Money Envelopes

1803 Words
Evere’s POV "Nay, laro tayo ng lutu – lutuan," nakangiting bati sa akin ni Raffie ng dumating ako galing sa trabaho. Ang saya – saya ng hitsura ng anak ko kahit na nga kita kong namumutla siya at may iniindang sakit. Pinilit kong maging masaya sa harap niya kahit na nga gusto ko ng mapaiyak ng maisip na naman ang problema namin. Sunod - sunod naman kasi. Hindi na kami match ng bone marrow ni Raffie, financially ay talagang tagilid din kami tapos nga sumabay pang nakita ko si Paeng at magiging boss ko pa! Pakiramdam ko lahat na ng problema ng tao sa mundo ay ipinasa sa akin. Nakita kong sumenyas sa akin si Nana Conching na pumunta ako sa kusina. "Sige anak, susunod si nanay diyan. Puntahan ko lang si Nana Conching ha?" paalam ko sa kanya at pinuntahan ko ang matanda na talagang hinihintay ako sa kusina. Nagtatanong ang tingin ko sa kanya dahil may mga envelopes na nakahilera sa mesa. "May problema ho ba tayo, Nana?" tanong ko. Huwag naman sanang meron pa dahil hindi ko na alam kung paano ko pa iyon haharapin. "Nakita ko iyan na nakaipit sa pinto kanina pag – uwi namin ni Raffie," sabi niya sa akin at iniabot ang mga maliliit na envelopes. "Ano ho iyan?" taka ko. "Buksan mo," utos niya sa akin. Nang buksan ko ay pera ang laman noon. Tatlong envelopes na tig- twenty thousand ang laman bawat isa. "Kanino ho ito galing?" taka ko at nagtatanong ang tingin ko kay Nana Conching. Walang siraulong magbibigay ng ganitong pera sa amin. Sa dami ng utang na iniwan ng papa ko, baliw na lang ang tutulong sa akin. Kaya nga hindi ko ginamit ang ang buo kong pangalan para hindi na nila ako masundan at mahabol pa. Umiling lang si Nana Conching sa akin. "Hindi ko alam. Pero kung sino man ang may bigay niyan, makakatulong iyan sa pampapagamot ni Raffie. Makukumpleto na niya ang pag – inom ng gamot araw – araw at maibibili siya ng mas masustansiyang pagkain," sagot niya sa akin. Gusto ko man isoli ang mga pera ay hindi ko naman alam kung kanino ito galing. Tahimik akong nagpasalamat kung sino man ang nagbigay noon kahit na nga hindi ko maisip kung sino ang puwedeng gumawa noon sa amin. Anghel siya na tutulong sa pangangailangan ng anak ko. "Kumuha pala ako ng tatlong libo diyan at ipinangbayad ko sa renta dito sa bahay natin. Alam mo naman si Caring, hindi puwedeng ma – delay ang bayad sa renta. Saka nagpabili din si Raffie ng ice cream kanina. Ibinili ko na din. Kawawa naman at takam na takam ang bata," sabi pa sa akin ni Nana Conching habang patuloy sa paghuhugas ng plato. Marami pang sinasabi si Nana Conching pero lumilipad ang isip ko habang nakatingin ako kay Raffie na busy sa paglalaro. Habang nakangiti ang anak ko na nilalaro ang mga luma niyang laruan ay parang nakikita ko ang mukha ng lalaking nakita ko kanina sa mukha niya. Hinding – hindi maipagkakaila ang pagkakawangis nilang dalawa. Naalala ko ang nangyari kanina. Nakita ko si Paeng. Pero hindi na siya ang Paeng na kilala ko noon. Hindi na siya ang mahiyain pero masayahin na Paeng na minahal ko. Ibang – iba ang itsura niya. Authoritative ang itsura. Nakakatakot. Parang hindi ka puwedeng magkamali at parang hindi marunong magpatawad sa kokonting pagkakamali lang. Napailing ako. Ganon ba ang ginawang pagbabago sa kanya ng fifty thousand pesos? Ipinagpalit niya ang pagmamahal ko sa fifty thousand pesos. "Pa, please. Let me see Paeng," umiiyak ako kay Papa. Nagmamakaawa ako sa kanya na payagan niya akong puntahan si Paeng. Ilang araw na akong nakakulong dito sa bahay. At alam kong may masama silang ginawa kay Paeng. Pero ibinato lang sa akin ni Papa ang isang piraso ng papel. "Ipinagpalit ka na sa fifty thousand ng Paeng na sinasabi mo," sagot niya sa akin. Ayokong maniwala. Hindi magagawa ni Paeng iyon. Alam kong mahal niya ako at hindj niya ako ipagpapalit sa kahit na magkano. Pero hindi nagkakaila ang sulat na hawak ko. Pera mo lang ang kailangan ko. Hindi kita minahal kahit kailan. Ganoon kaiksi lang ang nakasulat doon pero pakiramdam ko ay tagos na tagos sa puso ko ang sakit noon. "Ganyan ka katanga. Kukuha ka lang ng lalaki, mahirap pa sa daga. Ayusin mo ang sarili mo at darating sila Ben kasama si Jerome. Kailangan na mapag – usapan ang kasal 'nyo," sagot sa akin ni papa at iniwan na ako. Masakit na masakit kasi kahit kailan hindi ko naisip na ganoong klaseng tao si Paeng. Kahit mahirap siya, alam kong hindi ako ipagpapalit ni Paeng sa kahit na magkano. "Nay, akala ko ba maglalaro tayo?" Napatingin ako kay Raffie. Nakita kong kanina pa pala siya nakatayo sa harap ko. Saglit akong napatitig sa kanya at kahit saang anggulo ay mukha ni Paeng ang nakikita ko sa kanya. Hindi maikakaila ang pagkakahawig nilang mag - ama. Pinilit kong ngumiti at niyakap siya. "Tandaan mo. Mahal na mahal ka ni nanay," sabi ko sabay halik sa kanya. ----------------------- Rafa’s POV Kanina pa ako nakatitig lang sa folders na nasa harap ko. Iyon ang mga folders na ibinigay sa akin ni Sara na mga files ng employees ng Lafayette. Nabasa ko na lahat ang mga naroon pero ang nag – iisang folder ni Evere Quintos ay hindi ko magawang buklatin. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa makikita ko. Alam kong wala na akong nararamdaman para sa kanya. Matagal ko ng ibinaon sa limot kung anuman ang namagitan sa amin noon. Ginamit niya ako para sa pagrerebelde niya sa tatay niya. Natatawa ako sa tuwing maiisip ko ang katangahan ko noon. Napakadali kong napaniwala na mahal niya ako. Huminga ako ng malalim at binuksan ang folder. Naroon ang resume ni Evere. Napatitig ako sa 2x2 picture na nakadikit doon. Iyon pa rin siya. Maganda pa rin ang maamong mukha. Nag – matured ng konti pero naroon pa rin nawawala ang lakas ng s*x appeal niyang nakikita ng mga lalaki. Alam kong masayahin siya pero sa litrato na narito ay kita ko ang kawalang sigla ng kanyang mga mata. "What's your name?" Napatigil ako sa ginagawa kong pagbayo sa mga kahoy na ibinabaon ko sa lupa ng marinig na may nagsasalita sa likod ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ng makita ko ang napakagandang babae sa likuran ko. Nakasuot lang siya ng simpleng maong shorts at puting –shirt. Kilala ko siya. Si Margaret. Pamangkin ni Boss Rey. "Mam, kayo po pala," iyon lang ang nasabi ko. Ngumiti siya ng matamis sa akin at umupo sa malapit sa akin. "What's your name?" ulit niya. "Paeng," pakilala ko. "Paeng?" natatawang sabi niya. "Bakit Paeng? What is your real name?" "Rafael Tolentino mam," sabi ko. "You have a nice name bakit naman, Paeng. But I kinda like it, Paeng." Sabi pa niya na nanatiling nakangiti sa akin habang tinitingnan ang ginagawa ko. "I wasn't able to say thank you last time. Kung hindi ka dumating doon siguradong patay na ako ngayon," sabi pa niya sa akin. At umupo malapit sa akin. Ang iksi ng maong shorts niya at lalong lumitaw ang mapuputi at makikinis niyang hita. Tumingin ako sa paligid kasi baka naroon si Boss Rey at ang mga tao niya. Siguradong malilintikan ako kapag nakitang kausap ko ang pamangkin niya. Numero unong bawal dito ay ang pakikipag – usap kay Margaret. “T – tungkol saan mam?” tanong ko. Pakiramdam ko ay pinapawisan ako ng malapot. “Last time. You saved from drowning. Nakalimutan mo na agad?” Nakangiting sagot niya. Ang ganda niyang ngumiti. Pantay – pantay ang mga ngipin. Naisip ko ang nangyari nung nakaraan. Mabuti na lang at napadaan ako sa garden at nakita ko nga siya na nalulunod sa pool. "Wala po iyon, mam." Napalunok ako ng maalala ko ang pagkakasagip ko sa kanya. Kahit umiiyak siya noon ay hindi nakaligtas sa akin kung gaano siya kaseksi sa suot na two piece bikini at ang kinis - kinis niya. Hindi ko nga maintindihan ang nararamdaman kong sagipin ko siya. "Please stop calling me mam. Just call me Margaret. And please stop saying ho and opo. Matanda ka pa sa akin," nakangiting sabi niya sa akin at tumayo na. "Busy ka bukas? Samahan mo naman ako sa bukid. Mayroon na pinagawa na kubo doon si papa. Gusto ko lang makita," sabi pa niya sa akin. “Baka magalit ho si Boss Rey. Bawal kasi kaming makipag – usap sa iyo.” sabi ko. Kumunot ang noo niya. “Bawal? Bakit? Anong masama sa pakikipag – usap sa akin?” pinagpag pa niya ang shorts. “Basta bukas. Samahan mo ako. Hihintayin kita, ha?” "I – ikaw ang bahala." Iyon na lang ang nasabi ko. Parang wala akong lakas na tanggihan siya. Habang papalayo siya ay lumingon pa siya sa akin. "Bye Paeng. See you tomorrow," at tuloy – tuloy na siyang umalis. Napakarami niyang binago sa mga nakasulat na detalye doon. Parang hindi na nga siya ang Margaret Potenciano na nakilala ko. Parang tinalikuran niya kung saan siya nanggaling. Kung saan pamilya siya nagmula. Pitong taon. Pitong taon na pala ang nakakalipas mula ng sirain ni Gerry at Rey Potenciano ang buhay ko. Ang buhay ng pamilya namin. Wala naman akong kasalanan kundi ang mahalin si Margaret. Para na rin sa kapakanan ko, napilitan si tatay na paalisin ako sa lugar namin dahil papatayin daw ako ng grupo ni Mayor kapag nakita ako. Hindi daw matanggap ni Jerome na nagkaroon kami ng kaugnayan ni Margaret. Sa Maynila nga ako napadpad. Ang kapatid ni tatay na si Tiyong Daniel ang tumulong sa akin. Siya ang kumupkop sa akin. Ginawa ko ang lahat. Nagsikap ako. Lahat ng klaseng trabaho pinasok ko para makatapos ako ng pag – aaral. Hanggang sa makilala ko si Don Roberto. Hindi ko alam kung ano ang nakita niya sa akin pero tinulungan niya ako. Siya ang tumulong sa akin para marating ko kung anuman ang meron ako ngayon. Napakalaki ng tiwala niya at pinabayaan niya ako sa pamamalakad ng mga negosyo niya. Siya ang naging financier ko ng maglakas loob akong magtayo ng sarili kong restaurant at ito nga. After seven years ilang food establishments na ang pag - aari ko and I am planning to invest more. Isinara ko ang folder ni Margaret at sumandal ako sa kinauupuan ko. Pitong taon ang lumipas at nagkita kami ulit. Pero baligtad na ang mundo ngayon. Sa nakikita ko ay mahirap pa sa daga si Margaret. May anak pang maysakit. Napailing ako. Ibang klase din talaga kung gumanti ang karma. Hindi ko na kinailangan pang isipin kung paano ako gaganti sa pamilya niya. Karma na mismo ang gumawa noon para sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD