Rafa's POV
Sa dami ng papel na nasa harap ko, pakiramdam ko ay kailangan ko munang matulog para makakuha ng panibagong lakas. Sumasakit na ang ulo ko sa dami ng problema ng bagong restaurant na nabili ko. Parang ngayon ko gustong magsisi. Kung hindi lang talaga pakiusap ni Tiyong Daniel na tulungan ko ang kaibigan niya ay hindi ko sasaluhin ang restaurant na iyon. Ang daming problema sa BIR, sa sales, sa business permits. At mukhang problema pa sa tao. Kung ako din ang masusunod, mas gugustuhin kong bagong empleyado lahat. Pero mapilit si Tiyong. Maawa naman daw ako sa mga taong mawawalan ng trabaho kung hindi ko ire – retain ang mga regular na doon.
"Dadaan ka sa Lafayette mamaya?" narinig kong tanong ni Luis ng makapasok sa office ko. Diretsong naupo sa kaharap kong upuan at nagsalin sa baso ng nakitang brandy sa mesa ko.
"Kausapin ko lang si Sara. After I fired two employees yesterday, baka may madagdag pa. May isang employee na hindi pumasok kahapon kahit pinapapasok. Alam mo na. Kung may matigas ang ulo at magiging problema kailangang palitan para hindi gayahin," sagot ko at ibinalik ang atensiyon sa pinipirmahan kong mga papers.
"And Mr. Rafael Tolentino strikes again. Magpapaiyak ka na naman ng tao. Malay mo naman may importanteng nilakad. Ikaw talaga. Let this one pass. Nagtanggal ka na nga ng dalawa, magdadagdag ka pa. Chill," nakita kong natatawa pa si Luis at inisang lagukan ang isinalin na brandy tapos ay nilalaro – laro ang ballpen sa table ko.
"I've given them a warning. New management, new rules," tanging sabi ko.
"Kaya bansag sa'yo ng mga empleyado eh, Triggerman. Wala kang puso," natatawa lang sabi niya. "Kaya ang daddy ikaw ang paborito. Kasi kapag may gusto siyang ipatanggal sa iyo, ikaw ang puwede niyang ibala sa sobrang tibay ng dibdib mo."
Hindi ako nakaimik sa sinabing iyon ni Luis. Wala daw akong puso. Yes. I don't have that anymore. I killed it seven years ago.
"Bayaan mo na 'yung employee na nag - absent. For once, let this one pass. Babae ba? Malay mo maganda," sabi pa ni Luis.
"Kahit pa siya ang pinakamagandang babae, kung matigas ang ulo niya, tatanggalin ko pa rin siya," sagot ko.
Ayokong – ayoko kasi sa lahat ang ipinagwawalang – bahala ang isang trabaho. Kahit ano pa yan, kahit taga hugas ng plato ang trabaho, dapat mahalin iyon. Ayoko ng tamad. Ayoko ng waldas. Dahil bago ko naabot ang kinalalagyan ko ngayon, napakarami kong isinakripisyo.
"Kelan pala ang dating ni Faye?" Tanong pa niya.
Oo nga pala. This week na dadating ang girlfriend kong si Faye from her month long vacation sa Paris. Nakalimutan ko na darating siya dahil sa dami ng trabaho ko.
"I think three days from now."
Napangiwi si Luis sa narinig na sagot ko.
"Well, good luck. For sure, kulang na lang leash and chains para hindi ka na makawala sa tabi niya," natatawang sabi pa niya sa akin.
Napatawa na lang din ako.
—————-////
Agad akong sinalubong ni Sara, ang manager ng Lafayette Restaurant ng makita akong paparating. Sa kulit ni Luis, napilitan na lang din akong isama siya para lang matigil na. Luis has been my friend mula ng makilala ko siya five years ago. Anak siya ni Don Roberto na may – ari ng sikat na Johnnie's Café na pinagtrabahuhan ko dati. Isa akong service crew sa branch niya sa Malate. Ewan ko kung anong nakita niya sa akin at binigyan niya ako ng task. Sabi sa akin ni Don Roberto, gagawin niya akong manager sa branch na iyon kung mapapataas ko ang sales. In three months ay nakatakda na iyong magsara dahil sa pangit na performance. Challenge iyon sa akin. Ginawa ko ang lahat para lumakas ulit ang branch. At sa loob ng dalawang buwan, nagawa kong madoble ang sales ng branch. Sa ika - third month ay naging triple pa. Hindi natuloy ang pagsasara ng branch na iyon at sa ngayon, iyon ang number one branch sa lahat ng chains of coffee shop ni Don Roberto. Tinulungan niya ako para matutunan ko ang pasikot – sikot sa food industry. Siya ang taong pinagkaka – utangan ko ng loob kung anuman ang meron ako ngayon.
"I think mag – eenjoy ako sa pagsama sa iyo dito. My eyes are already feasting," nakangising sabi ni Luis ng maupo sa upuan na itinuro ni Sara habang nakatingin sa paligid. Alam ko ang sinasabi niya. Maraming magagandang babae siyang nakikita. Napatawa ako. Talagang babae ang weakness ni Luis.
"Sara, what happened to that employee who didn't show up yesterday? She better have a valid reason for being absent," seryosong sabi ko ng makaupo si Sara sa harap namin. Inilagay niya ang mga folders na naglalaman ng mga employee files na titingnan ko mamaya.
"Sir, my apologies for that. Actually, she was really on leave yesterday. She already filed it since last week. She got doctor's appointment and yesterday was the only schedule the doctor had," paliwanag niya sa akin at iniabot sa akin ang copy ng leave form.
Evere Quintos.
Iyon ang nabasa kong pangalan ng empleyado doon.
"Sir, I can call Evere if you want to talk to her. I can vouch that she really had to be absent yesterday. Please. Don't fire her. She really needs this job," damang – dama ko ang pag – aalala sa boses ni Sara. She really cared for this one.
"Rafa I told you, let this one pass. May valid reason naman. Tigilan mo muna ang pagiging triggerman mo and chill," nakatawang sabad ni Luis habang nakikipagngitian din sa isang server na naroon malapit sa kanila. "Tumingin ka sa paligid mo para ma - unwind ka."
Ngayon ako nagsisisi kung bakit isinama ko pa itong si Luis. Kahit kailan talaga hindi ito nagseseryoso sa trabaho kaya naman ang trabahong para sa kanya ay sa akin ibinibigay ng tatay niya.
——————//////
Evere's POV
Pakiramdam ko ay nagra – rambol ang bituka ko sa tiyan. Sabi kasi sa akin ni Sara na darating daw ngayon ang bagong may – ari ng Lafayette at kailangan kong maging handa kung anuman ang gagawin o magiging desisyon nito. Ayoko na munang isipin ang problema ko tungkol sa sakit ni Raffie. Ito na muna ang aayusin ko.
"Evere, serve mo 'to sa table nila Mam Sara," sabi sa akin ni Paul habang inilagay sa harap ko ang tray na may mga baso ng juice.
"Ako na lang kaya?" Sabad ni Angel. “Nandiyan kasi ‘yung bagong may – ari. Ang guwapo talaga.”
"Si Evere ang sabi ni Mam Sara na mag - serve. Doon ka nga sa kitchen," painis na sabi ni Paul kay Angel.
Umirap si Angel at padabog na bumalik sa kitchen.
Napahinga na lang ako ng malalim at kinuha ko ang tray. Malayo pa lang ay nakita ko na si Sara na seryosong nakikipag – usap sa dalawang lalaki. Mukhang ito yata ang mga bagong may – ari. Papalapit pa lang ako ay nakita ko ng nakangiti sa akin ang isang lalaki na naroon at ang isa ay nakatalikod sa akin.
"Rafa, it's a good call that you retained all employees here. Hindi ko alam kung makakakuha ka pa ng mga servers na kasing ganda nito," narinig kong sabi ng lalaki ng makalapit ako.
Ibababa ko na lang ang hawak kong tray ng makita kong tumingin sa akin ang Rafa na tinawag nito. At hindi ko alam kung bakit biglang nanlamig ang mga kamay ko. Parang nawalan ng lakas ng mga braso ko kaya wala sa loob na nabitiwan ko ang hawak na tray at bumagsak ang lahat ng laman noon sa sahig.
"Evere!"
Si Sara ang napasigaw dahil sa nangyari. Napatingin ako sa kanya at kitang – kita ko ang pagkagulat sa mukha niya.
Bakit siya nandito?
Anong ginagawa niya dito?
Bakit nandito si Paeng?
"Miss are you alright?" napatingin din ako sa lalaking kanina lang ay nakangiti sa akin. Ngayon ay nag - aalala na ang mukha niya.
And when I looked at Paeng, he is just staring at me blankly. Walang reaksiyon. I know hindi siya masaya na nakita niya ako.
"Evere, what happened?" lumapit na sa akin si Sara at tinulungan ako na damputin ang mga nabasag na baso doon. Nanginginig ang mga kamay ko habang dinadampot ang mga nabasag na bubog. Sumugat pa sa kamay ko ang isang malaki at matalim na bubog kaya tumulo ang dugo doon. Sumenyas si Sara sa isang utility na punasan ang tumapon na mga juices.
"Your hand. You're bleeding, Evere. Ano ba ang nangyayari sa iyo?" Natataranta na si Sara.
"D – dumulas sa kamay ko. P – pasensiya na," iyon lang ang nasabi ko at umalis na doon. Hindi ko kayang magtagal sa lugar na iyon.