☘Synopsis

466 Words
Isang Prinsesa ng Umbra si Alitaptap, makulit, mapaglaro at pasaway. Kung saan saan ito nakakarating sa paglalakbay,, mga paro paro ni Urduja lagi nyang kasabay, minsan mga gagamba naman ni Ayana ang kanyang kaagapay... Nakababatang kapatid sya ni Ayana red fairy, may sarili syang kaharian na kanyang itinatag katuwang si Tinder, Isang ligaw na diwatang salamangkera. Pero mas gusto pa rin nyang sa labas lagi mamalagi, nakakatulog kahit saan saang tabi... Simple lang ang kanyang mga katangian, pero malakas ang kanyang taglay na kapangyarihan, pag nakuha mong ugali nya dimo sya makakalimutan, sa kakaibang pagpapahalaga nya sa kahit na sinuman. Sa pakikipag laban di siya nag iisa, basta't nasa panganib naglalabasan mga mababagsik niyang alaga, kung si Ayana kakampi mga gagamba, itong si Alitaptap naman mga bubuyog ang kasa kasama... Alitaptap, tahimik pero matinik, mapagmahal pero malupit, kapag nasaktan matindi ang kapalit, kaya maraming ilag at sa kanya'y takot na lumapit. Pero may isang kabalyero syang itinatangi, na simula pagkabata nya palagi ng nasa kanyang tabi, nagkahiwalay lang sila ng landas dahil sa kaparusahang ipinataw sa kanya ng Ina nyang Reyna.. Sa Fairyland sya namalagi at dun na rin lumaki. Sa kanyang paglaya mula sa pagbabantay at paggabay ni Mother Golden Fairy. Ikinasasabik nyang makitang muli ang kabalyerong mandirigma na si Onyx.. Ang tanong... Malaya pa kaya ito? Magkakaroon ba ng katuparan ang matagal na nyang minimithi.. Magkakaroon pa ba sya ng pagkakataon para iparamdam kay Onyx ang kanyang lihim na pagtingin dito? Matikas at matapat na alagad si Onyx ng kahariang Umbra. Pinuno ng sandatahang tagapagligtas ng palasyo nila, Gagawin ang lahat maprotektahan ang Hari at Reyna. May lihim na pagtingin kay Prinsesa Alitaptap, nakababatang kapatid ni Prinsesa Ayana... Isang tapat at tunay siyang kaibigan, madalang man magkita pero presensiya nya'y iyong mararamdaman. Pag may kaguluhan handa ka nyang ipaglaban, Hinaharap ang pagsubok patuloy na lumalaban. Mahirap siyang tanggihan dahil sa kababaang loob na taglay nyang katangian, di rin siya madaling kalimutan, dahil ang pakikisama niyay tatatak sayong puso't isipan. Tahimik at simple lang, pero pag nakasama mo na siya'y iyong hahangaan. Maswerte ka kapag iyong natuklasan ang tunay niyang katauhan... Sa tuwing siya'y nag iisa , lagi niyang binabalikan ang nakaraan nila ni Alitaptap sa kanyang alaala, kung paano niya ito nililigtas at inalagaang mabuti. Dahil sa madalas nitong paglabag sa kautusan ng Inang Reyna, sya'y napatawan ng kaparusahan at dun nanatili sa Fairyland hanggang sa maging ganap na itong dalaga.. nagkahiway man ang landas nilang dalawa. Hindi ito naging hadlang para makalimutan niya ang diwatang nagpatibok sa pihikang puso niya... Umaasa siyang balang araw magkikita rin ulit sila, sa tamang panahon at pagkakataon sila'y magkakasama, ng maipaalam at maiparamdam niyang lihim na pagtingin nya sa Prinsesa, at ng magkaroon rin ng happy ending ang pag iibigan nila. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD