☘Final Chapter

4765 Words
"Onyyyx!.." Napatuwid ng tayo si Cassiel ng biglang marinig ang sigaw ni Alitaptap. Itinaas nyang sandata at dun malinaw nyang nakikita ang kaganapan sa Mereditha. Nag uumpisa ng digmaan.. Sinuyod nyang tingin sa mga naglalaban. Nakita nya si Alitaptap na walang humpay ang pagkumpas ng dalawang kamay nito sa dalawang salamangkera ng Didosaur. Tangay ng mga ito si Onyx na walang malay. Ng makita nyang bumagsak ang isang salamangkera na may hawak kay Onyx, kaagad syang naglaho at lumitaw sa harap ng Didosaur na gumagapang sa lupa. Sinipa nya ito sa mukha at ng dipa sya makontento, ubod lakas nyang ibinaon sa dibdib nitong matulis na bahagi ng kanyang mahabang sandata. Bumulwak ang kulay berdeng likido sa bibig nito at dibdib kung saan nakabaon ang kanyang sandata. "Hindi ko maintindihan kung bakit kayo umanib sa Mekam at Boreas, nakikipaglaban ng p*****n para saan naman?" Nanlilisik ang mga matang tanong ni Cassiel sa nakangising salamangkera ng Didosaur. "Malalim ang dahilan namin, kaya wag mo ng piliting intindihin, baka sumabog lang yang utak mo kapag pinilit mo pang alamin.." "Ganun ba! Sige, mamahinga kana!" Bolta boltahing kuryente ang dumaloy mula sa kanyang sandatang nakatarak sa dibdib ng Didosaur, dina ito nakasigaw sa bilis ng mga pangyayari, naging abo na lang ito bigla na tinangay ng hangin. "Onyyxx... dumilat kana, pakiusap!" Dumaloy ang masaganang luha sa magkabilang pisngi ni Alitaptap, habang yakap yakap si Onyx na tila wala ng buhay. Ngayon lang sya nakaramdam ng sobrang takot, habang inaalog alog ang katawan ng kabalyerong lihim na iniibig. "Onyx..." Kitang kita nya ang pagtama ng isang bolang apoy na iba't ibang kulay sa dibdib ni Onyx, na abala sa pakikipaglaban kanina. Napapikit na lang sya ng maalala ang huling salitang lumabas sa bibig nito bago tuluyang bumagsak sa lupa at nawalan ng malay. Pinalibot nyang tingin sa buong Mereditha.Unang nakita nya ay ang kapatid na si Ayana kasamang kabiyak nitong si Dwarf na magkasamang nakikipaglaban sa mga drakula. Sina Draca at Euri kasamang mga alagang dragon ng mga ito. Ang magkapatid na sina Lorsan at Arkin. Ang mga kabalyerong mandirigma ng Umbra sa pamumuno ni Heneral Axel at Heneral Ixeo. Ang mga Amazona... Ang mga mandirigma at salamangkera ng Inspra, Getah, Orlin. at ang mga puting Anghel sa pamumuno ni Orwell. Ang mga Reyna na sina Eira, Jade at Diamond. At higit sa lahat ang kanyang mahal na Inang Reyna Amethyst at Amang Hari na si Xian... Kahit mga sugatan patuloy pa ring lumalaban.. Nabaling ang kanyang tingin sa mga nagkalat na mga sugatan at mga namatay na nakakalat lang kung saan.. Napabuntong hininga na lang sya saka bumaba ang kanyang tingin kay Onyx na yakap yakap pa rin nya. "Onyx... Wag mo akong iwan..." Umupo sya sa lupa saka maingat nyang inilapag ang ulo ni Onyx sa kanyang kandungan. Masuyong hinaplos haplos nyang mukha nito saka sinuklay suklay ang g**o gulong buhok ng kanyang minamahal. "Narinig ko yung huli mong sinabi kanina." Napangiti sya ng maalalang huling sinabi sa kanya ni Onyx bago ito bumagsak sa lupa at nawalan ng malay. "Mahal din kita, Onyx. mahal na mahal.. Kaya dumilat ka na't tumayo, marami pa tayong kalaban, hindi pa tapos ang digmaan." "Totoo? Kelan pa? " napaangat bigla ang kanyang tingin sa nagsalitang chismoso na ngayon ay malapad ang pagkakangiti sa kanya. "Dwarf! Kanina kapa ba dyan?" "Sakto lang! para marinig kong sinabi mo. Saka, pinababantayan ka sakin ni Ayana eh! Masyado ka raw kasing abala dyan sa mahal mo, kaya nakalimutan mo yatang nasa gitna tayo ng digmaan, Prinsesa." "Pasensya na! nag aalala lang kasi ako sa kaibigan mo.. Humihinga pa naman sya, pero bakit nananatiling nakapikit pa rin ang kanyang mga mata?" Parang batang nagsusumbong sa kanyang Ama si Alitaptap. Napapalabi pa ito sa nakikitang kalagayan ni Onyx. Masyado syang apektado na hindi man lang nya napapansin ang pag angat ng sulok ng labi ni Onyx, na pigil ang sariling yakapin ang Prinsesa. Pero matalas ang pakiramdam ni Dwarf, idagdag pang kilala na nyang kaibigan mula ulo hanggang paa. Eh, pare pareho lang naman silang tatlo nila Onyx at Euri ng diskarte pagdating sa mga diwatang minamahal nila. "Baka naman kelangan lang ng konting... ganito!" Hinugot nya sa bulsa ang isang maliit na bote ng mga langgam na pula. "Ano naman yan, Dwarf?" "Basta manood kana lang Kamahalan... 'Mga kaibigan, siguraduhin nyong masasarapan si Onyx sa gagawin nyo ha! Itodo nyo na para matauhan ang tukmol na yan.."' Pabulong nyang sabi sa mga pulang langgam na nagkukumpulan.. tinanggal nyang takip ng maliit na bote saka ibinuhos ang laman nun sa katawan ni Onyx, na walang kamalay malay sa maitim nyang balak. "Handa kana bang masaksihan ang muling pagkabuhay ng minamahal mo, Prinsesa?" Ngising demonyo si Dwarf habang pinagmamasdan si Onyx. "Anubang pinagsasabi mo Dwarf? Hindi nam--" "Woohh... Aray.. aray.. araayyy..." Awang ang labing nasundan na lang ng tingin ni Alitaptap si Onyx, na biglang napabangon at nagsisisigaw habang tumatakbo sa gitna ng digmaan.. Bawat daanan nitong naglalaban binabangga lang nito, walang dereksyon ang tinutungo nitong daan. Basta takbo lang ito ng takbo habang nagkakamot ng katawan at panay ang pagsigaw. "Hindi kana iiyak mula ngayon Prinsesa Alitaptap, dahil ang kaligayahan mo..." Inginuso ni Dwarf si Onyx na malayo na sa kanilang dalawa. "Hayan na't buhay na buhay..." Yumukod pa sya, bago naglaho. Kelangan na nyang bumalik kay Ayana na abala pa rin sa pakikipaglaban. Samantala, habang pinagmamasdan ni Cassiel ang buong Mereditha, alam nyang kelangan na nyang magpasya habang hindi pa huli ang lahat, kung nais nyang iligtas at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa mundo na kanyang ginagalawan. Inihagis nya pataas ang sagradong sandata na ipinagkatiwala sa kanya ng kanyang ina bago pa ito namatay. Sa pagkakaalam nya pag aari ng kanyang Tiya Cassiel ang sagradong sandata, isa kasi ito sa mga Heneral ng puting Anghel kagaya ni Dimsie. Tanging ang dalawa lang ang inatasan ng kataas taasang Bathala na bumaba mula sa langit at maging tagapangalaga ng lahat ng nilalang sa buong Engkantadya. "Totoo nga! Talagang makapangyarihan ang sandata ni Tiya Cassiel! Kung sana pala ginamit ko ng sandatang yan samin ni Kahlil, eh di sana buhay pa sya hanggang ngayon" Kitang kita nyang paglutang ng sandata sa kalangitan at ang unti unting pagbabago ng buwan at mga bituin. May liwanag na nagmumula sa buwan na unti unting naging manipis na ulap pababa sa lupa, na ikinatigil ng lahat na naglalaban sa Mereditha. May tatlong malalaking bituin na biglang lumitaw at nagdagdag liwanag sa buong paligid, napaluhod bigla si Cassiel, ng lumitaw sa maliwanag na kalangitan ang kataas taasang Bathala. Kulay ginto ang hawak nitong tungkod, maging ang pananggalang nito. May isang kwago na nakadapo sa kanang braso nito. At may gintong liwanag na nagmumula sa likutan ng Bathala. At ng ito'y magsalita, napaluhod ang lahat. "Sa inyong lahat! na naninirahan dito sa Mundo ng Engkantadya! Ang mundo na nilikha ko, para maging kanlungan nyo, hindi para sirain at angkinin ng mga ganid sa kapangyarihan. Ang mundo na ang tanging ninais ko ay maging payapa at malaya." Itinaas nitong hawak na tungkod at mula dun sa kalangitang nagliliwanag, ay nagsilabasan ang apat na Anghel. "Simula sa gabing ito, magaganap ang malaking pagbabago dito sa Engkantadya.." Tiningnan isa isa ng Bathalang Zachariah ang apat na Anghel. "Kronos! Beorn! Mystical! Dimsie!!... Simula ngayon kayo ng tagapagbantay ng buong Engkantadya. Ang sinumang lumabag at hindi sumunod sa ipapatupad nyong batas... Burahin nyong buong angkan nila dito sa Mundo ng Engkantadya." "Masusunod po! Bathalang Zachariah!" Sabay sabay na sagot ng apat na Heneral ng mga puting Anghel. Saka nagsilipad ng mga ito patungo sa titigilan nilang lugar dito sa Engkantadya. Bumaling ang Bathalang Zachariah sa kwagong nakadapo sa kanyang braso. "Kylo! Alam mo ng gagawin mo." Pinalipad nyang kwago sa himpapatid, pinagmasdan nya itong kinakampay ang mga pakpak, habang sumasabay sa hangin ang kulay ginto na mga butil, kumikislap ito pababa ng kalupaan sa kinaroroonan ng lahat ng nagdidigmaan at naglalaban kanina. Bawat tamaan ng kulay gintong butil ay naglalaho na lang basta. Mapabuhay, sugatan at maging ang mga namatay na. Hanggang ang tanging natira na lang na nakatayo't sugatan ay si Reyna Amethyst. Na nakatingala sa kalangitan kung saan nandun ang Bathalang si Zachariah. "Mahal na Bathalang Zachariah! tanggapin ang aking pagbati at pakinggan ang aking hiling at pagsamo! Ako si Amethyst! ang Reyna ng Umbra, ang tagapangalaga ng apat na makapangyarihang brilyante." "Ano ang yung hiling at pagsamo, Reyna Amethyst, ng kahariang Umbra?" "Maaari po bang hilingin ko po sa inyo, na ibalik sakin ang aking mga nawalay na mga kaibigan? Aming Bathalang Zachariah!" "Ang kasalukuyan at kinabukasan, ay maaaring baguhin o isaayos.. pero ang nakaraan.. kailanman ay hindi na mababago at mapapalitan. Kung ang tinutukoy mong mga kaibigan, ay ang mag asawang Didosaur, natitiyak kong makakabalik sila dahil sa ipinakita nilang kabutihan sa Dreeber. Si Zia, ng bahala sa kanila." Napayuko si Amethyst, hindi lang naman kasi yun ang nais nyang hilingin sa Bathala. Nais nyang mabuhay muli si Cassiel, ang Heneral ng puting Anghel. Si Cassiel na kasama ni Dimsie noong nagligtas sa kanya at nagbuwis ng buhay para lang maibalik sya sa kanilang Kaharian. "Palayain mo ng sarili mo sa madilim mong nakaraan Amethyst, hindi yan makakabuti sayo, lalo na't ikaw ang tagapangalaga ng apat na brilyante. Siguraduhin mong mananatiling malinis at dalisay ang bawat brilyanteng hawak mo. Balang araw, kukunin yan sayo ni Enolla, para ibigay sa mga bagong tagapangalaga ng mga ito. Pero habang hindi pa nakakakita ng karapat dapat na tagapangalaga si Enolla. Protektahan mong maige ang mga brilyante mong hawak. Nandito man ang apat na Heneral ng Zeekan, alam kung may mga makakalusot pa rin sa kanilang pamumuno, kaya mag iingat ka Amethyst. Habang nasasayong pangngalaga ang mga brilyante magpapatuloy ang laban mo.' "Ibubuwis kong aking buhay mapangalagaan lang ang mga brilyante kong hawak Mahal na Bathala. Makakaasa po kayong kaylanman hindi ko hahayaang mapunta ito sa kampon ng kadiliman." Humahangang napangiti naman ng lihim si Zachariah. Hindi sya nagkamali na si Amethyst ang kanyang pinili para maging tagapangalaga ng apat nyang brilyante. "Bilang gantimpala sa iyong katapatan sakin.. May magbabalik sayong buhay, sya ang magbibigay sayo ng bagong pag asa, bagong simula, kalayaan at kaligayahan habang buhay. Wag ka ng magpaalipin sa madilim mong nakaraan Amethyst... Lakbayin mo ang hangganan ng langit patungo sa liwanag ng iyong buhay.." Dahil sa kanyang narinig, tila may kamay na humaplos sa nakakadenang puso ni Amethyst, ramdam nyang ginhawa ng biglang lumaya ang kanyang puso mula sa pagkakakulong nito sa madilim nyang nakaraan. Napangiti sya't itinapat ang kanang kamay sa kanyang dibdib, kung saan ang kanyang puso ay mabilis ang pagtibok. "Maraming salamat Mahal na Bathalang Zachariah! Maraming... maraming salamat po!" Hindi na napigilan pa ni Amethyst ang mga luhang mabilis na dumaloy sa kanyang magkabilang pisngi. Napayuko sya't dinama ang kaiga igayang kaligayahan na kanyang nararamdaman sa mga oras na yun. 'Salamat... Bathalang Zachariah, napakabuti nyo...' Bulong ng kanyang puso't isipan. Sa muling pag angat ng kanyang tingin sa Dakilang Bathalang Zachariah. wala na ito sa dating pwesto. Huminga ng malalim si Amethyst saka pinahid ang kanyang mga luha. Pinalibot nya sa buong paligid ang tingin, napangiti na lang sya ng makita na ang lahat ay bumalik sa dati, na tila ba walang digmaan na naganap dun kanina. Tumingin sya sa kalangitan, ilang minuto rin syang ganun bago ipinikit ang kanyang mga mata saka sya naglaho. ?? Buhay na buhay ang Kaharian ng Umbra, dalawang buwan na ang lumipas matapos ang madugong digmaan sa Mereditha. Tila nga nakalimutan na ng lahat ang pangyayaring yun, lalo na't katatapos lang ng pag iisang dibdib ni Onyx at Prinsesa Alitaptap. Pero may dina pinagkakasunduan ang dalawa. "Mahal, sabi ko naman sayo mas makabubuti kung dito na lang tayo manirahan sa Palasyo, wag na lang doon sa Palasyo mo sa kagubatan." "Tinututulan mo bang pasya ko, ha! Onyx?" Naniningkit ang mga mata ni Alitaptap ng bumaling ang tingin nito kay Onyx, na napahilamos naman ng mukha dahil sa prustrasyong nararamdaman nito. "Eh Mahal, hindi naman sa tumututol ako sa pasya mo, ang sakin lang naman, baka pwedeng dito na lang ta - " "Hmp! Bahala ka sa buhay mo!" At bigla na lang naglaho si Alitaptap. "Kaibigan! Masamang pangitain yan. Hahaha." "Tigilan mo ako Dwarf, baka ilibing kita ng buhay kapag lalo mong pinainit ang ulo ko." Nayakap naman bigla ni Dwarf ang sarili sabay sabing.. "Whoo... Natatakot na ako sa banta mo, ngayon pa lang Onyx, hahaha." "Eh, bakit ba kasi ayaw mong manirahan dun sa Palasyo nya sa kagubatan ha?" Si Euri na tinapik pang braso ni Onyx. "Ayoko nga! Nakalimutan nyo na bang nakatira din doon si Tinder o Cassiel ha?" "Eh, ano naman! Mabait naman si Cassiel ah, este Tinder pala." Singit na naman ni Dwarf na nakangisi pa sa dalawa. "Hindi sya mabait, akala mo lang yun na mabait sya, pero ang totoo salbahe kaya sya." "Bakit, may ginawa ba syang dimo nagustuhan o nakasakit sayo?" "Marami na Euri. Lagi kaya nila akong pinagkakaisahan at pinaparusahan ni Alitaptap." "Ibig mo bang sabihin, na ang mga pasa at sugat mo sa katawan ay gawa nung dalawang yun ha?" Ng hindi sumagot si Onyx, nagkatinginan na lang sila Dwarf at Euri. Eh, pare pareho lang naman pala sila ng kapalaran, kasi ganun din ang buhay ng dalawa, walang pinagkaiba sa buhay ngayon ni Onyx. "Happy wife.. Happy life! Alam nyo ba yun o hindi?" Sabay na napalingon ang tatlong kabalyero sa nagsalita. Papalapit sa kanila ang tatlong tagalupa na sina Eruto, Brent at Gaelan. ang mga Kabiyak ng mga diwatang sila Heneral Ixeo na ang gamit na katauhan sa mundo ng mga tao ay Candy Mur, na napangasawa ni Eruto Dryad, isang secret assassin agent ng Hainsha Organization. Ang diwatang puting mangkukulam na si Alex, na ang gamit na katauhan sa mundo ng mga tao ay Alexis Martinez, na napangasawa naman ni Brent Red, na isa namang Tracker at Doctor ng Hainsha Organization. Si Amber na tagaulat ng palasyong Umbra na isang diwatang puting mangkukulam at may lahing bampira, na napangasawa naman ni Gaelan Ablan, isang sniper ng Hainsha Organization. Nakiupo na rin ang tatlong tagalupa sa mesang kinauupuan ng tatlong kabalyerong mandirigma. "Ano naman yun?" Naguguluhang tanong ni Onyx kay Brent. "Simple lang kaibigan, ibig sabihin lang nun ay kapa-- " "Ops! Ako ng magpapaliwanag sa kanya Brent, ayos lang ba?" Sabi pa ni Dwarf na kumindat pa ng may kahulugan kay Brent, na napatawa na lang ng maunawaan ang nais nyang ipabatid dito. "Onyx, ang ibig sabihin ni Brent, kapag masaya si Alitaptap, magiging masaya rin ang buhay mo." "Ganun bang ibig sabihin nun? Parang hindi naman yata." May pagdududang tinitigan ni Onyx si Dwarf na kaagad bumaling ng tingin sa tatlong tagalupa. Na tila nanghihingi ng suporta sa tatlo. "Yun na ngang ibig sabihin nun, kaibigang Onyx." Sabi naman ni Eruto na may ngiti sa kanyang labi. "Kita mo naman siguro kung anong ginagawa ko, para lang mapasaya si Draca diba? Kaya ganun na rin ang gawin mo para magtagal ang pagsasama nyo ni Prinsesa Alitaptap." Sabi naman ni Euri. "Syanga naman Onyx, kita mo si Prinsesa Ayana? Palaging masaya, kasi lahat ng gusto nya sinusunod ko ng walang reklamo. Kaya masaya na rin ako, kasi kasama kong mahal ko." Ani Dwarf. "Pare pareho lang naman ang mga diwatang minamahal natin, kaya imbes na mawala sila sa piling natin, mas makabubuting sundin at pagbigyan na lang natin sila. Para walang away at problema." Sabi naman ni Gaelan, na mas malala pang nararanasang hirap sa asawang si Amber. Ikaw ba naman maging asawa ng isang mangkukulam na nga bampira pa. disaster talaga ang pang araw araw na buhay nya. Pero kahit minsan hindi sya nag reklamo kasi mahal na mahal nya si Amber kahit palagi sya nitong pinaglalaruan at sinasaktan. "Onyx!" Biglang napatayo ang anim at yumukod ng makita si Reyna Amethyst, may kasama itong isang babae at lalaking engkanto na ngayon lang nila nakita dito sa Umbra. At nasa likuran din ng mga ito ang Ama ni Onyx na si Heneral Axel. "Maaliwalas na araw, Kamahalan!" Bati nilang lahat. "Onyx, nais kong ipakilala sayo sina Scorche at Pheme. Sila ang totoo mong mga magulang." Anang Reyna Amethyst. Naguguluhang napasulyap si Onyx sa kanyang Ama na si Axel. Tumango ito saka masuyong ngumiti sa kanya. "Mga kaibigan ko sila Onyx, at para lubos mong maunawaan ang mga sinasabi ko, ipapakita ko sayo ang buong pangyayari mula pa nung bata kapa." Ikinumpas ni Amethyst ang hawak na tungkod, kasabay nun ang paglitaw ng puting usok na unti unting nagkalinaw, nakikita nilang buong kaganapan mula sa tumatakbong mag asawa na may kargang sanggol, habang tunutugis ng mga kabalyerong mandirigma ng kahariang Umbra sa pamumuno ni Heneral Axel. Ang pagkamatay ng mag asawang Didosaur. Ang pagkupkop ni Heneral Axel sa sanggol na dala dala ng mag asawang Scorche at Pheme. Hanggang sa malinaw ng lahat at naintindihan na ni Onyx kung sino ang kanyang kaharap ngayon na parehong tumatangis habang nakatingin sa kanya. "K-- kayo ang mga tunay kong mga magulang..." Napabuga pa ng hangin si Onyx para pakalmahin ang kanyang sarili. "Wooh.. Nakakatuwa naman, tatlo na kayong mga magulang ko ngayon!." "A-- Anak! Sabay na sambit pa ng magkabiyak. Nilapitan nyang mag asawa saka mahigpit na niyakap. Napaluha na rin sya ng maramdaman ang kakaibang kaligayahan at saya habang yakap ang kanyang tunay na mga magulang. Nahagip ng kanyang paningin si Heneral Axel, di nakaligtas sa matalas nyang mga mata ang pagkusot nito sa mga mata, suminghot din ito kaya tiyak ni Onyx na umiiyak na rin ang kinikilala nyang Ama. Ang napakabait nyang Ama na nagpalaki ng maayos sa kanya. Bumitaw sya sa pagkakayakap sa kanyang Ama at Ina, matapos halikan sa noo ang mga ito, nilapitan nya ang Heneral Axel na malapad ang pagkakangiti sa kanya. Napahinto sya sa paghakbang ng marinig ang boses ni Scorche. "Salamat Anak, napakabuti mo, mapalad kami dahil sa mabuting kamay ka napunta.. Salamat Heneral Axel, sa lahat lahat." Napangiti na lang si Onyx sa sinabing yun ng kanyang tunay na Ama. "Si Onyx, ang nagbigay ng kulay at kaligayahan sa buhay ko. Wala akong pinagsisisihan sa lahat ng nangyari sakin habang kasama kong anak nyo. Salamat din sa inyong dalawa, dahil sa anak nyo, marami akong natutunan at nalaman saking buhay." Sumaludo pang Heneral Axel sa mag asawa. Saka bumaling ng tingin kay Onyx. "Ama! mahal na mahal ko po kayo, walang magbabago sa pagitan nating dalawa, kahit na nakilala ko ng totoo kong mga magulang. Ama ko pa rin kayo, sa isip at puso ko, mananatili kayo dito." Mahigpit silang nagyakapang dalawa, at ng mapabitiw sa isa't isa ay nagtapikan naman ng balikat. "Tama ng drama! Mag inuman naman tayo bago dumating ang mga impaktang nagpapahirap sating buhay!" Sabi naman ni Dwarf na may hawak ng dalawang bote ng alak na dala nila Eruto, Brent at Gaelan. Sinalinan nitong mga kopetang walang laman na nakahilera lang sa mesang kinauupuan ng mga ito. Nagsiupuan na rin sila Onyx, Heneral Axel, Scorche at Pheme. "Masaya itoooo...! Sige inom lang tayo mga kaibigan.. iwaksi ang hiyang nararamdaman, ito ang gabi ng kaligayahan at syempre higit sa lahat ang kalayaan, dahil walang mga impaktang nakakalat kahit saan." Sabi naman ni Euri habang nilalantakan ang nilutong lechon ng mag asawang Gardo at Selya. Ang mga tagalupang magulang ni Prinsesa Ayana. "Cheers!" Sigaw ni Brent na itinaas pang kopita na hawak. "Cheers!" Panggagaya namang sigaw nila Dwarf, Euri at Onyx. Na ginaya na rin nila Heneral Axel, Scorche at Pheme. Wala pa sa kalahati ang pagsasaya nilang lahat ng dumating ang anim na mga diwatang asawa nila. "Nakuuu! Nalintikan na... Ke agang pagtatapos naman ng kasiyahang ito." Bulong pa ni Dwarf na ikinatawa na lang ng mga kasamahan nya sa mesa. "Eruto! tara ng umuwi at nag iiyak na si Wisdom, nahihirapang mag alaga si Sundae, kawawa naman ang kaibigan natin, baka gawin syang palaka ng anak mong sutil." Nagmamadaling tumalikod na si Heneral Ixeo. "Panu, mga kaibigan? Mauuna nakong umuwi sa inyo, at baka mapuno na naman ng palaka ang bahay namin kapag hindi napatahan ni Sundae ang anak ko. tsk.. kung bakit naman kasi hindi pa sakin nagmana ang batang yun eh!" Napapabuntong hininga na lang si Eruto habang sinusundan ang kanyang asawa. "Ikaw, Brent! Anupang hinihintay mo dyan, hanapin mo na si Chitney, uuwi na tayo, dalian mo! ayokong pinaghihintay mo pa ako." Nakapamewang namang sita ni Alex sa asawang kakagat pa sana ng lechong baboy. "Ito na nga po! Hahanapin ko na nga pong Anak natin.. Wag ka ng high blood dyan, kalma lang mahal, okey!" Hinalikan pa nyang noo ng asawa, bago umalis, ng medyo malayo na sya sa asawa, nilingon pa nyang mga kainuman. "Happy wife! Happy life!" Sabay sabay pang sabi ng mga ito kay Brent, na nag thumbs up naman sa kanila. "Gaelan!" Yun pa lang ang nasabi ni Amber, tumayo na kaagad si Gaelan. Magalang itong yumukod sa mga kasamahan nya sa mesa saka nilapitan ang asawang buntis at masuyong hinalikan ito sa noo. "Tara ng umuwi, Mahal. Bawal sayong magpuyat remember? Makakasama yan sa anak natin." Kumaway pa si Gaelan sa mga kainuman bago pa sila naglaho ng kanyang asawa. Napapalatak namang napatayo na rin sila Euri at Dwarf. "Uwi na rin kami, ipagpatuloy nyu lang ang pagsasaya dito ha! Iinom nyo na lang kami.. hehe." Ani Dwarf na kaagad lumapit kay Prinsesa Ayana na nakataas pa rin ang kilay. "Tara na Mahal ko, uwi na tayo." Inakbayan pa nyang asawa na ni hindi man lang nabago ang reaksyon ng mukha nito. Batid na ni Dwarf ang mangyayari sa kanya oras na makauwi silang dalawa. Dahil sa kakaibang paglilihi ni Ayana. Kalbaryo ang buhay na dinaranas nya araw araw.. Hiling nya lang na sana pag nakapanganak na ito, ay bumalik ng dating pag uugali nitong malambing at mapagmahal. "Draca! Bukas, sa bahay na kayo magtanghalian ni Euri ha! Magluluto daw si Dwarf ng paborito mong pagkain." Palihim na nagsulyapan naman si Euri at Dwarf. Parehong napangiwi sa narinig na usapan ng kanilang mga asawa. Isa lang kasi ang ibig sabihin nun, kawawain na naman sila ng dalawang impakta bukas. "Oo ba! Salamat sa imbitasyon Prinsesa Ayana. Paalam." Saka naglaho na ang mag asawang Euri at Draca. Napapangiwi na lang si Dwarf na malalim ang iniisip. 'Ano naman kayang lulutuin ko sa impaktang Draca na yun? Hmm.. Nakawin ko kayang mga itlog ni Draco sa pugad, saka gawing sopas.. masustansya na.. malinamnam pa.. harharhar." Samantalang si Onyx naman hanggang sa mga sandaling ito ay dipa rin makapagpasya kung anong dapat gawin para makumbinsi nyang asawa na dito na lang sa palasyo ng Umbra manirahan at wag na dun sa palasyo nito sa kakahuyan. Naiilang talaga kasi sya kay Tinder. "Onyx, Anak! Uuwi na kami ng yung Ama sa Didosaur. Sasama kaba samin o mananatili ka dito sa Umbra?" Tanong ni Pheme sa kanyang Anak na kanina pa tahimik. "Dito na lang po ako Ina, papasyal na lang po ako dun sa inyo, isasama ko po si Alitaptap, pangako!" Napangiti na lang ang kanyang Ina, hinaplos nitong kanyang buhok saka hinalikan sya nito sa nuo. "Basta masaya ka anak, masaya na rin kami ng Ama mo, tandaan mo yan." Niyakap nyang Ama't Ina. Nagpaalam na rin ang mga ito kay Heneral Axel, bago magkaagapay na naglakad palabas ng Palasyo. "Anak, kung saan mo gustong manirahan, malaya kang mamili ng tahanan na sa tingin mo magiging komportable ka't masaya. Pero, lagi mong tatandaan na bukas pa rin ang ating tahanan para sayo Anak." "Salamat po Ama, napakabuti nyo po sakin. Maswerte ako kasi kayo ang ibinigay ni Bathala para mag alaga sakin. Hinding hindi na magbabago pa ang pagmamahal at respeto ko sayo Ama. Maraming salamat po" Inabot ng Heneral ang dalawang malinis na kopita saka sinalinan ng alak na dala pa nila Eruto. Ibinigay nyang isa kay Onyx, na nakangiti naman at iiling iling. "Cheers!" Sabay pa nilang sabi saka sabay ding napatawa matapos maubos ang laman ng kopitang hawak. Natigil lang ang tawanan nila ng marinig ang boses ni Alitaptap. "Onyx!" Tinapik ni Axel ang balikat ng Anak, saka nagpaalam na uuwi na. "Oh! Mahal, saan ka ba galing ha? Pinag alala mo ako, alam mo ba yun ha?" "Sa Palasyo dun sa kakahuyan." "Ahh! Gusto mo ba talagang dun tayo tumira? Kasi kung dun mo gusto, sige, payag na akong dun tayo manirahan." Umiling si Alitaptap, bigla nitong niyakap si Onyx na halatang nagulat sa kanyang ginawa. "Mahal, may nangyari ba sayo dun sa kagubatan?" "Wala naman.. Doon na lang tayo tumira sa inyo Onyx, para may kasama si Heneral Axel, gusto mo ba?" Mabilis ang pagtango ni Onyx pagkarinig sa sinabi ni Alitaptap. Tila pumapalakpak ang kanyang tenga, dahil kung tutuusin, kung sya lang ang magpapasya gustong gusto nyang dun sila manirahan sa tahanan ng kanyang Amang si Heneral Axel. Mas komportable kasi sya kapag ang kinilalang Ama ang kasa kasama. "Abay oo naman, gustong gusto ko yun, Mahal. Mabuti naman naisip mo yun, siguradong matutuwa nito si Ama." "Tara na! uwi na tayo sa inyo, pagod nako, gusto ko ng magpahinga." "Masusunod po, mahal kong Prinsesa Alitaptap, tayo na po." Natatawang kumapit sa braso ni Onyx si Alitaptap. Ang totoo nyan, gustong gusto nya talagang manirahan sa kanyang Palasyo sa kagubatan.. Kaso pagdating nya dun kanina ay nandun si Tinder ay Cassiel pala. Kasama nito si Lorsan at isang diwatang sugatan.. Nasilip pa nyang likod ng diwata, ang sugat nito ay napakalaki na tila ba may tinanggal na bahagi sa kanyang likod.. Hula nga nya ay pakpak nito ang tinanggal kaya ganun na lang ang pagdurugo nito. Aligaga pa nga yung dalawa kakaasikaso sa sugatang diwata at ni hindi man lang napansin ng mga ito ang kanyang pagdating. Kaya naisipan na lang nyang umalis at iwan ang dalawa dun, pero bago pa sya nakalabas ng pintuan narinig pa nyang boses ni Cassiel. "Lorsan! Sunduin mo na kaya si Tiya Diamond, dalian mo na para malapatan ng tamang gamot si Tiya Cassiel." "Sige, dito ka lang, babalik din ako kaagad ha!" Sapat ng narinig ni Alitaptap para lisanin na nya kaagad ang Palasyong yun. 'Tiya Cassiel? Di kaya sya yung tumulong kay Ina, noong mabihag ito ng mga itim na Anghel? Sya kaya yung Heneral Cassiel na kasama ni Heneral Demsie?' Napakurap ng kanyang mga mata si Alitaptap ng marinig ang boses ni Onyx. "Mahal kita, mula pa noong bata ka!" "Talaga! Kelan yun?" Nakangiting hinila hila pa ni Alitaptap ang mga daliri ni Onyx. "Noong makita kitang nakasiksik sa malaking paso ng bulaklak, nakuha mo ng atensyon ko nun." "Ngee.. Butete pako nun eh! hahaha." Biglang namula pang pisngi nito. "Buteteng napakaganda saking paningin, mahal ko." Nagniningning ang mga mata ni Onyx na nakatingin kay Alitaptap. "Kaya mas lalo pa kitang minamahal eh! Kasi, palagi kang tapat sakin.. Mahal din kita, kabalyero ng buhay ko." "Mas mahal na mahal kita Prinsesa Alitaptap ng buhay ko." Ang makita syang masaya, kaylaking ginhawa ng aking nadarama. Yung mga simpleng bagay kasi Yung mag papasaya sa kanya.. Para pasayahin ang Prinsesa Alitaptap, hindi na kailangang gumawa kapa ng nakakalokong bagay para lang mapangiti sya. Kasi sa totoo lang, hindi naman mahalaga sa kanya kung nakatanggap ba siya ng bulaklak o kung anupamang bagay. Ang gusto lang niya ay mapatunayan mo na seryoso ka talaga na siya lang yung mamahalin mo. I-kwento mo sa kanya yung mga panaginip mo, i-kwento mo sa kanya kung bakit napagalitan ka sa tahanan nyo, i-kwento mo sa kanya yung paborito mong puntahan o pahingahan, makikinig siya sayo kahit sobrang haba pa ng kwento mo. Ipagmalaki mo din siya sa mga kaibigan mo, na kahit moody at palautos yun, na kahit minsan natatarayan ka nun, siya pa din yung pipiliin at gugustuhin mong mahalin. Ibigay mo lang sa kanya yung buong pagmamahal mo at ibibigay niya din ng buong buo ang pagmamahal niya sayo. Ganyan lang kababaw ang kaligayahan ng Prinsesang minamahal nya ng totoo. At habang nakatayo sya sa harap ni Alitaptap na malapad ang pagkakangiti sa kanya. Naisip nyang tama lang na naghintay sya sa pagbabalik nito, na hindi sya sumuko kahit ilang taon man sila bago ulit nagkita. Nag umpisa man sila sa lihim na pagtitinginan naging sila parin sa huli ang nagkatuluyan. Kasi sa Pag-ibig, hindi kailangan minamadali o kaya pinipilit ang isang bagay na imposible pang mangyari sa kasalukuyang panahon. Sabi nga nila kapag nagmahal ka, dapat matuto kang maghintay at magkaroon ng mahabang pasensya, para sa mga haharapin mong sitwasyon ng magiging karelasyon mo o sa diwatang iibigin mo at magiging parte ng puso at buhay mo. ? THE END ? ?MahikaNiAyana

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD