THE SECOND b****y MARY: The Death Returned

3367 Words
THE SECOND b****y MARY: The Death Returned   “Ang nakaraan ay nakaraan na! Hindi na babalik ang sinumang may kaugnayan sa ating nakaraan!”               “SINO ‘yan? Magpakita ka!” lakas-loob na sabi ni Emma. Kahit na takot ay kailangan niyang maging matatag. Hindi siya dapat panghinaan ng loob lalo na’t wala ang kanyang asawa sa kanyang tabi. Marahil ay may nakapasok na magnanakaw sa kanilang bahay.             Habang maingat na inihahahakbang ang mga paa sa sahig na gawa sa tisa, nakarinig siya ng isang nabasag na bagay sa ‘di kalayuan. Hinanap niya kung saan nanggaling ang ingay.             “Sinong nad’yan?!” matapang niyang tanong ngunit wala pa ring nasagot.             Nagsimula ng magbukas ang ilaw. Pagkatapos nitong bumukas ay agad din namang namamatay. Sa pagbukas nito ay may naaninag siyang tao sa kabilang sulok ng bahay. Nangunot ang mga noo niya dahil sa pagtataka.             Isang babae.             Nakasuot ito ng puting damit na nababahiran ng dugo. Mahaba ang magulong buhok nito na humaharang sa mukha. Nakayuko lang ito at hindi direktang nakatingin sa kanya. Hindi niya tuloy makilala kung sino ang babae at kung ano ang ginagawa nito sa kanyang pamamahay.             Sa bawat bukas ng ilaw ay palapit ng palapit ang babae. Nanunuyot ang laway ni Emma at halos umurong ang kanyang dila. Hindi niya magawang makasigaw. Namumutawi ang takot sa buo niyang katawan. Nanlalamig ang kanyang mga kamay.             Isa pang pagbukas ng ilaw ay agad na nasa harapan na ni Emma ang babae na halos limang pulgada lang ang layo nila sa isa’t isa.             Nanlalaki ang mga mata ni Emma sa nakikita. Hindi niya maikilos ang mga binti niya na parang nanigas na parang semento dahil sa takot. Namamawis ang buo niyang katawan maging ang kanyang palad             Itinaas ng babae ang kanyang ulo at bumulaga kay Emma ang mukha nito. Nababahiran ang mukha nito ng dugo dahil sa mga sugat na mula sa mga hiwa. Ngumiti ito sa kanya ng nakakaloko dahilan upang lumabas ang maraming dugo mula sa bibig nito. Halos humiwalay naman ang panga nito mula sa ulo sa laki ng pagkakabuka.             Mas lumapit ang mukha nito sa kanya nahalos kita na niya sa mga mata nito ang sariling repleksyon. Kitang-kita niya ang nakakakilabot na itsura nito. Nanlalaki ang mga mata niya sa nakikita. Hindi siya makapaniwala sa nasasaksihan ng kanyang mga mata.             “Aaaaaahhhhh!” sigaw niya na umalingawngaw sa apat na dingding ng bahay.   ***               AGAD na dumiretso sa ospital ang mga kaibigan ni Emma nang malaman ang nangyari sa kanya. Naabutan kasi itong walang malay sa kanyang bahay matapos ihatid ni Celina mula sa sementeryo.             “Nasaan po ang kwarto ni Mrs. Emma Sheen?” tanong ni Nadine sa nurse na may halong pag-aalala sa mukha. Kahit na busy ang magkakaibigan dahil sa kani-kanilang karera, minabuti pa rin nilang dalawin si Emma upang masiguro na ligtas ito.             “Sa room 14 po,” sagot ng nars sa kanila.             “Maraming salamat po,” tugon ni Nadine.             Agad na dumiretso sina Celina, April at Nadine sa nasabing kwarto. Bakas sa mga mukha nila ang sobrang pag-aalala. Sa pagbukas nila ng pinto, nabungaran nila si Emma na nakaratay sa hospital bed kasama ang kanyang asawa.             “Emma, are you okay?” pag-aalala ni Celina at saka lumapit sa higaan niya.             “I’m fine. Don’t worry. Nawalan lang ako ng malay,” sagot niya na may pagsisiguro.             “What happened ba?” pagtataka naman ni April.             Tiningnan ni Emma si Manuel, senyas upang iwan muna silang apat ng asawa sa kwarto. Lumabas ang asawa ni Emma sa kwarto at naiwan silang apat.             Nagsimula ng magseryoso ang mukha ni Emma nang ibalik niya ang tingin sa mga kaibigan. Nakaramdam bigla ng kaba ang tatlo kahit na hindi pa naman sinasabi ni Emma ang dahilan. May pakiramdam sila na may hindi sasabihing maganda si Emma.             “Kapag sinabi ko ba sa inyo, maniniwala ba kayo?” tanong niya sa tatlo habang hindi pa rin inaalis ang seryosong mukha.             “Ano ba ‘to? Joke? Ano ba kasing nangyari? Sabihin mo na,” kinakabahang tanong ni April.             “I saw her,” aniya sa mababang tono.             “Sino?” sabay-sabay na tanong ng tatlo na pare-parehas na interesado.             “Ang multong pumatay kay Coleen, si b****y Mary,” seryoso niyang sabi. Nagkatinginan ang tatlo dahil dito. Parang lahat sila ay naguguluhan sa kanyang sinabi at hindi makapaniwala.             “My ghadd Emma! Are you kidding me?! ‘Di na uso ‘yon. Modern age na tayo. Werevolves and vampires na lang ang uso ngayon at saka sobrang tagal na no’n,” nagbibirong sabi ni April. Sa tingin kasi nito ay nasisiraan lang ng ulo si Emma dahil sa sobrang pagod na nararamdaman nito.             “Paano mo ipapaliwanag ang mga nakita ko? Sa tingin mo ba ay guni-guni lang ang lahat? Mag-isip ka, April. Dalawang beses ko na iyon nakita. Hindi ko lang sinabi sa inyo na nakita ko siya pati sa sementeryo!” pagpapaliwanag pa ni Emma.             Natahimik silang lahat. Walang gustong umimik. Totoo nga ba ang nakikita ni Emma? Nagbalik nga ba ito para bawiin ang buhay nila tulad ng ginawa nito kay Coleen?             Nagsimula na naman silang kabahan at lukubin ng takot. Pakiramdam nila ay bumabalik ang takot na naramdaman nila sampung taon na ang nakararaan. Gusto nilang yakapin ang kanilang mga sarili ngunit ipapahalata lang nito na natatakot sila.             “Ang nakaraan ay nakaraan na! Hindi na babalik ang sinumang may kaugnayan sa ating nakaraan!” saad naman ni April.             “Hindi ako nagsisinungaling, April! Kitang-kita ng dalawang ma –“             Natigilan naman siya nang pumasok kaagad si Manuel nang makarinig ng mga sigawan sa loob ng kwarto. May pagtataka sa mukha nito sa pagpasok sa kwarto.             “Anong nangyayari?” bungad na tanong nito.             “N-nothing…” sagot ni April.             “Mabuti pa ay magpahinga ka muna, Emma. Kakausapin ka na lang namin kapag nakabawi ka na ng lakas,” saad ni Nadine.             Nagpaalam na sila kay Emma at sa kanyang asawa. Lumabas sila ng kwarto na nagugulumihanan sa nangyayari. Hindi nila lubos maisip na sa tinagal-tagal ng panahon ay babalik ang multong iyon upang bawiin ang dapat na binawi na niya sampung taon na ang nakararaan.   ***               NAIINIS na bumalik sa kanyang sasakyan si April. Sa tingin niya ay nag-iimbento lang si Emma ng mga kwento para takutin sila. Pakiramdam niya ay naiinggit lang ito sa kanila– sa kanya, dahil lingid sa kanilang kaalaman, si Emma lang ang hindi umasenso sa kanilang magkakaibigan.             “Grrrhhh! Ang babaeng ‘yon talaga! Porket nalugmok siya sa kahirapan ay kailangan na niyang mag-imbento ng kwento? If I know, baka nagbebenta na rin siya ng pinagbabawal na droga dahil sa sobrang kahirapan. Tss… Nasa modern age na tayo. Mas matakot tayo sa mga buhay,” saad niya habang papasakay ng kanyang sasakyan.             Pinaandar niya na ang sasakyan at dumiretso pauwi. Ilang oras niya binagtas ang kalye papunta sa kanyang condominium. Madilim ang daan dahil sa hindi pa naaayos ang mga street light.             Binuksan niya muna ang radyo ng sasakyan upang malibang kahit papaano. Pinihit niya ang volume nito para mas makapakinig nang mas maayos. Napansin niya na tila may kakaiba sa radyo. Nakaririnig siya ng mga garalgal na boses kahit na maayos ang signal.             “May sira na ba ‘to? Kabago-bago, e,” iritable niyang sabi habang pinupukpok ang radyo.             Habang nagmamaneho siya ay may papatawid na matandang babae. Bumusina siya para makaiwas ang matanda at malaman nito na may sasakyan na paparating. Ngunit ipinagsawalang bahala lang nito ang ginawa niya, dumiretso pa ito sa pagtawid at huminto sa gitna ng kalsada.             Agad niyang prineno ang sasakyan na halos tumilapon ang katawan niya sa harapan ng sasakyan. Galit siyang bumaba ng sasakyan upang bulyawan ang matanda na harang sa kanyang daan.             “Manang, bakit ba kayo paharang-harang sa daan?!” sumbat niya sa matanda.             Hindi ito sumagot bagkus ay tumingin lang sa kanya. Itinaas nito ang mukhang nahaharangan ng magulong buhok. Nagulantang siya nang makita ang mukha nito. Itim ang mga mata nito at duguan ang buong mukha. Ngumisi ito sa kanya nang nakakaloko at kasabay nito ay lumabas sa bibig nito ang mga bangaw.             “Aaaaaahhh!” tili niya dahil sa sindak.             Dali-dali siyang bumalik sa loob ng sasakyan dahil sa sobrang takot. Binalikan niya ng tingin ang matanda ngunit wala na ito sa gitna ng kalsada. Luminga-linga pa siya para hanapin ito.             Ngunit tila binuhusan siya ng malamig na tubig nang magsiakyatan ang isang milyong boltahe ng kilabot sa kanyang katawan. Nangilabot ang buo niyang katawan nang makita ang matanda sa rearview mirror ng kanyang sasakyan. Nakaupo ito sa backseat ng sasakyan at nakatingin sa kanya.             Halos pagapang siyang bumaba ng sasakyan dahil sa sobrang pagkabigla at tumakbo na parang baliw habang patuloy na sumisigaw sa takot. Pakiramdam niya ay may mga nagkakarerang kabayo sa kanyang dibdib dahil sa sobrang lakas ng pagkabog.             Kinuha niya ang kanyang cellphone at idinial ang numero ni Celina para makahingi ng tulong. Ilang saglit lang ay may sumagot na.             “Celina!” nahihintakutan niyang sabi ngunit wala siyang naririnig mula sa kabilang linya. Tanging tunog lang ng umiihip na hangin ang kanyang naririnig.             “C-celina…” muling banggit niya sa pangalan nito.             Nakarinig siya ng tawang pinipigilan sa kabilang linya. Palakas iyon ng palakas hanggang sa nagpakawala na ng isang nakakahindik na tawa. Paulit-ulit na naririnig ni April iyon na halos sumira sa kanyang pandinig.             “Mamamatay ka!” Sa pagkakataong iyon ay naihagis na ni April ang kanyang cellphone. Nakita pa niyang rumehistro sa wallpaper ng cellphone ang isang babae na may mahabang buhok.             Nanginginig siyang niyakap ang sarili dahil sa sobrang takot na nadarama. Nagpatuloy na lang siya sa paglalakad habang naghahanap ng taong maaaring makatulong sa kanya. Agad siyang nakakita ng motor ng pulis. Nilapitan niya ang pulis na nagmamay-ari ng sasakyan upang makahingi ng tulong.             “Tulungan niyo po ako!” pagmamakaawa ni April habang hinahawakan ito sa braso. Ngunit ganoon na lamang ang pagkabigla niya nang makita ang mukha ng pulis pagkaharap, itim din ang mga mata nito at puno ng dugo ang mukha.             Dahan-dahan siyang napaatras dahil sa takot.             “Aaaaahhhh!” Inambahan pa siya na hahawakan ng pulis ngunit mabilis niyang iniiwas ang sarili.             Takot na takot na tumatakbo si April sa kalye. Hindi niya alam kung bakit bawat makita niyang tao ay iisa ang itsura, itim ang mga mata nito at duguan ang buong mukha. Pakiramdam niya ay kaunti na lang ay maaari na siyang himatayin dahil sa sobrang takot na nararamdaman. Hindi na niya kakayanin pa ang mga nakikita.             Dumiretso siya sa pinakamalapit na simbahan. Sa tingin niya ay magiging ligtas na siya sa lugar na iyon sa pani-paniwalang takot ang multo sa simbahan. Agad siyang tumakbo sa harapan ng gusali upang doon ay magdasal at para na rin tigilan ng mga ilusyon na kanyang nakikita.             Nakakita siya ng isang babaeng taimtim na nakaupo at nagdarasal sa loob. Nakasuot ito ng belo kaya hindi niya makita ang mukha. Naupo siya sa harapan nito at doon nagdasal. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata at nagdasal para sa kanyang kaligtasan.             “Lord, ano po ba’ng mga nakikita ko? Naguguluhan na ako. Sana tumigil na ang mga ito. Baka himatayin na po ako sa sobrang takot. Please, natatakot na talaga ako,” saad niya.             Napadilat na lamang siya nang maramdaman ang pagtayo ng babae. Nakatalikod ito sa kanya. Nang maglakad ito ay ganoon na lamang ang pagkabigla niya nang makita ang itsura nito. Duguan ang buong damit at itim ang mata rin nito!             “Aaaaahhhhhh!!” malakas niyang tili. Dahan-dahang lumalapit sa kanya ang babaeng nakabelo dahilan upang mapaatras siya sa inuupuan. Nakaangat ang mga kamay nito na handang sakalin ang kanyang leeg anumang oras.             “Lumayo ka! Hindi ka totoo!” sigaw niya ngunit tila hindi natitinag ang babaeng nasa kanyang harapan.             Tumayo siya mula sa kanyang pagkakaupo at agad na tinunton ang pintuan ng simbahan. Ngunit may kung anong pwersa ang humigit sa kanyang katawan at malakas na sumara ang pintuan. Tumilapon ang kanyang katawan sa mismong paanan ng Poon na siyang nasa gitna ng simbahan.             Nakaramdam na lamang siya ng panlalabo ng paningin at agad na tumumba mula sa kanyang kinahihigaan. Ang huling nakita na lamang niya ay isang babae na tumatawa sa kanyang harapan matapos panawan ng ulirat.   ***               GABI na nang mga oras na ‘yon. Nasa kanyang 5 star hotel ngayon si Nadine habang kasama nito ang kanyang mga kasosyo sa negosyo matapos niyang dumalaw kay Emma. Mayroon kasi silang business meeting tungkol sa pagpapaganda ng pamamalakad sa kanilang hotel.             “Maaari tayong magdagdag ng mga tauhan para sa expansion na gagawin natin sa Batangas. Hindi tayo pwedeng umasa sa kakarampot nating mga employee. Nakasalalay dito ang magiging success ng negosyo natin,” suhestyon ni Nadine sa kanyang mga co-stockholders.             “Pero hindi ba ‘yon dadagdag sa magiging gastusin ng kompanya? Tandaan mo na ang sweldo ay gastos. Mas maraming tao, mas malaki ang magiging bayarin,” sabat naman ng kanyang kasosyo.             “Hindi lang naman tayo magha-hire ng empleyado basta-basta. We’ll hire competent employees. Mas magandang performance, mas mataas ang balik ng pera,” sagot muli ni Nadine.             “Marahil may punto ka d’yan. Pero remember, we incur also expenses during the recruitment and selection stage.”             “Hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan. Take a risk or do nothing.”             Patuloy lang sila sa pag-uusap nang biglang nakaramdam ng panlalamig sa batok si Nadine. Kakaibang lamig ang kanyang naramdaman nang mga sandaling iyon na tila may humawak na lamig at nanuot sa kanyang batok.             Napalingon siya sa kanyang likod ngunit wala naman siyang napansin na kahina-hinala. Hindi rin naman ganoon kalakas ang aircon kaya’t paanong magkakaroon ng ganoong lamig siyang mararamdaman.             “Miss Sarmiento? Are you listening?” tanong ng kanyang kasosyo.             Doon lamang siya bumalik sa realidad. “Y-yes. Like what I’ve said, I trust our HR Department para sa ikagaganda ng business.”             Ipinagsawalang-bahala na lang ni Nadine ang kakaibang naramdaman at nagpatuloy sa pagsasalita sa nagaganap na diskusyon.             Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na ang kanilang pagkain. Kinuha ni Nadine ang table napkin na nakapatong sa lamesa. Nakaramdam ulit siya ng kakaibang panlalamig tulad nang kanina. Hindi niya sadyang nabitawan ang table napkin at bumagsak sa sahig.             Iniusog niya ang kanyang upuan at yumuko para abutin ang nahulog na table napkin. Ganoon na lamang ang pagkagimbal niya nang biglang may humawak sa kanyang kamay mula sa ibaba ng lamesa.             “Aaaahhh!” tili niya.             Napatayo siya sa kanyang kinauupuan dahil sa sobrang gulat. Nakatingin lang sa kanya ang mga ka-business meeting niya na tila naguguluhan sa kanyang inasal.               Iniangat niya ang nakalaylay na tela at sinilip ang ibaba ng mesa. Ngunit tumambad sa kanya ang sariling katawan na namumutla at namamaluktot na parang pinigang kumot. Umatras siya at agad na napasigaw.             “Miss Sarmiento?” takang-tawag sa kanya ng isa niyang kasosyo.             Nanlalaki-mata niyang tiningnan ang kanyang mga kasosyo at saka binalik ang tingin sa ibaba ng mesa. Wala na roon ang kanyang katawan pero ganoon pa rin ang kaba na bumabalot sa kanyang katawan.             Dahil sa kahihiyan ay nagpaalam muna siya na pupunta sa banyo. Mabilis niyang tinungo ang banyo upang doon ay mahimasmasan. Nadatnan niyang walang katao-tao sa loob. Tiningnan niya lang ang kanyang repleksyon sa salamin at saka sinalat ang mukha. Binuksan niya ang gripo at isinahod ang kamay. Bumuntong hininga siya at saka nag-isip.             “Ano kaya ang bagay na iyon? Guni-guni lang kaya iyon? Ngunit malayong maging totoo ‘yon dahil hindi totoo ang multo,” sabi niya sa kanyang sarili. Pilit niyang pinapaniwala ang sarili na dala lang ng pagod ang kanyang mga nakikita.             Nakarinig siya ng pagbukas ng isang pintuan sa isang cubicle, dahan-dahan ngunit nakakakilabot ang pag-ingit nito. Tiningnan niya lang ito mula sa salamin habang hinintay niya kung may lalabas ba na tao.             Bumukas pa ang isang pintuan hanggang sa maging sunod-sunod na. Malakas ang bawat pagkalabog ng bawat pintuan. Walang lumalabas na tao kahit sa anong cubicle. Lakas-loob niyang nilakad ang bawat cubicle at isa-isa itong tiningnan. Dahan-dahan niya itong binuksan.             Walang tao… kahit saan. Paanong magbubukas ang mga pintuang iyon kung walang tao? Sa isip-isip niya.             Nagsimula ng magpatay-sindi ang mga ilaw. Namutawi ang takot at kaba sa dibdib ni Nadine. Sabay-sabay ding nagsara ang mga pintuan ng banyo. Isang malakas na kalabog! Tumakbo siya papunta sa pintuan ng banyo ngunit ayaw nitong bumukas. Kahit anong pwersa ang gamitin niya ay walang bisa.             Bumukas muli ang pintuan ng huling cubicle. Nanlalaki ang mga mata niya nang makita ang isang babaeng may mahabang buhok at puno ng dugo ang katawan habang gumagapang ito papalapit sa kanya. Nahaharangan ng buhok nito ang isang mata niya. Dilat na dilat ang mata nito at itim na itim.             Isinandal ni Nadine ang sarili niya sa pintuan. Wala na siyang magagawa kundi ang sumigaw.             “Tulong! Tulungan niyo ako!” pagsusumamo niya habang hinahampas ang pintuan nang buong lakas.             Palapit na ito nang palapit. Nakakatakot ang itsura nito. Halos bali-bali ang katawan nitong gumagapang. Naitakip na lamang ni Nadine ang kanyang mga palad sa kanyang mga mata. Ayaw niyang makita ang babaeng duguan!             Maya-maya ay naramdaman ni Nadine na tumigil na ang pagpatay at pagsindi ng ilaw. Tumahimik din ang buong lugar. Dahan-dahan niyang tinatanggal ang palad sa mukha. Wala na ang babaeng duguan sa kanyang harapan. Wala na.             Napanatag ang loob ni Nadine nang makitang wala na ang babae at doon lamang siya nakahinga nang maluwag. Nakaramdam siya na may tumulo mula sa itaas. Hinawakan niya ang parteng natuluan.             Dugo. Dugo! Dugo ang patak na iyon!             Tumingin siya sa kisame at nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang babae roon. Nakatitig lang ito sa kanya habang nakangiti nang nakakaloko at nakapatiwarik.             “Aaaaaahhhhhh!” sigaw niya at saka hinimatay.   ***               MALAPIT na magpalit ng shift ang mga empleyado ng hotel. Isang janitress ang pumasok sa banyo upang inspeksyunin kung malinis at maayos ba ito bago siya umuwi.             Pinihit niya ang busol ng pintuan ngunit hindi ito bumubukas dahil sa nakaharang sa pinto. Malakas niyang itinulak ang pinto upang bumukas.             Tumambad sa kanya ang walang malay na katawan ni Nadine. Hindi naman niya alam ang dahilan ng pagkahimatay ng dalaga ngunit may pakiramdam siya na may hindi magandang nangyari. Umupo siya upang gisingin si Nadine kasabay ang pagyugyog dito. Ilang saglit lang ay namimikit-mata pang gising si Nadine.             “Miss Sarmiento, ayos lang po ba kayo?” tanong ng janitress nang makitang nakabulagta sa sahig si Nadine.             Hinawakan ni Nadine ang kanyang ulo. Tila may hilo pa rin siyang nararamdaman mula ng mahimatay. Iginala niya ng tingin ang paligid na tila may hinahanap na kung anong bagay o tao. Pinagmasdan niya ang kabuuan ng banyo. Wala na ang duguang babae kanina.             “Ayos lang po ba kayo?” muling tanong nito.             “Oo. A-ayos lang ako,” sagot niya na tila kinakabahan pa rin.             “Mabuti pa ay dalhin ka na namin sa ospital, Ms. Sarmiento. Baka ano pa po kasi ang mangyari sa inyo. Aalalayan ko na po kayo,” pag-aalala ng janitress at saka hinawakan sa kabilang braso si Nadine upang akayin.             “I said, I’m okay!” iritable niyang sabi. Biglang tumayo si Nadine at nagsimulang maglakad papalabas ng hotel. Agad siyang nagtungo sa parking lot upang makauwi. Nang makasakay sa kanyang sasakyan ay agad din niya itong pinaharurot.             “Totoo ba ang mga nakita ko? Hindi ito maaaring mangyari. Naguguluhan na ako. Bumabalik na ang nakaraan namin. Natatakot ako sa maaaring sapitin ko. Kailangan ko silang makausap,” sabi niya sa kanyang sarili.             Nagmamaneho ng kanyang sasakyan ngayon si Nadine papunta kina April. Gusto niya kasi itong kausapin lalo na ang tungkol sa babaeng nakita niya kanina lang. Nangangamba siya na maaaring totoo nga ang sinabi ni Emma na binabalikan sila ni b****y Mary.             “Hindi ko hahayaang isang pagkakamali lang ang siyang babawi sa buhay ko. Kahit ang makipag-jack ‘en poy kay Kamatayan ay gagawin ko para mabuhay.”             Habang nagmamaneho ay napansin niya ang mga nagkakagulong tao malapit sa isang simbahan sa daan papunta kina April. Maraming usisero ang nanunuod sa nangyayari na tila may artista sa loob. Nagdahilan naman ito para bumagal ang usad ng mga sasakyan sa kalsada.             Napatingin na lang si Nadine sa ambulansya habang hinihintay na bumilis ang daloy ng trapiko. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isinasakay sa loob ng ambulansya. Si April! Dali-dali siyang bumaba ng kanyang sasakyan at tinungo ang kaibigan.             “Anong nangyari sa kanya?” nag-aalalang tanong ni Nadine sa isang pulis.             “Naabutan na lamang siyang nakahiga sa simbahan habang walang malay. Kailangan niyang masugod sa ospital dahil baka ano pang mangyari sa kanya,” sagot naman nito. Isinara na nito ang pintuan ng ambulansya at naiwan si Nadine na nag-aalala. Nagsialisan na rin ang mga usisero na nagkalat sa paligid.             “Diyos ko! Ano bang nangyayari? Bakit kaya nahimatay si April? Dahil ba ito sa kanya? Natatakot ako sa maaaring mangyari,” sabi ni Nadine at saka hinagkan ang kanyang sarili.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD