Four

2132 Words
"Now, what?" Nangalumbaba siya sa bar counter at patagilid akong tiningnan dahil magkatabi kami. "Anong 'now, what'?" Umayos siya ng upo saka binigyan ako ng makahulugang ngiti. "Alam mo habang tumatagal, nare-realize ko na bagay kayo. Oh, teka, 'wag ka umangal. Come on, Gino's the most handsome guy in the whole university. For sure ang daming babae ang nangangarap na mapunta sa pwesto mo, ano! Bakit hindi mo nalang i-enjoy si fafa Gino?" I winced with her words. "Kadiri ha!" "Kadiri?" Exaggerated siyang humarap sa pwesto ko. As in, humarap talaga. "Girl, do you even hear yourself? Si Gino iyon, si Gino na mahal na mahal ng lahat. My gosh! Baka naman malabo na mata mo, ha?" Umayos ako ng upo at sumimsim ng wine sa wine glass ko. Nasa bahay kami ngayon, it's Friday and my parents are out. Katatapos lang ng klase namin at dumiretso kami rito. Catch up lang. Medyo naging busy rin kasi pareho ang linggo namin. And this girl, aba! May manliligaw na. Two weeks pa lang mula nang mag-start ang klase pero may love life na agad. "Alam mo, kahit gaano pa ka-gwapo ang isang tao kung pangit naman ang ugali, ekis iyon." "Huh? Pangit ang ugali? Si Gino?" "Oo." "Paano mo naman nasabi, eh, ilang minuto pa lang kayo nagkakasama." Natigilan ako at medyo nakonsensya. She has a point. Totoo naman na iilang beses ko pa lang siyang nakausap. It's too early to judge.  "Fine! Pero isnabero pa rin siya at masungit." "Baka mahiyain lang?" Sa pagkakataong ito ay binato ko na siya ng masasamang tingin. Kanina pa ito tanggol ng tanggol sa Gino na iyon, ah? "You're so annoying." The whole weekend, I waited for Gino's text or chat. Ano? Ako ang mag-a-approach? Pero walang dumating. Not even a follow nor a friend request. Hindi ako pala-social media pero inabangan ko talaga ang pangalan niya na lalabas sa notification ng cellphone ko. He's so annoying! Next Saturday na ang simula ng pagdalo namin doon sa facility for cancer patients pero hanggang ngayon ay wala kaming matinong napag-uusapan.  Monday. Muli ko na naman siyang nakita na papasok ng gate. Katatapos ko mag-park ng sasakyan at ang sasakyan niya ay naka-park sa halos tabi ng akin. May isang sasakyan lang sa pagitan kaya nakita ko siya agad.  Sa halip na lapitan ay nagkunwari ako na hindi ko siya nakita dahil magkakasalubong din naman kami. At literal na salubong dahil nabunggo ko siya. Hindi ko iyon sinasadya. Medyo lutang din kasi ang isipan ko habang naglalakad. "Tss." Umirap siya at saka ako iniwan doon. Wow? Just what the fvcking hell happened? Sinundan ko siya ng tingin habang kunot na kunot ang noo. Bakit ba masyadong ma-pride ang tao na iyon? Talaga bang hindi niya man lang ako tatanungin o i-a-approach para sa mga plans na gagawin namin? Pabagsak kong ibinaba ang bag sa upuan. Mas lalo akong nairita nang makita ang pagkakapal-kapal na libro namin for Taxation. Napakadami na namang kailangang basahin at sagutan. Aish! Minsan talaga nagsisisi ako na ito ang kurso na in-enroll ko, eh. "Bad morning, eh?" sita ni Shaira, kaklase ko na nakaupo sa likod namin. I groaned. "Sinabi mo pa." "Busy sa project niyo ni Gino?" Sarkastiko akong tumawa. Busy? Ni wala pa nga kaming nasisimulan maski tuldok doon. Hindi ko na lang siya sinagot at ayaw ko na rin munang isipin ang Gino na iyon. Sana pala ay nag-aral na lang ako whole weekend at hindi na hinintay pa ang message niya. And about that letter? Huh! Susunugin ko na lang iyon dahil wala namang katotohanan lahat ng sinulat niya.  Pagdating ng lunch ay sa usual spot kami kumain ni Alyanna. Pinag-usapan namin ang nalalapit na pag-uwi ni ate. Hindi lang halata pero sobrang excited ko. Feeling ko fan din ako sa sobrang excited na makita siya.  "So, kailan mo ipapakilala sa akin ang suitor mo?" tanong ko kay Alyanna. Ang sabi niya ay schoolmate daw namin. She gave me a mischievous smile. Halos kasisimula lang manligaw pero parang hulog na hulog na ang kaibigan ko. She's not usually like this.  "Makikilala mo na rin siya soon." Kasalukuyan kaming nag-uusap nang may pabagsak na nagbaba ng plastic na baso na may laman na juice sa mesa namin. Napatayo ako pero huli na dahil tumalsik na sa damit ko ang ilang patak no'n. Tumingin ako kay Aira. She's wearing a super fancy top which makes her looking so "over". Madilim ang mukha niya at halatang inis na inis. May mga babae sa likod niya na animo'y mga alalay. Ang ilang mga naroon ay natigil sa ginagawa at tumingin sa amin. "What the fvck!?" Alyanna grunted. "Ano bang problema mo?" "Anong problema?" Aira laughed like a mad woman. "Sa'yo, wala. Pero dito sa ahas mong kaibigan, malaki!" Ibinaling niya ang tingin sa akin. What is this all about again? Huwag na huwag niya lang talaga ako mabigyan ng napakababaw na rason dahil pababayaran ko sa kanya itong suot ko sa dobleng halaga. Gosh! She's so annoying! "What is it?" kalmadong tanong ko kahit nanggagalaiti na ako sa galit. Her face reddened even more in anger. "Ang kapal ng mukha mo. At talagang nakipag-team ka pa sa kanya para sa isang project?" Nagulat ako at alam niya. "Oh, bakit? Gulat ka, ano? Of course I know what are my boyfriend's whereabouts." "Boyfriend mo raw si Gino?" tanong ni Alyanna at halos matawa ako in advance dahil parang alam ko na ang kasunod no'n. "Alam niya daw ba? Single daw, sabi." Hindi siya pinansin ni Aira. Sayang! Nagkunwari ito na walang narinig. "Sa tingin mo ba ay maaagaw mo siya sa akin?" She looked at me from head to foot. Kulang na lang ay sabunutan niya na ako ngayon.  I sighed. "Wala akong panahon para sa mga drama mo, Aira." "What did you just say? Drama ko? Naririnig mo ba ang sarili mo? O baka gusto mo isigaw ko sa lahat dito kung sino ka talaga? Ha?" "Eh, 'di sabihin mo," sabi ko at tinalikuran siya. I grabbed my bag and walked away. Hindi naman na siya gumawa pa ng eskandalo. Wala na akong narinig na sagot niya. Sumunod si Alyanna sa akin pero naghiwalay na rin agad dahil hindi naman kami magkaklase. Pagdating ko sa classroom ay nagulat ako nang medyo madami kami. Huh? Nadagdagan ang upuan at medyo naging siksikan pero hindi rin naman gaanong mainit. Must be the aircon. "Anong meron?" tanong ko kay Monica pagkaupo ko sa tabi niya.  "Combined class for the lecture daw." She shrugged. "Two hours tayo dito. Nagpaalam na raw siya sa next prof natin." "Ha?" Tumingin ako sa harapan. "Eh, nasaan na siya?" "Wala pa yata. Nasabi lang nung isang student from the other class." Pamilyar ang mga mukha nila. Sila yung mga accountancy students sa kabilang section, sila rin ang mga kasama namin last election of officers. Sila rin yung--  "s**t," I muttered when my eyes caught Gino. Naka-earphones ito at nagbabasa ng libro, walang pakielam sa paligid. And you know what's crazy? Halos katabi ko siya dahil yung upuan sa pagitan namin ay bakante. How come I didn't notice him? Wala ng space dahil pinagdikit-dikit ang upuan at ang tanging daanan ay sa gilid at sa harapan ng mga upuan kung saan nakaupo mismo ang mga estudyante. "Ches, mag-move raw. May uupo." "Ha?" Batid kong medyo nalakasan ko ang reaksyon ko dahil napatingin ang ilan sa akin. I looked up to see Sarah, she's Gino's classmate. Nakatayo siya sa tabi ni Monica at nag-aabang ng upuan. "A-ayaw mo rito?" I offered her the seat between me and Gino. "Dito ka na lang." "Ano ka ba?" bulong ni Monica. "Ang sikip na nga. Hindi siya makadaan. Lumipat ka na lang tapos lilipat din ako at siya rito." Napapikit ako sa inis at walang nagawa kung hindi tumabi kay Gino. Sa gilid ng mata ay sinilip ko siya. He didn't even move a bit. Mistulang walang pakielam sa nangyayari. Nagbaba ako ng tingin sa libro at alam ko na agad na basic accounting book ang binabasa niya. Huh? Why is he reading that? First year subject pa namin iyan, ah? Well, baka nagre-review ng concepts. Ganyan din ako minsan. "Move your hand." Napatalon ako sa gulat nang magsalita siya. Hinawakan ko ang dibdib saka siya tiningnan ng masama. His face is as blank as my paper on an exam day.  "What?" I mouthed.  Nagbaba siya ng tingin sa kamay ko na nakapatong sa gilid ng mesa niya. Agad ko namang inalis iyon at napairap sa inis. Seriously? Sobrang liit lang naman ng space. Ang OA niya ha!  "Good afternoon, students." Umayos na ako ng upo at humarap sa teacher namin. Bagaman nandoon ang tingin ay alam kong ang buong atensyon ko ay nasa katabi ko. Kaunting galaw niya lang ay kinakabahan ako. My gosh! If that letter didn't happen, I am not like this today. "Okay! We'll solve it by two's. This is a comprehensive problem and I'll give you ten minutes to solve it." "Sir!" Someone raised her hand. Tumango si sir upang payagan itong magsalita. "Paano po yung by two's, Sir? Kami ho ba ang mamimili?" "No. Para mas madali ay kung sino ang katabi niyo, sila na ang kasama niyo. Any other questions? Para makapagsimula na tayo." Yes! Buti na lang at si Monica ang katabi ko. Humarap ako sa kanya pero agad na natauhan nang makita itong nakaharap sa katabi niya. Napatampal ako sa noo at unti-unting humarap sa totoong partner ko for this activity. Kasalukuyang namimigay si sir ng copies at ako naman ay nagsimula na ring maglabas ng mga gagamitin. That's just one problem, hindi ko alam kung paano namin paghahatian ang gagawin. "Okay, students, timer starts now." I looked at the content of the paper. Ugh! Ang haba! Binabasa ko pa lang ay tinakpan niya na agad ng papel na pagsusulatan. "Name?" anito. "Huh?"  Matalim na naman ang tingin nito nang mag-angat ng tingin sa akin. "Name?" "Cheska," I answered it in the most stupidest way I can. Pumikit siya ng mariin at halatang nagpipigil ng inis. "Full name." He looked at his watch. Para bang sinasayang ko ang oras. "F-francheska Guerrero." Hindi niya alam ang full name ko? That's impossible. Baka naman tinanong niya lang iyon para may masabi? He wrote my name on the sheet of paper under his name. His handwriting isn't so nice. I mean, nababasa naman, hindi lang super ganda. Wait... Bakit parang iba yung handwriting sa letter? Tinitigan kong muli ang sulat niya. Really, it looks-- "I injured my hand a few days ago," anito na para bang nahahalata na medyo nilalait ko ang pagsusulat niya. Wait, so hindi talaga ganito ang sulat niya? Mas maayos? "Last eight minutes." "Ha?" Eksaheradang reaksyon ko. I heard Gino tsk'ed like he's so pissed that I am his partner. Kinuha ko ang activity sheet sa kanya at binasa. After almost two minutes, I said to him, "Hindi naman comprehensive ito, ah?" Basically marami lang nailagay na tricks or mga panggulo. But you'll just have to add three accounts and that's it. Ginulo-g**o lang talaga at naglagay pa ng mga percentage, situations... "Answer?" tanong niya. Agad kong inilagay sa calculator yung mga amount per account at saka sinabi sa kanya. Walang tanong-tanong na isinulat niya iyon at tumayo saka nagpasa sa harap. "Wow! Tapos na agad? Hala..."  Naramdaman ko ang pagkataranta ng mga kaklase ko. Ganyan din naman ako kapag may nakikita na nakakapagpasa na. "Okay. Tapos na si Miss Guerrero at Mr. Sanderson." The prof looked at our paper. May mumunting ngiti na umalpas sa kanyang labi. Hindi ko alam kung proud ba siya o natatawa. "Hindi mo man lang d-in-ouble check, baka mali iyon," bulong ko kay Gino. "I already computed it on my mind before you gave me the answer. That's double checked." Nagbuga ako ng hininga sa kayabangan niya. I rolled my eyes. Gusto kong dumukdok pero baka mapagalitan ako. After the time given, halos walang nakatapos no'n. The prof gave us, two, an applause for passing ahead of time and also for giving him the right answer. "Great job, you two. I'll give you additional points for this." Yes! Tuwang-tuwa ako nang lumabas ng classroom yung teacher. Nag-lecture siya bago ch-in-eck yung activity.  Tinalikuran ko si Gino at nakipag-usap kay Monica dahil akala ko ay kakausapin ako nito. But he just left without saying a word. Wow! Bakit pa nag-expect ako, eh lagi naman siyang ganyan. Tss. So, paano ang mangyayari sa project namin? Lilipas na naman ang isang araw na walang nangyayari. Should I just report to Ma'am that Gino is not cooperating? But then, am I? Eh, maski ako ay nag-aabang lang din ng sasabihin niya. Gosh! This is so freaking annoying. Nami-miss ko na yung kalmadong college life ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD