THE THIRD b****y MARY: Creepy Revenge

1971 Words
THE THIRD b****y MARY: Creepy Revenge   “Handa akong tumakbo kung ito lang ang tanging paraan para mabuhay ako.”               “MAG-READY ka na Celina. Ikaw na ang susunod,” sabi ng isang staff kay Celina.             Lahat ay nagkakagulo sa back stage. Lahat ay abala rin sa kanya-kanya nilang gawain. Hindi dapat sila pumalya dahil isang sikat tulad ni Celina ang magtatanghal. Maraming tao ang manunuod ngayon kaya kailangan din niyang pagbutihin.             Tumingin muna sa salamin si Celina upang tingnan ang kanyang itsura. Napansin niya ang isang kandila na nakapatong sa mesa. Biglang sumagi tuloy sa kanyang isipan ang ginawa nila sampung taon na ang nakararaan.             “Move on na Celina. Tapos na ang pangyayari na ‘yon,” saad niya sa sarili. Nakita niya mula sa salamin ang isang babaeng nakasuot ng itim na belo. Napalingon tuloy siya dahil sa pagtataka kung anong ginagawa ng babae sa backstage. Ngunit sa kanyang paglingon ay wala siyang nakita maliban sa mga taong abala sa pagpreprepara sa pagtatanghal.             Sa muling tingin niya sa salamin ay ganoon na lamang ang kanyang pagkagulat nang makita sa repleksyon na nakaharap sa kanya ang babaeng nakabelo habang nakaangat ang mga kamay nito. Napatayo siya dahil dito at agad na tumingin muli sa kanyang likod.             Nagulat naman sa kanya ang ilang staff dahil sa kanyang inasal. Nakangunot pa ang kanilang mga noo habang hinihintay ang sasabihin ng dalaga.             “Wala ito. Pasensya na kayo,” paghingi niya ng paumanhin at bumalik din sa pagkakaupo.             “Guni-guni? Siguro nga.” Ipinagsawalang-bahala na niya iyon at huminga na lang ng malalim upang makapaghanda.             “And now let us welcome Miss Celina Apostol,” sabi ng host. Nagpakawala ng isang malalim na buntong-hinga sa hangin si Celina upang mabawasan ang kanyang kaba bago humarap sa mga manunuod.             Naglakad na siya papunta sa gitna ng stage. Wala siyang ideya kung gaano karami ang taong nanunuod. Ang tanging alam lang niya ay kailangan niyang galingan para hindi mapahiya. Patay kasi ang ibang ilaw at sa kanya lang nakatutok ang spotlight kaya bawat kilos niya ay mapagmamasdan. Bumuntong-hininga ulit siya upang hindi pangunahan ng kaba.             Sinimulan na niya ang pagkanta. Lahat ay nakikinig lang sa saliw ng kanyang awit. Kahit medyo kabado ay pinaghusayan niya pa lalo.             Nang nasa chorus na siya ng kanta, ang lahat ay nakisabay na sa kanyang awitin. Ang ilan naman ay isinisigaw ang kanyang pangalan na lalo pang nagpalakas sa kanyang loob. Sobrang saya ang ngayo’y kanyang nararamdaman. Dahil para sa kanya, malaman mo lang na may sumusuporta sa’yo, iba na ang feeling.             Iginala niya ang kanyang mga mata sa paligid habang patuloy pa rin sa pagkanta. Nakapukaw sa kanyang tingin ang isang babaeng tahimik na nakaupo lang sa silya nito. Nakayuko ito at nakasuot ng mahabang puting damit at may itim na belo. Tulad na tulad ito ng babaeng nakita niya kanina lang.             Naintriga siya rito. Ang lahat ay nagkakasaya samantalang ito ay tahimik lang na nakaupo.             Natapos na ang kanyang pagtatanghal. Lahat ng tao ay isinisigaw ang kanyang pangalan dahil sa sayang nadama habang pinapanuod si Celina. Masaya siyang nagpaalam sa mga manunuod at taos-pusong nagpasalamat sa mga ito.             Maging ang mga staff sa backstage ay masaya sa naging pagtatanghal dahil sa naging matagumpay ito. Pinalakpakan nila si Celina nang pumasok ito sa backstage. Iniabot naman sa kanya ang isang palumpon ng bulaklak.             “Good job guys! Panigurado na ang pagsikat lalo ni Celina!” masayang sabi ng manager ni Celina.             Tahimik lang na naupo si Celina sa kanyang silya na tila hindi naririnig ang mga pinag-uusapan sa backstage. Lutang ang isipan niya. Marahil ay dala na rin ng pagod dahil sa pagtatanghal na ginawa kaya hindi siya makapagfocus.             “Umuwi na kayo, guys. Maraming salamat sa inyong kooperasyon,” paghingi naman ng pasasalamat ng kanyang manager dahil sa naging magandang resulta ng pagtatanghal.             Isa-isa na nag-ayos ng mga gamit ang mga staff at crew. Tinapik ni Jane, isang staff, si Celina na nagbalik naman sa kanyang ulirat nang mapansin na nakatulala ang dalaga. Nagulat naman siya dahil roon at napabalikwas ng upo.             “Kanina ka pa ‘ata tulala. Ano bang problema? Ang lalim ng iniisip mo, ah. May problema ba?” tanong ni Jane. Kanina pa kasi nito napapansin na tahimik si Celina samantalang ang iba ay nagsasaya sa kanyang tagumpay.             “Wala ito. Masyado lang akong masaya,” pagsisinungaling niya.             “Ganyan pala ang itsura ng masaya. Hmmmm…” pang-aasar naman ni Jane.             “Ano ka ba? ‘Wag mo na akong alalahanin,” sabi niya sabay ngumiti para hindi na mag-alala ang kaibigan.             “Ganoon ba? Sige, mauna na ako. Mag-iingat ka na lang, ah.”             “Mag-iingat ka rin,” aniya.             “Sige, alis na ako. Bye,” pamamaalam ni Jane at saka umalis na.             Umalis na ang lahat maliban kay Celina na naiwan pa rin doon. Naisipan na rin niyang umuwi para makapagpahinga dahil sa sobrang pagod. Gabi na rin kasi at masyadong delikado na para magmaneho sa oras na ito. Kinuha na niya ang kanyang mga gamit at naglakad na papalabas.             Sa kanyang paglabas ay napansin niya ang isang babaeng nakaupo at hindi pa rin naalis kahit tapos na ang pagtatanghal samantalang nagsiuwian na rin ang ibang manunuod. Nagtaka siya kaya’t nilapitan niya ito.             “Miss, hindi pa po ba kayo uuwi? Masyado na pong gabi at tapos na rin po ang pagtatanghal,” sabi niya. Hahawakan na niya sana ang babae nang bigla itong humarap sa kanya. Ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mata nang makita ang mukha nito. Itim ang mga mata at puro dugo ang puting damit nito.             “Aaaaahhhh!” tili niya dahil sa sobrang pagkabigla.             Nagtatatakbo siya sa loob ng coliseum. Nagtungo siya sa dressing room at doon pumasok upang magtago. Dahan-dahan siyang gumapang sa loob at nagtago sa tumpok ng mga nakasampay na costume.             Narinig niya ang pagbukas ng pintuan ngunit wala siyang nakitang paa na pumasok. Naitakip niya ang kanyang mga kamay sa kanyang bibig upang hindi makasigaw. Naluluha na siya sa sobrang takot. Napakalakas ng t***k ng kanyang puso na halos humiwalay na sa sobrang kabog.             “Dinadalaw na ba ako ni Kamatayan?” tanong niya sa sarili. “Handa akong tumakbo kung ito lang ang tanging paraan para mabuhay ako.”             Napansin niyang may kumikiliti sa kanyang tainga. Hinawakan niya iyon at inalis ngunit nagulat siya ng mapag-alamang buhok iyon. Tumingala siya at nakita niya ang babaeng duguan na nakapatiwarik.             “Aaaaaahhhhh!” tila niya at saka siya tumakbo papalabas ng dressing room. Dumaan siya sa fire exit. Takbo lang siya ng takbo. Panay ang tingin niya sa likod kung hinahabol pa siya habang patuloy na nilulukob siya ng takot.             Nang pababa na siya ng hagdan, nakita niyang nakatayo sa ibaba ang babaeng duguan. Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa pagkabigla. Bumalik siya muli paitaas ngunit nakita na naman niya ang babae roon. Bawat tingin niya sa ibaba at taas ay naroon ang babaeng duguan.             Napaupo na lang siya at panay sa pag-iyak. Dahan-dahang lumalapit ang babaeng duguan sa kanya. Gumagapang ito pababa ng hagdan. Nakakatakot ang itsura nito. Nanlilisik ang mga itim na mata nito sa kanya na tila handa siyang patayin anumang oras.             Bigla naman siyang nakaramdam ng pagbukas ng pinto. Tiningnan niya iyon.             “May tao ba dyan?!” sigaw ng isang lalaki kasabay noon ay ang paglalaho ng duguang babae.             “Dito po!” nanghihinang sagot niya. Napanatag ang kanyang loob nang makita siya ng guard. Naabutan siyang umiiyak nito sa gilid ng hagdan. Tila nabunutan siya ng tinik nang mga oras na iyon. Alalang-alala sa kanya ang guard kaya inalo muna nito si Celina bago tinanong.             “Ano pong nangyari sa inyo, Miss Apostol?” tanong sa kanya ng guard.             Walang binigay na sagot si Celina. Sa halip ay patuloy lang siya sa pag-iyak. Nangangatog ang mga tuhod niya at kinakabahan pa rin dahil sa katakot-takot na dinanas.   ***               NAKABALIK na mula sa ospital si Emma sa kanyang bahay. Matapos ang ilang araw na nakaratay sa hospital bed ay masaya niyang kinamusta ang kanyang bahay. Pakiramdam niya ay mas giginhawa ang kanyang pakiramdam kung dito siya magpapahinga dahil sa tuwing nasa ospital siya, iba ang kanyang pakiramdam.             Sa tingin niya kasi ay mas ikamamatay niya ang mga karayom na nakatusok sa kanya sa tuwing maoospital. Ang presensya rin ng ospital para sa kanya ay tila isang tahanan para sa mga taong nakikipaglaban kay Kamatayan. At kaya naman, sa palagay niya ay hindi siya nababagay doon.             “Emma, anong gusto mong kainin ngayon?” tanong ng kanyang asawang si Manuel habang nililigpit ang mga gamit na dala.             “Sinabawan na lang, Manuel. Para kasing nagkri-crave ako ngayon sa sabaw. Walang lasa kasi ang mga pagkain na ibinibigay sa ospital,” sagot niya. Matagal-tagal din siyang namalagi sa ospital kaya nami-miss niya ang makatikim ng lasa ng tunay na pagkain.             Umakyat na sa kanyang kwarto si Emma upang makapagpalit na ng damit. Pagbukas niya ng pinto ay nakaramdam siya na may dumaan sa kanyang harapan. Agad niyang binuksan ang ilaw. Ngunit sa pagbukas niya, wala naman siyang nakitang tao saan mang sulok.             Pumasok na siya sa loob ng kuwarto at isinara ang pinto. Nakaramdam siya ng malamig na hininga sa bandang batok kaya napalingon siya sa kanyang likod. Napansin niyang nakabukas ang bintana habang patuloy na nililipad ang kurtina. Lumapit siya roon at isinara.             Bigla namang bumagsak ang litrato na nakapatong sa mesa sa tabi ng bintana nang lumapit siya. Yumuko siya upang damputin ang nabasag na frame.             Ngunit sa pagtayo niya ay nakita niya mula sa labas ng bintana ang isang babaeng nakasuot ng puti. Nakatingin ito sa kanya habang lumulutang. Napapaatras siya habang nanlalaking-matang tinititigan ang babae. Ganoon na lamang ang takot na bumalot kaagad sa kanyang katawan.             “Aaaaahhhh!” malakas niyang sigaw. Agad namang pumasok ang kanyang asawa upang tingnan kung anong nangyayari. Niyakap siya nito at hinimas ang kanyang likod upang mahimasmasan.             “Ano bang nangyari?” bungad nitong tanong.             “N-nakita k-ko na n-naman siya,” nahihintakutan niyang sabi. Muli niyang sinulyapan ang bintana kung naroon pa ang babae ngunit naglaho na lang ito sa isang iglap.             Hindi na sumagot ang kanyang asawa. Naniniwala si Manuel sa kanyang mga sinasabi at lubos itong nababahala dahil sa nangyayari. Bumaba na lang sila sa sala at doon na lang naghintay para maghapunan.             Pagdating ng alas-syete ay nagsimula ng kumain ang mag-asawa. Ngunit parang walang ganang kumain si Emma dahil sa sunod-sunod na katatakutan na kanyang nakikita. Nakatulala lang siya at malayo ang tingin. Bakas ang takot at pag-aalala sa mga mata niya.             “Kumain ka na. Baka mangayayat ka n’yan. Alam kong ayaw mo ng bumalik pa sa ospital. Baka bumalik pa ang sakit mo kapag ganyan ka lagi,” nag-aalalang sabi ng kanyang asawa. Nilagyan nito ng kanin ang plato ng asawa sabay inilagay na rin ang ulam.             “Natatakot ako, Manuel,” walang gana niyang sabi. Bumuntong-hininga si Manuel na tila nag-iisip kung anong maaaring gawin. Ayaw nitong nakikitang nagkakaganito ang asawa kaya gagawin nito ang lahat upang manumbalik ang lakas ni Emma.             “Paano kung buhay ko na ang kunin niya sa susunod na magpakita siyang muli?”             “Hindi mangyayari ‘yan. Nandito lang ako sa tabi mo. Hinding-hindi kita pababayaan,” pagsisiguro ni Manuel at saka hinawakan nang mahigpit ang kamay ng asawa.             “Pero hanggang kailan? Hanggang kailan mo ‘ko babantayan?”             “Hanggang sa magsawa siyang magpakita sa’yo. At hanggang sa mamatay ako, Emma.”             Napangiti naman siya dahil sa sinabi ni Manuel. Maswerte talaga at hindi niya sinukuan ang pagmamahalan nilang dalawa kahit na tutol ang kanyang mga magulang. Masaya siya dahil laging nasa kanyang tabi ang asawa.             “Salamat,” nakangiting sabi niya.             Ngunit pakiramdam ni Manuel ay hindi pa rin ganun kasigurado ang asawa. Isang bagay na lang ang naiisip ni Manuel upang mailigtas si Emma. “Pumunta tayo ng Quezon,” seryosong sabi ni Manuel             “Quezon? Anong gagawin natin doon?” naguguluhang sabi niya.             “May kilala akong magaling na espiritista doon. Maaari niya tayong tulungan.” Hinawakan muli ni Manuel ang kamay ni Emma na tila nagpapahiwatig na magtiwala siya  rito.             Tumungo na lamang bilang tugon si Emma. Hindi niya na kakayanin pa siguro kung magtatagal pa ang ganitong mga pangyayari.             “Wala namang mawawala kung hindi natin susubukan,” ani Emma.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD