THE TENTH b****y MARY: Exorcism

1754 Words
THE TENTH b****y MARY: Exorcism   “Hindi pa pala ako tapos makipaglaro kay Kamatayan. Nakabaon pa rin ang isa kong paa sa lupa habang hinihintay na tabunan ang buo kong katawan.”               ILANG minuto lang ay dumating kaagad ang mga awtoridad. Agad naman nilang ginalugad at ininspeksyon ang buong gusali upang makatiyak kung may buhay pa sa loob. Halos mabahiran ang mga puting dingding ng gusali dahil sa dami ng dumanak na dugo mula sa mga taong napatay ni Manuel.             Tulala habang nakasakay si Emma sa police car. Pinagmamasdan lang niya ang bawat mga bangkay na isinasakay sa ambulansya at ang ginagawang paggagalugad ng mga pulis sa naturang ospital.             Hindi niya maiwasang maiyak dahil sa dami ng taong nadamay gayong inosente naman ang mga ito at walang kinalaman sa kanilang kasalanan. Mabuti na lang ay kaunti lang ang nadamay sa malawakang pagpatay dahil sa umaga ang duty ng ilan.             Ngunit ang lubos na ikabalisa ni Emma ay ang malamang ang sarili niya mismong asawa ang may kagagawan ng malawakang pagpatay sa mga inosenteng biktima.             Nagulat naman si Emma nang biglang may kumatok habang nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip.             “Mrs. Sheen, ayos lang ba kayo?” tanong sa kanya ng isang pulis.             “A-ahh… Oo,” maikli niyang sagot.             “Mabuti ay dalawa pa kayong nakaligtas,” sabi nito.             “Dalawa?” bulalas niya kasabay ang pagkunot ng kanyang noo. Sa pagkakaalam niya kasi ay siya na lang ang natitirang buhay matapos mamatay nina Celina at Manuel mula sa pagkakahulog. “Sino pa po ‘yong isang nakaligtas?”             “Isang lalaki. Walang pagkakakilanlan ang natagpuan sa mga gamit niya. Pero siya ‘yong lalaking natagpuan kasama ng sikat na singer na si Celina Ramirez.”             Nanlalaking matang tinitigan ni Emma ang pulis. Gulat na gulat siya nang marinig na buhay pa ang kanyang asawa gayong mataas ang kinahulugan nito at malayo ang tyansang mabuhay pa. “ Nasaan siya?! Sabihin mo!”             “Relax. Nasa ospital siya ngayon. Malala kasi ang mga sugat na natamo niya kaya dinala kaagad siya sa pinakamalapit na ospital. Mabuti nga ay nakatawag kayo kaagad at nasalba pa ang lalaking iyon,” paliwanag pa ng pulis.             Hindi pa rin makapaniwala si Emma sa nalaman. Hindi rin niya alam ang dapat na maging reaksyon, kung matutuwa ba o matatakot. Marahil ay bahagyang matutuwa dahil buhay pa ang kanyang mahal na asawa ngunit nandoon pa rin ang kanyang takot matapos masaksihan ang brutal nitong pagpatay sa mga kaawa-awang nurse at kay Celina.             Maging ang kanyang sariling kaligtasan ay pinangangambahan din niya dahil baka balikan siya ni Manuel at sa pagkakataong iyon ay mapapatay na siya. Alam niyang may kung anong bagay ang sumanib kay Manuel. Hindi magagawa ng kanyang asawa ang ganoong bagay kaya nakasisiguro siya na hindi si Manuel ang taong iyon.             “Pakibantayan po siya!” maawtoridad niyang sabi.             “H’wag kang mag-alala. May mga pulis siyang kasama,” sagot naman nito na may paniniguro. Nakahinga naman nang maluwag si Emma dahil sa narinig. Hindi niya na nanaisin pa na may madamay dito. Ayaw na niyang may dumanak pang dugo dahil sa kanilang kagagawan.             Nang matapos ang paggagalugad sa buong ospital ay napagdesisyunan na nilang umalis. Dinala muna si Emma sa police station upang magbigay ng statement tungkol sa nangyaring malawakang pagpatay. Matapos iyon ay hinayaan na siya ng buong kapulisan na bisitahin ang kanyang kaibigang si Celina sa morgue.             Nais niya kasing makita ang kaibigan upang bigyan ito ng pasasalamat dahil sa ginawa nitong pagtatanggol sa kanya at sa kanyang anak. Nagpaiwan naman ang mga pulis sa labas ng morgue at doon na lang magbabantay upang bigyang respeto ang kanyang gagawin.             Mag-isa lang siyang pumasok sa loob. Nakakatakot ang atmospera sa loob dahil na rin siguro sa dami ng mga katawang dinala roon, idagdag pa r’yan ang nakakasulasok na amoy ng formalin.             Kitang-kita ni Emma ang mukha ni Celina dahil sa katawan nga lang nito ang tanging natatakpan. Habang nakikita ang kalunos-lunos na sinapit ng kaibigan ay hindi niya mapigilan ang lumuha. Gusto niyang humingi ng tawad dito dahil kung hindi dahil sa kanya ay hindi mangyayari ito sa kanyang kaibigan.             Masakit mawalan ng kaibigan dahil sa kanilang lima, si Celina ang naging pinakamalapit sa kanyang puso. Ito ang tanging tumutulong sa kanya sa panahon na kailangan niya ng karamay. Hindi na niya napigilan pa ang humagulgol habang sinasariwa ang masasaya nilang alaala.             “Celina, maraming salamat sa lahat ng naitulong mo sa akin, ah. Kahit wala akong kapalit na naibibigay sa’yo, patuloy ka pa rin sa pagtulong sa akin,” masayang sabi ni Emma.             “Alam mo ba ‘yong kasabihang, “It’s better to give than to receive”? Minsan tanga lang ‘ata ang naniniwala d’yan kasi bigay ka ng bigay tapos wala ka namang natatanggap. Pero ngayon ko lang napagtanto na sa tuwing magbibigay ako, mas maganda pala ang natatanggap ko. Mas mahal sa materyal na bagay.”             “Ano?”             “Pagkakaibigan, pagmamahal. Mas higit ‘yon kahit sa ano pang material na bagay. Kaya ‘wag mong sabihin na wala kang ibinabalik sa akin na kapalit. Sapat na ang pagiging magkaibigan natin.”             Isa ‘yon sa hindi niya malilimutang pag-uusap nila ni Celina. Sa panahong iyon, nahanap na pala niya ang isang tunay na kaibigan na ituturing siyang hindi iba. Papahalagahan tulad ng isang buto na nagsisimula ng mabuhay bilang isang puno.             Matapos ang ilang minuto ay napagdesisyunan na niyang umuwi upang makapagpahinga na rin. Sa kanyang paglakad palabas ay nakaramdam siya ng kakaibang lamig sa bandang batok dahilan upang siya ay mapahinto. Tila napako ang kanyang mga paa sa kanyang kinatatayuan. Nanginginig ang buo niyang kalamnan dahil sa takot.             “Ano bang nangyayari?” tanong niya sa sarili.              Patuloy lang sa pagsayaw ang mga ilaw. Biglang nakaramdam si Emma na may kung anong bagay na nagalaw sa kanyang likuran. Dahan-dahan niya iyong nilingon at nagulat siya sa kanyang nadatnan!             Tumayo mula sa pagkakahiga ang patay na katawan ni Celina! Matalim nitong tinititigan si Emma at mababakasan ng galit sa mga mata.              Nanlalaki-matang tinitigan lamang ni Emma si Celina habang unti-unti siyang sinasakop ng takot. Dahan-dahan itong lumalapit sa kanya. Hindi niya maigalaw ang kanyang mga binti at maging ang mga kamay niya ay naninigas din dahil sa sobrang kaba.             “Hindi ito totoo! Hindi ito totoo!” paulit-ulit niyang sinasabi upang kumbinsihin ang sarili.              Huminto ito sa kanyang harapan na halos magkadikit na ang kanilang mukha dahil sa sobrang lapit. Nahihintakutan lang na tinitigan ni Emma ang nakakatakot na itsura ng kaibigan.              “Lumayo kaaa!” sigaw niya. Hinawakan nito ang kanyang balikat dahilan upang magtitili siya. Pilit niyang inaalis ang kamay ni Celina sa kanyang balikat. Dahil sa kapabayaan ay bumagsak siya sa sahig kasama si Celina. Pumaibabaw sa kanya ito habang umaagos ang mga sariwang dugo nito sa kanyang damit.             “TULOOOONNNGGG!!” pagsusumamo niya habang diring-diri sa kanyang posisyon.             Naipikit na lamang niya ang kanyang mga mata at nagsimulang magdasal. Sa kanyang pagdilat, napansin niyang iba na ang kanyang paligid. Nakasakay pa rin siya sa police car patungo sa morgue.             “Panaginip?” nasambit na lamang niya habang hinahabol ang kanyang hininga kasabay ang pagpapakawala ng isang malalim na paghinga.             “Okay lang po ba kayo?” tanong sa kanya ng pulis nang makitang balisa siya. “Parang namumutla po kayo?” dagdag pa nito.             “Gusto ng umuwi,” matamlay niyang sabi.             “Pero akala ko ba, dadaan po tayo sa morgue para bisitahin po ang kaibigan niyo?”             “Uuwi na ako!” maawtoridad niyang sabi. Hindi siya mapalagay dahil sa kanyang napaniginipan. Para kasing totoo ang mga nangyari, ang patay-sinding mga ilaw, ang pagbangon ni Celina mula sa higaan nito hanggang sa pagdag-an sa kanya nito.             Agad naman siyang sinunod ng pulis. Iniliko nito ang daan patungo sa bahay ni Emma. Mabilis lang ang magiging daloy ng trapiko dahil gabi na rin naman at wala ng gaanong sasakyan ang dumaraan sa kalsada.             Bumaba na siya sa sasakyan at diri-diretso lang sa paglalakad nang bigla siyang tawagin ng pulis.             “Mrs. Sheen!” tawag nito sa kanya..             Napalingo naman siya dahil dito. “Bakit?”             “Mag-iingat po kayo.” Halata sa boses nito na natatakot dahil sa pangangarag nito.             “Ha?” naguguluhan niyang sbai.             “Napansin ko po kasi kanina na may babae kayong katabi. Nakakatakot ang itsura niya. Hinihimas niya po ang tiyan niyo. Kitang-kita ko po sa rearview ng sasakyan.”             Bigla namang nakaramdam si Emma ng panlalamig. Naging mabilis ang pagtibok ng kanyang puso dahil sa kaba. Nanlalambot ang kanyang mga tuhod dahil sa narinig na halos bumigay na dahil sa takot.             “Hindi ito maaari. Bakit hindi pa ba natatapos ito?” tanong niya sa sarili.             Hindi na siya sumagot pa. Pumasok na lang siya ng bahay at isnara ang pinto. Napasandal siya sa pinto at napaisip.             “Bakit parang may mali?” tanong niya muli sa sarili. Pakiramdam niya ay hindi pa natatapos ang lahat. Kailangan niyang malaman ang kasagutan sa kanyang mga tanong pero paano?             “Hindi pa pala ako tapos makipaglaro kay Kamatayan. Nakabaon pa rin ang isa kong paa sa lupa habang hinihintay na tabunan ang buo kong katawan.”   ***               NAGISING si Manuel sa isang madilim na kwarto. Napansin niya rin ang ilang mga nakatarak sa kanyang karayom. Masakit ang buo niyang katawan na tila nabugbog ng ilang beses. Hindi siya makakilos dahilan upang hindi niya maigalaw ang kanyang katawan.             Iginala niya ang kanyang mga mata pero kadiliman lamang ang kanyang nakikita. Sa huling niyang pagkakatanda ay papunta siya nang mga oras na iyon sa ospital kung nasaan si Celina upang isagawa ang plano. Nagdadalawang-isip pa siya no’n kung gagawin niya ba talaga iyon alang-alang sa kanyang mag-ina.             Bigla siyang nangilabot nang maaalala na isang babaeng duguan at itim ang mga mata ang dahilan ng kanyang pagkakahimatay. Nakakatakot ang babaeng iyon kung tutuusin na animo’y nilalamon ka na kaagad sa tingin pa lamang.             Buong lakas na tumayo si Manuel mula sa kanyang pagkakahiga. Pakiramdam niya ay hindi siya nag-iisa sa kuwarto. Hindi niya makita kung sino pa ang kasama niya dahil sa dilim ng lugar.             Bigla siyang nakarinig na may nagsalita at tinatawag ang kanyang pangalan. Malamig ang boses na iyon na mula sa isang babae.             “Manuel…” Paulit-ulit niya iyong naririnig na tila nanghihikayat na lumapit siya.             Ilang sandali lang ay namukhaan na niya ang taong pinanggagalingan ng boses. “Emma?” sambit niya. Agad niyang tinanggal ang mga karayom na nakatarak sa kanyang braso.             Bigla namang bumukas ang ilaw. Nanlalaki ang kanyang mga mata nang malamang ibang tao pala ang nagsasambit ng kanyang pangalan! Isang babaeng duguan!             Napabalik siya sa pagkakaupo sa kama dahil sa sobrang takot. Nakayuko ang babae sa isang upuan. Hindi niya gaanong maaninag ang mukha nito dahil natatakpan ito ng magulo nitong buhok. Dahan-dahan ay biglang umaangat ang mukha nito at bahagyang naaalis ang mga buhok nito na nakarahang sa kanyang mukha. Nanlalaki ang kanyang mata dahil sa bumungad na mukha ng babae.             “AAAAAAAHHHHHH!!” sigaw niya na umalingawngaw sa apat na pader ng kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD