Evere's POV
Kanina pa kumakatok sa pinto ng cr si Sara para kausapin ako pero hindi ko iyon binubuksan. Ang kamay ko ay nasa tapat lang ng gripo at panay ang agos ng dugo doon. Malaki - laki ang sugat. Kanina pa rin ako iyak ng iyak dahil sa halo – halong emosyon ang nararamdaman ko. Lahat ng alaala ay bumabalik sa akin.
Kung paano ko siya nakilala...
Kung paano ko siya minahal...
Kung paano niya ako iniwan...
"Who is Paeng?" tanong ko kay Nana Conching ng makauwi na siya galing sa pamamalengke. Kanina ko pa talaga siya inaabangan. Gusto ko talaga kasing malaman kung sino ang lalaking iyon na kausap ni Uncle Rey na narinig kong Paeng ang pangalan.
"Bagong trabhador ng Uncle mo sa bukid. Kapalit ng tatay niyang maysakit," sagot niya sa akin.
"Tumango – tango lang ako at sinilip sila sa labas. Kausap pa rin niya ang Uncle Rey ko. Hindi ko mapigil ang sarili kong hindi humanga sa kanya. Matangkad siya. Napakaguwapo kasi niya kahit na lumang pantalon at butas – butas na t-shirt ang suot niya. Parang hindi nga siya bagay doon. Mukha siyang fil - am na galing ng Amerika at napadpad lang doon. Pero alam na alam kong galing siya sa mahirap na pamilya. Sunog ang balat niya sa maghapong pagta – trabaho sa bukid pero naroon pa rin ang karisma niya na alam kong gusto ng mga babae.
"Hay nako, ang alaga ko mukhang tinamaan na ni kupido," narinig kong sabi ni Nana Conching habang natatawang hinuhugasan ang mga gulay na pinamili niya.
Napangiti lang ako. "Ang guwapo niya kasi," at napahagikgik pa ako.
Napatawa lang si Nana Conching sa sinabi ko.
Huwag mo ng pagpantasyahan 'yang si Paeng. Hindi mahilig sa babae ang batang 'yan." Sabi pa ni Nana Conching.
Kilala 'nyo siya Nana?" Para akong nabuhayan ng loob.
Anak siya ni Pedro. Hindi mo na siguro kilala iyon. Matagal na namasukan sa papa mo pero nagkasakit kaya si Paeng na ang pumalit. Sayang nga at ang alam ko ay isang sem na lang ang batang iyan sa kolehiyo. Napilitang tumigil para magtrabaho," sabi pa ni Nana.
Parang lalo yata akong na - inlove sa kanya.
"Pero sinasabi ko na sa iyong bata ka, iwasan mo 'yang si Paeng. Magagalit ang papa mo kapag nalaman na nagkakagusto ka sa trabhador niya," paalala pa niya sa akin.
"Ano naman po ang masama? Crush ko lang naman," sabi ko at muli ko siyang sinilip. Nagsisibak na ng mga kahoy si Paeng. Parang gusto kong himatayin kasi kitang - kita ko ang mga muscles niya sa bawat pag - itak niya sa kahoy.
Mula noon ay inaabangan ko ang araw – araw na pagpasok ni Paeng sa bahay namin. Nalaman kong twenty- five years old na siya at nag - aaral sa State University sa lugar namin. Inabot na siya ng ganoong edad sa pag - aaral sa college kasi pahinto - hinto siya sa pag - aaral dahil sa kawalan ng pera. Tahimik lang talaga siya. Tuwing magkakasalubong kami ay nakayuko lang siya at hindi man lang ako tinitingnan. Naiinis na nga ako minsan kasi feeling ko ampangit ko para sa kanya. Hindi man lang niya ako pinapansin!
Minsan akong pumunta sa bukid namin. Mayroon kaming maliit na bahay doon na pahingahan ni papa at ng mga kaibigan niya. May swimming pool doon at gusto kong magbabad. Wala naman tao kaya sinuot ko ang two piece bathing suit na binili ko sa HongKong last month. Matagal na akong naglulunoy sa tubig ng maramdaman kong biglang nanigas ang paa ko. Hindi ko maigalaw at napakasakit! Pinupulikat ako! Taas - lubog na ako sa tubig. Nalulunod na ako dahil hindi ko maigalaw ang mga paa ko at nakakainom na ako ng tubig. Pero naramdaman kong may kamay na humila sa akin at iniahon ako. Umiiyak na ako noon sa takot dahil akala ko mamamatay na ako.
"Ligtas ka na. Huwag ka ng umiyak," narinig kong sabi ng taong sumagip sa akin.
Nayakap ako sa nagligtas sa akin at napaiyak. Takot na takot ako. Wala sa loob na napatingin ako sa nagligtas sa akin at nakilala kong si Paeng iyon. Basang – basa ito.
Kinakabahan pa rin ako dahil sa nangyari pero mas lalo akong kinakabahan na nandito si Paeng sa tabi ko at yakap ko. Amoy na amoy ko ang natural na lalaking amoy niya. Wala siyang pabango pero hindi rin siya mabaho. Saka mas guwapo pala siya sa malapitan.
"Bakit ka mag – isa dito? Wala ka bang kasama?" tanong pa niya. Dama ko pa rin ang pag – aalala niya. Marahan siyang lumayo sa akin dahil nakayakap pa rin ako sa kanya. Naku! Kung puwedeng ganito na lang kami forever.
"M - may ginagawa kasi si Nana Conching," tanging sagot ko. Alam kong naaasiwa si Paeng na kausap ako. Tingin ko, lalo siyang naasiwa sa suot ko dahil two piece bikini iyon. Hindi nga siya makatingin sa gawi ko. "I am Margaret. What's your name?" tanong ko pa sa kanya kahit alam ko na kung anong pangalan niya.
"Paeng," tanging sagot niya.
"I am so glad that you save me," nakangiti na ako ngayon.
"S - sige. Kung okay ka na aalis na ako. Baka hinahanap na ako ni Boss Rey," iyon lang at iniwan na niya ako. Narinig yata niya ang papalapit na mga hakbang ni papa.
I wasn't able to say thanks to him. But I know this will not be the last time that we can see each other.
"Evere, please open this door," narinig ko pang sabi ni Sara sa kabila ng pagkatok. Parang iyon ang nagpabalik sa akin sa realidad.
Nakita ko ang nag – aalalang mukha ni Sara ng buksan ko ang pinto. Lalo siyang nag – alala ng makitang namamaga ang mata ko kakaiyak.
"What happened? Oh, my god Evere? Ang dami – daming tao bakit kay Sir Rafa ka pa nagkamali?" Hindi naman niya ako sinisisi pero feeling ko ganun na din 'yun.
"Sorry. Sorry Sara. Hindi lang kasi maalis sa isip ko ang kalagayan ni Raffie," pagsisinungaling ko. Ngayon ko nararamdaman ang sakit ng sugat ko sa kamay. Medyo ampat na ang pagdudugo pero malaki - laki iyon.
Nakita kong napapikit sa desperation si Sara.
"Gusto mo doon ka na muna sa kitchen? Hindi na muna kita ilalagay sa dine in." suggestion niya sa akin.
Tumango ako. Mas gusto ko iyon. Mas makakapagtago ako sa mga tao. Maiiwasan ko si Paeng. O, sa tama bang pagkakarinig ko, Rafa na ang palayaw niya ngayon.
"Fix yourself, Evere. Ikaw pa naman ang pinagmamalaki ko kay Sir Rafa na model employee dito," tapos ay napatingin siya sa kamay ko. "That is a big cut. Sumunod ka sa office ko ng magamot 'yan," sabi pa ni Sara sa akin bago niya ako iniwan.
Napapikit ako. Bakit? Ang dami – daming bakit sa isip ko. Akala ko nakalimutan ko na siya. Bakit parang laging nagbibiro ang pagkakataon sa akin? Sa lahat ng taong kinalimutan ko, siya pa ang bumalik. At ngayon, magiging boss ko pa. Napatawa ako, malupit talaga magbiro ang tadhana.
——————-\
Rafa's POV
"You saw that chick? Damn! Hot one!" nakita kong sinundan pa ng tingin ni Luis ang Evere na tinawag ni Sara na patakbong umalis sa lugar namin.
Hindi ko alam kung sino sa aming dalawa ang nagulat ng magtama ang mga mata namin.
I know her.
Seven years ago she was just an eighteen year old teen who was head over heals inlove with me.
At ganoon din naman ako. Baliw na umiibig sa kanya.
But that was the past.
Pero hindi Evere ang pangalan niya. At hindi Quintos ang apelyido niya. The girl I knew seven years ago was Margaret Potenciano. Did she get married? Sino nga ang lalaking iyon? Ang nakita kong kasama niya sa kama sa mga litrato.
"Sir, pasensiya na po kayo kay Evere. Marami lang talaga kasi siyang problema kaya baka na – tense ng makita kayo. Her daughter is sick. Kaya siya absent kahapon dahil kahapon lumabas ang result ng bone marrow matching nilang mag – ina. Sad to say, they are not a match," kitang – kita ko ang lungkot sa mukha ni Sara ng makabalik sa puwesto namin.
"Ah, married na?" alam kong interesado si Luis kaya panay ang tanong niya. At parang ikinairita ko iyon.
Umiling si Sara. "I don't know what happened to Raffie's dad. She's been struggling with everything since what happened to her family. I know I am not in liberty to tell this to you but my friend needs this job. She's doing everything to make ends meet. Raffie's hospital bills are piling up and she's all by herself. I don't know how she does it, but when it comes to Raffie, she will do everything for her." Paliwanag pa niya.
So, iniwan din pala siya ng lalaking iyon. What's the name of that f*****g guy? Jerome? Ah, yes. Jerome Feliciano. Kilalang anak ng mayor nila noon sa Bicol. Sino nga ba naman ako? Isang anak ng isang sakiting magsasaka kumpara sa anak ng mayor.
"Hindi ka bagay sa anak ko. Ang taas naman ng ambisyon mo at pinangarap mo pa si Margaret. Tumingin ka na muna sa salamin. Lumugar ka sa dapat mong lugaran," kahit masakit na ang katawan ko, naiinintidhan ko pa rin ang sinasabi ni Gerry Potenciano. Ang ama ni Margaret.
Nandito ako ngayon sa gitna ng bukid. Bugbog na bugbog ang katawan dahil ipinagulpi niya ako sa mga tauhan niya ng malaman niya ang namamagitan sa amin ni Margaret.
"Mahal ko ho si Margaret. Nagmamahalan kaming dalawa," sagot ko.
Isang malakas na suntok ang isinagot niya sa akin.
"Gago ka! Matagal ng naka – kompromiso si Margaret sa anak ni Ben Feliciano. Hindi ikaw ang bagay sa anak ko. Hindi ko pinalaki si Margaret para maging mahirap na katulad mo! 'Tang ina ka! Ang kapal ng mukhang mo lumebel sa anak ko. Basura ka!" at muli niya akong sinuntok ng malakas tapos ay tinadyakan pa niya ang tiyan ko.
Umiling – iling lang ako.
Ilang pirasong litrato ang ibinato niya sa harap ko.
"Tingnan mong maige iyan. Ilang araw ka ng hindi sinisipot ni Margaret 'di ba? Dahil wala siya dito. Nasa Cebu siya kasama si Jerome. Ayan ang katunayan," sabi pa niya sa akin.
Nanginginig ang mga kamay ko habang dinadampot ang mga litrato. Pakiramdam ko ay literal na pinipiraso ang puso ko sa sakit. Si Margaret nga ang naroon. Himbing na natutulog sa kama kasama si Jerome na nakayakap dito. Parehong hubad ang katawan nilang dalawa.
"Napakabobo mo kasi. Katulad ka rin ng ama mong mangmang," sabi pa niya sa akin.
Hindi na ako makapagsalita. Hindi ako makapaniwala na magagawa ito sa akin ni Margaret. Alam kong totoo ang pagmamahal niya sa akin. Alam kong ako lang ang lalaking dumaan sa buhay niya pero bakit ganito? Bakit siya pumayag na may ibang pumasok sa relasyon namin?
Inihagis niya sa harap ko ang isang piraso ng papel at ballpen.
"Pumirma ka diyan,"utos ng tatay ni Margaret sa akin.
Blankong papel lang iyon. Malakas niya ulit akong sinuntok ng hindi ako gumalaw.
"Pumirma ka diyan! Gago ka!" muli niyang sigaw sa akin at isang malakas na tadyak naman ang ginawa niya.
Kahit labag sa loob ko, napilitan akong gawin iyon.
"Tigilan mo na si Margaret kung gusto mo pang mabuhay," iyon lang at iniwan na nila ako.
"Bro, Sara is saying something," untag sa akin ni Luis. Napatingin ako sa kanila. Kita ko ang nagtataka nilang tingin sa akin dahil siguro lumilipad ang isip ko kung saan.
"What?"
"If its’ alright to put her in the kitchen for the meantime. Trust me Sir, she is the best employee here. Give her a chance to prove herself," sabi pa nito sa kanya.
Tumango – tango lang ako.
"Whatever you think is good." Tanging sagot ko.
"So hindi 'nyo siya tatanggalin?" Paniniguro niya.
"She'll be under observation. Thank you, Sara. Sorry I took much of your time. You can go back to your work. We will just stay here for a while. Also, I want to see the files of all of our employees," sagot ko na lang sa kanya.
"Thanks sir. Just call me if you need anything," at tumalikod na siya sa akin.