Namimiss kona ang aking mga kapatid, lalo na si Kelly. Masyadong busy ngayon si Sandro at madalas siyang pumupunta sa ibang bansa. Alam kong may iba pa siyang negosyo bukod sa ospital at mall na pag - aari ng pamilya niya pero hindi ako nagtatanong kung anuman iyon. Hindi ko alam kung anu ang personal niyang negosyo na inaatupag sa ibang bansa. Sabi niya yun ang ginawa niyang pinaka base ng lahat dahit sentro daw ng materyales.
"Mommy!" Tawag sa akin ni Harris ang anak naming malapit ng magtatlong taon. Kaya tatlong taon ding hindi ko kasama ang mga kapatid ko. Pinalad si Brandon at napadpad sa Australia, samantalang nasa US naman si Kelly. Namiss ko na rin ang aking asawa, tatlong araw na siyang umalis.
"Yes! Baby?"
"I miss daddy." Kawawa naman ang anak kong makadaddy. Para silang pinagbiyak na bunga. Hindi maikakaila na anak siya ni Sandro.
"I miss him too baby, pero nasa trabaho pa siya. Gusto mo tawagan natin si tita Kelly at tito Brandon?" Paglalambing ko sakanya. Napakacute niyang tumitig sa akin ng seryoso. Ilang sandali pa at tumango siya. Naggroup call ako sa aking mga kapatid.
"Hi baby Harris! Miss ka na ni tito." Bungad agad ni Brando.
"Ako din, super miss you lil handsome." Sigaw naman ni Kelly na mukhang kakagising pa lang sa hitsura niya.
Dalawang taon na ganito ang aming bonding. Pasalamat nalang ako at kahit ubod sa pagkadisgusto sa akin ang magulang ni Sandro hindi niya ako pinabayaan at laging ipinaglalaban. Lagi siyang anjan sa aming mag - ina. Dahil sa pagmamahal at pag - aaruga niya ako naging matatag para sa aming pamilya. Hangad ko rin ang mabuting lalaki para kay Kelly kahit alam kong siya ang pinakamatapang at palaban sa amin.
"Ate Trisha, kumusta naman kayo jan, sa susunod na buwan makakapagbakasyon ako. Jan ako tutuloy sa inyo ni kuya Sandro." Sabi ni Brandon. Pinaupahan na namin ang aming dating bahay dahil ayaw kong ibenta, yun nalang ang natirang alaala sa aming magulang. Pinaayos namin, isang kwarto lang ang hindi namin ginalaw. Pwede naming tutulugan pero hindi pumayag si Sandro, kaya nagpalagay ng dalawa pang kwarto para sa mga kapatid ko dito sa bahay.
"Okay naman kami dito. Ikaw, kumusta ka jan, hindi ka sanay mabuhay mag - isa? Ikaw Kelly balita ko may boyfriend ka na, gusto kong makilala. Dapat kasing bait ni Sandro." Nakangiti kong tanong sakanila. Alam nilang namimiss ko na silang alagaan.
"Talaga ate Kelly, ipakilala mo naman! Ate Trisha pinapaiyak mo naman ako eh! Sobrang miss ko na ang mga luto mo, walang kasing sarap." Hindi na namin napigilang mag - iyakan. Pati si Harris umiyak na rin, nahawa sa amin.
"Kasi naman ate eh! Wala akong boyfriend, maling balita yun." Sagot ni Kelly pero iba ang ningning ng kanyang mata. Naku Kelly, pinagdaanan kona yan. Basta mahal ka at aalagan, hindi ko siya pipigilan.
Natapos ang aming halos magkakalahating araw na chikahan, kulitan at tawanan. Kahit papaano nawala ang pangungulila sa aking puso. Nakatulog na rin si Harris, napagod kakatawa sa mga pasabog ni Kelly at Brandon. Excited ako sa araw na uuwi si Brandon. Si Kelly baka dalawin nalang namin, sosorpresahin namin sa kaarawan niya.
Dinala ko muna si Harris sakanyang kwarto bago pumunta sa kusina at maghanda ng aming magiging hapunan. May isang katulong at yaya si Harris pero hindi ko inaasa ang lahat sakanila lalo kung nasa bahay ako. Para sa akin ang pag - aasikaso sa mag - ama ay trabaho at kaligayahan ko. Gusto kong ako ang mag - alaga sakanila lalo na kay Sandro. Gusto kong suklian ang lahat ng pag - aalaga at pagmamahal niya. Walang araw na hindi niya ipinaparamdam ang kanyang pagmamahal, lunod na nga ako sa kanya at hindi makaahon!
Busy ako sa kusina na naghahanda, hindi ko naramdaman ang pagpasok ng taong hindi dapat nasa loob ng pamamahay namin. Malaya niya palang pinapanood ang lahat ng ginagawa ko. Nilagay ko na sa kaldero ang mga ihahalong rekado. Napalingon ako sa boses sa di kalayuan sa aking likuran.
"Alam mo! Yan ang nababagay sa'yo maging katulong hindi maging asawa ni Sandro." Matapang niyang sabi habang nakasandal sa counter ng aming kusina at isa - isang tinitignan ang mga halo - halong gulay na isasahog ko sa aking nilagang baka.
"At sino ka naman para sabihin sa akin yun? Nasa pamamahay kita at tresspassing ang kaso mo dahil hindi kita pinayagang pumasok." Hindi man matapang ang aking sagot pero sinigurado kong may diin. Ganito sila ni Dra. Victoria, lumulusob kapag wala si Sandro buti nalang tulog na si Harris.
"Hahaha.. Says who, ng taong sinusuka ng pamilya ni Sandro. Hindi ka ba napapagod at nahihiya sa makapal mong balat. Ayaw na sa'yo pero anjan ka pa rin." Pangungutya niyang sagot. Ngumiti ako sakanya.
"At least Sandro doesn't hate me, but adores me so much. Mas importante ang iisipin at sasabihin ni Sandro dahil siya ang pamilya ko. Ikaw? Anung ipinaglalaban mo?" Nakangiti ko pa ring sagot. Dumilim ang kanyang mukha at mabilis na lumapit sa akin.
"Remember this b***h, he's mine! Akin lang siya at hindi magtatagal, mawawala siya sa'yo. Believe me!" Nanggigil niyang sagot sabay dakma ng kutsilyo sa ibabaw ng mesa at walang pasabing isinaksak sa aking tiyan. Huli na para mahawakan ko. Nakangiti siyang tumalikod at nagmamadaling lumabas ng bahay. Umiiyak akong napahawak sa aking tiyan, natatakot akong hilahin ang kutsilyo baka may maputol pa sa loob ko.. Huminga ako ng malalim at inipon ang buong lakas ko para sumigaw.
"LORENA!" Malakas kong sigaw na hawak parin ang kutsilyo sa aking tiyan habang nakasandal sa lababo. Saktong pasok ni Auntie Agnes. Natarantang lumapit sa akin. "Madam!"
"Auntie, please dalhin niyo na po ako sa ospital." Nahihirapan kong bilin. Hindi ganito ang kamatayan na gusto ko.
"Baby! I'm home!" Sagot ni Sandro papasok ng bahay. Bakit siya andito na, akala ako sa Friday pa siya darating. Tumulo ang aking luha. Hindi ko alam kung sinuswerte ako dahil umuwi na siya o nagkataon lang.
"Sir Sandro." Tawag naman agad ni Auntie Agnes. Ilang minuto pa at nasa kusina si Sandro. Ang masayang ngiti sa kanyang mukha ay biglang nawala pagkakita sa aking kalagayan.
"T-Trishaa..!" Nagkandautal niyang sambit. Tuloy pa rin ang agos ng aking luha.
"Sandro." Mahina kong sambit. Wala siyang sinayang na oras at binuhat ako sabay tawag sa gwardiya. "GARRY!" Nagmamadali namang lumapit ang gwardiya. Nataranta pagkakita sa aking tiyan. "M-Mam Trisha, p-paanong?" Utal din niyang naginginig na tanong.
"Kapag may mangyaring masama sa asawa ko, ikaw mananagot! Binabayaran kita para siguraduhin ang kaligtasan ng mag - ina ko kapag wala ako! Paanong nangyari ito sakanya!" Galit na galit na sigaw ni Sandro.
"Sir, huminahon muna kayo. Dalhin na muna natin si Maam sa ospital baka maubusan pa ng dugo." Pang - aawat ni Auntie Agnes. Matanda na si auntie Agnes at pinagkakatiwalaan ni Sandro. Pumikit si Sandro at muli akong binuhat palabas ng bahay. Sumunod naman si Gary at wala siyang imik na nagmaneho. Mas kilala nila si Sandro dahil andito na sila bago pa ako dumating. Alam nila kung saan dapat magsalita at kung paano ang mga kilos. Bibihira ko narinig si Sandro mag - utos o magbilin.
Tensiyonado si Sandro at walang imik. Dinig ko ang malakas na kabog ng kanyang dibdib. Mahigpit din ang pagkakahawak sa akin. Hinaplos ko ang kanyang mukha at ngumiti sakanya.
"Babe.." Malambing kong tawag. Lumingon siya sa akin at kita ko ang namumuong luha sa kanyang mata. Pinunasan ko ang kanyang luha bago pa pumatak.
"Trisha, mahal na mahal kita. Huwag mo akong iiwanan, tandaan mo yan!" Matigas at madiin niyang sambit. Hindi ko napigilang umiyak. Tumango ako sakanya at hinalikan siya bago ako tuluyang mawalan ng malay.