TEASING HER

1251 Words
KELLY POV I hate to admit it, but I'm falling for his charm. Hindi ako papayag na mananalo siya kahit anung mangyari hindi ako magpapasakop sa mayabang na director na yan. Urgh! Wala na ba talagang ibang paraan na hindi kami magkita o magkasama. Natinag ako sa malalim na pag - iisip sa pagpasok ng hindi ko gustong makita. Pinaikot ko ang aking mata bago siya harapin. "Director, ano po ang maitutulong ko sainyo?" Kunwaring matapang kong tanong pero sa totoo lang nanginginig ang tuhod ko. "May nagawa ba akong mali sa'yo para magalit ka sa akin or iwasan? Sa pagkakaalam ko ikaw ang may atraso sa akin ng ilang beses!" I rolled my eyes dahil heto nanaman kami pauli - ulit na bangayan. "Sir, humingi na po ako ng sorry." Taas kilay kong sagot. Tumawa siya ng tawa na nakakaakit. "Oo nga, humingi ka ng sorry hindi naman sincere. Ang paghingi ng sorry taos - puso hindi labag sa kalooban." Kanyang sagot sabay upo sa aking harapan. Tanging ang maliit na mesa ang nagbibigay ng distansiya sa aming dalawa. Lumunok ako ng pauli - ulit dahil sa pagkalanghap ng kanyang mabangong amoy. Damn him! Nasa kritical na lagay na talaga ang puso ko, baka ako na ang susunod na maoperahan nito. Syeeettt! "Okay, sir Liam, ano pong klase ng paghingi ng sorry ang dapat kong gawin para mapatawad niyo ako." Pigil hininga kong huwag pumiyok sakanyang harapan. Sumilay ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi. Hindi pwede ito, lalong naghuhuramintado ang puso ko. Nabablanko ang aking utak, sa amoy at tingin niya palang mapapOO na ako nito. Panginoon bigyan mo pa ako ng lakas ng loob para lumaban. Labanan ang kampon ni kadilimang tukso na laging bumabandera sa aking harapan. Tinanggal niya ang pagkakatukod ng kanyang kamay sa kanyang baba at inilapit ang kanyang mukha sa aking mukha. "Sigurado ka Dra. Saavedra, tinatanong mo ako kung anong klase ng sorry ang tatanggapin ko?" Hindi maerihistro ang kanyang sinasabi sa aking utak dahil sa swabe niyang amoy, daig ko pa ang kinukulam para sumunod at ang gaga ko nga, tumango nga ako sakanyang tanong. "Well, kiss me until I get satisfied!" Kanyang sagot na nakatitig sa aking mata. Wala na, nalunod na ako sa maganda niyang kulay bughaw na mata. Why are you so damn irresistible? Bigla kaming napaghiwalay sa aming titigan dahil sa ingay sa labas ng pintuan. Kanina pa pala nila kami pinapanood at ang gagang Olivia binuksan lang naman ang pintuan na malawak ang ngiti. "Congatulatons girl, it's official!" Kanyang sabi sabay palakpak ng kanyang kamay na ginaya ng ibang doktor at nurses sa pintuan ng aming recreation area. Ngumiti at kinindatan naman ako ng hayop na malanding director bago lumabas na nakapamulsa ang kamay sa kanyang pantalon. Pulang - pula ang aking mukha na sumobsob sa mesa para itago, nakakahiya! Sobrang nakakahiya talaga! Gusto kong maglupasay na umiyak. "So, Dra. Kelly swore not to fall in love with Dr. Liam, pero ngayon mukhang libre ang tatlong buwang bayad ng aking Lexus." Malapad ang kanyang ngiting ipinatong ang kanyang paa sa mesang inukopa kanina ni Liam habang sinasabi. "Oli, tigilan mo ako at wala naman namamagitan sa aming dalawa." Pilit kong dinedeny na sagot. Wala naman talaga, nag - uusap lang kami. "Sige lang Kelly, ipagpatuloy mong lokohin ang sarili mo, pero kami, hindi mo maloloko." Mayabang niyang sagot. "Dahil yun ang totoo Olivia. Kami ay isang langit at lupa na hindi pwedeng magtagpo at katapusan ng mundo." Humalakhak siya ng malakas na ikinalingon ng ibang tao sa loob. Bruhilda ka talagang babaita ka! Sarap mong sakalin, pero paano na nga nahuhulog na ako sakanya! Lord, pahingi pong bakod baka mayroon kang maibibgay sa akin, sobrang kailangan ko po eh! "Kelly sweetheart, alam mo ba kung anu ang nakita namin kanina. Ang nagniningning mong mata na nakatitig sakanya. Konti nalang at maghahalikan na kayo. Huwag kang mag - alala sa susunod kukuha ako ng ibedensiya at ibabandera namin sa bawat daanan ng ospital na ito!" Kanyang tuwang - tuwa na sagot bago umalis na kumekendeng pa. LIAM POV Masarap ang ngiti kong nakasandal sa aking upuan, I can't believe nakipagflirt ako sakanya pero tagumpay. Konti pa at siguradong bibigay ang matapang niyang pakikitungo sa akin. Her smell is familiar though. I'm already crazy over her. Alam ko kung anu ang nararamdaman ko, ganito si kuya kay ate Trisha at lahat ginawa niya mapatunayan ang pagmamahal niya. Am I falling in love again? I stop chasing girls simula naloko ako at naging sunod - sunuran kay mommy. Mahal ko si mommy pero her being matapobre ang nagiging problema namin. Haaay! Ayaw kong masaktang muli, baka sa pagkakataong ito hindi ko na kaya pero hindi pala talaga mapipigilan ang puso kapag napana na ni kupido. She's something else invading my privacy! I remember the woman in the bar again. It's been two months pero dumadalaw siya sa aking panaginip ng paulit - ulit. My dream tells me she's just nearby. Pakiramdam ko kasama ko lang siya araw - araw, and my feelings towards Dra. Saavedra is almost the same. I feel she was the woman that night, but I don't have enough evidence. Hindi ba may mali, o ako na ang mali dito? Assuming lang ako! Nakakabaliw na, mas baliw pa kaysa minahal ko si Janeen. Nakahalumbaba akong nakatingin sa kawalan habang nilalaro ng isa kong kamay ang ballpen. Hindi ko naramdaman ang pagpasok ni Seb, ang pinakamakulit sa aking mga kaibigan at malakas mang - asar. "Grabe pare! May dapat ba tayong lalamayan ngayon?" Panggugulat niya sa akin. Tumawa ako ng malakas, "Wala naman pare, napadaan kang walang pasabi. Anung mayroon nanaman?" Tanong ko sakanya dahil takbuhan lang naman niya dito kapag hinahabol siya ng mga babaeng naiisahan niya. Tumawa rin siya. "Naku! Wala naman pare dumaan lang ako para bisitahin ka. Balita ko kasi mayroon na raw kinababaliwan si Dr. Liam Villanueva." Nakangisi niyang sagot. Napakunot noo akong napatingin sakanya. "Sino naman nagsabi niyan. Busy ako dito sa ospital. Wala akong oras manligaw Seb!" Seryoso kong sagot at tinanggal ang aking lab gown. Tumawa siyang may kasamang palakpak. "Sabi mo eh! Kung hindi mo pala siya girlfriend, di ako nalang manligaw sa maganda at sexing dra. na yun." Hindi ko alam kung tinetesting lang niya ako pero pakiradam ko si Kelly ang sinasabi niya. Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib sa isiping mapupunta siya sa iba. No! She's mine! "Seb, off limits si Kelly sa'yo!" Seryoso kong baling sakanya. "Hahaha. Akala ko ba hindi mo siya girlfriend bakit magiging off limits! Liam, aminin mo nalang kasi total buong ospital yun naman ang alam, baka sa susunod mag - asawa na kayo at ako pa ang huling makakaalam!" May pagmamaktol niyang sagot. Napasuntok ako sa mesa at inaya siyang lumabas. "Wala pa akong aaminin sa'yo pare, pero oo sinusubukan kong makuha ang loob niya! Okay na ba yan na sagot ko sa'yo." Natatawa kong sagot. Sinuntok lang ako sa braso. Nakita ko si Kelly na nakasandal paharap sa information desk. Dumaan kami sa tabi niya at sinadya kong banggahin ang kanyang pwet. Pero mas matindi pa pala ang balak ni Sebastian. Tinulak ako na siyang sanhi para madapa ako at napatihiya, siya namang pagbagsak ni Kelly sa aking ibabaw. Natalakid naman siya sa aking paa sa paanan niya. Namumula ang kanyang mukhang nakatingin sa akin. Konti nalang at mahahalikan niya ako. Alanganin pa ang kanyang pwesto sa aking ibabaw, isang pagkakamali pa niya at magigising ang hindi dapat magising.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD