bc

The Love Letter

book_age12+
531
FOLLOW
3.3K
READ
love-triangle
aloof
kickass heroine
independent
student
bxg
lighthearted
campus
city
school
like
intro-logo
Blurb

Francheska Guerrero is busy living her life being ordinary despite of her family's popularity in their town. A studious lady on weekdays, a fashionista on weekends.

One time, she saw a random letter inside her school bag and it actually came from their university's well-known gorgeous but snob guy: Gino Sanderson. Cheska is shocked and overwhelmed. With lots of question in her mind, she tried avoiding Gino, and even tried making friends with him.

But the thing is, no matter what she does, Gino doesn't even care about her presence. Worse, she's not even sure if the guy knows her.

But...

What about the letter?

Read to find out.

-Miss Raine-

chap-preview
Free preview
One
Francheska Gutierrez's POV "Ano raw ginawa?" "Nakiupo raw sa mesa nila sa may cafeteria, eh, marami namang bakanteng upuan." "So? Anong sinabi ni Gino?" "Duh! As usual, diretsahan niyang sinabi na ayaw niya. So, Aira has to move. Hindi naman siguro abot impyerno ang kakapalan niya ng mukha para ipilit pa." Tinanggal ko ang earphones sa tainga na wala namang music dahil na-lowbatt ang phone ko. I looked at the two girls walking away from my place. Nakaupo ako sa may bench at nakadukdok sa kahoy na mesa, nagpapahinga dahil lunch break at katatapos kong kumain. Aira Sarmiento did something stupid again. Hindi na nakakapagtaka iyon, she's always like that, lalo na pagdating kay Gino Sanderson, she has always wanted to flirt with the guy. I mean, yeah, wala naman akong masyadong alam sa kanila pero kung puro tsismosa ba naman ang mga estudyante sa university na ito ay wala akong magagawa. I'm not interested with their shits anyway. Tiningnan ko ang relo ko. Ten minutes early before the afternoon class. Tumayo na ako at nagsimulang magligpit ng gamit. "Hi, Francheska," I glanced at the girl who has this weird make up on her face, "What are you doing alone here? Wanna grab lunch?" Pinikit ko ang mata at pilit humanap ng pasensya. And then after some seconds, I looked directly in her eye and smiled, "I had my lunch already, sorry." "Oh," dismayadong sagot niya at pasimpleng tumirik ang mata. "Maybe next time, then?" Hindi ko na iyon sinagot pa at kinuha ang bag ko. Hindi ko na yata maiaalis sa buhay ko ang mga ganoong tao. What's weird is, alam ko agad kung sino ang plastic sa hindi. Hindi naman ako super friendly pero kahit papaano maganda naman ang turing ko sa ibang tao- except people who approach me just for fame. "Ches, may upuan pa rito!" Kumaway si Monica sa gawi ko. Pinasadahan ko ng tingin ang katabi niyang upuan. Sa dulo iyon ng classroom, okay na rin. Lumapit ako sa kanya at ibinaba ang bag ko sa mesa. Monica isn't my friend but we're almost like that. Classmate ko na kasi ang mga kaklase ko ngayon since first year, well except sa iilang transferee, kaya medyo malapit na rin ako sa kanila. But not in a personal way, it's more of a friend inside the class. Almost all of my classmates are studious. Kaya para sa akin ay ayos lang naman silang kasama, walang plastikan, walang pakikipag-close kunwari para lang sa kasikatan o pera, walang ganoon. Chill lang. Kanya-kanya kami ng mundo rito. Not to mention most of them are introverts. Pagkaupo ko ay bumalik na sa pagbabasa si Monica at ako naman ay dumukdok para kumuha ng kaunting tulog pero bago ko pa man maipikit ang mata ay dumating na ang prof namin, and the class started. Four in the afternoon natapos ang last subject namin. Hihikab-hikab akong lumabas ng classroom habang yakap-yakap ang makapal na libro. "Bye, Cheska," paalam ng ilan kong mga kaklase. I waved at them before walking away. Pababa ng hagdan ay may narinig akong nag-aaway. It's very rare na magkaroon ng ganitong away sa Accountancy and Business Ad building. Out of curiosity ay lumapit ako sa kung saan mayroong ingay. But I ended up rolling my eyes after finding out that it's Aira Sarmiento. It's her again. "What did you say?" Tinulak ng kanyang daliri ang noo nung babaeng kaaway niya. The other girl looks a bit maldita, too, but for sure takot sumagot iyan. Aira's parents are lawyers and you know, if you don't have that kind of connection here, better shut up. That's how it works in our university, particularly in our department. Kaya nga plastikan dito, eh. Kung sikat ang friend mo, sikat ka rin. If binubully ang friend mo, then ikaw na next. The kind of world you often see only in movies. Sumandal ako sa railings at pinanood pa ang mga sumunod na eksena. "And FYI, hindi ako pinaalis ni Gino dahil hindi niya ako gusto, ayaw niya lang na ma-issue at gusto niyang tahimik na kumain. So if you have nothing to do with me nor to Gino, shut your fvcking mouth, idiot!" Natahimik ang mga nakapaligid sa kanila. Walang umawat kahit na may mga lalaki pa roon. May nanguha pa nga ng video pero agad nakuha ni Aira ang phone nung babae at initsa sa kung saan. The girl glared at her but immediately got scared and stepped back. I almost cracked a laugh with the scene. "Videographer pala pangarap mo, bakit ka nandito?" Aira, Aira, tsk tsk. Maya-maya lang ay nagtinginan silang lahat sa akin. Bahagya akong nagulat at umambang aalis ngunit nahagip ng mata ko si Aira. She glared at me, raised her brow, and rolled her eyes eventually. In return, ngumiti ako sa kanya at saka umalis. "Katagal mo," reklamo ni Alyanna nang makarating ako sa may locker room namin. "May eksena sa taas, eh, naki-tsismis lang ako ng kaunti." "Oh? Weird. Sinong bida?" Isang tingin lang ay na-gets niya na agad kung sino. Humalakhak siya. "Kulang talaga sa pansin ang babaeng iyan." then after a while she said, "Ang init dito. Sa labas na ako maghihintay." "Sige. Kunin mo na itong bag ko, may iaayos lang ako sandali." Kinuha niya ang bag ko saka lumabas. Napatampal ako sa noo nang makita ang mga cards na muli na namang bumalik sa locker ko. Seriously, they should just remove the paper hole here para wala ng naglalagay ng kung ano-ano. Hindi ko binasa ang mga iyon at idineretso sa basurahan. They can just approach me if they are really sincere. Lumabas din ako agad at kinuha ang bag ko kay Alyanna. Sabay kaming nagtungo sa parking lot. Madalas kasi siyang sumabay sa akin kapag wala ang sundo niya dahil magkalapit lang kami ng bahay. I drove my own car, that's why. "How's the day, Miss Accountant?" She grinned from the passenger seat. "Awesome," sarkastiko kong sagot. Sabay kami na nagtawanan and instead, she told me about her day dahil sa totoo lang, wala naman talagang kaaya-aya sa araw-araw kong buhay. Si mommy lang ang tanging nadatnan ko sa bahay, she's doing this blog thing on her laptop when I came in. "Honey," tumayo siya at hinalikan ang pisngi ko. "I baked some cookies. Baba ka agad pagkatapos mo maligo." "Okay, mom." Her lips split on the both sides of her cheeks before sitting back again to her favorite area, on the bean bag in the little corner of our living room. Inayos ko ang strap ng bag ko bago umakyat sa kwarto. Nadaanan ko ang room ni ate, and I always feel sad whenever I stopped by on that area. Hindi ko man palaging sinasabi, I missed her, a lot more than she can ever imagined. Isa lang ang kapatid ko, we're very close since we're only two and we're both girls. She's even more busier than my parents, an international model to be exact kaya bihira nalang kami magkita ngayon. I guess show business really runs in the blood- except for me. Director si daddy, retired actress si mom and ngayon nag-b-blog nalang siya, my grandparents own a talent agency which was handled by my uncle now. I sat on the corner of my bed while combing my hair. Katatapos ko lang nag-shower. Very simple lang ang theme ng kwarto ko, aesthetic and minimalist. White, beige, cream, and light pink. I have my study area, a bean bag on the corner for reading, a mini refrigerator, my own bathroom, a vanity area, a closet for my bag, for my shoes, and a small one for my jewelries and perfumes. Pagkatapos magsuklay ay bumaba na rin ako at sinaluhan si mommy magmeryenda. She asked about my day and she told me how hers was. Nag-coffee nalang din ako and that's it for dinner. Hindi ko na nahintay si daddy dahil may mga readings pa ako. Unang linggo ng pagiging 4th year Accountancy student ko, isang linggong paghihirap na mukhang pasimula pa lang. Nang mag-weekend ay hindi na ako nakapag-shopping dahil tambak sa gawain. Kaya nang mag-Monday ay medyo magaan nalang dahil nakapag-advance reading na ako sa mga subjects at nagawa ko na ang ilang requirements. "Hi, busy-bee." Gulat kong nilingon ang bumunggo sa balikat ko. It's Alyanna. "Hindi ka nag-online buong weekend, ah? Icha-chat sana kita, eh!" "You can just text me," sagot ko habang naglalakad. Hindi naman kasi ako mahilig mag-scroll sa socmeds. I prefer reading books and studying. "Ano ba sasabihin mo?" "Itatanong ko lang sana kung legit 'yung fan signing event ng ate mo rito." "Huh?" I glanced at her. Nahinto ako sa paglakad at kumabog ang dibdib ko sa pinaghalong gulat at excitement pero ayaw ko rin masyadong umasa. "Kanino mo nalaman?" She shrugged. Humigpit ang hawak niya sa strap ng bag. "Hindi mo alam, so, baka fake news lang. Nabasa ko lang sa isang post sa facebook." Sa mismong spot na iyon, pinahawak ko ang bag sa kanya at saka tinawagan si mommy. Thank God nasaktong sa malilim na part kami huminto. After three rings, mom answered. (Bakit?) "I have a question, mom." (Tungkol sa ate mo?) "How did you know?" My heart's beating tripled. Please, sana nga totoo. I missed my sister a lot. (Magkakaroon siya ng fansigning event dito next month. Sinabi niya sa akin last week ng tumawag siya.) "OMG, mommy! How come she didn't tell me?" But then, kailan ba kami huling nagkausap? I think the last time we talked is before the school start and that's almost two weeks ago. (Baka nakalimutan lang niya. Hindi pa ba nagsisimula ang klase mo?) I looked at my watch. Omg! Nanlaki ang mata ko. Nawala sa isip kong almost time na pala kaninang pumasok ako kaya medyo binilisan ko ang paglakad. And now, I'm five minutes late! At sa fourth floor pa ang room ko. Ibinaba ko agad ang tawag at agad nagpaalam kay Alyanna. Patakbo kong inakyat ang first floor, second floor, at biglang natigil habang tumatakbo sa hallway ng third floor dahil may nakabunggo. Napunta pa sa likod ko ang bag na nasa gilid ko dahil iyon ang natamaan. Hinihingal akong tumigil saka tiningnan ang nabunggo ko. I'm not sure kung sino ang may kasalanan sa amin because he obviously doesn't look at his way. Nakatutok ang tingin niya sa cellphone at may earphones pa sa magkabilang tainga. Nakatagilid siya sa akin nang tumingin. My heart stopped beating for a while as I recall who it was. His black disheveled hair and charcoal round eyes makes him look like a bad guy- cool type. Salubong ang makakapal niyang kilay. Ngayon ko lang siya nakitang ganito sa kasalukuyan. Nang kumurap ito ay saka lang ako natauhan. I looked at my watch again. Damn. Walang paalam na tumakbo ako patungo sa fourth floor at hinihingal na huminto sa tapat ng classroom. The teacher looked at me and smiled. "Good morning, Ma'am," nahihiyang bati ko. "Come in now, Miss Gutierrez," malambing ang boses na sambit niya. Thank God it's not the strict one. Nang makaupo ay naalala ko na naman ang mukha ni Gino Sanderson, the ultimate type of every girl in this school- well maski naman ako kung pagdating sa looks but I prefer someone who has a good heart than a bad one with an angelic face. Iyon nga lang, mailap sa tao ang isang iyon. Ewan ko rin kung bakit. Medyo introvert din naman ako pero hindi tulad niya. Gino Sanderson is also an accounting student. Dalawa ang section ng accountancy sa amin. It was eight sections back in first year, ang kaso ay dahil nga strict ang department, nagkakaroon ng exam every sem at doon nagtatanggalan- kapag hindi na-reach ang preferred points or grade. I don't know the reason kung bakit mula eight section hanggang maging dalawa ay never ko pa naging kaklase si Gino. I actually want to be his classmate dahil bali-balita na magaling talaga siya. Maybe I can ask him tips about studying or if I have questions regarding the subject... "Cheska--" "Ay, Gino!" Agad kong naitikom ang bibig. Pinaningkitan ako ng mata ni Monica. "Gino Padilla. Pinakikinggan ko yung mga songs niya, ang galing, ano?" Nagtataka man ay hindi nalang niya pinansin. "May copy ka ba ng subjects natin next sem?" "Yup. Why? Wala sa'yo?" "Nawala ko yung paper, eh." "I'll send you the list nalang later." She nodded and looked in front again. Nakahinga ako ng maluwag nang hindi siya nagtanong tungkol sa nabanggit kong pangalan, though nagpalusot naman na ako agad. Pagdating ng lunch break ay dumiretso na ako sa usual spot ko sa may bench sa likod ng building namin. Ayaw ko sa cafeteria dahil super dami ng tao, but kumakain din naman kami paminsan-minsan doon lalo na kapag nagmamadali. "Na-late ka?" Ibinaba ni Alyanna ang foods namin sa may mesa. Marami-rami ring dumadaan na mga estudyante rito pero mas kakaunti naman kumpara sa canteen at cafeteria. "Oo. Pero hindi naman napagalitan." "Nasalubong ko si Gino kanina. Hindi kayo nagkasalubong?" I glanced at her. "Nagkabungguan kami pero hindi ko na nakausap dahil nagmamadali ako." "As if naman kakausapin ka no'n," she chuckled. "But come to think of it, Ches, bakit hindi mo kaya i-try kulitin si Gino? Alangan namang maski ikaw hindi rin niya type? Naku, ewan ko nalang talaga." I hissed. "Ang kulit na nga ni Aira hindi pa umubra, ako pa kaya?" "Sabagay."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rewrite The Stars

read
98.3K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
250.5K
bc

WHAT IF IT'S ME

read
69.1K
bc

His Cold Heart [On-Going ]

read
39.8K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook