THE EIGHTH b****y MARY: Obstruct

1602 Words
THE EIGHTH b****y MARY: Obstruct    “Kinuha mo na ang buhay ko kaya hindi na ako matatakot pang mamatay.”               WALA ng matatakbuhan pa si Emma. Isang maling kilos lang niya ay paniguradong laglag siya sa ibaba na maaari niyang ikamatay. May pitong palapag ang gusali kaya walang ligtas ang sinumang magtatangkang tumalon dito.             Nalulula siya sa taas ng gusali na dumagdag pa sa takot na kanyang nararamdaman. Limang dipa na lang ang layo nila sa isa’t-isa. Wala na siyang kawala at hindi na siya makakaligtas pa sa galit na dala ng babaeng duguan.             “Maawa ka para sa anak ko. Please,” pagsusumamo niya habang patuloy sa pagdaloy ang kanyang luha sa mata. “Inosente siya. Wala siyang ginawang masaya sa’yo.”             “Ang sinumang konektado sa inyo ay dapat ring mamatay. Dahil kung hindi sa kanila, hindi mabubuhay ang mga demonyong tulad niyo! MAMAMATAY KA NA!” sigaw ng babaeng duguan.             Napapikit na lamang si Emma sa maaari niyang kahantungan. Tatanggapin na lang niya ang kanyang kamatayan nang maluwag. Hinaplos niya ang kanyang tiyan sa huling sandali ng kanyang buhay. Haharapin na niya ang bagay na dapat nawala na sampung taon na ang nakararaan.             Ilang segundo pa ang lumipas ay napansin niyang wala pa ring nangyayari sa kanya. Dahan-dahang idinilat ni Emma ang kanyang mga mata at inilibot sa rooftop. Wala… Wala na ang babaeng duguan sa kanyang harapan.             Paanong nangyari iyon?             Iginala niya pa ang mga mata para mas makasiguro na wala na nga ang babaeng duguan. Napaisip na lang si Emma at agad na lumuha. Naalala niya ang sinabi sa kanya ni Manuel bago ito nawala sa kanyang paningin.             “Gawin na natin ang pinapagawa ni Manong Todyo para matigil na ito.” Iyon ang huling mga kataga na narinig niya mula kay Manuel.             Wala na siyang magawa dahil huli na ang lahat. Buhay din ang kapalit ng isa pang buhay upang siya ay maligtas.Pero hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na buhay pa si Manuel. Sana lang talaga ay mali ang kanyang hula.   ***               NAGISING mula sa mahimbing na pagkakatulog si Celina likha ng ingay sa labas. Naririndi siya sa mga tili at sigaw ng tao sa labas na animo’y bakas sa kanilang sigaw ang takot.             “Ano bang meron sa labas?” tanong niya sa sarili na may pagtataka.             Agad na hinanap ng kanyang mga mata ang kanyang ina. Nang hindi mahanap ay agad siyang lumabas ng kwarto upang magtanong-tanong. Nakasalubong niya ang isang nurse na halatang taranta sa mga nangyayari sa labas.             “Miss, ano pong meron?” tanong niya sa nurse na bakas sa mukha ang sobrang pagkatakot.             “M-may… tao po kasi sa r-rooftop. MAGPAPAKAMATAY!” nanginginig na sabi nito. Matapos ‘yon ay umalis kaagad ang nurse at nagtungo sa labas ng gusali.             Nabalutan ng takot ang buo niyang katawan sa narinig. Sino namang baliw ang magpapakamatay at sasayangin ang kanyang buhay samantalang maraming tao ang gumagasta lang upang mas mapatagal ang buhay?             “Kung pwede lang sana ibigay ang buhay. Sana lang talaga,” mahina niyang sabi sa sarili.             Pumunta siya sa bintana para tingnan kung nandoon ang kanyang ina sa labas. Puno ng mga usisero ang labas ng ospital. Lahat sila ay nakatingin sa taas na tila may pinapanuod na palabas. Hindi niya makita ang kanyang ina roon dahil na rin sa kumpol na tao.             Tumingala si Celina upang tingnan ang bagay na tinitingnan ng mga tao. Isang katawan ang biglang nalaglag mula sa taas na ikinabigla niya. Nanlaki ang mga mata niya at nanigas ang kanyang mga tuhod dahil sa pagkagulat.             Kitang-kita ng dalawa niyang mga mata mula sa ibaba ang isang duguang tao na nahulog mula sa taas at ngayon ay nakahandusay. Naliligo ito sa sarili nitong dugo. Umalingawngaw sa buong ospital ang mga tili ng mga taong nakasaksi sa pangyayari.              Napaupo siya sa sahig dahil sa sobrang pagkabigla. Nang mahimasmasan ay dali-daling lumabas sa ospital si Celina upang tingnan kung sino ang nagpakamatay. Napapaligiran ng maraming tao ang bangkay kaya hindi magawang makasingit ng dalaga.             “Excuse me po,” pakiusap niya sa mga taong nakaharang upang mahawi ang kumpol ng tao.             Nakita na lamang niya na isinasakay na ang bangkay sa loob ng ambulansya upang ihatid sa punerarya. Hindi pa rin niya makumpirma ang taong nagpakamatay dahil natatakluban na ito ng puting tela na halos magpula dahil sa dami ng dugo na nagmantsa rito.             Nang makaalis na ang ambulansya ay nagsialisan na rin ang mga usisero. Patuloy pa rin ang bulung-bulungan sa nangyari kaninang insidente.             “Kawawa naman ‘yon no’. Ano kayang problema niya at nagawang magpakamatay? Siguro ay hindi na kinayang maghirap,” sabi ng isang usiserang nurse. Patuloy lang sa pakikinig sa usapan si Celina upang makasagap ng balita.             “Aba malay ko. Pero ‘di ba siya‘yong ina ng singer na naka-confine dito ngayon? Siguro kasi nag-aadik na ‘yong anak kaya ganyan,” sabi pa no’ng isang nurse. Biglang nanlaki ang mga mata ni Celina sa narinig. Hindi kaya…             “Miss, sino po ba ‘yong nagpakamatay?!” tarantang tanong ni Celina sa dalawang nurse. Hindi na niya inisip na magalit dahil sa takot sa maaari niyang malaman.             “Ahh… Ehhh…” nauutal na sabi no’ng isa.             “Sabihin niyo na, please,” pagmamakaawa niya habang hawak-hawak ang balikat ng isang nurse.             “Sa pagkakaalam ko, siya po ‘yong mommy niyo.” Tila napako sa kanyang kinatatayuan si Celina nang marinig ang mga katagang iyon.             Paulit-ulit niya iyong naririnig sa kanyang tainga hanggang sa mag-sink in sa kanyang utak. Sa bawat pag-uulit nito ay siya namang katumabas ng luha na umaagos mula sa kanyang mga mata dahil ang taong kanyang naging sandigan sa matagal na panahon ay wala na.             Ang lubos na hindi matanggap ni Celina ay ang nagawa nitong magpakamatay nang walang sapat na rason. Hindi maaaring nag-suicide ang kanyang ina. Kilala niya ang kanyang ina kaya maaaring may pumatay rito.             Pakiramdam niya ay kilala na niya ang taong pumatay sa kanyang ina. Hindi siya maaaring magkamali.             “Maghihiganti ako sa taong gumawa nito,” galit niyang sabi. “Kinuha mo na ang buhay ko kaya hindi na ako matatakot pang mamatay.”   ***               HINDI pa rin tuluyang magaling ang mga sugat ni April dahil sa mga nangyari. Sa tuwing hahawakan niya ang kanyang mukha, hindi niya maiwasan ang lumuha. Ang tanging naging puhunan niya sa karerang kanyang tinahak ay nasira na.             Pinagmamasdan niya ang puting kisame ng ospital. Bukas ang ilaw pero sa tingin niya, kahit na bukas ito ay hindi pa rin siya nakakasigurong ligtas siya. Mananatili ang kadiliman at kahit na kailan ay hindi mawawala.             Tulad ng isang tao na nakatayo sa tirik na araw. Kahit na sabihing ang paligid niya ay maliwanag, hindi pa rin maaalis ang aninong nakadikit sa kanya. Mananatili iyon hanggang sa lumaki sa pagsapit ng gabi.             “b****y Mary…” mahinang sambit niya.             Naaalala pa rin niya kung paano kinitil nito ang buhay ng kanyang kaibigang si Nadine. Nakakapanghilakbot ang senaryong nasaksihan ng dalawa niyang mata. Sariwa pa rin sa kanyang pandinig ang mga palahaw na sigaw ni Nadine habang humihingi ng tulong.             Umihip nang malakas ang hangin dahilan upang tangayin ang kurtina. Hindi naman magawang makatayo ni April upang isara ang bintana dahil sa masamang kondisyon ng kanyang katawan. Sa bawat pag-ihip ay may kakaibang lamig na nanunuot sa kanyang balat kahit na siya ay nakakumot.             Pakiramdam niya ay may kakaiba na naman sa paligid.             “April…” rinig niyang sabi. Tila kilala niya kung kanino galing ang boses na iyon, mula iyon kay Nadine!             Narinig niya ang dahan-dahang pag-ingit ng pinto. Sinilip niya kung may tao bang papasok ngunit wala. Tanging isang itim na plastig bag lang ang naroon sa labas na sa palagay niya ay basura ang laman.             Nasindak siya nang biglang gumalaw ang laman ng plastic. Mariing tinitigan lang ni April ang plastic habang hinihintay na may lumabas mula roon. Unti-unti ng nasisira ang plastic at isang kamay mula roon ang lumabas.             Nangangatog naman na napaatras sa kanyang higaan si April. Unti-unti pa’y lumalabas ang isang ulo mula roon. Nanlaki ang mga mata niya nang makilala ang babae! Si Nadine! Duguan ang mukha nito dahil sa dugong dumadaloy mula sa mga bilugang mata nito.             Pagapang itong lumalapit kay April habang patuloy sa pagsambit ng kanyang pangalan.             “Lumayo ka! Patay ka na!” sigaw niya dahil sa sobrang takot. Nagtalukbong siya ng kumot upang hindi makita ang nakakapanhilakbot na itsura ng kaibigan. Hindi na niya kakayanin pa ang takot dahil baka anumang oras ay maaari na siyang atakihin sa puso.             Napansin niyang naging tahimik ang paligid. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kumot na nakaharang sa kanyang mukha.             “Wala na,” nasambit niya.             Nakarinig siya ng sutsot sa loob ng kuwarto. Pinakinggan niya iyong mabuti upang malaman kung saan nanggagaling. Isang sutsot pa ang kanyang narinig at nakumpirma niyang sa ibaba ng kama nagmumula ang ingay.             Humawak siya sa gilid ng kama habang ibinababa ang kanyang ulo. Dahan-dahan niyang sinisilip ang ibaba bagama’t alam niya na may hindi siya magandang makikita.             Nadatnan niyang bakante ang ilalim ngunit may nakita siyang dalawang pares ng paa na nakatayo sa kabilang gilid ng kama. Agad siyang tumayo upang tingnan ang kabilang bahagi ng kama ngunit walang siyang nakitang tao roon.             “Okay lang po ba kayo?” Napalingon siya bigla sa taong nagsalita. Laking gulat niya nang makitang nakayakap sa nurse ang lasog-lasog na katawan ni Nadine.             “Aaaaaahhhhh!” malakas niyang tili na halos umalingawngaw sa buong ospital. Agad namang lumapit sa kanya ang nurse upang pakalmahin.             “Miss April, huminahon po kayo,” anito habang patuloy lang sa pagpigil sa pagwawala ni April. Hindi naman maawat sa pagtaboy si April sa nurse. “Doc! Doc!”             Dumating ang doctor ng ospital bitbit ang injection na may pampatulog. Agad nitong tinarakan sa braso si April upang kumalma. Unti-unti ay nagiging mahinahon siya kasabay ang panghihina. Nagdidilim rin ang buo niyang paningin at parang ang paligid niya ay sumasayaw.             “Nadine…” nasambit niyang muli bago nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD