatingin sa buwan na naghahalo ng kulay itim at pula. "Hindi kaba tutulong samin Ervan?" Bumaling sya sa katabi. "Kaya nyo na yan! Saka sigurado naman akong magagapi nyong lahat ng kalaban, andyan ka eh! Ang halimaw sa digmaan." Taas baba pang kilay ni Ervan na ikinatawa na lang nya. Bahagya nyang sinuntok ang dibdib nito, dahilan kaya napaubo ito ng sunod sunod. "Ang arte ha! Umalis kana nga at mag uumpisa ng digmaan." Matalim ang tinging ipinukol ni Ervan sa natatawang si Cassiel. "Masakit kaya!" Himas himas pa nyang dibdib. "Ikaw naman!.. Dika na mabiro.. haha." Napapailing na sumampa kay Marleon si Ervan. Matalim pa rin ang mga mata nitong nakatingin kay Cassiel. "Kahit kelan masakit kapa rin magbiro, hindi kapa rin nagbabago Cassiel.. Sige puksain mo ng mga salot dun... Kita na lang tayo mamaya. Paalam." Nasundan na lang ng tingin ni Cassiel ang papalayong si Marleon, nakita pa nyang pagkaway ni Ervan sa kanya. 'Anong meron sa Volerba? Bakit gustong pumunta ni Ervan sa kampo ng mga bampira?' ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD