FAMILY AFFAIRS
"Kelly, busy ka ba ngayon? Tanong ni ate habang nagluluto ng umagahan.
"Hindi naman ate, natapos kona kahapon pa ang aking thesis."
"Isasama ko kayo ni Brandon sa mall. Ipapakilala ko ang boyfriend ko." Masayang sabi ni ate Trisha.
"Sige ba ate para makilala namin ang lalaking nagpapangiti sa'yo." Masaya kong sagot sabay yakap sakanya.
Andito kami sa mall naghahanap ng aming makakainan na mas presentable daw ayun kay ate. Sumunod nalang kami ni Brandon dahil gusto naming suportahan siya. Matagal na niyang kinalimutan ang kanyang sarili mapagtapos lang kami ni Brandon sa pag-aaral. Hindi naman kami masasabing isang mahirap sa mahirap at hindi rin kami mayaman. Tinuruan lang naman kami ng aming magulang ng magandang asal at tamang paggastos ng bawat piso na aming mahahawakan o maiimpok. Dating may pwesto ng bigasan at sari-sari store ang aming pamilya sa palengke. Nung namatay sila kasama ang negsoyo nilang naglaho dahil grade six palang ako noon hindi ko alam kung paano, basta sumusunod kami at nakikinig kay ate.
Si ate ay isang registered nurse pero pahirapan ang pag-aaply noong kapanahunan niya higit sa lahat puro overseas ang offer. Ayaw naman niya kaming iwanan ni Brandon. Natinag ako sa pag-iisip nung may pumasok na isang matangkad at gwapong lalaki. Para siyang modelo sa ganda ng katawan. Nanlaki ang aking mata na papunta siya sa aming pwesto. Is he?
"Hi babe!" Nakangiti niyang bati kay ate sabay kinintalan ng halik sa kanyang pisngi. Nakangiti namang yumakap si ate sakanya. Nakabukas pa talaga ang aking bibig sa pagkatulala.
"Pasensya ka na kung dito kita niyaya. Alam ko hindi ka sanay pero sanay kami ng kapatid ko sa simpleng kainan lang." paliwanang ni ate.
"No, it's okay sweetheart. This place is awesome. I love it." Muli niyang sabi kay ate at nakangiti ng pamatay na ngiti.
"Sandro, sila nga pala ang mga kapatid kong kinukwento ko sa'yo. Si Brandon at si Kelly." Pagpapakilala sa amin ni ate.
"Hello po kuya Sandro. Magandang hapon po." Sabay naming bati ni Brandon.
Masaya naman ang naging kwentuhan namin. Mukhang mayaman si kuya Sandro pero kinain naman niya lahat ang inihahain ni ate sakanya. Masaya kaming nakatingin ni Brandon kay ate. They're sweet and perfect couple. Mukha namang hindi sasaktan ni kuya Sandro si Ate Trisha..
"By the way, okay lang ba kung ipagpaalam kung sa bahay ko na titira si Trisha. I already ask her to marry me!" Pukaw niya sa amin.
"Talaga kuya!"Sabay naming gulat na sagot ni Brandon.
Tumawa siya bago sumagot, "oo naman, mahal na mahal ko kaya ang ate niyo. Siya lang yata ang hindi pa sigurado sa akin." Pagbibiro niya. Nakatawang hinampas naman siya ni ate.
"Okay lang po sa amin kuya, kaya naman namin alagaan ang aming sarili basta po huwag niyo po siyang sasaktan." Seryoso kong sagot.
"Sure Kelly, sasaktan ko lang naman siya sa aking pagmamahal." Puno ng pagmamahal niyang tingin kay ate. Yay! Nilalanggam na sila! "Welcome din kayo sa bahay ko na bahay na namin, anytime." Muli niyang nakangiting sabi sa amin.
The meeting is, all is well. Happy for our ate to find herself settled. Kaya ko naman nang alagaan si Brandon saka binata na rin siya, kaya na niya ang kanyang sarili.
"Ate akala ko ba ipapakilala mo lang siyang boyfriend, kailan pa kayo nagpakasal?" Tanong ko agad pagkarating sa aming bahay.
Bumuntong hininga muna siya bago sumagot.
"Ayaw ko naman talagang ilihim sa inyo at isang taon ko na siyang naging boyfriend. Plano pa rin naman naming magpakasal, anu kasi eh-" Hindi masabi sabi ang gusto niyang sabihin.
"Ano ate? Binibitin mo kami." Pangungulit ko sakanya.
"Buntis ako at dalawang buwan na!"
"What?" Gulat naming sagot ni Brandon.
"Pero ate."
"Alam ko Kelly at sana huwag niyo akong tutuluran. Pero huwag kayong mag-alala dahil mahal namin ang isat-isa. Bunga ito ng aming pagmamahalan. Nirehistro namin ang aming marriage certificate para daw pigilan ang pangingialam ng mommy niya na may gustong ipakasal sakanya, pero hindi niya gusto." Mahabang paliwang ni ate. Muntik pa palang masulot ang lalaking nakalaan sakanya.
Hinalikan at niyakap namin siya ni Brandon. Kung wala siyang nagsakripisyo sa amin, wala kami sa aming katayuan ngayon ni Brandon. I won't finish college kung hindi dahil sakanya. Panahon naman na para pagtuunan niya ang kanyang sarili. She is already 34 years old.
"We're happy for you ate. Basta lagi mong tatandaan andito lang kami para sayo."
"I know. By the way sagot na daw ni Sandro ang graduation celebration mo at kapag nakapasa ka pa ng board exam may iba pa siyang regalo sa'yo. Pupunta daw tayo ng Hawaii bago ka magsimulang magtrabaho. Sa klase ng trabaho mo bihira ang bakasyon."
"Naku ate akala ko ba tapos na noong pumunta tayo sa Subic at Baguio."
"Eh! Gusto ka niya itreat."
"Saka nalang ate kapag makapasa ako sa aking board exam." Muli kong hirit nakakahiya kasi.
"Naku pagbigyan mo na Kelly gusto lang niyang maging kuya sainyo. Alam mo naman puro sila tatlong lalaki kaya atat magkaroon ng kapatid na babae. Gusto nga niya sana babae daw ang magiging panganay namin."
***********
I feel relax pagkatapos naming magbakasyon sa Hawaii. Feeling refresh at enlightened talaga ako. Kuya Sandro is just like daddy, alaga niya si ate na parang isang babasagin. I wish my man just like him. Kampante na akong umalis dahil alam kong nasa mabuting kamay na sila ni Brandon. Inaanaty ko nalang ang resulta ng aking board exam at malaya na akong makabalik sa US kung saan ako nagpraktikum. They give me the opportunity para magtrabaho sakanila. Matagal kong pangarap na magtrabaho sa isang malaking ospital.
Mabait ang Diyos dahil ang aking pangarap ay natupad. Nay, tay para sainyo ang lahat ng ito. Nag-aral akong mabuti para maipagmalaki niyo ako. Hindi ako nakipagboyfriend para maipagamalaki rin ako ng lalaking aking mapupusuang mapapangasawa.
Napakatagal naman ni Brandon malayo na ang narating ng aking diwa. Tumayo ako para pumasok sa isang coffee shop ng hindi sinasadyang nakabangga ko ang isang lalaking nagmamadaling lumabas. Natapon ang dala-dala niyang mainit na kape sa kanya. Natameme ako sa taglay niyang kagwapuhan at kakisigan na nakalimutan ko man lang magsorry. I just stare at him with my mouth half open.
"I'm sorry miss, but I think maxadong abalang natapunan ako ng mainit na kape habang nakaharang kapa sa daraanan ko. I had an important appointment. So, if you could excuse me and I'm sorry!" Sarkastiko niyang sambit na nagpabalik sa aking diwa.
I didn't have the chance to say, I'm sorry again dahil nawala nalang siyang parang bula. Hindi porket gwapo ka ay may karapatan ka nang magtaray. Sorry! Hindi ko sinasadya yun, kung sana pangit ka baka nakapagsalita ako agad kasalanan mong lantaran ang kagwapuhan mo.
"Ate my kaaway ka?" Biglang untag sa akin ni Brandon.
"H-Ha! A-Ah wala naman. Tara na baka mainip sina kuya Sandro at ate Trisha. Napakatagal mo kasi."
"Kasi kinuha ko pa ito."
"Wow! Congrats naman bunso. Naku, matutuwa si ate. Consistent ka talaga! Keep it up bunso isang taon plus isang taon pang review, magiging certified Lawyer kana. Naniniwala kami sa'yo ni ate na makakapasa ka, basta sundin mo ang bulong ng puso mo."
"Salamat ate. Para sainyo ni Ate Trisha, nanay at tatay."